Chapter II

FRANZESS

NAKAUPO lamang ako sa isang gilid ng convention center habang pinapanoood silang lima na pumirma ng album nila. Album signing kasi nila ngayon.

Sikat ang banda nilang Paranoia, ngunit pinakasikat sa kanilang lima sina Red at Casspian dahil mga modelo rin ang mga ito at kung minsan naman ay umaakting din. Sina Trayn, Seiver at Alas ang kuntento na sa pagtugtog. Ang alam ko ay kinukuha rin silang modelo pero tumanggi sila.

Guwapo silang lahat. Long hair si Casspian, mapungay ang mga mata, matulis ang matangos na ilong at may bibig na kapag ngumiti, parang lahat ng babae ay handang ibigay ang nais niya. Si Trayn naman, kilalang playboy ng banda dahil sa ganda ng katawan na mayroon ito pati na rin ang kakaibang sex appeal na madalas talagang kahumalingan ng mga ex niya. Si Seiver, tahimik lang at loyal na loyal sa girlfriend niyang nasa ibang bansa. Siya ang masasabi mong guwapo pero parang deadly dahil ang lalim tumingin ng mga mata niyang parang laging may nais iparating. At si Alas, ang pinakamakulit, pinakamaloko at pinaka-isip bata, pero pinakabait at approachable sa kanilang lima. Guwapo siya at ang pagiging kuwela niya ang kinagigiliwan ng kababaihan.

"Oh my gosh! Nakaka-palpitate ang kaguwapuhan mo, Red!" tili ng isang fan at bigla pa nitong sinugod ng yakap si Red. Kalmado lang naman siyang niyakap pabalik ni Red at pinirmahan ang dala niyang album.

Hindi ako sanay na may humahawak sa kaniya . . . dahil kahit ako ay hindi ko siya halos nahahawakan. Ayaw niya. Ayaw na ayaw niyang hahawakan siya nang walang pahintulot niya.

"Ang guwapo naman kasi talaga ni Sir Red. Kahit ako mauulol talaga sa kaniya," ani Jolina na nasa tabi ko. Gusto kong ngumuso at sumimangot sa narinig kong sinabi niya pero hindi ko ginawa. Hindi puwedeng may makahalata kung anong relasyon namin. Siguradong may mangyayaring hindi ko inaasahan.

"Nasanay na rin ako sa mukha niya kaya hindi ko na gaanong napapansin," sagot ko nang may kalakasan dahil biglang nagtilian ang mga kababaihan nang hawiin ni Casspian ang buhok niya.

"Sana ol talaga laging nakikita si Sir Red. Ang tindi rin ng pagpipigil mo na hindi mahulog sa amo mo, ano? Kung ako 'yan, baka ginawa ko na ang lahat makapagpapansin lang," aniya na sinundan pa niya ng tawa.

Hindi ako natutuwa na pinagnanasaan niya ang asawa ko pero wala akong magawa. Wala naman siyang alam.

Isa pa, iyong pinagpapantasyahan niya naman ay abot-kamay ko. Naniniwala naman ako na hanggang pantasya lang talaga siya.

Red and I got married almost a year ago. Mag-a-anniversary na rin kami pero hindi ko alam kung dapat ba naming paghandaan iyon. Dahil kasabay ng araw ng anibersaryo namin ay ang anibersaryo ng malaki kong pagkakautang sa kaniya.

"THANK YOU FOR ATTENDING THIS EVENT. OUR EVENT ENDS HERE. THANK YOU EVERYONE!" ani Alas sa mikropono. Maraming umangal ngunit tumayo na silang lima at tutungo na sana sa dressing room nang bigla na lamang may sumigaw na isang babae.

"RED YVAN ALLEN, PANAGUTAN MO ANG ANAK NATIN!"

Halos magroge ang utak ko sa narinig kong iyon.

Hindi iyon pinansin ni Red at nagtuloy sa paglalakad hanggang sa dumaan siya sa harap ko kaya't bigla ko siyang pinigilan sa pamamagitan ng paghawak sa braso niya.

"M–may nabuntis ka ba?" utal na tanong ko sa kaniya.

Lumingon siya sa akin at itinuon ang mga asul niyang mata sa akin bago iyon bumaba sa kamay kong nakahawak sa braso niya.

Agad akong napabitiw sa kaniya. Ayaw na ayaw niyang hinahawakan, at ginawa ko iyon ngayon-ngayon lang. Pambihira ka talaga, Franzess!

Halos mapagot ang hininga ko nang ilapit niya ang mga labi niya sa tainga ko at bumulong. "Do you really think I would fuck another woman when . . . I already have you? Think carefully, woman. I could have you if I wanted to. I don't need a lowly prostitute to satisfy me," aniya saka lumayo sa akin at nagtuloy-tuloy na sa pag-alis. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Ibang klase ang hatid ng boses at salita niya.

"SINUNGALING KANG BABAE KA! GANIYAN DIN ANG GINAWA MO KAY KYRO NG BANDANG PHANTASM!" sigaw ng isa sa mga fan at susugurin sana ang babaeng sumigaw nang awatin ito ng mga security na narito.

Bahagya akong nakahinga nang maluwag dahil sa narinig ko. Akala ko . . . akala ko talaga.

KASALUKUYAN siyang inaayusan ngayon at nakatanghod lang ako sa kanila ng make-up artist. May guesting kasi siya sa isang show ngayon. Ilalabas din kasi ang magazine na siya ang main subject kaya kailangan ng promotion.

"Tapos na ba?" tanong ko at umiling sa akin ang make-up artist. Hindi lang ako PA ni Red, parang manager na rin niya ako dahil hawak ko at inaasikaso ko lahat ng tungkol sa trabaho niya. Wala siyang manager. Inalis niya nang dumating ako sa buhay niya.

Nakita kong dumilat siya at tumingin sa make-up artist, saka niya ito sinenyasan na umalis na muna na mabilis naman nitong ginawa. Naiwan naman kaming dalawa sa silid.

Nilingon niya ako at hindi ko alam kung kakalikutin ko na lang ba ang telepono ko para lang hindi ko mapansin ang nakakahalina niyang mga mata o makikipagtitigan ako sa kaniya.

Sa huli . . . ang huli ang ginawa ko. Hindi ko talaga kayang lubayan ang mga tingin niya.

"Why are you so eager?" tanong niya sa akin.

"P–pakiramdam ko kasi binabagalan talaga niya ang pagme-make-up sa 'yo," utal na sagot ko sa kaniya. Nagpakatotoo lang ako dahil malalaman din naman niya kung magsisinungaling ako.

"And?" Blangko ang tono ng tanong niyang iyon na parang may hinihintay siyang sasabihin ko pa.

"W–wala—"

"You are already used to my face, aren't you? What's your deal?"

Para na naman akong nanginig sa sinabi niyang iyon. Narinig niya! Siguradong narinig niya ang sinabi ko kay Jolina.

"H–hindi naman iyon ang ibig kong sabihin, Sir. A–ayaw ko lang na makahalata siya—"

"Come here," anas niya at puno ng awtoridad ang pagkakabitiw niya ng mga salitang iyon.

Wala akong nagawa kung hindi ang tumayo sa kinauupuan ko at lumapit sa kaniya.

Akala ko ay kagagalitan niya ako ngunit nagulat na lamang ako nang hatakin niya ako paupo sa kandungan niya.

"S–Sir. . . ."

Nakasuot ako ng maong buttoned straight skirt at long sleeve polo na kulay abo kaya't parang nahihirapan ako sa sitwasyon namin. Nahahatak ang polo kong naka-tuck in at idagdag pa roon na bigla ang paggapang ng mga kamay niya paikot sa baywang ko.

Hindi siya nagsalita. Dumako ang mga kamay niya sa butones ng suot kong palda at saka niya iyon isa-isang tinatanggal habang nararamdaman ko ang hininga niya sa batok ko.

Nang matanggal na niya ang iilang butones hanggang sa gitna ng hita ko ay tila may sariling utak ang kaliwang kamay niya na naglakbay patungo sa loob nito, at ang kanang kamay naman niya ay umakyat patungo sa itaas ng polo ko, kung saan may tatlong butones na nakabukas. Walang pag-aalinlangan na ipinasok niya roon ang kanang kamay niya at humaplos sa kanang dibdib ko.

"S–Sir! Mmmm. . . ." I was trying to suppressed my moan. Natatakot akong may makarinig sa amin—sa akin.

Hindi ko inaasahan na gagawin niya ito rito. Hindi ko inaasahan na tatangkain niyang paligayahin ako sa lugar na ito.

Nag-aalinlangan ako na baka mamaya ay may bigla na lamang pumasok at makita kami sa ganitong posisyon, ngunit nananaig ang kakaibang init sa akin, lalo pa nang maramdaman kong bahagya niyang inilislis ang pang-ilalim na suot ko at hinagod niya ng daliri niya ang pagkababae ko.

"You're getting tired seeing my face? But . . . you love it whenever I pleasure you, woman," bulong niya. Naisandal ko ang katawan ko sa dibdib niya at ang ulo ko naman ay naisandal ko sa may bandang parte ng balikat niya.

Gusto kong mangunyapit nang ipasok niya ang daliri niya sa akin ngunit nananaig pa rin ang kaba ko. Hindi ko siya maaaring hawakan.

"S–Sir . . . f–faster!"

Nadadarang na ako ng iba't ibang sensasyon na ipinalalasap niya sa akin.

"Beg, woman. Beg for your orgasm," aniya at tila nais ko nang sundin iyon. Gusto kong sumabog!

"I'm begging you . . . Red. L–let me . . . cum. Ohhhh . . . p–please. . . ." hirap na hirap na wika ko dahil patuloy sa pagpapaligaya ng dibdib at pagkababae ko ang mga kamay at daliri niya.

Mas naging mabilis ang galaw ng mga daliri niya at gustong-gusto ko na iyong salubungin—which I did! I met every thrust of his finger.

Kasabay ng pagsabog ko ay ang tatlong malalakas na katok na nagpabalik sa akin sa reyalidad.

Marahan niya akong binitawan at nanghihina akong tumayo. Nanginginig pa ang mga tuhod ko pero inayos ko na ang mga butones ng palda ko at maging ang polo na suot ko.

"Come in," aniya kahit hindi ko pa tapos sinupin ang buhok kong nagulo dahil sa pag-arko ng katawan ko kanina!

Napalingon ako sa pinto at pumasok doon si Ms. Jassy Ficasa—ang host sa talkshow pagge-guesting-an niya ngayong araw na 'to.

"Are you okay, Mr. Allen?" tanong nito at tumango siya, saka ako bahagyang sinulyapan.

Halos maputol ang paghinga ko nang makita kong inilapit niya sa mga labi niya ang daliring ginamit niya para maiparaos ako . . . saka niya ito dinilaan kahit pa nakaharap si Miss Jassy.

Halatang takang-taka si Miss Jassy sa inakto niya.

"Oh, sorry! I just had a jelly candy for my snack. It spread on my finger."

Hindi ko maipaliwanag ang kabog ng dibdib ko sa sinabi niya kay Miss Jassy.

"Oh, I see. If you're done, let's get down to business," ani Miss Jassy at inalalayan pa siyang magsuot ng suit niya.

"Sure," sagot niya, saka na sila tumungo sa pinto. Ngunit bago pa sila tuluyang makalabas ay bigla siyang huminto at lumingon sa akin na sinundan pa niya ng pagngisi. "By the way, thank you for that jelly candy, woman."

Oh my god!

Inayos ko agad ang sarili ko nang makaalis na sila. Nanginginig man at kinakabahan ay kailangan ko pa ring kumilos at gawin ang dapat kong gawin.

Matapos kong mag-ayos ay tumungo na ako sa upuan ng mga audience. Nagsisimula na ang programa at kasalukuyan siyang nagpo-promote ng album nila at ng magazine niya.

Nakaupo ako sa tabi ng mga fan niya na may mga dala pang tarpaulin na may mukha niya at winawagayway ang mga iyon.

"Grabe! Mahal na mahal ko talaga si Red," anang babaeng katabi ko at ngiting-ngiti itong nakatunghay kay Red na ini-interview ni Miss Jassy.

Ang pormal niyang tingnan sa harap ng camera pero iba ang projection niya. Halatang propesyonal at talagang masasabi mong kaya niyang magpaibig ang kahit na sino nang hindi na niya kailangan pang mag-effort. He was a natural heart stealer. Hindi ko maipagkakaila na gusto ko siya, pero hinding-hindi ko siya maaaring mahalin. Hindi puwede . . . hindi kahit na kailan.

"So, Mr. Allen, ito po ang tanong ng karamihan sa mga fan mo at sa mga nanonood sa atin ngayon . . ." ani Miss Jassy na halatang binitin pa talaga ang sinasabi. ". . . have you ever been in love? Na-in love na ba ang isang Red Yvan Allen?"

Nakita kong hindi inaasahan ni Red ang tanong na iyon dahil noon pa man ay lagi na niyang pinapauna sa mga host na huwag na huwag itatanong sa kaniya ang bagay na iyon.

Ito pala ang dahilan kaya't ayaw niya kay Ms. Ficasa. Ginagawa at itinatanong pala talaga nito ang mga bagay na nais nitong malaman sa harap ng camera. Kapag corner na ang tinatanong niya, wala namg takas pa.

Nakita kong seryoso siyang tiningnan ni Red diretso sa mga mata. Halatang na-intimidate si Ms. Ficasa. Alam ko ang pakiramdam na iyon . . . alam na alam ko.

"Hmmm. . . ." ani Red, saka siya humarap sa audience—o baka sa akin? Ayaw kong mag-assume. Ayaw kong pahirapan ang sarili ko sa mga bagay na hindi kahit kailan mabibigyan ng kasagutan.

"OMG! RED, I LOVE YOU!" sigaw ng ilan niyang mga fan.

"MAHAL NA MAHAL KA NAMIN, RED!" sigaw muli ng iba.

"S–so, Mr. Allen, have you ever been in love?" Halatang pinipilit lang ni Miss Jassy na lakasan ang loob niya para sabihin muli ang mga tanong na iyon.

Nagtagpo ang mga mata namin ni Red at hindi ko alam kung tama ba ako ng nakikita na sa akin nga siya nakatitig sa mga oras na ito.

"No . . ." aniya at parang may dumaan na sakit sa dibdib ko sa sinabi niyang iyon kahit pa ayaw ko. ". . . wrong question, Ms. Ficasa."

Lahat ay halos natahimik sa sinabi niyang iyon. Hindi pa rin nawawala sa akin ang titig niya kaya't parang gusto ko nang matunaw. Hindi ko kayang hindi siya tingnan at titigan.

"W–what do you mean, Mr. Allen?"

"Don't ask me if I have ever been in love. Ask me if I am currently in love, instead."

Halatang nagulat si Miss Jassy sa sinabi niya kaya't nag-compose na muna ito ng sarili bago muling nagsalita.

"Mr. Red Yvan Allen, are you currently in love with someone?"

Ngumisi siya at hindi ko alam kung para saan ang ngisi na iyon. Kung para sa akin ba—o kung para kanino.

"I am . . . I do."

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

VOTE | COMMENT

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top