Chapter VI
FRANZESS
HALOS hindi ko maproseso ang ginawa at sinabi ni Red. Bumigat ang bawat paghinga ko na para bang hindi ko maisip kung ano pa ang mga susunod niyang sasabihin.
Balak ko sanang agawin mula sa kaniya ang kamay ko ngunit nagulat ako nang pagsalikupin niya ang mga kamay namin.
Higit pa siguro sa salitang gulat ang makikita sa mukha ko ngayon. Kakaibang pakiramdam ang dulot ng kamay niya sa kamay ko. Para akong napapaso ngunit hindi ko gustong lumayo o alisin ang kamay ko sa kamay niya.
"Red, i–iyong kamay ko—"
"What?" anas niya, saka ako hinila patayo.
Nagulat ako nang magkahawak-kamay naming tinalunton ang kinaroroonan ni Alaina na para bang hindi inaasahan ang ginawa ni Red.
"H–how . . . how could you left me for this woman?" ani Alaina nang makalapit na kami sa kaniya.
Napakagat-labi ako dahil sa tanong niya at napayuko. Hindi ko alam kung anong isasagot ni Red sa tanong na iyon ni Alaina, dahil kung ako ang tatanungin, hindi ko rin naman alam ang kasagutan. Hindi ko mahanap ang tamang dahilan kung bakit pinili niya ako kaysa kay Alaina. Maraming paraan para makabayad ako ng utang ngunit ito pa ang pinili niyang paraan.
Nag-angat ako ng tingin nang hindi pa rin sumasagot si Red at natagpuan ko siyang sa akin pala nakatuon ang mga mata.
"How many times do I have to tell you that you should be proud that I am your husband?" aniya at parang muli na naman akong na-estatwa sa sinabi niyang iyon.
Hindi ko inakalang sasabihin niya iyon sa harapan mismo ng dati niyang kasintahan at dapat na papakasalan, na alam kong minahal niya nang buo at totoo. Para akong nananaginip. Hindi ako makapaniwala.
"S–sorry. N–nahihiya ako. Sa tuwing kukuwestiyonin nila ang pagiging asawa ko sa 'yo . . . p–pakiramdam ko wala akong karapatan na manatili sa tabi mo," anas ko, saka ako muling yumuko.
May mga luhang nagbabadya sa mga mata ko at gusto kong gawin ang lahat para lamang mapigilan ang pagpatak nila. Ayaw kong gumawa ng eksena. Ayaw kong sirain ang kaarawan ni Papa Arthur. Ayaw kong gumawa ng bagay na magiging dahilan para lalo akong pag-usapan ng pamilya ni Red.
Hinatak niya ako bigla para mas mapalapit pa sa kaniya na halos nakayakap na ako sa katawan niya. Gulat na gulat ako sa mga oras na ito. HINDING-HINDI KO INAASAHAN NA MANGYAYARI ANG GANITO KAHIT NA KAILAN.
Napatingin ako kay Alaina at bakas sa mga mata niya ang lungkot at sakit. Naiintindihan ko siya, alam kong sobrang sakit ng nararamdaman niya pero hindi ko magagawang ibigay si Red sa kaniya gaya ng ninanais ng mga mata niya.
"Reason? My wife is honest. She tells me everything that runs in her mind," ani Red at nakita ko pang ngumisi siya kay Alaina. "Don't fucking think that I am using her to hurt you . . . because I no longer care about you, Ms. Hillman. So if you'll excuse us, we're going home. I don't want to ruin my wife's night making her think that she's not enough," mahaba niyang turan kay Alaina at nakita kong tuluyan nang tumulo ang mga luha nito ngunit walang pakialam si Red. Iginiya na niya ako palayo sa mga tao at papalabas ng mansyon.
"Red. . . ."
"I told you, there's no reason to be jealous."
ABALA ako sa pag-aasikaso sa mga susuotin nilang lima dahil ngayon ang isang mini concert nila sa bayan ng Bulacan. Pumayag si Seiver na magtanghal dito dahil sa bayan na ito siya isinilang. Ang alam ko ay nakiusap ang Mayor nitong San Ildefonso, Bulacan sa kaniya. Binabalak yatang lumikom ng pera para sa mga nalindol noong nakaraan.
"Franz, can you please give me my blazer? Thank you," pukaw sa atensyon ko ni Casspian habang inaayusan siya ng make-up artist. Napatitig na pala ako sa salamin na kinahaharapan ni Casspian, hindi ko pa napansin.
Agad naman akong tumango at ngumiti sa kaniya at saka na ako sumunod.
"Ako rin, Franz, paabot naman n'ong gitara. Titingnan ko lang kung nasa tono. Thank you, labyu!" makulit na pahabol naman sa akin ni Alas. Para talaga siyang bata.
Si Red na kanina pa tapos ayusan ay nakaupo lamang sa isang monoblock at mukhang nagba-browse sa smart phone niya pero parang wala naman doon ang atensyon niya. Ewan ko ba.
Nakuha ko na ang mga ipinakukuha nina Alas at Casspian kaya't inabot ko na ang mga ito sa kanila. Napalingon ako sa kinauupuan ni Red kanina ngunit wala na siya roon kaya't agad siyang hinanap ng mga mata ko, ngunit bigo akong makita siya sa paligid.
"Si Sir Red?" tanong ko kay Trayn na busy sa paglalaro ng ML habang inaayusan.
"Huh? Pumasok sa van ngayon-ngayon lang," sagot nito sa akin.
"Salamat," anas ko at tumungo ako sa van kung saan sinasabing nagtungo siya.
Pagsakay ko ng van ay nakita ko siyang nakaupo sa may tabi ng tinted na bintana at nakatingin lang sa malayo.
"Mainit po rito, Sir. Ano po bang ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya ngunit hindi niya ako nilingon.
Malawak at malaki itong travelling van nila na tipong napaglalagyan ng mga naka-hanger na mga damit na sinusuot nila at mayroon ding sariling toilet at kutson sa bandang likuran.
Hindi pa rin niya ako pinapansin kaya't muli akong nagsalita. "Kung okay ka naman po rito, lalabas na ako—"
"And receive commands from those fuckers?" anas niya, saka ako biglang nilingon. Nakita ko na naman ang poot sa mga mata niya.
"Ha? Nag-utos lang sila sa akin kasi busy sila Jolina at Nadia sa pag-aayos ng venue—" Kusa na akong napahinto sa pagsasalita nang lalo pang magdilim ang mga mata niyang tila nais akong lamunin na lang bigla sa mga oras na ito.
"Lock the van and fucking come near me, woman," utos niya ngunit dama ko ang tigas ng mga salitang iyon. Para bang mayroon na namang nagbabadyang unos para sa akin na hindi ko na naman mawari kung paano ko susuungin.
Tumalima ako para sundin ang nais niya. Ni-lock ko ang van at naupo sa tabi nang kinauupuan niya.
Inaasahan ko naman nang may kakatwa na namang mangyayari sa akin ngunit mali ako . . . ramdam ko nang mali ako nang isa-isa niyang inaalis ang pagkakabutones ng suot niyang polong hawaiian style.
"R–Red?"
"Just fucking watch," utos niya sa akin at hindi ko alam ang mararamdaman o gagawin ko. Gusto kong paulit-ulit na lunukin ang laway ko dahil sa ginagawa niya.
"A–anong ginagawa mo—"
"Just fucking stare at me. You love staring and obeying, right? Now obey me, woman, keep staring," anas niya at tila ako nilamon ng hipnotismo.
Ang mga mata kong nasa mga mata niya ay bigla na lamang bumaba sa mga mapupula niyang labi . . . patungo sa leeg niya . . . pababa sa mga nakabukas na butones ng damit niya.
Muli akong napalunok ng laway ko nang buo na niyang nabuksan ang polong suot niya.
Ramdam ko ang paghuhumiyaw ng magandang ukit ng katawan niya sa mga mata ko. Tila ba hinahalina nila akong hawakan ko sila at damhin.
Akma ko nang ilalapat ang kanang kamay ko sa dibdib niya nang bigla siyang magsalita.
"Just keep staring, woman. No fucking touching," anas niya at kumabog nang kumabog ang dibdib ko.
Uminit lalo ang pakiramdam ko nang makita kong may maglandas na butil ng pawis mula roon na tila pa lalong nakakapagpahalina sa akin na damhin ko ang katawan niya.
Hirap na hirap na akong magpigil, Red. Ano bang ginagawa mo?
Nakita ko siyang napangisi ngunit tila hindi sapat sa kaniya ang reaksyon ko. Bigla na lamang niyang hinawakan ang sinturon niya at dahan-dahan niyang kinakalag ito.
Tuluyan akong napasinghap nang marinig ko ang tunog ng pagkaka-alis nito. Ang bigat ng bawat pagsagap ko ng hangin.
"I . . . I want to touch you, Red," kumpisal ko sa kaniya ngunit imbes na hayaan akong hawakan siya ay mabilis niyang binitiwan ang sinturon niya at kinuha ng magkabila niyang kamay ang magkabila kong pulso, saka niya ako mabilis na inikot pasandal sa tinted na salamin ng sasakyan.
Napakainit ngunit mas lalo lamang nag-iinit ang pakiramdam ko sa itsura niya ngayon sa harap ko, lalo pa ang mga mata niyang tila nagbabaga.
Binitiwan niya ang kaliwang kamay ko para lang pala batakin ang seatbelt ng driver's seat at saka niya pinalupot ang kaliwa kong pulso r'on.
"A–anong ginagawa mo—Ohhh . . .!" bigla niyang pinaglandas ang kanang kamay niyang malaya sa leeg ko, habang patuloy na hawak ng kaliwang kamay niya ang kanang kamay ko na nakadikit pa rin hanggang ngayon sa salamin.
"Haven't gave you any punishment lately," anas niya at bumaba ang kanang kamay niya patungo sa butones ng suot kong blouse.
Isa-isa niyang kinalag ang mga iyon habang hindi napuputol ang titig niya sa mga mata ko. Tila ba inaalam niya kung gusto ko ang ginagawa niya o kung nasisiyahan ba ako.
Nang tuluyan na niyang mabuksan ang blouse ko ay tumambad sa mga mata niya ang dibdib ko na tanging itim na bra na lamang ang nakatakip. Sumilay na naman ang nakakalokong ngisi sa mga labi niya.
Pasong-paso na ang pakiramdam ko. Wala siyang pang-itaas sa harap ko at ito ako, hantad ang dibdib sa harap niya.
"Do you want me to touch you now?" aniya at saka niya kinagat ang pang-ibabang labi niya na halos bumaliw sa akin. Iba ang kakaibang hatak ng ginawa niyang iyon sa sistema ko.
"Y–yes, please. . . ." pakiusap ko. Alam kong wala na ako sa katinuan, dahil mas nangingibabaw ang init sa akin ngayon.
"Do you want me to lick you?" muli niyang tanong at wala sa sariling napapatango ako.
Nakakadarang ang mga mata niya. Nakakadarang ang mga gawi niya at mas lalong nakakadarang ang kakaibang pagngisi at pagtingin niya na para bang kasalukuyan na siyang nakikipaglaro ng apoy sa sistema ko.
Unti-unti niyang ibinaba ang mga labi niya sa collarbone ko at halos takasan ako ng bait nang tuluyan iyong sumayad sa balat ko.
"Mmmmm . . . Red," ungol ko. Wala na akong pakialam kung nasaan man kami. Mas nangingibabaw sa akin ang sensasyon.
Bumaba ang mga labi niya pababa sa dibdib ko at hindi ko mapigilan ang katawan ko sa pag-arko. Nakakadarang! Hindi ko na gustong matapos pa ang tagpong ito. Baliw na ako, tanggap ko iyon.
Naramdaman kong inilislis ng ngipin niya ang bra ko para lamang masilayan niya ang korona . . . ngunit sunod-sunod na katok sa van ang nagpabalik sa akin sa reyalidad.
"HEY? OPEN THE DOOR!" sigaw ng tao sa labas na mukhang si Alas.
Akma akong kakalas sa kaniya nang bigla na lamang niyang bahagyang inilayo ang mga labi niya mula sa dibdib ko, saka niya ako tinitigan sa mga mata.
"But I want to lick you now? What will you choose?" nakakalokong anas niya sa akin at parang mababaliw ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Isa pa, hindi pa rin niya pinakakawalan ang kaliwang kamay ko.
"R–Red baka marinig nila tayo—Oh . . . god!" Hindi siya nagpapigil! Bigla na lamang sinakop ng mga labi niya ang korona ng dibdib ko at saka niya ito sinimulang paglaruan ng dila niya na tila nasisiyahan siya sa pagkakataranta ko maging sa pag-arko ng katawan ko.
"Sshhh. . . ."
"Mmmm. . . R–Red . . . p–please."
I was getting more and more insane. Hindi ko na magawang intindihin pa ang mas dumami pang pagkatok. Nananaig ang init at makamundong kagustuhan ko sa mga oras na ito!
Nang tila nasiyahan na siya ay bigla niya akong pinakawalan at saka siya mismo ang nagbutones pabalik ng blouse na suot ko.
Kinalas din niya ang seatbelt na nasa kamay ko, saka ako nginisian nang nakakaloko.
"Craving means wanting for more, and wanting for more means something more exciting is yet to come," anas niya at biglang binuksan ang pintuan ng van.
"Gago, 'tol! Akala ko napano na kayo!" sigaw ni Alas nang bumaba si Red na wala pa ring pang-itaas.
"I fell asleep. She doesn't want to disturb me, yet you fucking did," singhal niya kay Alas na mukhang wala talagang kaalam-alam sa nangyari.
"Bakit namumula ang mukha mo, Franz? Nilalagnat ka ba—"
"M–mainit sa loob ng van. A–ang hirap gisingin ni Sir Red," alibi ko, saka na ako bumaba rin ng sasakyan ngunit mukha ni Casspian ang sumalubong sa akin.
Mataman ako nitong tinitigan at hindi ko mabasa kung anong tumatakbo sa isip niya bago siya nagsalita. "Did you two enjoy?" halos pabulong lang na tanong niya ngunit nagulat ako nang bigla na lamang akong hapitin ni Red na ikinabigla ko.
"Why? Can't I enjoy her?"
Biglang ngumisi si Casspian kay Red na lubos kong ipinagtaka.
"Are you two in a relationship?" tanong niya.
Walang alam ang mga kabanda niya tungkol sa amin o sa kung ano man ang namamagitan sa amin. Basta't ang alam nila ay all around PA ako ni Red.
"H–hindi!" utal ngunit maagap kong sagot pero tila mali ang ginawa ko. Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahapit sa baywang ko ni Red.
"But she's mine, Casspian. She's mine . . . alone. Now fucking back off before I make you do."
Jusko, Red! Bakit ba pinakukumplikado mo ang sitwasyon?
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
VOTE | COMMENT
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top