Chapter IX
FRANZESS
HINDI ko alam kung paanong paraan ko ba dapat sagutin ang tanong niya. Totoong nabigla ako dahil hindi ko naman inaasahan na sasabihin niya iyon.
"I–I'm sorry," anas ko at saka ako biglang tumayo mula sa kandungan niya at tumakbo palabas ng kuwarto.
Habol-habol ko ang hininga ko nang makababa ako patungo sa kusina at nakita ko pang nagulat si Nana Mela pagkakita sa akin.
"Susmaryosep kang bata ka! Bakit ka ga humahangos?" tanong niya sa akin. "Hindi ka naman sinaktan ni Red, hindi ga?"
"H–hindi po, Nana. May ipis po kasi sa kuwarto kaya napatakbo ako pababa," habol-hiningang pagsisinungaling ko na ikinatawa naman nito.
"Ikaw talagang bata ka. Akala ko naman ay napano ka na. O'siya, tawagin mo na ang asawa mo at tapos na ako sa niluluto ko nang makakain na kayo," aniya at parang ayaw kong sumagot ng opo.
Ayaw kong umakyat sa kuwarto. Baka bigla akong tanungin ni Red kung bakit hindi ko siya sinagot at kung bakit ko siya tinakbuhan. Mahirap pa naman hulaan ang tumatakbo sa utak niya.
"B–bababa na rin po siguro iyon si Red, Nana," sagot ko sa kaniya at saka ako nagmamadaling naupo sa harapan ng hapag.
Tahimik lang ako habang nagsasandok si Nana Mela. Wala pa rin si Red hanggang ngayon. Baka utusan na naman ako ulit ni Nana.
Nailapag na ni Nana Mela ang ulam at kanin sa harap ko. Amoy pa lang, alam na alam ko na agad na masarap. Amoy na amoy ang aroma ng gata.
"Salamat po, Nana. Amoy pa lang masarap na," wika ko at saka ako nagsandok ng kanin ko.
Saktong sasandok na ako ng ulam nang bigla na lamang sumulpot si Red sa entrada ng kusina.
"Why didn't you call me?" kunot-noong tanong niya sa akin at naglakad patungo sa normal na inuupuan niya—mali, naglakad siya patungo sa likod ng kinauupuan ko.
Bigla niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko kaya't agad akong napaigtad sa gulat. Napapadalas ang paghawak niya sa akin na lalo kong ikinakakaba.
"S–sorry. Akala ko kasi, b–busy ka—"
"How come? The reason I wanted to be so busy . . . suddenly ran away and left me," makahulugang wika niya kaya't agad kong sumulyap kay Nana Mela na nakikinig sa amin pero kunwaring nagpupunas ng plato. May pilyang ngiti sa mga labi niya.
Jusko. Nana naman, e!
"N–nagugutom na kasi ako," sagot ko. Akala ko ay hahayaan na niya ako ngunit naramdaman ko bigla ang mainit niyang hininga sa kaliwang tainga ko.
"You should've eaten me. I could relieve your hunger, Mrs. Allen," pang-aasar niya sa akin at naramdaman ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko dahil awtomatikong tumakbo sa utak ko ang pag-i-imagine sa sinabi niya NA HINDI NAMAN DAPAT! Masyado nang napopolusyonan ang utak ko nitong mga nakararaan.
"R–Red—"
"Eat," utos niya at saka na siya lumayo sa akin at naupo sa puwesto niya.
Sumandok siya ng pagkain, saka nagsimulang kumain.
Nitong mga nakaraan, lagi ko naman siyang nakakasabay at nakikitang kumain pero hindi ko pa rin makuhang masanay. Hindi ko talaga inakala na aabot kami sa ganito na makakatabi ko na siya. Noon, tingnan o palihim lamang akong sumulyap o tumabi sa kaniya, agad na siyang nawawala sa mood o hindi naman kaya ay nagagalit at bigla na lang aalis.
"Stop daydreaming, woman. Eat," aniya kaya't agad kong sinunod ang sinabi niya. "Maybe after eating, you'll have enough power to answer multiple simple questions," pahabol na pasaring niya sa akin at pagkita ko ay nakangisi na siya.
Gusto kong sumagot ngunit pinili ko na lamang ang manahimik at kumain. Baka mali na naman ang masabi ko, ako rin naman ang kawawa sa huli.
Natapos kaming kumain. Tumayo na at lumabas ng kusina at niligpit na ni Nana Mela ang lamesa. Baka nagtataka ang marami na hindi namin laging kasabay si Nana Mela sa pagkain, iyon ay dahil alas sais pa lamang ay naghahapunan na siya dahil may kailangan siyang inumin na maintenance medicine.
"Iha, ilalagay ko na lang sa ref itong pinagawa ni Red na gelatin—"
"Po? Gelatin?"
"Dadalhin n'yo raw bukas," aniya at napakunot ang noo ko. Sa tanda ko kasi ay wala naman siyang lakad bukas o appointment, maliban na lang sa band practice nila.
Agad akong umalis ng kusina at naabutan ko siya na nakaupo sa sofa sa may sala.
"Red?" pukaw ko sa atensyon niya. Hindi niya ako nilingon pero alam ko naman na narinig niya ako. "May lakad ka ba bukas—"
"We're going to a beach resort in Morong, Bataan. Casspian arranged everything and he requested Nana Mela's gelatin in return," paliwanag niya sa akin kahit hindi pa ako tapos na magtanong.
"Kasama pala ako—"
"Not unless you want them to ask me where the fuck I left you," putol na naman niya sa akin kaya't napanguso ako. Nagtatanong lang naman, e. "Get your things ready, and don't fucking bring swimsuit, woman. Don't test my patience. I will rip that damn suit off your body," utos niya at wala akong nagawa kung hindi ang sumunod. Wala naman akong choice.
Beach resort pero hindi puwedeng mag-swimsuit. Siguro magpa-pajama na lang ako o kaya duster.
BINABAGTAS namin ang kahabaan ng Roman Highway patungo sa beach resort. Nakita ko sa maps ang pangalan ng highway.
Dala namin ang van at si Trayn ang driver. Nasa passenger seat naman ang bago niyang girlfriend na si Bianca. Kasama naman namin nakaupo rito sa likod ang tatlong kaibigan ni Bianca. Sina Elisa, Jewel at Rachel.
Si Red and nasa tabi ng bintana. Nasa tabi niya si Jewel tapos ang kasunod naman ay ako. Sa likod namin ay sina Casspian, Jolina, at Rachel. Sa pinakalikod naman ay si Seiver, Elisa, at Nadia. Si Alas kasi ay nasa kutson at kasalukuyang mahimbing ang tulog.
Ayaw ko mang mag-isip ay kanina ko pa napapansin na iba ang mga tinginan ni Jewel kay Red, ganoon din si Elisa kay Seiver at si Rachel kay Cassspian.
Kaninang pasakay kami ng van ay nakipag-unahan pa siya sa akin sa pagtabi kay Red kaya't wala akong nagawa kung hindi ang pumwesto rito.
"Malayo pa ba?" seryosong wika ni Seiver na bumasag sa katahimikan sa loob ng sasakyan.
"About fifteen minutes," sagot ni Casspian sa kaniya.
"Good. I need to call Clara," ani Seiver. Iyong girlfriend niyang nasa ibang bansa ang tinutukoy niya.
Bahagya kong sinilip si Red at nakita kong iba na ang timpla ng mukha niya. Tila ba inip na inip na siya.
"Sir Red, ayos ka lang po ba? Gusto mo po ng tubig—"
"I want you here beside me," putol niya na ikinagulat at kaba ko. Ang dami-dami namin sa sasakyan. Sana naman hindi niya ako paandaran ng mga trip niya ngayon.
"Why, Red? Do you want to sleep? Here, you can lean on my shoulder," singit ni Jewel na mukhang hindi lalong nagustuhan ni Red.
"No. Shut your mouth," ani Red na ikinagulat ni Jewel. Mukhang napahiya ito pero ako na ang nagsasabi, walang pakialam si Red kahit sino pang ipahiya niya lalo na kung hindi maganda ang timpla niya.
Nakita kong bumaling na lamang siya sa bintana at tiningnan ang mga mayayabong na punong nadadaanan namin.
Lumipas ang ilang minuto ay narating na namin ang beach resort na sinasabi ni Casspian. Vista Venice ang pangalan ng lugar at sa entrada pa lang ay mamamangha ka na dahil sa dami ng mga palangoy-langoy na pawikan at mga pagong sa malawak na pond.
Bibitbitin ko sana ang mga gamit namin ni Red ngunit agad niya iyong kinuha sa akin at saka na siya nagpatiuna sa paglalakad.
Nakarating kami sa isang tila family cottage, pero sobrang laki.
"There are only six rooms here, and three from those rooms have two bedrooms each. I didn't know that there would be more people joining us. Sorry," ani Casspian. Sumatotal kasi ay dose kami ngayon dito.
"Kami na ni Bianca sa isang kuwarto na may isang kama," maagap na wika ni Trayn saka pa niya inakbayan ang nobya niya.
"Kami na ni Casspian doon sa may dalawang kama," ani Seiver na mukhang umiiwas talaga sa mga babae.
"Kami na po ni Nadia r'on sa isa pang may pandalawahang kama," ani Jolina at nginusuan ko siya. Expect ko pa naman ako ang isasama niya.
"I'll take the room with one bed," ani Red at tumango naman si Casspian sa kaniya.
"We'll take the other room with two beds, both Rachel and I," ani Elisa.
"Ako—"
"I'll take the single bedroom beside Red," putol ni Jewel sa pagsasalita ko.
"Saan naman ako? Hindi ako matutulog sa buhangin, king ina n'yo! Nae-etchepuwera na naman ako dahil lang natulog ako!" ani Alas na kakarating lang.
"Doon ka na sa kwarto namin ni Casspian. Hindi naman ako malikot," singit ni Seiver saka na nito itinuon ang pansin niya sa telepono. Mukhang tinatawagan na niya si Clara.
"How about Franz? Shall I ask for any extra room outside this family cottage—"
"She'll be in my room. I'll take her with me," ani Red at saka na biglang kinuha ang susi mula sa kamay ni Casspian at pumasok sa isang silid.
Palunok-lunok ako ng laway na napatingin sa kanilang lahat. Iba ang klase ng tingin nila sa akin lalo na ang mga kaibigan ni Bianca.
"S–sanay naman kami ni Sir Red, kasi nga PA niya ako," paliwanag ko, saka pa ako nag-bow sa kanila at agad sumunod kay Red.
Hindi ko talaga alam kung ano bang gusto mong mangyari, Red. Hindi ko na alam kung sinasadya mo ba 'to o ano. Nawiwindang na ang kalooban ko sa 'yo.
PASILIM na at parang may barbecue party sila dahil nakaka-amoy ako ng mabangong usok. Naiwan kasi ako sa kuwarto at nakatulog. Pagpasok ko kasi kanina ay ibinaba lang ni Red ang mga gamit, saka na rin siya lumabas ng kuwarto.
"Franz!" salubong ni Jolina sa akin nang makalabas ako ng kuwarto. Nagulat ako dahil kapwa sila naka-swimsuit ni Nadia, samantalang ako ay naka-leggings na itim at malaking puting t-shirt.
"Hindi ka lalangoy?" tanong ni Nadia sa akin.
"Wala naman akong dalang pangligo—"
"Meron ako. Tara sa kuwarto namin," putol sa akin ni Nadia at kapwa nila ako hinaltak ni Jolina.
Sabay silang nagkalkal sa mga bag nila at napapangiwi ako. Malilintikan ako kay Red kapag nagbihis ako ng gaya ng bihis nila.
"Ito!" tila tumama sa lotto na wika ni Nadia at biglang inabot sa akin ang kulay itim na two-piece swimsuit.
"M–masyadong revealing 'to. Hindi ko kayang isuot 'to—"
"Girl, huwag ka nang maarte. Iyong mga kaibigan nga ng jowa ng boss ko, akala mo lumuluwa na ang mga suso sa sobrang revealing ng suot lalo na iyong Elisa at Jewel. Ampapanget naman," ani Nadia, saka nila ako pinagtulakan sa banyo para magpalit.
Dahil wala akong magawa, isinuot ko ang binigay nila ngunit ipinatong ko rin muli ang malaking puting t-shirt na suot ko kanina. Iniwan ko na lang muna ang leggings ko.
"HALA? Nasaan na—"
"Mamaya ko na lang huhubarin 'tong damit ko kapag nasa dagat na," putol ko kay Jolina at tumango naman ito.
Hinatak nila ako palabas ng cottage at tumambad sa akin ang ganda ng dagat. Nakakakalma ng pakiramdam.
"Woaaah! Sure ba kayong mga PA lang kayo? Puwede kayong mag-model, e!" pambobola ni Alas kina Nadia at Jolina.
"Naku, Sir, hindi! Kapag nakita mo si Franz, siya ang sasabihan mong puwedeng mag-artista," ani Jolina at para naman akong nahiya.
Nahagip ng mata ko si Red. Naka-navy blue khaki short siya at sandong puti na hakab sa magandang katawan niya. Kasalukuyan siyang lumalagok ng inumin sa babasaging baso habang nakasandal sa isang poste at nasa tabi niya si Jewel na totoo ngang napaka-revealing ng suot. Kulay dilaw na two-piece ngunit ang disenyo ay halos wala nang nais takpan.
"Franz, tara na, ligo na tayo!" aya ni Nadia, saka pa nila hinawakan ni Jolina ang magkabilang laylayan ng suot kong malaking t-shirt at bigla nila iyon hinubad sa akin.
"WOOOOOAAAAAAHHHH!" ani Alas nang makita niya ang suot ko. "Tatalunin mo pa iyong mga nasa billboard, Franz!"
Napayuko ako sa sobrang hiya. Hindi ako sanay sa ganitong suot at mas lalong hindi ako sanay na nabibigyan ng mga ganoong papuri.
"Ang sexy mo, girl!"
"You look so gorgeous," anas naman ni Casspian.
"It suits you. You look like a black angel," ani Trayn.
Nakarinig kami ng tila pagkabasag at paglingon ko ay nakita ko si Red na masamang-masama ang ipinupukol na tingin sa akin.
Nakita kong naka-angkla sa braso niya si Jewel ngunit mabilis niyang tinapos iyon palayo.
Naglakad siya papalapit sa amin—sa akin, at biglang huminto sa harapan ko.
"Go to our room. Darius emailed me something. Check it," utos niya at ramdam ko ang tigas ng bawat salita niya.
Tumango ako sa kaniya at agad na tumalima.
Saktong pagpasok ko ng kuwarto ay nakasunod na pala siya.
Bigla niya akong hinigit sa braso, saka isinandal sa pintuan na tila isa lamang akong magaan na papel.
"R–Red. . . ." kinakabahang usal ko.
"Didn't I warn you?" Bakas na bakas sa asul niyang mga mata ang nag-aapoy na galit.
"P–pinilit lang ako nila Nadia at Jolina—"
"So their words weigh more than mine?" putol niya sa akin at bigla na lamang niyang pinagdikit ang mga noo namin. "Are you trying to fuck my patience, woman? Fucking tell me!"
Nakakatakot ang pagbitaw niya ng mga salita ngunit hindi ko magawang matakot sa kaniya. Hindi ko alam, pero hindi. . . hindi talaga.
"B–bakit ikaw! Bakit hinahayaan mong landiin ka ni Jewel?" Hindi ko alam kung saan nagmula ang tanong na iyon. Basta't bigla na lamang iyon lumabas mula sa mga labi ko.
Lumayo siya sa akin, ngunit nanatili pa rin akong nakasandal sa pintuan.
"Did you see me flirting back?" tanong niya sa akin at hindi ko alam kung dapat ba akong tumango o umiling.
Hindi ako makasagot at tila lalo niyang ikinairita iyon. Bigla na lamang umangat ang kanang kamay niya patungo sa batok ko—kung saan naroon ang buhol ng pang-itaas na suot ko, habang titig na titig siya sa mga mata ko. Hindi na naman ako makaiwas ng tingin. Ito na naman at sobrang nakakahumaling.
Walang habas niya iyong kinalag hanggang sa tuluyan itong malaglag at na-expose sa harapan niya ang matatayog kong hinaharap.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ay mas umigting pa nang dumapo ang kanang kamay niya at marahang pumisil sa dibdib ko.
"This is what you call flirting, woman. When you both like it . . . when you are both asking for it," aniya sa akin, saka sinimulang tila imasahe ang kaliwang dibdib ko.
Gusto kong umungol ngunit natatakot akong baka may makarinig sa amin.
"R–Red."
Bigla ay ibinaba niya ang mga labi niya patungo sa leeg ko at naramdaman ko ang mainit niyang hininga r'on habang patuloy pa rin ang pagmasahe niya sa dibdib ko. Napapakagat-labi ako sa sarap ng sensasyon.
Nakakadarang. Gusto ko pa . . . nang mas hihigit pa.
"Do you want me, Mrs. Allen? Do you want me . . . to take you now?"
"I–I do. I want you, Red. I w–want you so bad."
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
VOTE | COMMENT
**
Others are asking for flashback but I am sorry. Not now. I have my reasons. Hehehe. ❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top