Chapter 8: Worry and Guilt
Cyril
“Good Morning.” Kaagad naman ako napatingin sa kaniya na busy sa pagbabasa ng mga nasa dokumento niya.
“Nakatulog pala ako, I’m sorry.” Saad ko naman habang kinukusot ang mga mata ko.
Umiling si Weiss, “Nah, okay lang ‘yon. Medyo madami ka na din naman na nai-ayos e. At least nakatulong ka.”
“If you say so,” Kaswal kong saad.
It was two days ago when Dorothy was killed in front of us, medyo natuwa pa sila sa nangyari. I really don’t get it, people kept on dying yet it’s fine for them now. Ganoon na ba sila kadesperado na mabuhay, na umaabot sa punto na kailangan nilang pumatay ng kapwa nila?
I admit that I really don’t mind killing other people since in the first place, I don’t care about them. Pero ang akala ko, mabubuti silang tao. Mukhang mali ako sa pananaw na ‘yon.. bukod kay Daphne, si Weiss lang ang mapagkakatiwalaan ko.
“Weiss..” Napatingin naman siya kaagad sa akin. “Okay lang ba sa’yo na pumatay?”
“Of course not!” Nanlaki naman ang mga mata niya sa pagkagulat, “I might kill those criminals in a gruesome way in order to survive but I never even thought that killing is good. If I’ll be able to escape from here, I’ll confess my sins as soon as possible.”
“Bakit naman?” Tanong ko muli.
“Hindi ako matatantanan ng mga itsura nila noong pinapahirapan ko sila, habangbuhay nito ipapaalala sa’kin kung gaano ako kalala. I don’t want to kill people, but I have to do something. I don’t want to get killed here by doing nothing,” Seryosong saad naman niya at napansin ko na mas napadiin yata ang pagkahawak niya sa isang folder, “May kailangan pa kong gawin bago ako mamatay.”
“I see..” Bulong ko naman bago ngumiti nang tipid, “Para kanino ba iyong gagawin mo? Para sa’yo?”
Umiling siya, “Pangako ko iyon para sa isang tao.”
“Ah, napakabuti mo talagang tao.” Pagpuri ko naman sa kaniya kaya natawa siya nang mahina.
“I guess so, but you’re kind of a naive person.” Sambit naman niya.
People kept on telling me that I’m naive, totoo kaya iyon? O sadyang iba lang talaga ang pananaw nila sa’kin? Am I really a naive person?
“I’m still sleepy,” Saad ko naman. Hindi ko napigilan na mapahikab habang kinukusot ang mga mata kong unti-unting pumipikit muli.
“Then go to sleep, masyado kang napuyat kanina. It's only 6AM, gigisingin na lang kita mamayang 9AM kapag breakfast na,” Nakangiti niyang saad.
“Thank you,Weiss.”
Napangisi siya, “Yeah, yeah. Tulog na. Tatapusin ko pa ito.”
May sasabihin pa sana siya pero talagang inaantok na ako, at hindi ko na napigilan pa ang pagpikit ng mga mata ko. I feel so tired, and I just want to rest for a while.
“Rylle.” Napatingin naman ako sa kaniya.
“Sino ka?” Tanong ko naman at napablink ng ilang beses.
Mistulang nagulat naman siya sa naitanong ko, “Y-You don’t remember me?”
Isa siyang bata na mayroong eyepatch sa kaliwang mata, at mistulang nanlalaki ang iris ng kanan na mata niya. He seems to be surprised..
“Y-You’re joking,right? This is one of your jokes, right? It isn’t funny.. it’s always like that.” Mistulang naiiyak naman na siya, “Y-You can’t forget me, you can’t.”
“Sorry, naguguluhan ako. Pero hindi talaga kita kilala,” Saad ko naman sa kaniya, “You know my name yet I don’t know yours. Should we start off by introducing ourselves?”
“No.. you chose that person.” Nagulat naman ako nang tignan niya ko nang napakatalim, “I can’t take this anymore.. we’re friends, right? So you prefer to be with that person even though that meanie is a monster. Okay then, I don’t want to see you again!”
“Wait!” Bago pa siya nakatakbo ay hinawakan ko ang kaliwa niyang braso, “Hindi kita maintindihan, please clarify everything that you’ve said.”
“Let go of me! You’re a monster now! You’re just like that meanie.. e-even though I did everything to prevent it. You still chose the monster one and let it do what it wants, it ruined your life!” Sigaw niya habang nagpupumiglas, “You ruined mine, too! Let go of me!”
“No, wait!”
Habang hinihila ko naman siya ay natamaan ko ang eyepatch niya para magdahilan dito na matanggal, at tsaka nakita ko ang tinatakpan nito mismo. Hindi na ko nagdalawang-isip na bitiwan siya kaya napatakbo na siya palayo.
“That person.. doesn’t have a left eye,” Bulong ko at napaupo, “Sino siya?”
“Hey!”
Nang imulat ko naman ang mata ko ay tumumbad sa’kin ang mukha ni Weiss, halatang-halata na wala pa itong tulog dahil sa eyebags niya.
“Magbreakfast ka na doon,” Saad naman niya at napainat, “Magpapahinga lang ako nang sandali.”
“Sure,” Sabi ko naman sabay napatango, “Gusto mo dalhan kita ng pagkain?”
Umiling siya, “Baka gabi na ako magising, pakidalhan na lang ako ng pagkain mamayang gabi basta walang seafoods doon,okay? I’m allergic to ‘em.”
“Noted.” Tipid kong saad bago umalis sa kama niya, at tuluyang lumabas na ng kwarto.
Tumutulong ako kay Weiss na makakuha ng mga dokumento sa mga nakikita niyang folders doon sa isang kwarto ngunit tungkol lang ito sa mga kriminal na kinikidnap para gawing biktima namin. Mistulang bantay sarado ang mga ‘to dahil detalyadong-detalyado ang mga nandoon sa folder. Weiss is great at identifying, and memorizing stuff like that, he’s amazing—he’s like a detective!
“Good Morning,Cyril.” Napatingin naman ako kay Daphne at tumango, “Kanina pa ko nasa harap ng kwarto mo ha. Katok ako nang katok.”
“Sorry,” Saad ko naman at tinapik ang balikat niya, “Tara na sa dining room.”
“Hindi mo man lang ipinaliwanag kung ba’t hindi mo binubuksan ang kwarto mo!” Sambit niya, at napapout. There she goes again.
“Tara na,Daphne~” Pagpupumilit ko sa kaniya, at ginaya ang pagpout niya, “I’m hungry.”
“A-Alright!” Sigaw niya sabay napaiwas ng tingin, “Pasalamat ka, at malakas ka sa’kin!”
“Of course! We’re bestfriends,right?” Masigla kong tanong sa kaniya.
Kaagad naman nag-iba ang ekspresyon niya, at tsaka nagdabog patungo sa dining room. Hala, may nasabi ba akong mali?
“Yo.” Kaagad naman akong binati ni Sans na tinapik ang likod ko.
“Hello.” Bati ko sa kaniya.
“Hoy,Cyril! Kagabi kinakatok ko ang kwarto mo pero ‘di mo man lang binuksan,” Bungad naman sa’kin ni Viana.
“A-Ah, I’m sorry!” Natataranta kong saad sabay napachuckle.
“Ano ba ang me’ron? Tulog ka ba no’n?” Tanong naman niya at napatungo, “Baka nakakaistorbo ako sa’yo, sorry ha?”
Umiling ako nang paulit-ulit, “No! You’re not, t-the truth is I’m not in my room last night.”
“What?” Tanong naman ni Alphys na isa-isang linalagay sa lamesa ang mga pagkain, “Nasaan ka?”
“I’m in Weiss’ room,” Tipid kong saad.
Napatingin naman ako kay Blythe na napatili, basang-basa tapos nasa harap niya si Dianne na may hawak na baso. Uh.. what happened?
“What the actual fuck?!” Patiling tanong ni Dianne sa akin.
“Ah, bakit?” Tanong ko naman sa kaniya.
Napailing-iling siya at tinakpan ang mukha niya, “Oh my gosh! The ship is sailing!”
“There she goes again.” Natatawang sabi ni Dolly habang nakasandal ang siko sa table.
“Seriously, they’re so cute!” Pagf-fangirling ni Dianne kaya napasinghal na lang ang iba.
Napakamot na lang ako sa ulo tsaka inumpisahan kumain, halos hindi ko masikmura ang kinakain ko dahil bigla-bigla na lang nagf-flashback ang pagpatay kay Dorothy pero dahil sa matinding gutom, nagawa kong maubos ang kinakain ko. Pansin ko naman na mistulang may sariling mundo ‘tong mga kasabay ko habang nakatingin pa din sa’kin si Daphne—nakakaintimidate na ang mga tingin niya ngayon.
“Daphne, may problema ba?” Tanong ko naman at napairap siya. Confirmed, mayroon nga. “Kung mayroon man, sorry na.”
“Ewan! Doon ka na kay Weiss! Kayo naman ang laging magkasama e.” Asik niya bago nagpatuloy na kumain.
Napasipol si Sans, “Oh, magkaaway ang magbestfriend.”
“Bati na! ‘Tong dalawa talaga e.” Nakangiting sabi ni Papyrus sa amin.
“Do’n na siya kay Weiss, sila yata ang magbestfriend e.” Naiinis na sabi ni Daphne na tinitignan nang napakatalim ang kinakain niya tsaka marahas na sinaksak ang steak na kinakain niya, “Kainis!”
“Kalma lang, Daphne!” Paalala ni Dolly sa kaniya at ngumiti nang tipid, “Pag-usapan niyo na lang mamaya ni Cyril iyang problema niyo,okay? Panigurado akong maaayos ‘yan ng isang maayos na usapan?”
“Sige,” Saad ko sabay tumango at tinignan si Daphne, “Usap tayo after mo matapos kumain. Sorry na talaga.”
“Tumigil ka nga sa kakasorry mo! Ni hindi mo nga alam kung bakit ako naiinis e!” Sambit niya muli at mas binilisan ang pagkain sabay tumayo, “Walang dapat pag-usapan! Bahala ka sa buhay mo! You’re so naive!”
There goes the n-word again. Am I really naive? Or it’s just that they’re expecting for something else? I hate that word. I’m not naive, I’m just a bit different than them.
“Okay lang ‘yan, magkakaayos din kayo..” Napatingin ako kay Viana na ngumiti habang tinapik ang balikat ko.
Napangiti ako, “Thank you, Viana.”
“Ah, welcome? Wala naman akong ginawa kundi i-cheer ka e, hindi mo na kailangan na magthank you nang ganiyan.” Nakangiting saad niya at napahagikhik, “Kahit kailan talaga, ang cute mo pati ng response mo.”
“I’m not cute.” Napasimangot naman ako kaya napatawa siya.
“Ikaw ang bahala diyan. Basta cute ka para sa’kin!” Saad niya bago tumayo tsaka lumabas ng silid.
“Cyril’s getting all of the attention! How to be you,dude?!” Sigaw naman ni Papyrus na napangalumbaba, “You’re like a chick magnet or something!”
Umiling ako, “It’s not like that.”
“Masyadong pa-humble pa e!” Sambit ni Papyrus sabay humalakhak, “That’s right, kunyari ‘di totoo kahit obvious na obvious na.”
“I’m telling you that it wasn’t even like that!” Triny ko naman ipaglaban ang opinion ko ngunit nang makita ko ang nakangiting ekspresyon ng iba sa’min ay napailing na lang ako.
For some reason, I wanted to look at them because tomorrow, it might be the last time that I’ll see one of their smiling faces. Kaagad naman akong nagpaalam sa kanila at naglakad patungo sa second floor para bumalik sa kwarto ni Weiss nang bigla kong makita na nakasandal sa pader si Russell habang nakacross arms.
“That look a while ago.. are you feeling worried for the others?” Tanong niya kaya napablink na lang ako dahil nagtataka ako sa pinagsasabi niya.
“It’s normal to be worried,right?” Tanong ko naman.
Napatango siya, “But remember, you shouldn’t be attached to them. Don’t indulge yourself by hanging out with them because you know what will happen sooner or later.”
“Alam ko ‘yon, pero mas maayos na mayroon akong alaala na masaya kasama sila kaysa sa alaala kung papaano lang sila namatay di’ba?” Tanong ko naman kaya nanlaki ang mga mata niya na mistulang nagulat sa mga sinabi ko.
“Whoa, you’re really something. Your way of thinking is quite different than the others,” Mangha niyang saad kahit na walang ekspresyon ang mukha niya, “Tama ka diyan pero bilang isang tao na pumapatay, pinakamalalang magagawa mo ay ang magkaroon ng koneksyon sa iba. Ikaw at ikaw lang din ang may disadvantage diyan.”
“Bakit? Naranasan mo na ba ‘yon? Di’ba pumatay ka nang napakadaming tao?” Tanong ko kaya napabuntong hininga naman siya at ginulo ang buhok niya.
“Yes, I killed them. But that is because they’re nothing but a bunch of eyesore and a waste of oxygen.” Kaswal niyang saad tsaka napaiwas ng tingin, “I killed some of them while there were a weird bunch of people that asked me to kill them so I did.”
“And you felt?” Tanong ko naman.
“Nothing.” Tipid niyang tugon. Imposible iyan, imposibleng wala siyang naramdaman tungkol doon. He just killed someone!
“Nothing? Aren’t you feeling happy or satisfied because you’ve killed someone? Are you feeling sad for killing him or.. are you feeling guilty?” Tanong ko kaya napakamot muli siya ng ulo.
“Tulad ng sinabi ko, wala akong naramdaman no’n. Walang-wala. Nakapatay ako, tapos. Ayun lang, wala na talagang iba pang idadagdag doon.” Sambit niya.
“Then I guess that if you knew how painful it is to feel guilt, I bet that you wouldn’t even take it.” Saad ko tsaka napangiti, “How I envy you,Russell. Kung p’wede lang hindi makaramdam ng guilt tulad mo.”
“You’re jealous of someone that is almost the same as a living dead? You’re really weird.” Asik ni Russell tsaka napascoff, “Nakukuha mo ang atensyon ko, Kuya Cyril. Interesado akong makita kung papaano mo mas mapagaling ang larong ‘to. Siguraduhin mong mas magtatagal ka pa, sayang lang kung mamamatay ka nang agad-agad.”
Magsasalita pa sana ako ngunit nag-umpisa na siyang maglakad palayo habang kumakaway. Naiwan naman akong nakatayo sa mismong pwesto na ‘yon habang nakatingin sa kaniya. Russell is also a weird guy that cannot even feel guilt but I wonder, what is he up to this time?
There’s something about him that ticks me off.. I wonder, what is that?
---
I ain't dead y'all lmao ;; Busy nga kasi huuuu~ Don't worry, intense na ulit ang next chap ;)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top