Chapter 52

"Gusto ko sumama sayo," sambit ni Xia.

"Hindi ka maaring sumama sa akin," tugon ni Dale at akmang lalabas ng kwarto nang hawakan siya sa braso ni Xia.

"Sasama ako sayo, may paraan ako para hindi nila ako makilala."

Napataas ng isang kilay si Dale at pinagmasdan si Xia habang hinihintay ang sunod na sasabihin nito. Binitawan siya ni Xia at nagpalit ng anyo sa pamamagitan ng magic.  Napalibutan siya ng itim na kasuotan kula ulo hanggang paa ta tanging mata lamang niya ang nakikita.

"Pwede na ba ako sumama?" tanong ni Xia.

Tinignan siya ni Dale mula ulo hanggang paa saka tumango.

"Simula ngayon ako si Xia ang bagong personal guard mo," sambit ni Xia.

"Xia pala ang iyong tunay na pangalan," nakangiting sabi ni Dale.

Natigilan si Xia sinabi nito saka nanlaki ang mata. Hindi pa naman niya sinasabi kung sino talaga siya kaya akala niya iniisip nito na siya pa rin si Rosa.

"Matagal ko na alam na nagmula ka sa hinaharap dahil sa nakasabit sa leeg mo," paliwanag ni Dale.

May pinakita si Dale na katulad sa pendant ng kwintas niya.

"Ano ba yan?" tanong ni Xia.

"Nilikha ko ito para dalhin si Rosa sa hinaharap ngunit hindi ko rin napigilan ang pagkawala niya," malungkot na sabi ni Dale.

Nanlaki ang mata ni Xia sa sinabi nito.

"Hindi ikaw ang vampire king sa panahon na ito?" gulat na tanong ni Xia.

Napangiti si Dale nang makita ang reaction nito.

"Nasaan ang vampire king sa panahon na ito? Wag mong sabihing patay na rin siya?" tanong ni Xia ngunit biglang sumagi sa kanyang isip ang vampire king sa alaala ni Rosa.

May panahon na mabait ito at may panahon naman na sinasaktan nito si Rosa.

"Buhay pa siya," sambit nito sabay hawak kay Xia nang maramdaman niyang may paparating. Nagteleport siya sa tagong lugar at tinignan ang dumating.

Walang iba kundi ang tunay na vampire king sa panahon na kinaroroonan nila. Nang makita ito ni Xia, laking pasalamat niya na hindi ito ang unang nakakita sa kanya dahil kitang-kita niya ang itim na aura nito.

"Sa panahon na ito mas nanaig ang demon blood na ginising ko upang maging isang demon lord. May pagkakataon na hindi ko mapigilang pumaslang at saktan si Rosa tuwing mawawala ako sarili."

"Totoong naging demon lord ka?" tanong ni Xia.

"Hindi mo alam?"

"Sabi nila oras na maging demon lord ka hindi ka maaring manatili sa mortal world."

"Tama ang iyong sinabi. Kaya nilikha ko ang vampire world upang hindi maramdaman ng nasa nakakataas ang tungkol sa akin."

"Bakit gusto mo manatili sa mundo ng mga tao?"

"Dahil sayo."

Tinignan siya sa mata ni Dale at nakita ni Xia ang pagsisi at paghihinayang na may halong kalungkutan.

Hinawakan siya sa mukha ni Xia.

"Balang-araw matutupad din ang pangarap mo. Maaring hindi pa ito ang panahon para sa atin pero balang araw  magiging tayo rin."

Hinawakan ni Dale ang kamay ni Xia na nakahawak sa mukha niya saka lalong lumapit. Konting galaw na lang nito ay magdidikit na ang kanilang labi. Sinubukang umatras ni Xia ngunit mabilis siyang hinawakan nito sa bewang.

"Kailan ka magiging akin?" tanong nito.

"Sa panahon na isinilang ako," tugon ni Xia. Wala siyang balak sabihin sa kung anong panahon iyon.

"Hindi na ako makapaghintay na maganap ang sinasabi mo. Maari bang ikaw na lang sumama sa panahon ko?"

Nagkasalubong ang kilay ni Xia saka hinila ang kamay itinulak si Dale.

"Balak mo bang agawan ang sarili mo sa hinaharap? Mahal ko ang asawa ko at wala akong balak sumama sayo. Oras na malaman ko ang nasa likod ng pagkamatay ni Rosa, babalik agad ako sa panahon ko," sambit ni Xia.

Tumawa lamang ito saka nag-umpisang maglakad. Sumunod sa kanya si Xia.

"Ayos lang ba na makita ka nila?" tanong ni Xia nang may madaanan sila na mga alagad nito.

"Hindi nila tayo maalala," tugon nito agad dahil madali lang para sa kanya na ibahin ang mga alaala nito.

Makalipas ang isang araw kumalat ang balita tungkol sa pagkawala ni Rosa.

"Nasaan ang anak ko? Dalhin mo siya rito ngayon din!" sigaw ng ama ni Rosa nang makita niya ang vampire king.

Malamig na tumingin ito sa ama ni Rosa dahil kahit siya hindi niya alam kung nasaan na ito.

"Siya ang nakita ko! Pinatay niya si Rosa!" sigaw ng isang lalaki habang nakaturo kay Dale.

"Hindi ko alam ang iyong sinasabi," sambit ni Dale.

Samantala nagulat si Xia sa sinabi ng lalaki dahil wala namang ibang taong nandoon bukod kay Rosa at sa pumatay sa kanya.

"Nakita kong gumamit ka ng itak upang paslangin ang iyong asawa," sabi ng lalaki.

"Nagsinungaling siya," bulong ni Dale kay Xia.

Tumango si Xia bilang tugon pero nagtataka siya kung bakit alam ng lalaki ang tunay na nangyari.

"Lampastangan!" sigaw ng kanang kamay ng vampire king at hugot ng espada upang itutok sa lalaki.

"Sandali! Saan mo ko nakita?" tanong ng vampire king pagkatapos paatrasin ang kanang kamay niya na isa sa pinagkakatiwalaan niya.

"Sa lugar kung saan maraming puting rosas. Nagtungo roon si Rosa upang makipag-usap sayo ngunit kamatayan ang kinahantungan niya."

"Dalhin mo ko sa lugar na tinutukoy mo," utos niya sa lalaki.

Nagtungo silang lahat sa lugar kung saan  namatay si Rosa ngunit laking gulat nila nang makita ang mga pulang rosas sa gitna ng mga puting rosas na noon ay wala.

Nang makita ito ng vampire king nakaramdam ito ng kirot sa puso at kalungkutan. Hahawakan na sana niya ang isa sa mga bulalak nunit natusok siya sa tinik ng tangkay nito.

"Mahal na hari!" sigaw ng mga alagad niya ngunit nakatingin lamang ang vampire king sa tumulong dugo niya sa bulaklak.

Lumabas ang imahe ni Rosa sa kanyang isipan. Nakahandusay ito sa sahig habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. Bakas ang kalungkutan nito.

"Dale, bakit mo ito nagawa sa akin?"  umiiyak na tanong nito sa kanya.

Nag-init ang ulo ng vampire sa nakita at nagpakawala ito ng isang malakas na aura. Napaluhod ang mga tao at alagad niya na kasama niya.

"Mahal na hari!" sigaw ng alagad niya nang mapansing nawawalan nanaman ito ng kontrol sa kapangyarihan niya.

"Dale! Huminahon ka!" sigaw ng isang matandang lalaki sabay takbo sa tabi ng vampire king at hawak sa balikat nito.

Kumalma naman ito nang marinig ang matandang lalaki.

"Pa--"

Napatakip ng bibig si Xia bago pa niya mabangit ang salitang "papa" nang makita ang matandang lalaki. Kamukha ito ng ama ni Zander at ang kaibahan lang ay wala itong eyepatch.

"Sino siya?" tanong ni Xia kay Dale na nasa tabi niya.

"Si Papa Peter, siya nag-alaga sa akin simula noon bata ako. Kanang kamay siya ng ama noon at nang umalis ako sa mundo namin pinasama siya ng ama ko upang bantayan ako."

Tumango si Xia at napatingin sa vampire king kasama si Papa Peter. Pakiramdam niya nakatingin siya sa mag-amang Hudson.

"Patay na si Rosa," sambit ng vampire king.

Walang makikitang emosyon sa kanya kaya walang makakapagsabi kung ano ba  ang tunay na nararamdaman nito.

Biglang may lumabas na itim na usok sa pulang rosas at naging korteng babae ito na walang iba kundi si Rosa.

"Hindi kita mapapatawad!" galit na sabi nito sa vampire king.

Humaba ang mga sanga ng rosas patungo sa vampire king upang atakihin ito.

"Mahal na hari!" sigaw ng mga alagad niya ngunit agad tinaas nito  ang kamay upang pigilan sila sa pagsugod.

Hinayaan lamang niya na pumulupot ang mga sanga sa kanya at kahit na tumusok ang mga tinik sa kanya ay hindi pa rin ito kumilos, nakatingin lamang siya sa babaeng nasa harapan niya. Alam niyang gawa lamang ito sa galit ng kanyang asawa dahil sa pag-aakalang siya ang pumatay dito.

Alam niyang wala na siyang magagawa para itama ang lahat ng pagkakamali niya at linisin ang pangalan niya. Sinisi niya rin ang kanyang sarili dahil sa hindi siya pumunta noong araw na yun para makipagkita kay Rosa.

"Stupid!" bulong ni Xia saka ito nawala sa kinatatayuan niya.

Sumulpot siya sa tabi ng mga rosas at pinitas ang kulay itim na rosas na kanina ay kulay pula; kumalma ang rosas na umatake sa vampire king at bumalik sa dati. Nawala rin ang imahe ni Rosa na gawa sa itim na usok.

"Ano ang iyong pangalan?" tanong ng vampire king kay Xia sabay sulyap sa itim na bulaklak na naglalabas ng itim na usok.

"Pwede ka na magpahinga Rosa, ako na bahala sa lahat," sambit ni Xia saka sinunog ang itim na rosas ngunit sa halip na maging abo ang rosas ay nawala lamang ang itim na inerhiyang bumabalot dito. 

Bumalik ito sa kulay pula.  Ginawang yelo ito ni Xia upang hindi na ito mahaluan ng masamang inerhiya tulad kanina. Alam niyang ang rosas na iyon ay ang katawan ni Rosas.

"Para sayo mahal na hari," sabi ni Xia.

Pinagmasdan lang ito ng vampire king at nagdududang tumingin kay Xia.

"Patawad, hindi pa pala ako nagpapakilala. Ako si Xia. Ang bulalak na ito ang katawan ni Rosas, sa tulong ng kapangyarihan ng isang diwata naging isang bulalak ito. Mahal na hari, kung mahal mo talaga ang iyong asawa nais kong itago mo ito at ingatan. Wag niyo na po muling hayaang mawala ito tulad sa nanyari kay Rosa," makahulugang sabi ni Xia.

Hindi niya sana ito tutulungan kung hindi niya nakita ang pagsisi nito sa sarili dahil sa pagkamatay ni Rosa. Subalit hanggang ngayon hindi niya pa rin ito maintindihan dahil sa malamig na tingin na binibigay at masamang aura na bumabalot dito.

Nang hindi pa rin kumilos ang vampire king, hinagis ito ni Xia saka nagteleport sa tinataguan nila.

Mabilis namang sinalo ng vampire king ang rosas na nagyeyelo. Nang mahawakan niya ito hindi ito kasing lamig tulad ng iniisip niya.

"Hanapin niyo siya," utos niya sa mga alagad niya.

Mabilis na nawala ang mga ito upang hanapin si Xia.

Samantala, agad na hinila ni Dale si Xia upang umalis na bago pa sila mapansin. Ayaw niya ito makilala ng vampire king.

"Hindi ka niya dapat makilala," sambit nito.

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Xia

"Kung ayaw mo makulong sa panahon na ito, lumayo ka sa kanya."

"Wag ka mag-alala, babalik na rin ako sa panahon ko."

Tumigil sa paglalakad si Dale saka humigpit ang pagkakahawak niya kay Xia.

"Bakit? Hindi mo pa alam kung sino pumatay sayo," aniya sabay harap kay Xia.

Tinanggal ni Xia ang nakatakip sa mukha niya saka ngumiti.

"Amon," sambit ni Xia habang nakatingin sa lalaking nasa harapan niya.

Napabitaw si Dale sa pagkakahawak kay Xia nang marinig ang pangalan ng kapatid niya.

"Sigurado ka ba diyan?" hindi makapaniwalang sabi ni Dale.

"Mas mabuting ikaw na ang umalam ng katotohanan pero sigurado ako sa likod ng pangyayaring ito siya lamang ang may kakayahan nito."

"Kung totoo ang sinasabi mo, magbabayad siya at sa susunod na pagkikita natin hindi na kita hahayaang mamatay."

Niyakap ni Dale si Xia saka hinalikan sa noo.

"Salamat, Dale."

Hinawakan ni Xia nang mahigpit ang pendant ng kwintas hanggang sa mabasag ito. Lumayo si Xia kay Dale at hinayaang pumalibot sa kanya ang pulang usok.

Samantala naalarma ang vampire king nang maramdaman niya ang malakas na kapangyarihan na nanggagaling sa kinatatayuan ni Xia. Mabilis siyang nagtungo sa lugar na iyon at nakita niya si Xia na nakatayo sa gitna ng pulang usok.

Dahil na kay Xia lamang ang atensyon nito hindi niya napansin si Dale na nakatayo sa harapan ni Xia.

"Rosa," sambit ng vampire king kaya napatingin sa kanya si Xia.

"Hindi ako si Rosa," tugon ni Xia bago mawala kasabay ng pulang usok.

"Mahal na hari, ano nangyari?" tanong ng mga alagad niya subalit nakatulala lamang ito sa kinatatayuan ni Xia bago ito mawala.

Samantala, bumalik na rin si Dale sa panahon niya at agad na nag-iimbestiga tungkol kay Amon. Nalaman niya ang mga kasamaang ginanagawa nito at ang plano nitong kunin ang katauhan niya upang makuha ang pamana sa kanya ng kanyang ama.

Tumagal ng sampung taon ang paghaharap nila hanggang sa masunog ni Dale ang katawan nito at i-seal sa isang kweba ang ispirito ni Amon.

"Hindi pa dito natatapos ang lahat Dale. Tingin mo ba magiging masaya ka oras na ikulong mo ko dito? Sinusumpa ko na mamatay ang babaeng mamahalin mo at kamatayan mo lang ang magpapatigil sa sumpa," sigaw ni Amon saka tumawa ng malakas

"Kamatayan ko lang ang magpapatigil sa sumpa?" bulong ni Dale habang inaalala si Xia.


"Namatay ba ako?" tanong niya sa kanyang sarili bago umalis sa kweba.

Sa kasalukuyan,

Napatingin si Zander kay Xia nang biglang magkaroon ng kulay asul na apoy ang katawan nito. Subalit nanatili lang ito sa tabi niya at hindi pinansin ang apoy sa katawan nito.

Lumabas ang itim na usok sa katawan ni Xia at nagpaikot-ikot ito sa kwarto nila upang mahanap ng lalabasan ngunit tumama lamang ito sa invisible barrier na gawa ni Zander.

Lumikha ng apoy si Zander sa hintuturo niya saka ito tinutok sa natitirang bahagi ni Amon.  Malamig na tinignan niya ito hanggang sa tuluyang maglaho na parang bula pagkatapos masunog.

"Mahal," sambit ni Xia nang magising siya.

"Welcome back," nakangiting sabi ni Zander.

Bumangon si Xia at agad na niyakap si Zander.

"Sorry, pinagdududahan kita."

"Paano mo nalaman na si Amon ang nasa likod ng lahat?" tanong ni Zander.

"Mas matangkad siya sayo."

"Yun lang?"

Humiwalay sa pagkakayakap si Xia.

"Dahil doon sa itim na usok na sinubukang kontrolin ang katawan ni Rosa nang maging bulaklak ito. Si Amon lang ang alam kong may kakayahan na ganun."

"Noong panahon na yun, wala pa akong ideya sa tunay na kapangyarihan ni Amon. Akala ko noon isa lamang siya ordinaryong devil pero higit pa pala doon ang katauhan niya. Walang nakaalam tungkol sa pinagmulan niya at kahit siya hindi niya alam kung sino ba talaga siya."

"Ma-ma," sambit ng isang taong batang lalaki habang nakakapit sa higaan nila upang hindi matumba.

Napatingin si Xia dito at doon lang niya naalala ang tungkol sa pagdadala niya ng anak ni Rosa.

"Mahal, gaano ako katagal walang malay?" tanong ni Xia habang nakatingin sa batang nasa harapan niya.

"Dalawang taon."

Gulat napatangin si Xia kay Zander.

"Dalawang taon?! Isang araw lang ang tinagal ko. Paano naging dalawang taon?"

"Isang taon ka naglakbay patungo sa nakaraan at isang taon ka rin naglakbay pabalik dito."


"Ibig sabihin ang batang ito..."

Muling tinignan ni Xia ang batang lalaki na kamukha ni Zander.

"Ma-ma... Da-da..."

"Anak natin sa nakaraan," dugtong ni Zander sa gustong sabihin ni Xia.

Agad na binuhat ni Xia ang bata saka ito niyakap.











Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top