Chapter X

FRANZESS

ANG mga mata niya ay tila biglang naging blangko na hindi ko maipaliwanag. Parang may nais siyang sabihin pero hindi ko naman mawari kung ano.

Bigla niyang kinuha ang top na suot ko at saka na siya ang kusang nagbuhol niyon sa akin.

"R–Red, h–hindi mo ba itutuloy—"

"This is what you did to me yesterday, woman. You ran away," nakangisi niyang wika sa akin. "Change your clothes," dagdag na utos niya at saka niya ako marahang iginilid at lumabas na siya ng pinto.

Alam na alam kong kitang-kita ang disappointment sa mukha ko. Hindi ko kayang itago. Akala ko ito na ang panahon na masasabi kong hahawakan niya ako dahil gusto niya at hindi lang dahil may pangangailangan siya.

Napapakagat-labi akong humarap sa salamin at tiningnan ang kabuoan ko.

Maganda naman ang kurba ng katawan ko, kaya hindi ko makuha kung bakit mas madalas niyang pigilan ang sarili niya na may mangyari sa amin kaysa wala. Hindi ko alam kung anong iniisip niya.

Kung nakakadiri ba ako?

Hindi ba ako ka-akit-akit?

O dahil doon . . .

Hindi ko na alam. Parang hindi ko maproseso.

Lumabas akong muli nang hindi nagpapalit ng damit. Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang tapang ko na salungatin ang mga gusto niya para sa araw na 'to pero bahala na. Kahit minsan lang siguro.

Bumalik ako sa mga nasa gilid ng dagat at nakita ko silang nagkakasiyahan. Tuluyan na rin lumubog ang araw. Mga ilaw na lang sa mga poste at bonfire ang nagbibigay liwanag sa paligid.

"FRANZ! TARA RITO!" sigaw ni Jolina kaya't naglakad ako papalapit sa kanila. Nakapaikot sila sa bonfire at hindi ko alam dahil tila bawat hakbang na ginagawa ko ay napapaso ako na hindi ko maintindihan.

Ang posisyon nila sa pagkakaikot ay, si Trayn, Bianca, Elisa, Seiver, Casspian, bakanteng pwesto, Jewel, Red, Jolina, Alas, Rachel, Nadia, kaya't naupo ako r'on sa bakanteng pwesto. May kaniya-kaniya silang inumin na lata ng beer sa harap nila.

"Are you okay?" tanong sa akin ni Casspian nang maupo ako sa tabi niya.

"Opo," nakangiti kong sagot sa kaniya.

Biglang pumalakpak si Trayn para kuhanin ang atensyon namin kaya't napagawi lahat ng tingin sa kaniya.

"May announcement ako, bukod sa tanong ko kung masarap ba ang barbecue," tumatawang wika niya.

"Cut the chase, fucker," ani Seiver sa kaniya sa seryosong tono. Naroon na naman ang atensyon nito sa telepono nito.

"Sir, huwag mo sabihing magpapakasal ka na dahil papatayin ako ni Miss Mikaela," ani Nadia. Tinutukoy niya ay ang managing director ng Paranoia.

Natawa si Trayn sa sinabi ni Nadia at bigla itong umakbay kay Bianca. "Of course not. Nag-e-enjoy pa lang kami ni Biancs. Hindi pa kami ready na mag-settle," aniya at nakita ko ang pag-ismid nina Jolina at Nadia. Alam na alam kasi nila ang modus ni Trayn. Hindi naman iyan nagseseryoso sa babae. Hanggang enjoy lang talaga.

"So, ano 'yon?" tila excited na tanong ni Jewel.

Nadaanan ng mga mata ko si Red at nakatingin siya sa akin o mas tamang sabihin na nakatingin siya sa mga braso namin ni Casspian na nag-uuntugan dahil magkatabi kami.

Agad akong napalunok ng laway at dahan-dahan na napayuko. Pakiramdam ko, delikado na naman ako kapag ganito.

"Paranoia will be having a concert in Siargao City and it will be for a cause! May mga bata kasing nangangailangan ng pera for their chemotherapy," balita niya at nakita ko ang excitement sa mukha ni Alas at Seiver.

One thing na gustong-gusto ko sa banda nila, mahilig silang tumugtog lalo na kung for-a-cause. Gustong-gusto nilang may kinapupuntahan ang kita ng concert, dahil kung sariling bulsa lang nila, puno naman at wala na halos mapaglagyan ng kayamanan. Hindi nila problemang lima ang pera.

Nagbukas ng lata ng beer si Casspian, saka niya ito inabot sa akin.

"Here. Para hindi ka gaanong lamigin," aniya at kinuha ko naman ito.

"Salamat po—"

"I told you before, huwag mo akong i-po," bulong niya kaya't napatango ako.

Tumayo si Nadia at mukhang kukuha yata siya ng mga barbecue dahil ubos na ang mga narito sa harap namin.

"So, sino bang organizer ng event, 'tol?" tanong ni Alas sa kaniya.

"Si Miss Jassy. Iyong talk show host na napag-guesting-an ni Red. Maayos naman ang transaction kaya hindi magiging mahirap. Isa pa, smooth siyang kausap at malinaw ang kontrata," sagot nito at sunod-sunod na napatango si Alas sa kaniya.

Napalingon ako kay Seiver nang kukuha sana ito ng beer pero wala na dahil huli na ang ibinigay sa akin ni Casspian.

"K–kukuha po ako," anas ko, saka ako tumayo.

Paalis na sana ako nang pigilin ni Casspian ang pulso ko. "Samahan na kita," aniya kaya't napatango ako.

"Nasa pantry. Makikuha na rin nga kayo ng yosi. Yosing-yosi na 'ko!" ani Trayn at tumango na lang ako kahit na hindi ko alam kung nasaan ang yosi.

Habang naglalakad kami palayo ni Casspian sa kanila ay alam kong masasama ang tingin na ipinupukol sa akin ni Red. Kahit hindi ko lingunin ay ramdam ko.

Sa sobrang conscious ko, may bato pala sa harap ko, hindi ko pa napansin. Natisod ako, ngunit mabuti na lang ay nasalo ako ni Casspian kaya't hindi ako sumubsob sa buhangin.

"Are you okay?" nag-aalala niyang tanong habang nakahawak sa magkabilang balikat ko.

Tumango ako sa kaniya, saka ko siya nginitian. "Oo. Salamat," anas ko, saka niya ako inalalayan na makatayo nang maayos.

Nakarating kami sa pantry at agad ko namang nakita ang mga beer sa may malaking cooler.

"Here," ani Casspian at paglingon ko ay inaabutan pala niya ako ng basket. "Lagay mo r'yan para hindi tayo mahirapan magdala," utos niya na agad kong ginawa.

Kumuha ako ng labing-dalawang bote at inilagay sa basket.

"Iyong sigarilyo raw ni Sir Trayn," paalala ko sa kaniya nang lalabas na sana kami ng pantry.

"Oh. I almost forgot," aniya at sa gulat ko ay tumungo siya sa pintuan ng kuwarto namin ni Red.

"A–anong ginagawa mo r'yan?" kabadong tanong ko kahit na wala namang dapat na ikakaba.

Imbes na sagutin ako ay tuluyan siyang pumasok sa loob kaya't agad akong sumunod.

May kinalkal siya sa itim na bag ni Red at bigla siyang may inilabas na sigarilyo mula roon.

Hindi ko alam na naninigarilyo si Red.

"This?" Mukhang napansin niyang nagtataka ako. "Kaniya-kaniya kasi kami ng tago ng sigarilyo ni Trayn. Kapag hindi namin siya nilimitahan, masusunog agad ang baga niya sa loob ng isang buwan. He requested us to do this for him," nakangiti niyang wika sa akin at sunod-sunod akong napatango.

"Ahh. Akala ko kasi naninigarilyo si Sir Red," wika ko at lumapit siya sa akin saka ginulo ang buhok ko.

"You are so attach to that cute monster. If only I found you first, I would choose you more than Jolina. Ang sarap mong mag-alaga," nakangiti niyang turan sa akin.

Ang genuine talaga ng mga ngiti ni Casspian. Malayo sa mga ngisi ni Red na hindi mo alam kung kailan siya may gagawin na hindi maganda o hindi makabubuti sa 'yo.

"Medyo mataas po kasi siyang magpasuweldo," pagbibiro ko na ikinatawa nito.

"I can double or triple your salary. Just choose me," aniya at alam ko naman na nagbibiro lang siya.

Ang totoo, hindi ko kahit na kailan ginalaw ang suweldo ko kay Red. Lahat iyon ay nakaipon lang sa isang atm card. Wala akong paggagagamitan niyon dahil lahat naman ng kailangan ko ay agad niyang ibinibigay.

"Loyal po ako," nakangiti kong sagot sa kaniya kaya't muli niyang ginulo ang buhok ko.

"Tara na nga. Hindi ka pala masusuhulan," anito sa akin at nauna na siyang lumabas ng silid bitbit ang basket ng beer at kaha ng sigarilyo.

Bumalik kami sa puwesto namin kanina ngunit sa pagtataka ko ay si Red na ang katabi ko, hindi na si Jewel. Tila sila nagpalit ng puwesto.

Hindi ko na iyon pinansin pa. Nagbukas na lang ako ng beer ay inabot iyon kay Seiver.

"Salamat, Franz," anito sa akin at ngumiti.

"Yah! Ang boring! Mag-spin-the-bottle na lang tayo! Para naman sulit ang gabi," suhestiyon ni Jolina at parang na-thrill lahat ng naritong mga babae puwera sa akin. Hindi talaga ako sanay sa mga ganito. Lumaki akong walang kaibigan kaya hindi ko alam kung ano ba talaga ang pagpapakasaya na gaya nito.

"Go ako!"

"Me too!"

"Count me in!"

Halos hindi sila magkamayaw sa pagpayag kaya't nasunod ang gusto ni Jolina.

Kumuha si Elisa ng bote at iyon ang papaikutin ni Jolina sa gitna.

"Truth or dare lang tayo. Kapag nag-pass sa truth, gagawin ang dare. Kapag nag-pass sa dare, sasagutin ang truth. Magtataas lang ng kamay ang gustong maglapag ng tanong o ng dare. Kapag nag-pass ka na sa truth at nalaman mo ang dare, bawal nang bumalik sa truth and vice versa," paliwanag niya at tumango ang lahat.

"Ready!" sigaw ni Nadia.

Pinaikot ni Jolina ang bote at kakaba-kaba ako nang bigla itong tumutok kay Casspian. Akala ko talaga ay sa akin na. Nakakanerbyos pala ang ganitong laro.

"Truth or dare, Sir?" tanong ni Jolina sa amo niya.

"Truth," sagot ni Casspian at ang nagtaas ng kamay ay si Alas. "What's your question?" aniya rito.

"After your break up with Hannah, naramdaman mo na ba ulit iyong naramdaman mo sa kaniya noon?" tanong ni Alas.

Wala akong ideya kung sino si Hannah, pero ramdam kong malaking parte siya ng buhay ni Casspian.

"Yeah," tipid niyang sagot at nakita ko ang gulat sa mga mata ng apat niyang kabanda. Oo, maging kay Red.

"With whom?" Lahat ay napalingon kay Red nang magsalita siya.

Ngumisi sa kaniya si Casspian at umiling. "One question at a time," anito at siya na ang nagpaikot ng bote.

Natapatan ng bote si Elisa at nakita ko ang saya sa mga mata nito lalo na nang si Rachel ang nagtaas ng kamay.

"Truth or dare—"

"It's a dare, sis. Hindi ako umuurong. Alam mo 'yan," mayabang na pahayag nito kay Rachel.

"Hug someone you like in this circle," anito at nakita ko kung paanong sumilay ang nakakalokong ngisi sa mga labi nito.

Bigla siyang lumingon kay Seiver na abala sa telepono nito at bigla na lamang niya itong niyakap nang mahigpit na ikinabigla ni Seiver. Hindi rin nakaligtas sa mata ko ang paglapat niya ng dibdib niya sa hubad na katawan ni Seiver.

"Tssss," dinig kong bulong ni Nadia. Iritado talaga siya sa mga kaibigan ni Bianca dahil halata ang mga motibo ng mga ito.

"Sorry," anito kunwari nang makabawi na si Seiver ng gulat sa ginawa niya.

"It's just a dare, it's okay, but the next time you do it without my permission, you'll end up with a broken arm," ani Seiver at nakita kong nabigla si Elisa.

"Hahaha!" biglang tawa ni Trayn pero ramdam naman na awkward iyon. "Nag-jo-joke lang 'yan si Seiv!" aniya para siguro gumaan ang atmospera ng paligid.

"I–I know," utal na wika ni Elisa saka hirap na ngumiti.

Siya na ang nagpaikot ng bote at habang unti-unti itong humihinto ay kakaiba ang nerbyos ko. Lalo na yatang huminto ang tibok nang tuluyan na itong tumapat sa akin.

"Truth or dare?" tanong ni Elisa na mukhang hindi masaya na ako ang natapatan ng bote.

"T–Truth," utal na sagot ko sa kaniya.

Biglang nagtaas ng kamay si Elisa mismo nang matapos kong sumagot.

"Are you still a virgin? If not, who took your virginity?" anito at parang nawindang ako sa narinig ko. Para akong binagsakan ng mga hollow blocks sa gulat.

"D–dare na lang," bawi ko dahil hindi ko masasagot ang tanong na iyon. Ayaw kong mapahamak kami ni Red—lalo na si Red. Baka mamaya ay isa sa mga tao rito ay ipagsabi sa media ang malalaman nila.

"Dare? Hmmm. Kiss someone you like in this circle—oh, yes. Torridly please," tumatawang wika nito at lalo yatang nagwala ang sistema ko sa sobrang gulat sa narinig ko.

"Grabe naman 'yon!" ani Nadia at tumawa siya na tila napipikon na.

Lumunok ako ng laway ko at hindi ko alam ang gagawin ko.

Kapag hinalikan ko si Red, siguradong maku-curious sila sa relasyon na mayroon kami. Isa pa hinding-hindi papayag si Red na halikan ko siya. Ayaw na ayaw niyang papangunahan siya o hahalikan siya. Mag-iisang taon na kaming kasal ngunit hindi pa nagawang lumapat ng mga labi ko sa mga labi niya dahil siguradong ikagagalit niya at mas hindi ko gugustuhin kung tuluyan niya akong kasusuklaman dahil lang doon.

Wala sa sariling humarap ako kay Casspian na alam kong ikinagulat ng lahat. "S–sorry po. K–kailangan lang," bulong ko sa kaniya ngunit kita ko rin na gulat na gulat siya sa naging pagharap ko.

Unti-unti kong ibinababa ang mga labi ko sa mga labi ni Casspian. Pumikit na rin ako para maging mabilis na lang at hindi ko maramdaman, ngunit bago pa tuluyang lumapat ang mga labi ko sa mga labi ni Casspian ay naramdaman kong may humaklit ng braso ko.

Walang habas niya akong hinarap sa kaniya kaya't idinilat ko ang mga mata ko at sumalubong sa akin ang poot sa asul niyang mga mata. Kitang-kita ko ang galit niya.

"You are supposed to kiss me, Mrs. Allen. Aren't you?" bulong niya sa akin at sa isang iglap ay nakalapat na ang mga labi niya sa mga labi ko.

Ito pala ang lasa ng mga labi ng isang Red Yvan Allen. Totoo pala . . . totoong nakakahalina.

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

VOTE | COMMENT

**

FINALLY! HAHAHAHA. Mr. and Mrs. Allen n'yo, may first kiss na. 🤣

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top