Chapter 10: Kill or be killed

RED

PAGMULAT ko ng mga mata ko ay bumungad sa’kin ang kisame na kulay puti at pinilit ko naman ang sarili ko na mag-asikaso dahil ito na naman ang araw kung sa’n malalagasan kami ng isa. Why am I even in this place? It sucks as hell.

Nang matapos akong magbihis ay nagtungo ako sa harap ng salamin, napakanormal pa din ng itsura ko. Hindi ko mapigilan na mapabuntong hininga at hinawakan ko ang buhok ko na kulay pula din, bakit kaya ako pinangalanan ng Red? Bakit nakakagaan ng loob makakita ng pula? Bakit gustung-gusto ko ‘tong makita?

Sobra akong nagtataka ngunit isinawalang bahala ko na lang ‘yon at nagtungo sa kainan, pagpasok ko ay mistulang kakaiba ang atmosphere. Napakatahimik kahit na nandito si Sweetselle, balisa yata siya habang wala pa si Blythe. Kaya naman pala..

“Good Morning,Red.” Bati ni Dolly kaya tumango na lang ako na nagdahilan para mapanguso siya, “Ang suplado mo kahit kailan!”

“Tinatamad lang ako magsalita, Dolly. Chill.” Kaswal kong saad at tinapik ang balikat niya.

Hinawakan naman niya ang kamay ko at hinatak ako patungo sa upuan na nasa tabi ng sa kaniya habang kinuhaan na din ako ng plato at linagyan na niya ng ulam na fried chicken at kanin ‘to, “Kumain ka lang nang kumain, okay?”

“What’s with you?” Diretsahan kong tanong. Napakacaring ng babaeng ‘to sa'kin, tsk.

“Wala naman! Kumain ka lang ha? Panigurado na mamaya ay baka maiduwal mo din naman ‘yan,” Masigla niyang saad at ngumiti nang malapad.

O..kay..” Nag-aalinlangan kong tugon.




Nag-umpisa naman na akong kumain, buti na lang at marunong magluto ‘tong si Alphys kung hindi ay baka namatay na kami sa gutom. Pero napansin ko ‘yong paraan ng paghati niya ng karne last week, napakahusay at mistulang sanay na siya. Siguro’y matadero ‘to noong wala pa kami dito.

“Good Morning!” Rinig kong bati naman ni Viana ngunit hindi ko ‘to pinansin at nagpatuloy na lang sa pagkain.





Medyo nag-umpisa nang mag-ingay kahit papaano dahil nag-uusap sila Viana, at Dolly. Binilisan ko na ang pagkain ko at nang matapos ay dinala ko na ang pinggan ko sa sink at lininis ito bago ibinalik sa lalagyan ng mga pinggan. Nagtungo na ako agad sa mismong hall kung sa’n nandoon na agad si Weiss at Russell. Napabuntong hininga na lang ako’t umupo sa couch habang kinuha ang isang libro na nandoon tsaka tinignan ang mga illustrations nito.

“Why aren’t you reading it from the start?” Napatingin naman ako kay Russell na nakatingin sa akin. Walang emosyon pero halos magsisigaw na ang mga emosyong nagtatago sa mga mata niya, masyado niya ‘tong kinikimkim. I wonder.. would it be great to see him drown in his own emotions and break down?

Napashrug ako, “I’m not fond of reading a lot of words, I like the images and moving images more than a thousand of words. I prefer watching animations and movies than reading an actual book of it.”

“Eh? That’s weird.” Sambit niya at napahalukipkip ng mga braso niya sabay sumandal sa pader, “The book explains the actual storylines of movies and it’s way better than it.”

“Don’t care, too lazy to read.” Tipid kong saad tsaka muling ibinalik ang atensyon ko sa binabasa—no wait, let me rephrase that. More like tinitignan ko.

Ilang sandali ay dumating na silang lahat, nag-umpisa nang umingay ang buong paligid. Rinig ang tawanan, sigawan, at ang mga sita ni Dogma sa kanila. Rinig ko ang pagpapakalma ni Cathy sa kuya niya habang patuloy ng pagmamaldita ni Blythe sa kanila, inaawat naman ni Viana ang mga nagtatalo habang tumatawa lang si Sans. Teka, nasa’n si Dianne? Siya na lang ang wala dito.

“Pula!” Tinignan ko naman si Dolly na nakatingin din sa akin habang nakangiti.

“Ano ‘yon?” Walang gana kong tanong pero laking gulat ko nang abutan niya ko ng isang mangkok na puro strawberries.

“Gusto mo? Kinuhanan kita ng strawberries, tsaka kakulay ng pangalan at buhok mo e.” Biro naman niya at tumawa nang mahina. Nakakainis, gustung-gusto ko marinig ang tawa niya. Ayokong ma-attach sa ibang tao at makipagkaibigan dahil takot ako na maiwan sa ere pero ‘tong si Dolly kasi! Hay naku!

Napaiwas ako ng tingin, “H-How did you know that I’m fond of ‘em?”

“You like strawberries?” Tanong niya sabay napablink nang ilang beses.

“D-Don’t do that, mas nagmumukha kang manika!” Sambit ko naman sabay inismiran siya ngunit kumuha ako ng tatlong strawberries, “I’ll be taking some, masamang t-tumanggi sa grasya!”

Napatawa naman siya, “Ang cute mong magpakasuplado.”

“Ha?!” Bulalas ko at napafacepalm naman ako nang mapunta sa’kin ang atensyon ng iba kaya tinignan ko sila nang matalim, “Anong tinitingin-tingin ninyo?!”

Sa takot siguro ng iba ay umiwas sila ng tingin habang napailing naman ang iba na bumalik sa mga pinaggagawa nila, nakakahiya talaga! Tinignan ko naman si Dolly na tumatawa, napabuntong hininga na lang ulit ako. Obvious naman na talo ako ‘pag nakipagtalo ako sa babaeng ‘to, wala kong laban e.




“D-Day! Hello, participants! Nandito na naman ako para mag-anunsyo sa inyo ng mga kapalaran ninyo! Ito na naman ang araw na inaabangan natin, ipapakita ko sa inyo ang mga na-achieve ninyo. Akalain niyo ba naman, napakasikat niyo nang lahat. Pero ito din ang inaabangan ko dahil malalagasan na naman kayo ng isa!” Ayan na ang boses mula sa malaking monitor na may skull na logo. Napunta naman na ang atensyon namin dito at tumahimik ang lahat.

“Uumpisahan ko na sa pamamagitan ng pagcongratulate sa top four natin ngayon. Una ay ang napakagaling nating ace na si Sans,” Napasinghal naman si Sans at tinignan si Papyrus, “Higit 11 Million ang views ng kaniyang bidyo na nasundan naman ni Daphne na mayroong estimated na 9 Million views!”

“I knew it!” Napangiti si Daphne sabay tinignan si Cyril, “Panigurado na ikaw ang sunod sa’kin, napakagaling mo kayang pumatay.”

“Don’t be like that, I hate that term. It’s not like I like killing people,” Saad ni Cyril na mistulang nailang dahil sa sinabi ni Daphne sa kaniya.

“The third one’s a dark horse, hindi ko alam kung bakit pero si Sweetselle ang third place! Congratulations, sweetheart! Parehas kayong 9 Million ang views ni Daphne ngunit mas madami nang kaunti ang sa kaniya.” Napatingin naman kami kay Sweetselle na nakayukom ang kamao at inismiran lang kaming lahat pero pansin ko talaga na parang wala siya sa sarili these days, “The fourth one’s Blythe with 7 Million views. Aba, mukhang bumaba ang rank ni Weiss at Cyril ha! Ano ang nangyayari?!”

“Well, I deserve a higher rank! Mas magaling ang ginawa ko kaysa ng sa kanila ha!” Sambit ni Blythe.

“Wait, seryoso ba ‘yan? Nakakagulat naman.” Saad ni Dolly na nanlalaki ang mga mata sabay tumingin sa’kin, “Ang weird ‘no?”

“Expect the unexpected,” Tipid kong saad kaya napanguso na naman ‘tong babae na ‘to.

Oo nga pala, napakabrutal ng pagkapatay ni Blythe kahapon. Hindi niya agad pinatay ang biktima niya pero napakalala ng sinapit ne’to, mistulang ginawa niyang reference ang pagkapatay kay Dorothy noon at kung anu-ano ang pinaglalagay sa butas ng katawan noong biktima niya. Pero nagulat ako sa kinalabasan ng ranking ni Sweetselle, napakataas pero worth it naman. Ginalingan niya e.

“Sasabihin ko na ang fifth to eleventh para maiwan tayo sa final three natin,” Saad ng boses kaya napa‘ha?’ ako nang wala sa oras. Hindi naman kami labing-apat ah, fifteen kami!

“Ayoko pang mamatay..” Rinig kong pagwhimper ni Cathy habang nakayakap kay Dogma.

“The fifth is Cyril with 7.8 Million Views, Weiss the sixth with 7.5 Million Views. Russell’s the seventh with 7.2 Million Views and Red’s next with 7 Million Views,” Saad ng boses at napahinga ako nang maluwag.

“Hindi pa ko natatawag..” Sabi naman ni Viana na yumuko.

Yinakap naman siya ni Dolly, “Same.”

“Natatakot ako!” Pansin ko na nanginginig na nga si Viana, mukhang ayaw pa talaga niyang mamatay. Actually, ayaw pa talaga naming lahat mamatay.

“Don’t worry, baka tayo na ang tawagin na next. Tiwala lang!” Pagpapagaan naman ng loob ni Dolly sa kaniya at tinaas ang kamao na mala‘aja’ pose.

“Oo nga, tiwala lang.” Pagsang-ayon naman ni Cyril at ngumiti nang tipid.

“So ang ninth ay si Cathy with 6.9 Million Views na sinundan ni Dolly na mayroong 6.2 Million Views! Eleventh naman si Viana na mayroong 5.7 Million Views! Ayan na ang top eleven natin! Congratulations, buhay pa din kayo!” Saad ng boses at napasigaw naman si Viana at Dolly na yakap-yakap ang isa’t isa nang matawag ang pangalan nila.

“Pipe it down!” Sita ni Papyrus sa kanila.

Napatingin naman si Cathy kay Dogma, “K-Kuya..”

“Cathy, hindi ko alam na ganito ang mangyayari.” Halatang namutla yata si Dogma nang hindi marinig ang pangalan niya habang kumalas sa pagyakap si Cathy sa kaniya na nakayuko ngayon.

“Wow, that was quick. You’re already a loser?” Nagulat naman kami nang iangat ni Cathy ang ulo niya at bumungad sa amin ang ekspresyon niya na mistulang inaasar at minamaliit ang kuya niya, “Wow naman, Kuya Dogma. Hindi ko ‘to inaasahan, akala ko nga na ikaw ang unang id-dispatya pero ngayon ko na nakikita na maaaring katapusan mo na ‘to.”

“Ano?” Napaatras naman si Dogma sa mga narinig niya.

Mukhang lumalabas na ang tunay na pag-uugali nitong si Cathy, wow. Maganda ‘tong mga nangyayari ha, nakakagulat na lang bigla. Isang tahimik na Sweetselle at nagde-demonyita na Cathy, nakakatawa lang.

“Ang final three natin ay sila Dogma, Alphys, at Papyrus. At dahil automatic na hahatiin ang points ni Sans ay parehas na babagsak ang dalawa sa ikalabing isa at ikalabing dalawa na rank. Which leaves us to Dogma and Alphys,” Saad ng boses galing sa monitor at napatingin kami sa dalawa.

Dogma’s an asshole but he doesn’t deserve to die especially now when his sister that was his strength is causing him to feel weak, and Alphys is a kind-hearted person. He’to na naman kami sa sitwasyon na ‘to.

“A-Ayoko pa mamatay..” Rinig naming saad ni Dogma at kitang-kita ko ang takot sa ekspresyon niya.

“Hindi ‘to maaari.” Sambit naman ni Alphys na nakatingin sa monitor habang nanlalaki ang mga mata.

“Isa lang sa inyo ang mamamatay, ha! Sucks to be the two of you,” Pang-aasar ni Blythe habang nakangisi nang nakakaloko.

“Blythe!” Sita ni Papyrus sa kaniya.

Napairap naman si Blythe sa ginawa ni Papyrus at tumawa nang napakalakas, “Napakalame ninyong dalawa! Agad-agad din pala kayong madidispatsya e!”

“Tumigil ka na,please.” Pag-aawat naman ni Dolly sa kaniya.

“Bakit ako titigil? Kayo ang tumigil d’yan, masyado kayong nagpapakabait. E halata namang unti-unti na kayong nawawala sa sarili ninyo!” Sambit ni Blythe na ikinagulat ng iba, mas lalong napatawa naman si Blythe sa reaksyon ng iba “Halata kaya, unti-unti na kayong nawawalan ng katinuan, sa tingin ninyo.. tama ang ginagawa natin? Ang hipokrito naman!”

“Stop it.” Tinakpan naman ni Dolly ang mga tainga niya habang umiiling-iling.



Tumayo naman ako at nagtungo sa harap ni Blythe bago hinawakan ang mukha niya nang napakarahas, nagulat naman sila sa ginawa ko at pati na din ‘tong si Blythe na nanlalaki ang mga mata.

“Manahimik ka na, pinagsasabihan ka na nang paulit-ulit. Para kang spoiled brat na hindi matigil,” Malamig kong utas bago siya ibinalibag kaya napahiga siya sa sahig tsaka bumalik sa couch.

“Wow, what a sight!” Sigaw naman ng boses mula sa monitor tsaka napahinga nang malalim, “Sasabihin ko na nga kung sino ang nakakuha ng last rank! At ito’y si Alphys na mayroong 4.2 Million Views habang may 4.4 Million Views si Dogma! Ligtas ka Dogma, kahit na ang mga comments ng mga viewers ay napakaboring mong pumatay. Paulit-ulit naman daw kasi ang kay Alphys kaya nakakasawa! Mas gusto nila ang pagpatay ni Russell at Daphne, paiba-iba ngunit napakabrutal. Bumaba naman ang kanila Weiss at Cyril dahil sobrang galing ng pagpatay ni Red, Sweetselle, at Blythe ngayon.”

“Kuya Alphys.” Napatingin si Viana nang nag-aalala kay Alphys na napaupo sa sahig.

“H-Hindi.. ayoko pang mamatay, ayoko pa!” Sigaw ni Alphys habang umiiling-iling. Mukha siyang tanga na umiiyak habang umiiling-iling.

“Maaari kayong magshare ng views sa kaniya, may nais bang magbahagi ng views sa kaniya?” Tanong ng boses mula sa monitor at ipinakita ang rankings namin, “Ten seconds.”

Nagcountdown naman na ang mismong timer at tinignan kami ni Alphys na nagmamakaawa para sa kakaunting views na magliligtas sa buhay niya ngunit umiiwas ng tingin ang iba, habang tinitignan siya nang nakakaloko no’ng iba, diretsahan ko lang siyang tinignan hanggang sa matapos ang timer. Halos mawala na siya sa katinuan nang makita niyang nasa dulo pa din siya.

“Pagtapos ng ginawa ko sa inyo! Pinagsisilbihan ko kayo! Tapos ganito ang gagawin ninyo?! Mga wala kayong pakisama, parang wala naman tayong pinagsamahan! Ganiyan ba kayo kasakim?!” Bulalas niya habang pinagduduro kaming lahat, “Ako ang nagluluto para sa inyo! Naglilinis at lahat-lahat, tapos ito ang kahahantungan ko?! Putangina!”

“Kuya Alphys, sorry..” Mangiyak-iyak na saad ni Viana habang tinatakpan ang mukha niya.

“Hindi ko kayo mapapatawad! Mapupunta kayong lahat sa impyerno! Hinding-hindi kayo magiging masaya!” Hiyaw ni Alphys at kaagad na siyang kinaladkad patungo doon sa torture room kahit na nagpupumiglas siya, “Ayoko pang mamatay! Parang awa niyo na! Bitawan niyo ako!”




Nang maipasok siya sa torture room ay ipinakita sa malaking monitor ang nangyayari sa loob ng silid, itinali nila si Alphys sa isang lamesa tsaka kumuha ng iba’t ibang mga panaga ang mga lalaki. Isa-isa niyang pinutol ang daliri nito sa paa at kamay tapos mistulang pinapakain kay Alphys na umiiling-iling habang patuloy sa pagpumiglas, sinusunod naman nila na itahi ang butas ng ilong nito para pwersahan na ilunok ni Alphys lahat ng isinusubo sa kaniya. Nang matapos ang sa daliri ay kumuha sila ng garapon na mayroong mga insekto, inuna nila na isubo kay Alphys ang langgam hanggang sa tipaklong, ipis, salagubang, daga at kung anu-anong maliliit na insekto o hayop ang ipinapasok nila sa bibig ni  Alphys.

Napasigaw naman na ang iba sa’min nang halos masuka na si Alphys ngunit pilit na sinasara ng mga lalaki ang bibig nito para lunukin na lang ito, ngunit mas lalong tumili sila Viana nang makita namin na isang garapon na mayroong tarantula ang hawak ng isang lalaki at binuksan ito sabay hinayaan na pumasok sa bibig ni Alphys, isinara naman kaagad ng mga ito ang bibig at rinig namin na nabibilaukan na siya ngunit tinitignan lang siya ng mga lalaking ‘yon.

Laking gulat na lang namin nang may mga lumalabas na dugo na sa bibig, tainga at mga gilid ng mata ni Alphys kasabay ng pangingisay niya. Panigurado na nakagat na siya ng tarantula mula sa loob o kahit ano sa mga naipasok na hayop sa bibig niya. Tinanggal naman na ng mga lalaki ang pagkatali at halos kamutin na ni Alphys ang leeg niya kaso nga lang, wala na siyang mga daliri. Nagawa pa nitong tumayo ngunit sobra itong nangingisay at bumagsak sa sahig habang patuloy na lumalabas ang dugo sa mata, ilong,tainga, at bibig niya. Hindi na ‘to gumalaw at napansin namin na ibang likido na ang lumabas sa bibig nito at doon nagblack out ang screen.


“Tangina, nasusuka ako.” Sambit ni Sans.

“Nagustuhan niyo ba ang show? Kaya iwasan ninyo na mapunta sa last place kundi mamamatay kayo nang napakalala!” Sambit ng boses tsaka tumawa nang mahina, “By the way, may mga katanungan ba kayo?”

Tinaas ko ang kamay ko, “Anong nais mong ipahiwatig na labing apat na kami? As far as I know, labinglima pa kami. At wala si Dianne dito, anong ibig sabihin nito?”

“That’s a good question. Buti naman at may nagtanong na,” Saad ng boses bago mapafake cough nang sandali, “Nais ko lang sabihin sa inyo na mayroong pumatay kay Dianne at nandoon ang bangkay niya sa storage room ng mga cleaning supplies. Mas maayos kung puntahan niyo na!”

“W-What?!” Nanlalaki naman ang mga mata ni Sweetselle na kaagad na kumaripas nang takbo.



Tumayo naman na ako at binilisan ang paglalakad ko hanggang sa narinig ko ang tili ni Sweetselle na halos sabunutan na ang sarili niya habang nakatingin sa loob ng storage room, tinatagan ko ang sarili ko at sumilip ngunit hindi ko kinaya ang sinapit ni Dianne kaya napaiwas ako ng tingin.

Winakwak ang leeg niya hanggang sa mismong sikmura habang tinahi ang mata at bibig niya para nakasara ‘to, kumakalat naman ang lamang loob niya sa loob ng storage room.



“S-Sino ang may kagagawan nito?!” Sigaw naman ni Papyrus, “Napakabait naman ni Dianne! Bakit?!”

“It has to be one of us,” Seryosong saad naman ni Cyril at lumapit sa mismong bangkay ni Dianne at nakita niya ang isang papel, “This kind of paper is familiar.”

“Wait.” Nang lumapit naman si Weiss at kinuha ang papel tsaka binulsa, “I’ll be taking that, baka maging clue natin kung sino ang may gawa nito sa kaniya.”

“Hey! May sasabihin lang pala ako!” Napatingin naman kami sa speaker na naka-attach sa gilid ng pader, “Ang pumatay kay Dianne ay isa sa inyo, mukhang may nalaman kasi siya na hindi dapat malaman kaya idinispatsya siya ng isang taong nag-eenjoy na sa larong ‘to. At mukhang determinado na ‘tong manalo dahil balak na kayong bawasan nang paunti-unti!”

“Teka, p’wede iyon?!” Gulat na tanong ni Daphne.

“Maaari iyon! P’wede niyo nga din gamitin na biktima ang isa sa into habang gumagawa kayo ng killer video ninyo! Wala naman sa mga patakaran ko ang ipinagbabawal iyon!” Saad ng boses kaya napatingin ako sa kanilang lahat.





Halatang nagtataka at natatakot na sila pero sa isang iglap, nagulat na lang ako nang mag-iba ang lugar.


Nasa isang silid ako na puno ng dugo ang sahig at pader, may nakabulagta na mag-asawa pati isang bata sa sahig habang hindi na makilala ang mga ito dahil butas na butas ang mukha nito. Pagtingin ko naman sa sarili ay nagulat ako nang mayroong isang binatang lalaki na naliligo sa dugo pero pansin ko ang walang emosyon nitong mukha na napangisi nang napakalapad.

“The crimson red blood looks good on me.” Rinig kong bulong nito.





“Red, natatakot ako!” Napablink naman ako nang mapansin kong nasa tabi ko na si Dolly. What the fuck was that?

“I never said that killing each other is prohibited, so feel free to kill anything or anyone that you want to perish! Because in this kind of environment, it’s kill or be killed!” Humalakhal naman nang nakakakilabot ‘tong boses na ‘to.




Tinignan ko naman silang lahat pati na din ang mga reaksyon nila, heh. Panigurado akong magiging mapanganib ang susunod na mga araw ng pananatili namin dito.



One of us will definitely kill. Or worse is that, all of us will try to kill each other.

------

Inspired na inspired ako magsulat dahil sa ongoing anime ngayong fall season na Juuni Taisen hahaha battle royale-ish siya na Zodiac sign reprsentatives ang characters, ang psychotic ng Usagi/Rabbit but a a a a a Nezumi/Rat best boy! \ ( ^ v ^) / If may nais kayong itanong or whatsoever, feel free na itweet ako sa twitter acct ko: @introvertedriri ^^

Thank you for reading and expect an update soon! :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top