CHAPTER 9
CHAPTER 9
Apple's POV
Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa. Parang may isang tinig mula sa loob ko na bumubulong sa akin na kailangan ko sila protektahan. Pero hindi ko maitindihan kung bakit... bakit ako nagagalit? Bakit gusto ko sila protektahan? Sino ba talaga ako? Sino ba sila para sa akin? Alam ko na hindi kaibigan ang tingib ko sa kanila. Higit pa doon ang nararamdaman ko. Pero ano? Ano itong nararamdaman ko sa magkakapatid na Hudson?
"Apple!" sigaw nila nang mabaril ako sa binti.
"Ayos lang ako," sigaw ko bago sila makalapit.
Tinignan ko ng masama ang bumaril sa akin. Bigla itong napahawak sa kanyang dibdib at napaupo.
"Ano nangyayari sayo?" tanong ng kasamahan niya.
"Hindi... ako... makahinga," sambit nito bago mawalan ng malay.
"Patay na siya," sabi ng isa pang kasamahan niya pagkatapos nito hawakan sa pulso.
"Pinatay mo siya. Paano mo nagawa yun? Sino ka ba talaga?" tanong ng isa kanila.
"Sino nga ba ako? Kahit ako hindi ko alam kung sino ba ako," tugon ko.
May naramdaman ako palapit sa akin at bago pa niya ako mahawakan kumanan saka hinila ang kwelyo.
"Aaahhhhhh!" sigaw nito nang mag-umpisang matunaw ang kwelyo niya. Mabilis ko siyang binitawan nang mapansin ko ito at gulat na tinignan ang kamay ko.
"Higit sa isa ang ability niya kumpara sa atin," takot na sabi niya habang umaatras.
"Wala tayo laban sa kanya. Halimaw siya!" sabi naman ng isa kanila.
"No! Hindi tayo magpapatalo sa kanya. Mag-isa lang siya. May kahinaan din siya. Sabay-sabay tayo umatake," sigaw naman ng isa sa kanila.
"Tama! Wala tayong mukhang maihaharap kay master kung aatras tayi. Patayin siya!" pagsang-ayon ng isa kanila.
Sabay-sabay silang tumakbo palapit sa akin. Napabuntong hininga na lang ako saka pinulot ang baril na nahulog ng kasamahan nila. Binaril ko sa dibdib ang isang palapit sa akin dahilan para matigilan ang iba pero may isa sa kanila ang hindi ko napansin.
"Hindi lang pala baril ang dala niyo? May espada din," sambit ko habang makatingin sa kamay ko na naputol. Mabilis ako umiwas nang muli akong atakihin gamit ang espada.
"Die! Die! Die!" paulit-ulit na sigaw niya habang tuloy lang sa pag-atake sa akin. Yumuko ako at hinawakan ang kalsada saka ito ginawang yelo. Nang madulas siya, sinipa ko ang kamay niya at kinuha ang espada.
"Parehas na tayong putol ang isang kamay," nakangiting sabi ko pagkatapos ko putulin ang kamay niya. Napasigaw ito sa sakit pero balewala lang sa akin ito.
"Sino pa lalaban?" tanong ko sa kanila. Walang isang sumagot kaya lumapit na lang ako sa naputol kong kamay. Unti-unti itong nagiging abo at muling bumalik sa katawan ko hanggang sa muling itong mabuo.
"Y--yung kamay niya. Nabuo ulit. Hindi siya normal na bampira. Umatras muna tayo!" sabi ng isa kanila kaya mabilis silang nagsialisan. Hinayaan ko na lang sila dahil wala na akong lakas para lumaban. Nanghihina ako. Bago pa ako matumba isang kamay ang sumalo sa akin.
"Apple!" rinig kong tawag sa akin ni Neil. Pagkabukas ng mata ko bumungad sa akin ang nag-aalala niyang mukha habang hawak ako.
"Ayos lang ako. Kailangan ko lang ng pahinga," nakangiting sabi ko bago ako makatulog.
Pagkagising ko nasa puting kwarto na ako.
"Nasaan ako?" tanong ko kay Neil.
"Nasa ospital ka. Isa at kalahating araw ka na tulog. Mabuti nagising ka na," tugon niya sabay sara ng librong binabasa niya.
"Nagugutom ako," sambit ko. Nanghihina pa rin ang katawan ko hanggang ngayon. Kailangan ko uminom ng dugo para bumalik ang lakas ko.
"Kukuha kita ng pagkain. Ano gusto mo?" tanong niya.
"Apple... saka dugo," sagot ko.
"Sige. Diyan ka lang. Wag ka aalis," aniya bago ito lumabas.
Muli ako pumikit dahil nasisilaw ako sa liwanag at hindi ko namalayan na nakatulog nanaman ako. Nagising na lang ako nang may naramdaman akong tumusok sa tiyan ko. Pagkadilat ko bumungad sa akin ang isa sa mga nakaharap namin na bampira. Hinawakan ko ang nakasaksak na dagger sa akin upang alisin ito pero lalo itong diniin ng hindi ko isang lalaki na ngayon ko lang nakita. Doon ko lang napansin na marami sila.
"Ikaw ba yung tumalo sa mga miyembro ko?" tanong niya habang hawak ang dagger. Hinawakan ko ang kamay niya.
"Bitawan mo," utos ko sa kanya. Agad naman niya inalis ang kamay niya habang gulat na nakatingin sa akin.
"Wala ako balak sumama sa inyo," sambit ko sabay alis ng dagger sa tiyan ko. Nang hawakan ko yung lalaki kanina, nabasa ko ang binabalak nila. Gusto niya ako isama sa grupo nila pero hindi ako papayag.
"Matapang ka. Gusto kita," nakangiting sabi niya pero tinignan ko lang siya ng masama. Hahawakan na sana niya ako sa mukha subalit agad ko tinapik ang kamay niya.
"Wag mo ko hawakan," inis na sabi ko saka sumigaw.
"Aaaaahhh! Tulong! Tulungan niyo ko! Aaaaahhhhhh!" sigaw ko na ikinagulat nila. Wala ako lakas ngayon para makipaglaban kaya ito na lang ang naisip ko paraan pero hindi ko inaasahan na mababasag ng sigaw ko yung salamin ng bintana at ilaw.
"What the hell! Kunin niyo siya! Takpan niyo ang bibig," utos ng lalaki sabay lock ng pinto.
"Wag kayo lalapit!" sigaw ko sabay tutok ng dagger sa kanila. Kahit papaano may konting energy pa ako. Kailangan ko lang makalabas ng kwarto at umasang may tutulong sa akin.
Una ko inatake ang pinakamalapit sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya at ginawang yelo. Dahil sa pagkilos ko sabay na umatake ang iba niyang kasamahan ngunit nagsitalsikan sila pagkalapit sa akin.
Napaluhod ako dahil sa huling ginawa ko. Halos gumapang ako patungo sa pintuan kung saan nakatayo ang boss nila.
"Wag mo na pahirapan ang sarili mo. Alam ko na wala ka na lakas ngayon. Bakit hindi ka na lang sumuko sa akin?" aniya habang nakangisi.
"Hindi ako susuko," nakangiting sabi ko. Ginawa kong yelo ang sahig at buong lakas na tinulak siya. Dahil sa yelo nadulas ito. Mabilis ako lumabas at sinarado ang pinto at ginawa itong yelo para hindi nila agad mabuksan.
Napahawak ako sa pader dahil sa panghihina at gawa na din ng sugat ko sa tiyan. May nakita akong natutulog na nurse malapit sa pintuan ko. Tumingin ako sa paligid at doon ko napansin na tulog din ang iba. Nanlaki ang mata ko nang makitang ang iba pang nakalaban namin.
"Naloko na. Nasaan na ba si Neil?" bulong ko. Hindi ko akalain na ganito maabutan ko pagkalabas ko.
Patakbo ako nagtungo sa katabing kwarto dahil hanggang doon na lang ang kaya ko. Hindi na ako nagdalawang isip na pumasok sa loob bago pa ako maabutan ng humahabol sa akin.
"Hindi ko na kaya," sabi ko sarili ko sabay upo sa sahig habang hinihingal.
******
Primo's POV
Pagkapunta namin dito sa ospital ni Lolo para magpagamot, hindi na niya kami pinauwi. Hindi kasi basta-basta ang sugat na nakuha namin dahil hindi ito agad gumagaling kahit bampira kami. Wala din mag-aalaga sa amin sa bahay kaya pinahintay sa amin si Daddy. At ito na nga siya ngayon sa harapan namin habang salubong ang kilay.
"Iniwan ko lang kayo ng dalawang araw, ito maabutan ko?" sermon niya sa amin.
"Sorry," sabay na sabi namin. Hindi namin magawang tumingin sa kanya ng diretso.
"Sorry? Alam niyo ba na halos mabaliw na ang Daddy niyo dahil sa sobrang pag-aalala. Pito kayong iniisip niya, isa lang siya," singit ni Tito Claude kaya nakuha niya ang atensyon namin.
"Hindi na siya natulog para lang matapos ang trabaho niya at makauwi," dugtong pa niya kaya hindi na nagawang makapagsalita ni Daddy.
"Ano? Tatahimik na lang ba kayo? Wala ba kayo sasabihin sa Daddy niyo bukod sa so--" naputol ang sasabihin niya nang bumukas bigla ang pinto at pumasok ang isang babae. Hindi ko kita ang mukha nito dahil nakayuko ito habang hawak ang tiyan niya.
"Hindi ko na kaya," sabi niya sabay upo sa sahig habang hinihingal.
"Apple?" sambit ko nang makilala ko ang boses niya. Napatingin ito sa amin.
"Ano nangyari sayo? Bakit may sugat ka?" nag-aalalang tanong ko sabay lapit sa kanya. Ako kasi ang pinakamalapit sa pinto kaya madali ko siya nalapitan.
"Nandito pala kayo. Kanina pa ako humihingi ng tulong pero walang dumadating," aniya sabay hawak sa balikat ko.
"Soundproof ang kwarto dito sa third floor kaya hindi ka maririnig. Ano ba nangyari?" sagot ko. Ginawa kasi ang third floor para sa mga bampira. Para makaiwas sa atensyon ng iba kapag may nagwalang bampira, ginawang soundproof ang mga kwarto.
"Tatawag ako ng doctor," singit ni Tito Claude habang tinatayo ko si Apple para ilipat sa higaan ko.
"Wag mo bubuksan," pigil ni Apple kay tito bago mahawakan ang pinto. Napatingin kami sa pinto nang may kumatok ng malakas. Kulang na lang sirain niya yung pinto para mabuksan.
"Nandito yung mga bampirang nakaharap natin. Gusto nila ako kunin," paliwanag ni Apple
"Doon muna kayo sa tabi ni Seven," utos ni Daddy. Inalalayan ko si Apple patungo sa higaan ni Seven. Nasa kabilang dulo ito ng higaan ko kaya malayo ito sa pinto.
Tumayo sa gilid ng pinto si Daddy habang si Tito Claude naman nasa likod ng pinto para buksan ito. Pagkabukas ng pinto agad na hinila ni Daddy yung pumasok saka niya siniko sa batok. Sinipa naman ni Tito Claude isa kanila na pumasok din. Tatakbo na sana ang isa pang kasama nila pero nahawakan ito ni Daddy. Ginawa niya itong yelo bago niya binitawan.
"May paparating pa," sabi ni Tito Claude pagkatapos sumilip sa labas.
"Ibigay niyo sa akin ang babaeng yan," sabi ng isang lalaki.
"Ah! Siya si Chase. Nakita ko siya sa memory ni Gail," turo ni Seven sa lalaki. Humawak sa pader si Daddy upang gawing yelo ang paligid ng kwarto.
"Ikaw na tumapos sa kanila. Ayoko na makita ang pagmumuka nila," sabi ni Daddy sabay tulak kay Tito Claude palabas.
"Okay," nakangiting sabi ni Tito sabay labas ng apoy sa kamay niya.
"Master, kami na bahala dito. Umalis ka na," sabi ng isa sa kanila sabay harang sa harap ni Chase.
"Babalikan kita," galit na sabi niya kay Apple bago tumakbo.
Ginawa ding yelo ni Daddy ang labas bago niya hinabol si Chase.
"Ako kalaban niyo," harang ni tito sa mga kalaban na susunod na sana kay Daddy.
Isa-isa niyang sinunog ang mga ito. Bawat mahahawakan niya nasunog at dahil sa yelong gawa ni Daddy naiwasang kumalat ang apoy. Subalit nakatulong din sa kalaban ang mga yelo para mapatay ang apoy. Tingin ko panakot lang nila yung apoy.
"Gusto ko ng dugo," mahinang sabi ni Apple.
"Ikukuha kita," sabi ni Twain sabay labas.
Pagbalik niya may dala siyang limang pack ng dugo. Nasa lalagyan ito na katulad sa juice. May kasama pa itong straw. Dali-dali itong ininom ni Apple.
"Salamat," masiglang sabi niya pagkatapos niya maubos ang limang pack na dugo.
"Ayos na ba sugat mo?" tanong ko sabay tingin sa tiyan niya.
"Oo. Mabilis lang gumaling ang sugat ko pero mabilis din ako manghina dahil doon. Nakainom na ako ng dugo kaya ayos na ako," paliwanag niya.
"Salamat tapos na din," sambit ni Tito Claude sabay upo sa sahig. Lahat ng kalaban niya tumba.
"Sino siya?" pabulong na tanong ni Apple.
"Si Tito Claude," tugon ni Twain.
"Pakuha mo na lang sila kila Trevor," rinig ko sabi ni Daddy.
"Buhay pa ba yan?" tanong ni Claude. Si Chase siguro ang tinutukoy niya.
"50-50," tugon ni Daddy sabay pasok sa kwarto. Tinignan niya si Apple.
"Mahal," sambit ni Daddy habang nakatingin pa rin kay Apple.
"Mahal... Ikaw yung lalaki sa panaginip ko," turo niya kay Daddy.
"Nakita din kita," nakangiting sabi ni Apple.
Itutuloy....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top