Chapter 9: Third Time's The Charm

ZAZIE


Napangalumbaba lang ako habang nakatingin sa bintana na nasa tabi ng seat ko, napakaboring ng mga lessons at wala akong magawa kundi isipin kung ano ang mga maaari kong maging lead. Wala kaming klase ngayon kaya he'to ako, nagmumuni-muni lamang.


"Zazie!" Napatingin naman ako sa biglang kumalampag ng desk ko at nakita ko si Fran na hingal na hingal.

"Ano 'yon?" Tanong ko sa kaniya.

"'Yong mga Japanese words na nandoon sa sinasabi mo, naitanong ko siya sa kaibigan ko at ito ang translation no'n!" Masiglang saad ni Fran sa akin at linabas ang phone niya.

Tinignan ko naman ang message na sinend sa kaniya ng 'kaibigan' niya at napasinghap ako. That's it!

'Blue - Dog
Red - Cat'


"Dog and cat? Blue and red?" Nagtatakang tanong naman ne'tong si Fran habang tinitignan ang message, "Bakit gano'n?"

"I see." Napangisi ako nang napakalapad habang linabas ang folder na nasa bag ko sabay tinignan ang dalawang profile ng nawawala.

"Cathy? Dogma? So, sila 'yon?" Gulat namang saad ni Fran habang tinitignan ako, "Sila nga 'yong isa sa pumapatay sa DeathTube?"

Tumango naman ako at nilagyan ng tsek ang profile ng dalawang 'yon, "Oo. Sa ngayon, limang tao pa lang ang nakikilala natin na mga pumapatay doon sa site na 'yon, ang pinagtataka ko lang ay bakit nila kailangan pumatay?"

Linabas ko naman ang listahan na puro alias ng pumapatay sa site na 'yon.

' [x] Comic Font - Sans
[x] Russell - Russell
[ ] Genocide Jack
[ ] Genocide Jill
[x] Crooked Justice - Weiss
[x] Blue Ranger - Dogma
[x] Red Ranger - Cathy
[ ] Mistress
[ ] Slasher
[ ] Berserker
[x] Phantom in Crimson- Red
[ ] Toxic Sugar
[x] Marionette- Dolly
[ ] 342663
[ ] Lady Demise'




Ito pa lang ang nakikilala ko, pero based sa video na linabas kagabi kung sa'n pinapatay 'yong babae sa pamamagitan ng pagtusok sa kaniya kung saan-saan. Nagkaroon ako ng hint kung ano ang nangyayari, sila ang magiging biktima. Pero bakit?


"Wait lang, napanuod mo 'yong video noong isang araw?" Tanong ko kay Fran na tumango kaagad, "Ano ang napansin mo?"

"That girl's figure, iyon ang kapansin-pansin kahit na nakahubad siya. Parehas ng katawan ni Lady Demise," Saad ni Fran na napangiwi, "Sobrang nakakadiri talaga ng video na 'yon pero sure ako na si Lady Demise 'yon! Si Lady Demise kasi ang mayroong kapansin-pansin na figure sa kanilang lahat."

"Sexy e," Saad ko sabay tinignan ang profile ni Dorothy, "Pustahan na ito si Lady Demise."

"Manyak." Pasaring ni Fran sa'kin tapos mahinang sinuntok ang balikat ko.

"Based sa nakuha kong mga dokumento, isang prostitute itong si Dorothy pero ang nakakapagtaka-hindi na nakikita muli ang ilang sa customer niya na parang naglaho na parang bula," Saad ko sabay mayroong linabas na ilang mga dyaryo, "Tapos mayroong lumabas na balita noon tungkol sa mga bangkay na natatagpuan sa isang sapa, di'ba? Guess what? Ilang street lang ang layo nito sa tinitirahan ni Dorothy."

Tinignan naman ako ni Fran na parang nandidiri kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Dude, masyado kang madaming alam. Ang creepy na talaga,Zazie!"

"I'm an aspiring detective, what can you expect? And it isn't creepy,okay?!" Giit ko pero inirapan lang ako ng babaeng 'to.

"Kung posible nga 'yan, e 'di ang ibig sabihin ay mababawasan ang pumapatay mamaya?" Tanong naman ni Fran at tumango ako, "Pero labinglima lang sila na pumapatay, bakit labingwalo ang profile na mayroon ka? Anong silbi ng tatlo?"

"Let me correct that, it's actually nineteen profiles." Taas noo kong saad kaya napatilt na lang si Fran sabay nagblink ang mga mata. I can't blame her, masyado akong magaling para maintindihan niya.

"Dude, now we're going nowhere. Ba't nineteen?" Nagtataka niyang tanong.

"Wala lang," Tipid kong saad sabay kumindat kaya nag-inarte naman 'tong si Fran na nasusuka. Wow naman, napakabuting kaibigan mo talaga!

"Bahala ka, pero kapag sobrang risky na talaga." Nag-gesture siya na tatawagan niya ang papa ko kaya napatango na lang ako.

Alam kong concern siya pero para kasing wala siyang tiwala sa isang tulad ko, kapag sinabi kong gagawin ko 'to, gagawin ko. Tiwala lang sana, parang hindi ako nakasolve ng mga case noon ha.

"Hey." Tinignan ko naman si Fran na nakatingin sa akin at halatang nag-aalala siya "Huwag mo sana masamain ang ginagawa ko ha? Ayoko lang talaga na mapahamak ka, kahit na magaling ka na aspiring detective. Mag-ingat ka pa din."

Napangiti ako at tinapik ang balikat niya, "Alam ko 'yon pero alam mo naman siguro na ito lang ang nagbibigay ng kaligayahan sa'kin."

"I know." Tipid niyang sabi at nag-iwan ng isang slice ng blueberry cheesecake na nasa tupperware.

Kaagad ko naman kinain 'yon habang patuloy na tinitignan 'tong mga nakuha kong clues about sa nangyayaring patayan sa site na 'yon. Sigurado akong konektado ang biglaan na pagkawala ng labingsiyam na taong ito pati ang patayan na nagaganap.

------

NANG makarating ako sa bahay ay kaagad kong binuksan ang kompyuter ko tsaka nagtungo sa site ng DeathTube, saktong-sakto dahil nag-uumpisa na yata silang mag-upload ng video. Nang mailabas ang pangunahing bidyo ay itinuon ko ang pansin sa suot nitong maskara na mistulang magtutungo sa isang masquerade dahil napakagarbo nito, saktong sakto sa alias nito na 'mistress'. Kitang-kita ko kung papaano niya gamitin ang isang lalaki sa pamamagitan ng scalpel, mistulang alam niya kung saan niya sinasaksak ang lalaki para hindi ito kaagad mamatay, napakababaw ng bawat pagsaksak niya para marinig ang bawat iyak at pagmamakaawa nito. Napakaboring pero dahil sa kakapalahaw ng biktima, medyo hindi halata ang pagiging dull ng pagpatay niya.

"Mistress,huh?" Bulong ko at napangisi nang nakakaloko sa isa sa mga profile tsaka linagyan ito ng tsek, "Just like what I'm expecting."

Hindi ko alam kung coincidence lang 'to ngunit masyadong konektado ang alias niya sa mismong profile niya. Isang kaso tungkol sa isang nag-oOJT na nars kung saan naging kalaguyo siya ng isang mayaman na matanda na biglaang namatay, ang naging suspek ng kaso ay ang mismong asawa ng matanda ngunit mayroong mga flaws sa mismong kaso. Why? Because the other detectives were a bunch of airheads.

"Must've been tough, Viana Dequito." Hindi ko mapigilang mapangisi nang magtapos ang bidyo at nagtungo sa pangalawang bidyo na kay 'Slasher'

Isa pa 'to, pinapadali nila ang trabaho ko. Halatang-halata sa paghati niya sa biktima niya gamit ng mga kutsilyo at itak niya kung sino siya, huwag kasi silang maging dedicated sa mga trabaho nila. Ha, this is too easy.

May isang kaso three yeas ago tungkol sa isang manager ng isang hotel kung saan naghire ito ng substitute chef dahil sa sobrang pagkabusy ng hotel, ngunit natagpuan siya na putol-putol ang katawan at mistulang ginamit ang ilan sa lamang loob niya bilang pagkain para sa mga guests. May mga listahan ng suspek noon pero isinawalang bahala ang kaso, ngunit isa doon ang isang matadero sa isang palengke at kahit na napakagaling nitong mag-alibi, alam kong siya ang may sala. Siya lang naman ang may kakayahan na gumawa no'n tsaka wala siyang sapat na rason kung bakit siya nasa hotel na 'yon-unless kung siya ang substitute chef ng panahon na 'yon. Based sa autopsy, isang saksak sa simura ang nakapatay sa manager pero may background kasi ang taong 'yon bilang napakabayolente. Serves him right, I guess.

"Alphys Miranda." Pagt-take note ko habang linagyan ang tsek ang profile niya, "It's you, I'm quite sure of it."




Alam kong may posibildad na hindi tama ang mga deductions ko ngunit sobrang konektado nito sa isa't isa, hindi sa nagmamagaling ngunit konektado ang pagkawala nila pati ang patayang nagaganap sa website na 'to. Pati na din ang pagkawala ng ilan sa mga nakakulong sa presinto ng bayan na 'to.

Sunod ko namang pinanuod ang bidyo mula kay 'Crooked Justice' at laking gulat ko nang gumuhit siya gamit ng dugo ng mga alignment ng numero based sa keypad ng mga lumang cellphone at napasinghap ako, ito ba ang tungkol kay 342663? Masyado siyang nagiging matulungin, alam kaya ng creator ng site ang pinaggagawa niya? Tulad ng dati, napakabrutal niyang pumatay pero pasimple siyang nag-iiwan ng mga clue. Alam niya sigurong may mga nag-iimbestiga na sa pagkawala nila. Gamit ang dugo ng biktima niya, linagay niya ito sa isang spraypaint can tapos may ginakit para magvandalize ng pader.




'C R I M S O N
R E D
B L O O D'




Crimson eh? Kung magpapakashunga ako, aakalain ko na isa 'tong normal na graffiti ngunit hindi e, I'm way better than that. Tungkol ito kay Red. Siya ang Phantom in Crimson. May hula na ako doon sa iba kaso napakadaming butas ng kasong 'to, may mga taong nawawala din na hindi man lang kasali sa mga 'to.





Kailangan ko pa ng madaming clues, buti na lang at nakakatulong ang mga hints ne'tong si Crooked Justice or should I say Weiss Kim? Napakaobvious mo din talaga.





THIRD PERSON



NANG matapos ang pagpatay nila ay nakatingin si Sweetselle kay Cathy na todo kung makakapit kay Dogma at hindi niya mapigilan na mapangiwi.





"Magkapatid ba talaga ang mga 'yan?" Nandidiri niyang tanong.

"Tiis-tiis lang, mawawala din ang magkapatid na 'yan." Napatingin naman si Sweetselle sa nagsalita at nakita niya si Dianne.

"Like how?" Maarteng sambit ni Sweetselle at hinawi ang mahaba niyang buhok.

Napangisi si Dianne, "Halata namang nawawala ang humanity natkng lahat, one of them will be broken soon. Just wait."

"Talaga lang ha?" Napascoff naman si Sweetselle na napatingin kay Weiss, "That boy, I know what he's doing. Naghihinala ako sa kaniya, parang may tinatago 'tong lalaki na 'to e."

"I agree that he's a bit weird but he gives off a calming vibe that cover up his schemes," Pagsang-ayon ni Dianne.

"Do you want to confirm if he's really weird?" Tanong naman ni Sweetselle at ngumiti nang nakakaloko.

Nanlaki naman ang mga mata ni Dianne na tinignan naman siya nang nakakaloko, "You're up to something, partner."

"And as my partner, you should accompany me on my evil plans." Sambit ni Sweetselle na napatawa.

"As if makakahindi ako," Saad ni Dianne na napabuntong hininga.



Nagtungo naman ang dalawa sa harap ng kwarto ni Weiss at tinanggal naman ni Sweetselle ang pin sa buhok niya at pagtapos ng ilang beses na pagkakalikot, narinig nila ang isang 'click' na nagsesenyales na hindi na nakalock ang pinto ng silid kaya binuksan nila 'to at pumasok sa loob.





"Napakalinis para sa isang lalaki," Manghang saad naman ni Dianne.

Napairap si Sweetselle sa narinig niya, "Hey, tara na! Maghalughoh tayo dito!"

"Oo na!" Sambit ni Dianne na sumunod sa kaniya.





Kaagad naman nila binuksan ang drawer ng study desk ni Weiss at may natagpuan silang mga folder na kaagad nilang kinuha at nang buksan ay nanlamig sila sa mga nakita nila. Halos mapasigaw naman sa takot si Sweetselle habang napaupo si Dianne na hindi mapatigil ang sarili sa panginginig.



"Ano 'tong mga 'to?" Hindi makapaniwalang saad ni Sweetselle.

"Totoo ba 'tong m-mga ito?" Tanong ni Dianne na pinilit ang sarili na tumayo at binasa ang mga dokumento.

Napayukom naman nang kamao si Sweetselle, "Wait, ang sakit ng ulo ko. Shit."

"Sweetselle, ako na ang bahala. Magpahinga ka muna," Nag-aalalang saad ni Dianne sa kaniya.

"Bitch, you don't even need to tell me that. I'm going out of this room," Asik ni Sweetselle na tumakbo palabas ng silid.






Napangiti na lang si Dianne at napailing, sanay na ito sa ugali ni Sweetselle. Kahit na maldita at matalas ang dila ng dalaga ay hindi ito ganoon kasama, ito ang defense mechanism na nakasanayan ni Sweetselle. Nagpatuloy na lang siya sa pagbabasa hanggang sa nakarinig siya ng mga papalapit na yabag kaya kaagad siyang nagtungo sa ilalim ng kama tsaka nagtago doon.






Kitang-kita niya ang paa ng taong pumasok sa loob ng silid ngunit kaagad siyang nagtaka nang mapansin niya ang sapatos nito at napatili nang sumilip ang taong iyon sa ilalim ng kama habang nakangisi nang nakakatakot.






"Mukhang may taong nakakaalam na ng lahat," Saad nito habang hinila ang buhok niya nang napakalakas, "Hindi ko hahayaan na kaagad magtapos ang larong 'to, nagsisimula pa lang e."

"No!" Tili ni Dianne.

"Mukhang magpapaalam ka na sa larong 'to, Dianne. Rest in shit," Natatawang sambit ng taong 'yon at kinaladkad siya palabas ng silid.

---------


And it's done! I'M STILL ALIVE Y'ALL, NAPAKABUSY KO TALAGA THIS SEMESTER AND SORRY FOR THIS SHORT CHAPTER. ;;

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top