Chapter I

FRANZESS

MALALAKI ang mga hakbang na ginagawa ko para lang mahabol ang bilis ng paglalakad niya. Hindi ako puwedeng magreklamo dahil siguradong bulyaw lang ang matatanggap ko mula sa kaniya.

Hindi ako katangkaran kung ikukumpara sa kaniya. 6'2 feet ang height niya. Walang-wala ako kumpara sa height kong 5'5 feet lang.

"Good morning, Mr. Allen," bati sa kaniya ni Visha. Kilala ito bilang dakilang chismosa nitong modeling agency. Hindi ko siya kinakausap dahil mukhang mainit ang timpla niya sa akin.

Hindi siya pinansin ni Sir at nagtuloy-tuloy ito sa elevator na agad ko rin namang sinundan.

"My schedule," anito at para na naman akong natataranta.

"A–ako po ba ang kausap ninyo?" tanong ko sa kaniya kaya't bigla niya akong nilingon.

"Are you messing with me?" seryoso niyang sagot. Gusto ko lang naman talagang manigurado.

"S–Sorry po," anas ko at binuklat ko ang dala kong notebook na maliit, saka ko binasa ang schedule niya. "10am po, may meeting po kayo with Mr. Aragon. 1pm po, may lunch meeting kayo with Ms. Ficasa. 3pm po, may pictorial kayo sa Adeline Studio. 6pm po, may tugtog po kayo sa Viszel Bar and Restaurant, hanggang 8pm na po iyon," paliwanag ko sa kaniya.

Nakatitig lamang siya sa akin habang nagsasalita ako kaya't nagpapasalamat ako na hindi ako nauutal. Kahit saang anggulo ko tingnan, patuloy pa rin akong hinahalina ng asul niyang mga mata na punong-puno ng kakaibang karisma.

"Cancel my appointment with Jassy Ficasa. I don't want to see her," anas niya sa akin at nakita ko ang pagkunot ng noo niya. Hindi ko maproseso ang sinabi niya dahil parang patuloy akong nilalamon ng mga mata niya patungo sa walang hanggang kasarinlan. "Stop staring, woman. I'm fucking commanding you."

Ang nakakatakot niyang boses ang nagpabalik sa akin sa katinuan.

"S–sorry po, Sir," paghingi ko ng paumanhin ngunit hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya aa akin.

Sa mga oras na ito, nananalangin akong bumilis talaga sa pag-akyat itong elevator. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pang makipagtitigan sa kaniya sa mga susunod na segundo . . . dahil hindi rin naman ako makapagbaba ng tingin gawa nang parang napako na ang mga mata ko sa mga mata niya.

"Just cancel my meeting, woman. No reason, just cancel it," utos niyang muli kasabay ng paghinto ng elevator at ng paglabas niya rito.

Mabilis akong napahawak sa dibdib ko dahil sa kakaibang kaba. Kailangan kong alisin ang mga ganitong pakiramdam sa akin. Kailangan kong alisin ang mga kakatwang paru-paro na pinipilit makipaglaro sa kalamnan ko.

Hindi ang isang gaya ni Red Yvan Allen ang dapat kong kahulugan dahil wala sa bokabularyo niya ang pagsalo . . . higit pa roon, hindi ko dapat kalimutan na nasa tabi niya ako dahil pinambayad ko ang sarili ko sa kaniya para sa malaking pagkakautang.

Agad na rin akong lumabas ng elevator at sinundan siya na walang katok-katok na pumasok sa loob ng opisina ni Mr. Darius Aragon.

"Good morning, Mr. Allen," bati sa kaniya nito ngunit wala siyang pakialam na naupo lang sa sofa.

"Good morning po, Mr. Aragon," bati ko sa lalaki at ngumiti naman ito sa akin.

"Good morning, beautiful Franz. Maupo ka na muna riyan. Magpapahanda lang ako ng inumin. Chocolate drink ang favorite mo, hindi ba?" anito sa akin na ikinatango ko. Ngumiti naman ito sa akin.

Agad ko itong sinunod at naupo ako sa kaharap na sofa ng inuupuan ni Red.

Halos mapasinghap ako nang mag-angat ako ng tingin at nakita ko si Red na masamang-masama ang tingin sa akin. Iyong asul niyang mga mata na nakahahalina, ngayon ay tila nais akong bigla na lamang sunggaban at lamunin nang buong-buo. Kitang-kita ang pagsama ng timpla niya.

"Just give me your damn proposal, Darius. I don't have all the time in the world to deal with your silliness," aniya ngunit titig na titig pa rin siya sa akin na parang ako pa ang kaaway niya.

Mukha katatapos lang mag-utos ni Mr. Aragon sa intercom sa sekretarya niya dahil doon lang siya tumayo at tumungo sa tabi ko kung saan kaharap na naming pareho si Red.

"She will remain as your personal assistant. Just lend me two days of her week for her pictorial. Luluwagan ko rin ang schedule mo para mapakawalan mo siya kung iyon ang gusto mo. I badly need her aura and charisma for my incoming photo shoot, Red. Wala pa akong nakitang mukha na kagaya ng kay Franz. Innocent yet fierce," anito kay Red at gulat na gulat ako sa narinig ko. Ako pala ang pinag-uusapan nila.

"Ano pong ibig ninyong sabihin—"

"I already fucking said no, Darius. So it's a no. And I don't care about my schedule. You're not my manager," matigas na sagot niya kay Mr. Aragon nang lumingon siya rito. Ang tinig at paraan ng tingin niya ay nakakahurumentado ng dibdib. Hindi ko malaman kung bakit ganito ang epekto sa akin.

Napasandal sa sofa si Mr. Aragon dahil sa pagmamatigas ni Red. Hindi ko magawang makapagsalita pang muli dahil tila bumigat ang atmospera sa paligid namin.

"Why don't we ask Franz? Kapag pumayag siya, then it's a go. What do you think?" ani Mr. Aragon na animo ba ay sinusubok siya, saka ako nilingon. "Do you want to pose for my photo shoot, Franz? I promise that I won't make you feel uncomfortable. I am a professional photographer. I've seen a thousand naked body—"

"I FUCKING SAID NO!" galit na bulalas ni Red na ako rin mismo ay nagulantang dahil nangibabaw ang tinig niya sa apat na sulok ng opisina.

Nakakatakot. Matagal na akong takot sa kaniya. . . ngunit mas matindi ang kabang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

Bigla na lamang siyang tumayo at walang habas na hinawakan ako sa pupulsuhan, saka ako kinaladkad paalis ng opisina ni Mr. Aragon.

"S–Sir. . . ."

"You shut up, woman! I'm losing my patience right now!"

Nararamdaman kong . . . ako na naman ang sasalo ng galit niya.

"HOLD fucking tightly, woman!" he commanded while he was banging me from behind. We were under the shower.

"Mmm . . . ohhhh!" I exclaimed as he hit my g-spot! "F–faster, p–please. . . ."

He kept penetrating me from behind that I almost lost my sanity. He was just too good and too huge. I could feel the burning desire of satisfaction in me.

"F–fuck . . .!" I heard him exclaimed as we both reached our climax.

Nanghihina akong napasandal sa pader sa ilalim ng shower at siya naman ay nagtapis ng tuwalya, saka ako nilingon.

Nawala na ang galit sa mga mata niya at naroon na namang muli ang natural na karisma na isinisigaw ng kabughawan nito.

"Take a shower and go downstairs. We'll eat," utos niya sa akin at sunod-sunod akong napatango.

Despite of his coldness, there was something in him that I could not give a definite name as of the moment. Masyado siyang mahiwaga. Hindi siya mabasa ng kahit na sino. Mahirap siyang intindihin at pakibagayan.

Nag-ayos lamang ako matapos kong mag-shower. Nagsuot ako ng bestidang kulay kahel na isang dangkal ang taas mula sa tuhod at bumaba na.

Naabutan ko siyang nasa sala at nanonood ng NBA kaya't tumikhim ako upang matawag ang atensyon niya.

"S–Sir, kakain na po ba tayo?" tanong ko sa kaniya nang makita kong lingunin niya ako.

Hindi siya sumagot, bagkus ay tinitigan lamang niya ako nang mariin, saka tumayo mula sa sofa at naglakad patungo sa akin.

Muntik akong mapapiksi nang huminto siya sa harapan ko. Napatingala ako dahil sa tangkad na taglay niya para lang magpantay ang mga mata namin ngunit hindi iyon gumana. Matangkad talaga siya.

Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla itong yumuko paharap kaya't tuluyan nang nagpantay ang mga mata namin. . . ngunit sobrang lapit niya sa akin! Para akong ginagapangan ng iba't ibang boltahe ng kuryente sa katawan. Sobrang lapit niya sa akin. Hindi ako makapag-isip nang tama!

"You were afraid of me under the shower and now you have the guts to disturb me while watching. What are you, woman? Tell me. What are you?" tanong niya sa akin sa napakaseryosong tono at parang kinakapos ako ng hininga dahil naaamoy ko ang menthol mula sa bibig niya.

Ang mga labing hindi ko pa nagagawang hagkan kahit na kailan.

"S–Sorry po. A–akala ko po kasi ay nagugutom na kayo. M–mauuna na po akong kumain," anas ko rito, saka na sana ako tatakbo patungo sa kusina ngunit bigla na lamang niya akong hinawakan sa braso at hinatak pabalik.

"You're not eating without me," anito sa akin, saka ako binitawan at nauna nang nagtungo sa kusina.

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ko nasabi na mahirap siyang intindihin. Hindi ko masabi kung anong gusto niyang gawin o kung ano ba ang nais niyang iparating. Tila ka nagbabasa sa kaniya ng notebook na may iba't ibang uri ng penmanship—magulo.

Sinundan ko siya at naabutan ko siya na nakaupo na sa harap ng mesa habang naghahapag si Nana Mela ng mga pagkain sa mesa.

"Nariyan ka na pala, iha. Napakaganda naman talaga nitong batang ito," masayang wika nito nang mabungaran ako. "Bagay na bagay sa iyo ang ganiyang kulay. Para kang isang anghel sa pulang kaulapan," dagdag pa nito, saka ako nginitian kaya't ngumiti rin ako sa kaniya.

"Ang Nana talaga, napakabolera n'yo po. Alam naman ninyong sarap na sarap po ako sa mga luto ninyo, hindi n'yo na po ako kailangan pang bolahin," sagot ko rito at saka ako naupo na. Tatlong silya ang layo ko mula sa kanang gilid ni Red.

Bale nakaupo siya sa gitna, at sa apat na upuan na nakahelera sa kanan niya, sa pang-apat ako nakaupo. Ganito kasi ang ginagawa ko kahit noon pa. Ramdam kong ayaw niyang malapit ako sa kaniya lalo na sa hapag-kainan.

Ipinag-aayos na ako ni Nana Mela ng mga gagamitin ko nang bigla na lamang siyang magsalita na kapwa namin ikinagulat ni Nana.

"Sit here beside me," aniya at para akong binagsakan ng iba't ibang uri ng granada dahil sa gulat.

"S–Sir—"

"Red. Call me Red, woman. Stop calling me Sir whenever we're in the house," putol niya sa akin. "And don't make me repeat myself. Sit beside me."

Hindi pa ako agad nakahuma kung hindi pa ako inalalayan ni Nana Mela na makatayo. Para pa rin akong nae-engkanto sa narinig ko mula sa kaniya.

Sa kulang isang taon kong pamamalagi rito, ngayon niya lang ginawa ang bagay na ito. Ngayon niya lang sinabing tabihan ko siya sa pagkain.

Hindi ko alam kung anong nangyayari. . . ngunit ayaw ko rin itong bigyan ng iba pang kahulugan. Hindi ko maaaring gawin iyon sa taong pinagkakautangan ko. Hindi ako maaaring umasa, ako lamang ang masasaktan sa huli. Bente-syete anyos na ako para maniwala pa sa mga fairytale at bente-nuebe na siya para i-grant pa ang mga fairytale fantasies ko. Hindi na iyon nababagay sa akin—sa amin.

Nang makapuwesto na ako sa tabi niya ay nagsimula na siyang kumain kaya't ganoon na rin ang ginawa ko. Lihim pa akong napapangiti kahit hindi ko gustuhin dahil ngayon ko lamang siya nakasama nang ganito kalapit habang kumakain. Pati pala pagkain niya ay nakakahalina rin. Para siyang isang prinsipe na napakasarap pagmasdan maghapon.

"Don't you know that staring is rude especially when eating?" Bigla ang kabog ng dibdib ko nang itigil niya ang pagkain niya at tiningnan ako. Narito na naman ang kakaibang hampas sa pagkatao ko ng asul niyang mga mata.

"S–sorry po, Sir—"

"Red. One more mistake, woman, and I can no longer promise your peace," pagtatama niya sa akin at muli na naman akong binalot ng kaba sa paraan ng pagsasalita niya.

"R–Red. S–sorry, Red," anas ko at itinuon ko na ang pansin ko sa pagkain.

Totoong gusto kong pigilan ang sarili ko sa pagtitig sa kaniya dahil ayaw ko rin na lalo akong malulong sa taglay niyang karima. Ang problema ko lang ay nahihirapan akong gawin iyon. Tila lagi na lamang hinahatak at hinahalina ng mga taglay niyang karisma ang buo kong pagkatao at sistema.

"Naku, iho, ikaw talaga! Napakasungit naman nitong batang are. Naguguwapuhan lang naman sa iyo ang asawa mo. Ayaw mo ba n'on? Gusto mo bang sa iba iyan ngumiti at maguwapuhan?" sermon sa kaniya ni Nana Mela.

"My wife is mine alone. No one can ever steal her from me . . . not even her smiles."

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

**

VOTE | COMMENT

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top