Chapter 2: Instructions
Cyril
Nakakatakot man pero mukhang kakailanganin naming lumabas dito kundi baka may mangyari na hindi maganda.
"H-Hey, seryoso ba talaga siya?!" Napatingin naman ako sa isang lalaki na may suot na red scarf at mistulang natataranta na ito "Anong kalokohan ito?"
"Probably," Saad naman ng lalaki na nakablue jacket sa tabi niya "Mukhang kailangan natin sumunod."
"Ha?! Why naman? This is so nakakairita!" Pagrereklamo naman ng isang babaeng maliit.
What are we going to do now? Susundin ba namin iyon o hindi? Walang kasiguraduhan ang lahat, maaaring mapahamak kami once na lumabas dito sa silid na ito. Parang napakadali naman ng lahat-lahat. Isa ba itong patibong?
"Ano na? Tutunganga na lang ba tayo dito?" Tanong naman no'ng Dogma sa amin.
"Wait, hindi pa natin kilala ang isa't isa. Mas mahalaga kung magpakilala tayo.." Saad naman ni Daphne na ngumiti sa kanila "Para medyo mabawasan ang pagkataranta natin."
"Me first! Me first!" Saad ng isang babaeng matangkad sabay ngumiti nang malapad "I'm Sweetselle!"
"I'm Cathy naman!" Nakangiting saad naman no'ng babaeng tumingin sa akin sabay tinuro ang kuya niyang may masahol na ugali "Siya naman ang kuya ko. Dogma's his name."
"Hmpf, I don't need to be friends with these losers. Cathy, be careful! Don't trust them that much!" Paninita niya sa kapatid niya. As if naman gusto ka namin maging kaibigan.. psh.
"Dianne.." Tipid na pagpapakilala ng isang babae na bobcut ang pagkagupit sa buhok nito.
"Howdy! I'm Papyrus! Let's be friends!" Nakangiting saad naman no'ng lalaking nakascarf "I am great at making pasta and a soon-to-be cook!"
"I'm Red," Saad ng lalaking may kulay pula na buhok. Pfft.. bagay ang pangalan niya.
"I'm Blythe.. and I know that I'm so maganda!" Saad naman no'ng maliit na babaeng nagreklamo kanina.
"Dorothy's my name.." Pagpapakilala no'ng babae na nanglandi sa akin kanina at tumingin sa akin nang nakakaloko sabay kumindat.
Umiwas naman ako kaagad ng tingin, no way. Too creepy.. I'm just a student who avoids creepy people. But luck's not on my side this time..
"I'm Dolly, and this guy is Weiss." Tinuro naman no'ng mukhang american na babae ang isang lalaki na tumango lang "Nagkakilala lang kami kanina since siya ang una kong nakausap and he doesn't want to talk much.."
"I'm Viana!" Saad naman ng isa pang babae sabay ngumiti. Shit, ang ganda.
"I'm Sans.." Pagpapakilala no'ng lalaking may blue jacket.
"Russell.." Saad naman no'ng pinakabata sa amin at tinignan ako "Kung may kailangan pa kayong malaman, mukhang kilala ako ng lalaking iyan."
"E-Eh? Ba't ako?" Tanong ko naman.
"The fear hinted in your eyes when I said my name.. I saw it," Bored niyang saad at napasinghal "It's not like I am comfortable with the atmosphere of this place."
Napafake cough naman ang isang matangkad na babae "Hello, I'm Steph."
"Hello.." Narinig ko naman na may nagbulungan na babae nang magsalita si Sir Darren at ngumiti "You can call me Darren."
"Single ka pa ba?!" Biglang tanong naman no'ng Blythe na mukhang kinikilig.
"Yes," Tugon ni Sir Darren at mistulang mga nanalo sa lotto ang expression ng mga kasamahan ko.
Kapag gwapo at ma-appeal nga naman ang isang lalaki, talagang mapapansin sila ng mga babae. Hay.. Sir Darren, how to be you po?
"I'm Daphne naman! It was nice meeting y'all!" Napatakip naman ako ng tenga nang sumigaw si Daphne.
"Geez, pipe it down!" Sambit naman no'ng isang lalaki at napabuntong hininga "I'm Alphys.."
Napatingin naman sila sa akin na mistulang inaantay ang pagpapakilala ko kaya napafake cough ako "I-I'm Cyril.."
Napatingin naman ako sa kanilang lahat, mukhang mababait naman sila. Pero hindi iyon sapat na rason para pagkatiwalaan sila lalo na't nandito kami sa sitwasyon kung saan hindi namin alam kung ano ang sunod na mangyayari. Hindi naman sa pinaghihinalaan ko sila pero kailangan namin mag-ingat kahit papaano.
"H-Hey, what are we going to do now? Tapos na tayo magpakilala, we should do something now.." Saad naman no'ng Sweetselle at tinignan kaming lahat.
"Simple. Open the door," Saad ni Alphys.
"W-Wait, are you even serious?!" Singhap ni Papyrus.
"Yes." Tinignan naman ni Alphys si Papyrus in a 'State-the-obvious' way.
"Pero hindi ka ba natatakot?" Tanong naman ni Viana sa kaniya.
Napachuckle naman si Weiss kaya napatingin kami sa kaniya "Mas nakakatakot naman kung mananatili ka sa isang lugar na kasama ang mga taong hindi mo naman kilala at mapagkakatiwalaan nang maayos."
"Ha?! What is that supossed to mean?!" Sigaw naman ni Dogma at napaclench ng kamao nito "As if mapagkakatiwalaan ka naman."
"Hindi ko naman sinasabi na pagkatiwalaan ninyo ako," Sabi naman niya at ngumiti nang tipid.
Binuksan naman niya ang pinto at lumabas dito na parang wala lang.. ang tapang. Sumunod naman si Alphys kaya nagkatinginan kami ni Daphne, nagtungo naman kami sa harap ng pinto at napatingin sa labas.
"May isang daanan lang.." Saad naman ni Daphne sa akin.
"Wala namang nakakakilabot na mga tao o bagay." Napatingin naman ako sa pinto "It seems like the lock can be controlled by this place's system."
"Ha? Seryoso?!" Saad naman ni Daphne at tinignan ito "Oo nga, ang high tech naman ng lugar na ito."
"And that.. is a creepy one, wealthy people abducting other people.. may hindi tamang nangyayari dito," Sabi ko sa kaniya bago tuluyang lumabas ng silid "Tara na nga."
"Okay!" Tumango naman siya bago muling pumasok sa kwarto at sumigaw "Safe naman sa labas eh, tara na!"
Habang naglalakad naman kami, hindi namin mapigilan na maging alerto sa mga nakikita namin. Kahit simpleng ilaw o pader man ito, baka may patibong na nag-aantay. Bukod doon, medyo madilim ang ilaw na pumapaligid sa parte ng lugar na ito kaya sobrang nakakasilaw 'yong patungo sa labasan ng hallway na ito.
Saktong pagdating namin doon ay nakita namin si Alphys at Weiss na nakaupo sa isa sa mga upuan habang may malaking screen ang nasa harap namin. Ano naman ang mayroon dito? Huling nakadating si Sir Darren at saktong pagtabi niya sa amin ay nagsara ang hallway na dinaanan namin. Hala.
"H-Hey, what happened?!" Gulat na saad ni Papyrus.
Napashrug si Russell "I hate places like this.."
Tinignan kami ni Alphys "Umupo kayo sa mismong upuan na may pangalan ninyo. Mukhang kailangan iyon eh."
Napatingin naman ako sa mga upuan at may mga pangalan nga ito namin, umupo naman ako sa tabi ni Weiss since nandoon ang may nameplate ko. Nagulat naman ako nang saktong pag-upo ng huling tao ay biglang may mala-posas na nakadikit sa upuan ang nangrestrain sa amin at hindi namin maialis ang paa at kamay namin palayo dito. Bumukas naman ang screen at naipakita lang nito ang skull na logo at ang itim na background. What in the world is happening.. here?
"Welcome,participants! Mabuti naman at dumating na kayong lahat dito, dahil baka 'pag nagtagal kayo ng bente minutong hindi sumunod sa akin.. hindi na ninyo maabutan ang pagsikat ng araw." Rinig naming saad ng boses mula sa screen "Gusto ninyo malaman ang mga kasagutan sa mga tanong ninyo, di'ba? P'wes magbibigay ako ng mga kakaunting kaalaman tungkol sa nangyayari sa inyo. At una sa lahat, nais ko lang sabihin sa inyo na hanggang hindi natatapos ang laro.. walang makakabalik sa inyo sa dati ninyong pamumuhay."
Rinig naman ang sunud-sunod na sigawan mula sa iba naming kasama, nakatingin lang ako sa screen na hindi makapaniwala. Parang noong isang araw lang, sabay lang kami ni Daphne na papunta sa paaralan ngunit ngayon.. nandito ako sa isang sitwasyon na hindi ko maintindihan kung bakit nangyari. Ang malas ko naman.
"I bet all of you are screaming and asking what is that supposed to mean,right? Well, guess what.. you're the chosen ones! Napili kayo para maging participant ng DeathTube para sa unang laro namin." Napagasp naman ako sa narinig ko "Sigurado naman akong napakinggan na ninyo kung ano ang 'DeathTube', nais niyo bang ipaliwanag ko kung ano iyon?"
"DeathTube?! Oh my gosh! Oh my gosh!" Rinig kong sigaw ni Blythe "No way! Let me out of here!"
"Ano naman ang koneksyon namin doon?!" Sigaw naman ni Dogma.
"This is preposterous.." Rinig kong saad ni Dianne.
"Ang 'DeathTube' ay ang site na ginawa para sa kapayapaan! Para mabawasan ang mga makasalanan at mga masasamang tao sa mundong ito, peacemaker ang gumawa ng DeathTube kumbaga.." Rinig namin na saad ng boses sa screen.
"What a hypocrite, obtaining peace by bloodshed? What a funny plan.." Asik naman ni Daphne.
"I'll be explaining the instructions, okay? So first of all, we also kidnapped criminals from the prison and some that we managed to capture that wasn't captured by the police.. all of them will be your victims. Because in this killing game, all of you are the murderers!" Nakarinig naman kami ng paghalakhak at pakiramdam ko ay masusuka ako sa narinig ko "Second is that, you should give them the most gruesome death because all of you.. are evil people too. Doing things that is against the law, all of you should be punished and disciplined.."
"Now what in the world was that?!" Sigaw naman ni Dogma "I am a priest, for your information! How am I supposed to be an evil person?!"
"Wow.. hindi obvious," Blythe snickered.
"Manahimik ka." Asik naman ni Dogma sa kaniya.
"Nagtataka siguro kayo kung ano ang sinasabi ko, di'ba? Lahat kayo ay may nagawang hindi tama at ang iba sa inyo ay may nagawang krimen. Kaya dapat din kayong magbayad. Alam kong alam ninyo ang ginawa ninyong mali.." Nagfake cough naman ang boses mula sa screen "Kailangan na nakakasuka at nakakakuha ng atensyon ang pagpatay ninyo dahil lahat ng iyon ay makukunan ng video at ipo-post sa DeathTube mismo. Ang kasiguraduhan ng safety ninyo ay nakabase sa views na makukuha ng pagpatay ninyo. Ang may pinakamataas na views ay mabibigyan ng pabuya, sixty thousand pesos ang makukuha nito habang ang mayroong pinakamababa ay papahirapan hanggang sa mamatay base sa nagawa nitong kasalanan kaya siya napili bilang participant."
Hindi ko na kinaya ang sinabi ng boses mula sa screen, pansin ko na napatigil naman ang iba. Walang nagsalita at mistulang nakapokus ang atensyon sa mismong sunod na sasabihin ng boses mula sa screen.
"Dalawang beses sa isang linggo mangyayari ang pagpapatay at elimination ninyo hanggang sa mahuli ang natitirang participant na makakatanggap ng limang milyong piso bilang pabuya sa pagkapanalo nito. Napakaworth it di'ba? Siguro naman ako na wala kayong karapatan na magreklamo dahil napakasahol ninyong lahat!" Tumawa naman muli ang boses "Kaya galingan na ninyo ang pagpatay dahil iisa-isahin namin kayo hanggang sa isa na lang sa inyo ang matitira. Bukod doon, huwag na kayong magtangka na tumakas pa dahil iyang mga collar na nakalagay sa leeg ninyo.. magi-inject iyan ng lason sa leeg ninyo na magdadahilam para lumabas ang dugo ninyo mula sa lahat ng butas sa katawan ninyo at mamamatay kayo dahil sa pagkaubos ng dugo ninyo sa loob ng limang minuto. At hindi iyan matatanggal sa leeg ninyo hanggang matapos ang mismong laro. Naiintindihan ninyo?"
Nanlalamig ako sa sobrang takot ngayon, ibig sabihin ba no'n ay minamanmanan kami ng gumawa ng DeathTube sa simula pa lang? Nakakakilabot lang isipin na siguro sa panahon na mag-isa ka lang ay mayroon nagmamatyag sa'yo mula sa malayo at hinahanda na ang magiging kapalaran mo.. parang isang panginoon.
"Nasa loob kayo ngayon ng facility namin, may kaniya-kaniyang silid kayo na nasa ikalawang palapag. Nandoon na din ang lahat ng gamit ninyo, sinigurado namin na nakuha namin ang lahat ng mga kakailanganin ninyo. May kitchen sa mismong floor na ito at lagi kaming magr-restock ng pagkain ninyo. Ang curfew time ay 10:00PM, otomatikong magl-lock ang mga pinto sa lahat ng silid at hindi kayo makakapasok hanggang sa magbukas ulit ang mga iyon, which is at 7:00AM. Wala ding gadgets kaya magtiis kayo at galingan ninyo ang pagpatay kung gusto ninyong makagamit muli ng ganoon kapag kayo ang nanalo.." Saad nito "So, is there skmeone who wants to back out? Or will all of you proceed to the next level?"
"N-No.. ayoko.. ayoko nito.. hindi ito p'wede! Ilabas ninyo ako dito! Ayokong pumatay! Ayokong mamatay!" Napatingin naman kami kay Steph na nanginginig sa sobrang tanong at umiiyak "Ayoko nito.. tigilan ninyo kami! Tinatakot niyo lang kami! Balak niyo lang kami paglaruan! Mga kidnapper, ipapademanda ko kayo!"
"Hoy, itigil mo iy--" Hindi na natuloy ang paninita ni Sir Darren sa kaniya nang tumili si Steph.
"I'll sue you! Pagsisisihan mo ang ginawa mo. I won't participate on your dirty tricks! Let me out of here!" Sambit ni Steph na nagpupumiglas kaso hindi makaalis sa mismong kinauupuan niya dahil sa mala-posas na nakakabit sa amin
"A feisty one,hmm? Mukhang gagawin kitang example sa mga kasamahan mo para hindi sila umakto ng ganiyan, nakakadismaya naman. Hindi pa nag-uumpisa ang laro.. paalam sa'yo. Ginusto mo iyan," Saad ng boses mula sa screen.
Nakarinig naman kami ng pag'beep' na nagmula sa pearl ni Steph at napasigaw naman si Steph na parang nasaktan, sumunod doon ay mistulang nac-choke siya hanggang sa mapaubo ng dugo. Doon na nagsimula na mataranta kaming lahat..
"Oh my gosh! Oh ky gosh! Ew!" Tili ni Blythe.
"I-I'm scared.." Rinig kong saad naman ni Cathy.
"Cathy, you don't need to see this. Close your eyes, close your eyes.." Saad naman ni Dogma.
"This is too much!" Viana cried.
Napatingin naman ako sa iba na nag-iiyakan sa sobrang takot habang umiwas lang ang iba ng tingin, pero ang nakakapanghinala lang ay mistulang walang pake si Red, Dianne, Russell pati 'tong katabi ko na nakatingin lang kay Blythe na lalabas ang dugo mula sa tenga, mata, ilong, bibig at kung saan-saan pa hanggang sa hindi na ito gumagalaw.
"Ayan, proweba iyan na seryoso ako sa sinasabi ko. Hanggang dito na lang ako, magtungo na kayo sa mga silid ninyo. May kaniya-kaniya kayong refridgerator doon kaya doon na kuna kayo kumuha ng makakain ninyo since may mini-kitchen din kayo sa silid ninyo.. malapit na magalas-dyes ng gabi." Paalala niya at namatay na ang screen.
Bumalik naman na sa mismong kinauupuan namin ang mga posas at kaagad kong hinawakan ang wrists ko dahil napakahigpit ng pagkaposas sa kamay ko. Bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? I don't deserve this.. wala naman akong nagawang mali sa buong buhay ko.
------
Told y'all that this chapter will be a longer one. Haha, nakain ng sistema ng Danganronpa at hindi makaove-on sa new game be like.. lol. By the way, BlackPink's Rose as Daphne nga pala. Her pic is in the multimedia. Thanks din sa pagbabasa, nagulat ako kasi #168 siya sa rankings kanina. It's been a while since I wrote a mystery/thriller story and it made me glad haha.
By the way, Mafumafu's new song is cute~ Hahaha. Nekos everywhere~ Nyaaa~
Thank you for reading DeathTube. Comments and Votes are highly appreciated. I would really be glad if someone would comment about this chapter :D Haha.
170117
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top