Chapter 11: One-eyed stranger

CYRIL


WALA man lang nagbabalak na kumibo sa aming lahat ngayon, kaniya-kaniya din sa paggawa ng makakain at pati na din sa pagkuha ng maiinom. Mistulang alerto ang bawat isa at may ibang nap-praning na, napaka-awkward lang ng sitwasyon na kinabibilangan namin.

Not that I can’t blame them, someone killed Dianne. And it’s possible to kill one of us now, no one’s safe.


“Seriously! This is so annoying, ang awkward!” Thank you Viana for blurting that out, you’re a lifesaver.

E ‘di makipag-usap ka at nang mamatay ka nang wala sa oras dahil maloloko ka ng isa sa’tin,” asik naman ni Blythe na napascoff, “This is so stupid, p’wede bang mamatay na kayong lahat nang makalabas na ko dito?”

“Ingat sa sinasabi mo’t baka ikaw ang mamatay diyan,” pabirong sabi ni Sans pero bakas sa tono ng pananalita niya ang pagbabanta.

Tama na nga ‘yan, talaga bang pinaplano ninyong pumatay ng isa sa’tin?” pag-aawat naman ni Dolly sa kanila.

Napangisi si Sweetselle, “Well, that’s actually the worst case scenario that is most likely to happen.”

“Guys naman.” nanlulumong saad ni Dolly na napaupo sa sofa habang kumakain ng chips.

“Cyril.” Napatingin naman ako kay Weiss na nakangiti tsaka agad na tumabi sa’kin, “How are you?”

“Meh.” tipid kong sabi at inub-ob ang ulo ko sa lamesa.

“Meh? Bakit?” tanong niya at naglean para tignan ang mukha ko, “Hindi ka naman namumutla, anong me’ron?”

“Wala lang, napaka-awkward lang talaga nating lahat. At bukas, papatay na naman tayong lahat. Nakakaumay lang na gawin nang paulit-ulit,” saad ko at tinignan siya nang diretso, “Nakakawalang gana lang.”

“Whether you like it or not, we have to do this.” saad niya sa akin kaya napasinghal na lang ako.

“Kaasar.” Iyon na lang ang tangi kong nasabi bago inangat ang ulo ko at tumingin sa paligid.

“Nasaan ang bestfriend mo?” tanong ni Weiss kaya napasapo ako sa noo. Oo nga ‘no, nasaan na iyong si Daphne? She should’ve been awake now.

“Wala siya dito.” tipid kong tugon at napashrug, “Baka nasa silid niya.”

“I see,” saad ni Weiss na napangiti nang tipid, “Can I be honest with you?”

Tinignan ko naman siya bago tumango, “Okay.” I have a bad feeling about this though, but since it’s Weiss.. it’s fine. Weird but yeah, there’s probably a reason why I’m attached to this dude.

“You’re losing your sanity.. maybe just a bit. You’re too bored,  you’re probably eager to kill someone again. You’re turning into a monster and you’re not even aware of it.” pananalita niya at nanlaki ang mga mata ko, “Don’t worry, all of us were in that state except Viana and Dogma, probably. I can hear her cries every night since magkatabi ang kwarto namin, Dogma kept on praying for everyone. Pretty weird, Dogma might be an asshole but he’s a good person.”

“Sanity..” bulong ko bago mapaisip na naman.







Oh, he’s right. It’s not right to kill people, it’s not right to just neglect their deaths and act like killing them is mandatory. Yet we have done it a lot of times without even thinking what’s about to happen on their relatives, or the fact that we ended their lives too soon—too soon for them to change and have a second life.

Ah, we’re the worst.



Yet I’m still like this, acting like it’s not that awful. Ganito ba talaga ako? Okay lang sa akin na pumatay at ipagpatuloy ang pamumuhay, I feel like an empty shell.. and I don’t know why. Probably the boy without his one eye can tell me why.. why I’m like this.

“We’re hopeless.” tipid kong sabi kaya napatawa siya nang mahina.

“You’re right, Cyril.” tugon niya bago tumayo, “Tomorrow’s going to be a new day, we must brace ourselves on the changes that might happen. I feel like everything’s going to be really bad.”




Nawala ang ngiti sa labi niya nang nag-umpisa siyang maglakad palabas ng living room, isa pa ‘yang si Weiss. He kept on radiating a positive aura around him yet he’s aware of every single fucking thing.



“Cyril, p’wede ba kitang makausap?” Napatingin naman ako sa nagsalita at nakita ko si Viana.

“Ano ‘yon?” tanong ko naman at napaiwas siya ng tingin.

Not here, though. Do’n sana sa lugar na tayong dalawa lang,” sambit niya at napatingin sa paligid, “I’m scared, Cyril. I’m scared that someone might ruin my plan, and you’re the only one that can help me.”

“Saan ba?” tanong ko naman. I can’t say no to her, not because I admire her but because of the sadness that I can sense from her.

“Cyril!” Rinig ko naman na pagtawag sa akin ni Daphne. Oh, she’s here.

“W-Wait, huwag na muna ngayon.” Akmang magtatanong sana ako kay Viana pero lumayo na siya ulit. Weird.

“Daph, ba’t late ka bumaba?” tanong ko naman kaya napangiti siya.

“I overslept!” tugon niya tsaka napakamot ng buhok.

Napasinghal ako tsaka ginulo naman ang buhok niya, “That’s so like you..”

“Kumain ka na ba, Cyril?” Tumango naman na ako kaya napanguso ‘tong babaeng ‘to, para talaga siyang bata minsan. “Ano ba ‘yan?! Wala tuloy akong kasabay!”

“Your fault, Daphne. Late ka gumising e.” pagrarason ko kaya sumimangot siya.

“Maghanda ka na ng makakain mo, bantayan na lang kitang kumain.” saad ko kaya napaatras siya.

“T-Tititigan mo ako habang kumakain ako?” Tumango naman ako at napatili naman siya. Hala, may nasabi ba kong mali? “S-Seriously! Ewan ko sa’yo!”

“Ha?” Iyon na lamang ang nasabi ko habang sinundan siya ng tingin, sobrang namumula siya.

“Way to go, tiger! Ikaw talaga ang habulin ng chicks dito ha!” natatawang sambit naman ni Sans sabay tinutusok-tusok ang likod ko, “Cyril’s a real chick magnet!”

“How to be you ba?!” sambit naman ni Papyrus sa isang tabi na parang batang nagmamaktol.

Napabuntong hininga ako, “I’m not a chick magnet.”

“Chill lang sa mga sinasabi mo, baka ma-fall sa’yo ang mga babae. Remember, do not play with women’s hearts. Magiging mala-impyerno ang buhay mo sa gagawin mo,” paalala naman ni Sans sa akin.

“Why? I’m talking to them because they’re talking to me, do they have a motive on trying to make me fall for them or something whenever they initiate a conversation with me?” nagtatakang tanong ko sa kanila.





Nagkatinginan naman silang magkapatid bago tumingin sa akin na parang jinu-judge ako, napascowl naman si Sans. Ano na naman ba ang nagawa ko?




“You really have no idea?” tanong ni Papyrus sa akin at umiling ako kaya mas lalong napakunot ang noo niya, “Not at all?!”

Umiling ako, “Nope. I’m really curious on what you’re talking about, to be very honest with the two of you.”

“Seriously, you’re like a blank page.saad ni Sans sa akin tsaka napasinghal, “Wala na tayong magagawa d’yan, Papyrus.”

“Palit tayo ng katawan, Cyril. Gusto kong maging tulad mo kahit isang araw lang!” saad naman ni Papyrus sa akin.

Natawa naman si Sans, “No, being naive doesn’t suit you at all. Ang role mo ay maging tanga, Papyrus.”

“Take that back, you asshole!” asik ni Papyrus sa kaniya.

Natawa naman si Sans habang tinitignan ko lang silang dalawa bago muling tinignan si Daphne mula sa kinauupuan ko. There they go again, describing me with that n-word. I don’t know why but I dislike hearing that word, I dislike it.

Nang matapos naman na si Daphne ay nagtungo siya sa tabi ko habang kinakain na ang mga pancakes na halos lunurin niya sa honey syrup. Napangiwi ako, that’s too sweet. Yuck.


“Seriously, are you gonna look at my pancakes with that kind of expression?!” asik niya at tinusok ng tinidor ang pancakes bago sumubo ulit.

“I feel bad for those pancakes, they drowned in a pool of sweetness.” saad ko kaya sinuntok ako ni Daphne nang mahina sa balikat.

“Ewan ko sa’yo, masarap naman e!” giit niya kaya mas lalo akong napangiwi.  How about no?

“Not really, just looking at it makes me want to puke.” sambit ko tsaka sumandal sa upuan.

“Whatever, you’re just into bland food.” asik niya at nagpatuloy sa pagkain ng pancakes niya, “I’m going to enjoy this pancakes and you can’t stop me!”

“Oh, god. I can’t stand seeing tis horrible sight, alis na muna ako!”



Kumaripas naman na ako ng takbo at rinig ko ang paghalakhak ng bestfriend ko, how evil! Sa hindi ko maintindihan na dahilan, tumigil ako sa harap ng pintuan ni Weiss at kumatok sa pinto.

“Bakit?” bungad naman niya at tinignan ako.

“I just can’t stand Daphne eating those pancakes that she drowned with that horrible honey syrup so I’ll barge in and make myself comfortable.” saad ko at pumasok na sa silid niya.

“Napapadalas ang pag-invade mo sa teritoryo ko ha,” biro niya sa akin kaya natawa ako.

“Masanay ka na, Weiss.” sambit ko.

Napatango naman siya, “Wala naman akong magagawa e.”

“Mabuti at nagkakaliwanagan tayo,” saad ko kaya siya naman ang natawa.

“So, what are you going to do right now?” tanong niya.

Napashrug ako, “I’m bored, I want to do something fun.”

“Unfortunately, all of my stuff are for boring people.” saad niya tsaka napangiti nang tipid.

“Then I’ll just stay here and talk to you!” masiglang sabi ko tsaka inakbayan siya.

“Alam mong may ginagawa ako, ‘di ba?” saad niya sa akin pero ngumiti lang ako. I’ll bug the hell out of you, Weiss!

“Alam mo naman na guguluhin kita, ‘di ba?” tanong ko pabalik kaya napafacepalm siya. Alright! One point for me!

“I give up, hindi naman kita mapipigilan. Pero ikaw ang mag-iisip ng pag-uusapan nating dalawa,” sambit niya.

Napaisip naman ako at tinignan ang mga libro sa bookshelf niya, “Ilang taon ka na at ano ang hobbies mo?”

“Nineteen. I love to read books, decypher codes, and to write poems,” saad niya sa akin.

“Oh. I see.” Tama nga, medyo boring ang hobbies niya. Tsaka napakasakit sa ulo ng libro niya dito, how can he understand those books?! “I bet that you’re still studying, may nasalihan ka bang extra-curricular clubs?”

“I’m a part of my school’s Dance club and I’m the vice president of the Literature club,” tugon niya tsaka napainat. Nagtungo naman ako sa kama niya at umupo doon habang umupo siya sa swivel chair na nasa study desk niya, “Nakakamiss na nga ang mga rehearsal namin e.”

“You’re cool!” saad ko naman, “I’m already graduating this school year yet I haven’t joined a single club.”

“That means that you’re probably focused on studying. It’s not a bad thing at all.” sabi niya.

“Somehow, my grades were pretty average. My life is a boring one and I barely open my sns accounts.” saad ko tsaka napakamot ng batok.

Napatango siya, “You’re quite an average person that is somehow introverted, I guess?”

“You’re right, Weiss. May mga kaibigan naman ako pero bukod kay Daphne, hindi kami ganoon ka-close.” tugon ko.

“Ah.” Iyon lang ang nasabi niya at kinuha ang librong binabasa niya.

“It’s a boring conversation, right?” tanong ko at tumango siya, “Sorry about that.”



Ngumiti naman siya sa akin, it’s like he’s saying that it’s alright. For an unknown reason, naiintindihan ko ang mga simpleng gestures niya. It’s like we’re connected by an unknown thread.



“You know what? Sans said that I was like a blank paper.” saad ko at humiga sa kama niya, “Bakit kaya? Dahil maputi ako?”

Laking gulat ko naman nang napahalakhak siya kaya tinignan ko siya na tumatawa habang hawak ang tiyan niya “Seriously?! Iyon ang naiisip mong rason?” Bakit? Mali ba?

Tumango ako, “Bakit? Hindi ba ‘yon ang dahilan? I have no idea on why he’s describing me like a blank page aside from the fact that my skin is as fair as a blank page.”

“Hindi naman sa mali ka, may kaniya-kaniya tayong mga opinyon at hindi ka mali. Pero ang mas accurate yata na dahilan para tawagin kang isang blank page ay mas malalim pa sa inaakala mo, may naiisip akong tatlong dahilan.” saad niya tsaka tumabi sa akin, “First of all, you can be desrcibed as a blank par because you’re actually like an empty person, as if you were existing but not blending in with the sinful world. Second, it’s either because you’re quite plain yet you have the potential to be an amazing person if you want to be, just take a step on changing yourself and you’ll be able to suceed.”

Ayon ba iyon? Mas malalim nga, I can really trust Weiss on explaining these kind of stuff. Napatango ako tsaka napalingon sa kaniya, “Ano ang pangatlo?”

“That you can be easily tainted because you have no stable personality at all.” saad niya tsaka napangiti, pero hindi iyon tulad ng mga usual niyang ngiti. Parang punung-puno ng kalungkutan? “No matter what happens, don’t change. It’s fine to be like what you are right now,Cyril. You don’t need to change at all.”




Hindi ko alam kung bakit pero napatango na lang ako, pinilit ko naman na i-maintain ang blangko kong ekspresyon ko at nagpaalam sa kaniya. Agad naman akong tumakbo patungo sa kwarto ko at pagsara, napasinghap ako sa pangingirot ng ulo ko. Parang may bumibiyak nito mula sa loob, hindi ko mapigilan na mapahikbi dahil sobra na.







Nang imulat ko ang mata ko ay napatingin ako sa paligid, nasa hallway naman ako. Kitang-kita ko ang dalawang bata na naglalaro, pansin ko ang ngiti ng isang bata habang walang ekspresyon iyong isa.



“Tara na, kuya.” anyaya ng isang bata doon sa walang ekspresyon na bata.

“Saan tayo pupunta?” nagtatakang tanong ng kuya nito.

“Maglaro tayo kasama ng friends mo, kuya. Dali!” saad ng bata tsaka napangiti nang malapad, “Gusto ko din sila maging friend!”

“Bakit naman?” Rinig kong tanong ng kuya nito.




Ngumiti lang iyong bata at napashrug habang umiling ang kuya niya, pansin ko naman ang malungkot na ekspresyon ng kapatid niya. Bakit kaya?



“Kuya, you never share your friends with me.” nanlulumong sabi ng kapatid niya.

Napasinghal ang kuya niya, “Aalis muna ako, makipaglaro ka na lang muna kay Mommy.”



Magsasalita sana ang bata pero nakalabas na ng silid ang batang lalaki, sinundan ko naman ito at nakita kong nagpaalam ito sa mommy niya tsaka lumabas na ng bahay. Pansin ko naman na nasa harap ng gate nila ang isang babae at isang lalaki na mayroong basket na hawak.



“Andito na pala siya e!” masiglang sabi ng babae, “Hello!”

“Hello.” Pansin ko na napangiti iyong kuya ng bata kanina.

Ngumiti naman ‘yong isang lalaki at inangat ang basket na hawak niya, “Mom baked a bunch of cookies again.”

“Yehey, may sweets na naman!” masiglang sabi ng babae.

Natawa naman iyong batang lalaki, “Of course, may ibang sobrang matamis at mayroong iba na normal. Hinati ito ni mama since alam niya ang preferences niyo sa lasa.”

“Your mother’s the best!” saad ng batang babae tsaka tumingin do’n sa kasama nila, “Tara na sa usual nating hide-out!”

“Okay.” Kitang-kita ko kung gaano ka-genuine ang ngiti ng lalaking ito habang hawak ng dalawa niyang kaibigan ang magkabilang kamay niya.





Nakarating naman sila sa isang treehouse at pagpasok ko dito, halos namangha ako dahil napakaganda nito tsaka may mga applianes at kuryente ang buong treehouse. Wow.





“So, what are we going to here?” tanong ng batang lalaki sa kanila ngunit hindi blangko ang ekspresyon nito, mukha talaga siyang nagtataka.

“Shall we play hide-and-seek again? Or manuod na lang tayo ng TV?” pag-suggest ng babae.

“Let’s watch the TV instead, mukhang may magandang mga cartoons ngayon e!” anyaya ng lalaki tsaka ipinagitna ang basket habang binuksan ang TV.

“Yipee! Cookies!” sigaw ng batang babae at kinuha ang isang container, “This is the sweeter ones, right?”

“Yes, mom knows how you liked ‘em when they’re too sweet.” saad ng lalaki na may salamin.


Pinapanuod naman ng batang lalaki kung gaano nagkukulitan ang dalawa niyang kaibigan at hindi niya mapigilan na mapatawa kaya tinignan siya ng dalawa.


“What’s the matter?” tanong ng babae sa kaniya.

“Kumportable ako ‘pag kasama kayo, sana ganito na lang lagi..” saad ng batang lalaki tsaka napatungo, “May gusto akong itanong.”

“Ano ‘yon?” tanong naman ng batang lalaki na may salamin, “Go ahead.”

“If there’s someone being a nuisance in my life, what should I do to that person?” tanong nito.



Nagkatinginan naman ang dalawa niyang kaibigan na mistulang nag-aalala tsaka muling ibinalik ang tingin sa bata, bakas sa mukha nito ang pagkafrustrated.

“In my opinion, you should talk to that person and try to patch things up. If they’ll understand you, they won’t annoy you.” saad ng lalaking naka-salamin, “Just do it in a peaceful way, no violence.”

“In my opinion, if someone is bothering you too much.. just finish it. Kill that annoying person!” tugon ng babae.

“What?! No! Killing is for bad people!” saad ng nakasalamin na bata.

“But they won’t stop until they’re dead!” pagrarason ng babae.

Umiling ang lalaki, “He can do it in a peaceful way, without anyone getting hurt.”

“But that’s hard, might as well do the easy way and end them right away!” sambit ng batang babae.

“No!” Umiling-iling naman ang lalaki.

“That’s the right way to do it!” saad ng babae tsaka tumingin sa kaibigan niya, “Hey! Who will you believe?! It’s me,right?!”

“Please believe me..” malungkot na sabi ng batang lalaki.


Kitang-kita ko naman ang pag-aalala na bakas sa ekspresyon ng dalawa at nakalahad ang palad ng dalawang ito sa kaniya, tinignan niya ang mga palad ng kaibigan niya at nang hawakan niya ang mga kamay nila ay nagtaka ang mga ito.



“I will choose both of you, I believe that both of you just wants the best for me. So I’m going to listen at both of you, I’ll talk to them in a peaceful way but if they’ continue, I’ll hurt them.” saad ng batang lalaki.






NAPASINGHAP naman ako at muling pagmulat ko ay napansin kong nakahiga ako sa sahig dito sa kwarto ko. An another dream..




“My head hurts..” bulong ko at pinilit ang sarili na tumayo.





Kinuha ko naman ang flashlight sa drawer tsaka lumabas ako at naglakad patungo sa kusina, mukhang gabi na dahil nakapatay ang mga ilaw. Kailangan ko ng tubig, napakasakit ng ulo ko at sobrang blurry ng paningin ko.



Habang naglalakad ako, may narinig naman akong malakas na pagkalabog at isang sigaw ng lalaki. Napatingin ako sa paligid ngunit wala naman, what was that?

Nang makarating ako sa kusina, nagulat naman ako nang may makita akong tao na nas harap ng fridge, may hawak itong kutsilyo kaya napasinghap ako. Napako yata ako sa kinatatayuan ko nang mapalingon ito sa akin pero sobrang blurred pa din ng nakikita ko, pero sigurado ako sa nakita ko.





Wala siyang isang mata, kitang-kita ko ang eye socket niya. Napaatras naman ako pero bago pa ko makahakbang ay tumakbo na siya at naramdaman ko na lang na tumama ako sa isang bagay, unti-unti nang nagdidilim ang buong paligid. Is he going to kill me?


Pero ramdam ko naman na mayroong bumuhat sa akin, napakapamilyar na pakiramdam ang nararamdaman ko ngayon pero bago pa tuluyan na mawalan ako ng malay ay narinig ko ang mga katagang sinabi ng taong ito.

“Stay here for a while.”


••••••

Drowsy: Hellooooooo! It’s been a while, sorry for not updating! Will prolly update soon anyway~ Masyado akong kinain ng MIXNINE at A.C.E these days kaya talagang hindi ako makpagsulat hahaha

By the way, it’ll be nice to see your comments about this chapter! ^ ^ Thank you for reading DeathTube!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top