Epilogue

"Waaaahhhhh!"

Napabitaw si Xia sa batang yakap niya nang makarinig siya ng isang iyak mula sa crib na malapit sa tabi ng higaan nila.

Binigay ni Xia ang batang hawak niya kay Zander saka siya tumayo upang lapitan ang umiiyak na bata sa crib.

Nang makita niya ito, kamukha ito ng batang yakap niya.

"Twins?" tanong ni Xia kay Zander habang buhat-buhat ang batang para patahanin.

"Yeah."

"Ano pangalan nila?"

"Ito si Raziel Hudson."

Pakilala ni Zander sa batang hawak niya sabay tingin sa batang buhat ni Xia.

"Siya naman si Sariel Hudson."

Napangiti si Xia saka tinignan ang kanyang anak.

"Sariel, sorry ngayon lang nakabalik si mommy. Nagugutom ka na ba? Gusto mo ba ng gatas?" tanong ni Xia.

"Ehem. Hindi sila umiinom ng gatas."

Natigilan si Xia sa sinabi ni Zander. Naguguluhang tinignan niya ito.

"Ano ibig mong sabihin? Kahit hindi tao sila Primo noon, umiinom pa rin sila ng gatas, bakit sila hindi?"

"Wala pa silang physical body noong isinilang mo sila," paliwanag ni Zander.

"Ah! Naalala ko na, nasabi sa akin ng diwata ng mga rosas na spiritual body lang sila. Bakit ngayon may physical body na sila?"

"Samamagitan ng dugo ko at dugo ng serena nagkaroon sila ng physical body, makalipas ang anim na buwan doon lamang nabuo ang katawan nila."

Tinignan ni Xia ang katawan ni Sariel at doon nakita niya na sa halip na puso ang meron ito ay makikita niya ang isang binhi na napapaligiran ng mga ugat kung saan dumadaloy ang dugo nila. Wala itong buto tulad sa normal na tao.

"Katulad ko sila? Maliban lang sa iisa lang katawan nila at ang binhi nila. Mas mabuti na yun hindi na malilimitahan ang mga galaw nila," nakangiting sabi ni Xia ngunit napakunot  ang noo niya nang maalalang hindi pa rin nasagot ang tanong niya.

"Bakit hindi pa rin sila umiinom ng gatas kung may katawan na sila? Noong bata ako katulad pa rin ako ng tao kahit na iba ang katawan ko sa kanila?" tanong ni Xia.

"Ayaw nila ng gatas. Gusto lang nila dugo katulad niyan."

Napatingin si Xia sa kamay niya nang may maramdaman siyang tumusok dito. Pagtingin niya may ugat na nakabaon dito na nagmumula sa kamay ni Sariel.

Hindi na nagulat si Xia sa nakita niya dahil may pagkataon na mas gusto niya gumamit ng ugat sa pagsisip ng dugo kaysa mangagat.

"Mukhang sa akin nagmana si Sariel."

"Nangangat din siya katulad sa bampira. Ayaw ka lang niya masaktan kaya ugat ang gamit niya. Minsan na niya nabiktima si Claude habang buhat siya nito. Ito ipainom mo."

Inabot ni Zander ang isang baby bottle na may lamang dugo. Kinuha ito ni Xia at agad na pinainom sa bata.

"Mahal, nasaan na sila Hexa?" tanong ni Xia habang dahan-dahang hinihiga si Sariel sa kama.

"..."

Nagtatakang tumingin si Xia kay Zander nang hindi ito sumagot. Napaiwas ng tingin si Zander.

"Nagugutom ka ba? Gusto mo ipaghanda kita ng makakain?"

Napataas ng isang kilay si Xia sa tanong nito. Hindi nakalampas sa mga mata niya  na kinakabahan ito.

"Mahal, may tinatago ka ba sa akin?"

"Wala."

"Wala? Bakit hindi ka makatingin sa akin? Nasaan sila Hexa? Ang tagal ko nawala, gusto ko sila makita."

Napabuntong hininga si Zander bago ito tumingin ng diretso sa asawa niya. Alam niyang hindi niya maitatago ang katotohanan kaya mas mabuting sabihin na niya ang totoo.

"Wala sila ngayon dito. Pinadala ko sila sa ibang mundo upang magsanay," sagot nito.

"Bakit?"

"Dahil anak ko sila. Kailangan nila ng experience sa pakikipaglaban, hindi sa lahat ng oras kasama nila tayo. Para maprotektahan nila ang sarili nila kailangan nila maging malakas."

"Okay. Yun lang?"

Inaasahan ni Xia na may mas malalim pa itong dahilan kaya hindi niya masabi ang tungkol kila Hexa.

"Ayos lang ba sayo ang ginawa ko?" gulat na tanong ni Zander.

"Pagkatapos ng mga nangyari naisip ko rin na dapat maging malakas sila para na rin sa kaligtasan nila. Wala naman alo nakikitang masama sa ginawa mo. Nasa tamang edad na rin naman sila para maglakbay, basta umuwi sila ng ligtas."

Napangiti si Zander dahil sa pagsuporta nito sa desisyon niya.

"Sigurado akong ligtas silang makakabalik. May nilagay akong life saving skills sa katawan nila. Oras na nasa sitwasyon sila na maari nilang ikamatay, agad sila babalik dito."

"Good."

Nakahinga ng maluwag si Xia sa sinabi nito. Kahit na gusto niya maging malakas ang mga anak nila, mas importante pa rin sa kanya ang buhay nila.

"Ehem. Pupuntahan ko lang sila Claude para ibalita na gising ka na. Babalik din ako agad," paalam ni Zander bago ito mawala sa harapan ni Xia.

Napakunot ang noo ni Xia, pakiramdam niya may hindi pa ito sinasabi sa kanya. Nang hanapin niya sila Hexa, napansin niyang kinabahan ito. Sigurado siyang totoo ang mga sinabi nito na ligtas ang mga anak nila kaya hindi niya maintindihan kung bakit ito kinakabahang sumagot.

"May tinatago ba siya sa akin?" bulong ni Xia sabay tingin sa anak nila.

"Xia," masayang sabi ni Bliss pagkabukas ng pinto.

"Welcome back," nakangiting sabi ni Trevor.

"Thank you."

"Mabuti ayos ka lang. Wala ka bang masamang nararamdaman?" tanong ni Xavier pagkatapos niya suriin si Xia.

"Wala kuya. Hindi ako pinabayaan ni Zander habang wala akong malay."

"Dapat lang. Kung may masamang nangyari sayo kahit hari pa siya dito hindi ko siya mapapatawad."

"Okay. Pwede niyo ba ako kwentuhan tungkol sa mga nangyari habang tulog ako? Pasok kayo."

"Alam mo na ba yung tungkol kila Hexa?" tanong ni Xavier nang makaupo ito.

Tumango si Xia bilang tugon.

"Pinadala daw sila ni Zander sa ibang mundo para magsanay."

"Anim na buwan na ang nakalipas simula nang umalis sila. Gusto nga sana sumama ni Cali sa kanila pero hindi ko pinayagan."

"Narinig ko na pati si Neil pinadala rin doon ni Claude," sabi ni Bliss.

"Pati si Neil nandoon? Bakit?"

"Sabi ni Claude gusto niya rin daw maging malakas ang anak niya pero sa tingin ko gusto lang niya masolo si Sunny. Kapag nandoon si Neil hindi siya makaporma," paliwanag ni Trevor.

"Pinag-uusapan niyo ba ako?" tanong ni Claude; kasama itong dumating ni Zander.

"Kamusta Claude?" tanong ni Xia.

"Ito gwapo pa rin."

Napabuntong hininga si Xia sa sagot nito saka tinignan ang asawa niya. Para sa kanya walang ibang gwapo kundi si Zander.

"Alam ko si Zander lang ang gwapo sa paningin mo pero hindi mo kailangan tignan ako ng ganyan," sambit ni Claude pagkatapos niya makita ang naawang tingin ni Xia.

"Bakit mo pinadala si Neil sa ibang mundo?" tanong ni Xia.

"Para maging malakas siya. Ehem. Tumatanda na rin ako kaya gusto ko na makapagpahinga sa trabaho."

"Gusto mo palitan ka ni Neil?"

"Ganun na nga. Kung alam mo lang kung gaano kahirap magtrabaho sa ilalim ng asawa. Simula nang mawalan ka ng malay, pinasa na niya ang lahat ng trabaho niya sa akin. Wala ako ibang ginawa kundi magpunta sa iba't-ibang bahagi ng vampire world para lang huliin ang mga kontra sa vampire king."

"Hindi ako pwede lumayo sa katawan mo. Saka siya lang ang pwedeng gumawa nun dahil siya lang ang may hell fire na katulad sa akin. Kilala ang vampire king sa kulay na asul na apoy niya," paliwanag ni Zander nang tignan siya ni Xia

Samantala sa tagong kweba, isang nilalang ang dumilat.  May gintong mata, ang katawan nito ay kasing kulay ng madilim na kapiligiran ng kweba.

"Oras na para umalis," bulong nito saka dahan-dahang tumayo. Isang malakas na spiritual energy ang pinakawala nito bago lumabas sa kweba at mabilis na lumipad patungo sa kinaroroonan nila Zander.

Hindi nito mapigilang pakawalan ang malakas na aura na matagal na niyang tinatago. Ang ibang parte ng katawan nag-umpisang magkaroon ng kulay na katulad sa bituin ng kalawakan.

"What the hell!" sigaw ni Claude sabay tayo nang maramdaman nito.

"Palapit siya dito," sambit ni Trevor habang salubong ang kilay.

Natahimik ang lahat dahil sa lakas ng aura nito. Pakiramdam nila may mabigat na bato ang bumagsak sa sa kanila. 

"Waaahhhhh!"

Iyak ng kambal. Napatayo si Xia dahil sa takot na may masamang mangyari sa anak niya.  Nanginig ang katawan niya dahil sa lakas ng aura na sumasalubong sa kanya tuwing humahakbang siya.

"M-ahal may iba pa bang malakas dito bukod sayo?" tanong ni Xia habang pinapawisan.

Napakunot ang noo ni Zander nang makitang namumutla si Xia. Pinalibutan niya ng aura niya buong kwarto upang protektahan sila.

"Hindi ko pala nasabi sa inyo na hindi lang ako ang lumikha ng lugar na ito. Dahil sa kanya higit na malakas ang spiritual energy dito," paliwanag ni Zander sabay bukas ng bintana habang nilapitan naman ni Xia ang mga anak nila.

Isang malakas na hangin ang humampas sa kanila.

"Dragon?!" sambit ni Claude nang makita ang nilalang sa bintana.

Nagulat ang lahat dahil iyon ang unang beses nila makakita ng dragon.

"Yung aura mo," sambit ni Zander habang nakatingin sa dragon.

"Sorry, hindi pa rin ako sanay sa katawan na ito," tugon nito sabay tago ng malakas na aura niya. Lumiit din ito upang makapasok sa kwarto saka ito nagpalit ng anyo; naging isang babae ito na may kulay itim na buhok at makulay na kasuotan.

Nang makita ito ni Xia, alam niyang isa lamang itong  spiritual body at sa hindi malamang dahilang komportable siya sa tabi nito dahil sa nilalabas nito na spiritual energy.

"Kamuntik na mamatay ang mga anak ko dahil sayo," inis na sabi ni Zander.

"Anak?"

Pagkita ng dragon sa kambal kumislap ang mga mata nito at masayang lumapit kay Xia. Tumigil na pag-iyak ang mga ito nang mapalibutan ito ng spiritual energy na nagmumula sa energy.

"Plant spirit at katulad ko sila na nabuhay sa spiritual energy. Kung gusto mo sila lumaki ng malakas dapat dalhin mo sila sa lugar kung saan mayaman sa spiritual energy. Oras na umalis ako dito hindi na magiging sapat ang spiritual energy sa lugar na ito."

"Alam ko. Plano ko bumalik sa mundong pinanggalingan ko," sagot ni Zander.

"Hindi lang dark attributes ang kailangan nila. Kailangan din nila ng light attribute. Dark spiritual energy lang ang meron sa mundo mo. Kung hindi niyo ibabalanse ang spiritual energy sa katawan ng mga bata maari silang mamatay."

"Dark spiritual energy?" naguguluhang tanong ni Xia.

"Dark spiritual energy ang tawag sa spiritual energy ng mga may dark attributes. Kabilang ang asawa mo sa devil clan kaya may dark attributes siya habang isa ka naman plant spirit na may light attribute," paliwanag ng dragon.

"Devil Clan?"

"Sila ang mga nilalang na nabubuhay sa pamamagitan ng pagkuha ng buhay mula sa iba. Maari sila mabuhay sa pamamagitan ng paghigop ng kaluluwa at life force. Ehem. Tanging ang asawa mo lang gumamit ng dugo upang mabuhay kaya siya ang kauna-unahang bampira sa devil clan. Sabihin na natin na ang kamatayan ng iba ang bumubuhay sa mga devil clan habang dark spiritual energy naman ang nagpapalakas sa kani--hmmp."

"Masyado ka na maraming sinasabi," sambit ni Zander sabay takip sa bibig ng dragon.

Nagdilim ang mukha ni Xia nang mapansin niya na malapit ito sa dragon.

"Sinagot ko lang ang tanong niya," sabi ng dragon nang alisin nito ang kamay ni Zander.

"Bakit ka pumunta dito?"

Hinawakan ng dragon ng mahigpit ang kamay ni Zander saka ito lumapit.

"Oras na para hanapin ang katawan ko," bulong nito.

"Congratulations. Dumating na ang araw na pinakahinihintay mo," nakangiting sabi ni Zander.

Napabitaw ang dragon nang maramdaman niya ang masamang tingin ni Xia.

"Salamat. Dahil nandito ka na pwede na ako bumalik sa mundo ko," nakangiting sabi ng dragon saka tinignan si Xia. "Wag ka mag-alala sayo lang ang asawa mo. May iba akong mahal. Magkaibigan lang kami ni Dale."

Namula sa kahihiyan si Xia at agad na umiwas ng tingin. Nilapitan ng dragon ang kambal.

"Interesting. Anak mo ba sila noong kabataan mo?" tanong ng dragon kay Zander.

Hindi na nagtaka si Zander na nakita nito ang pinagmulan ng anak nila. Tumango siya bilang tugon.

"Paano mo nalaman?" tanong ni Xia.

"Dahil sa kapangyarihan ko. Nakikita ko na magkaiba ang edad ng spirit nila sa spiritual body nila. Asahan niyo na iba sila sa normal na bata saka hindi nabibilang sa mundong ito ang past life nila."

Nalungkot bigla ito habang pinagmamasdan ang pamilyar na aura na lumalabas sa katawan ng bata.

"Dahil nagmula kayo sa nakaraan at nabibulang kayo sa iba mundo noon, bibigyan ko kayo ng kapangyarihan ko, sigurado ako na kailanganin niyo ito balang araw," sambit ng dragon sabay tutok ng hintuturo sa noo ng mga kambal.

Isang puting liwanag ang lumabas sa hintuturo nito. Ngumiti ang dalawang bata nang makita ang ganda ng kalawakan.

"Nagustuhan niyo ba ang nakikita niyo? Kapag malakas na kayo pwede kayo pumunta sa kahit saang bahagi ng kalawakan," nakangiting sabi ng dragon nang makita ang masayang mukha ng dalawang bata.

"Aalis ka na ba ngayon?" tanong ni Zander.

"Oo."

"Yung pangako mo wag mo kakalimutan."

"Okay," tugon ng dragon bago mawala.


"Mahal, maghanda ka. Pupunta na tayo sa mundong kinalikahan ko," sambit ni Zander.

"Aalis tayo sa vampire world?" tanong ni Xia.

"Kung nasaan ako nandoon din ang vampire world. Nakalimutan mo na ba ako ang lumikha ng mundong ito? Hindi ito katulad ng ibang mundo na natural na nabuo."

"Ano tawag sa mundong pupuntahan natin?" tanong ni Xia.

"Sa Alfera."

- End

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top