CHAPTER 50
Katulad sinabi ng vampire king, dinala niya sa kanyang mundo ang lahat ng mga bampira at artificial vampire.
"Mom, kailangan ba talaga natin umalis?" malungkot na sabi ni Trace.
"Tanong mo ang daddy niyo," tugon ni Xia.
Napasimangot si Trace dahil alam na niya ang sagot kahit hindi niya ito tanungin.
"Ate Xia, mamimiss namin kayo," maluha-luhang sabi ni Kia.
"Ayaw niyo ba talaga sumama?" malungkot na tanong ni Xia.
"Ayaw po namin iwan ang trabaho namin dito," tugon ni Rain.
"Kayong bahala. Dadalawin ko kayo dito paminsan-minsan," sabi ni Xia saka niyakap ng isa-isa sila Rain.
Kung noon mga bata lang sila na tinulungan nila, ngayon malalaki na sila.
"Mahal," sabi ni Zander nang makabalik ito pagkatapos burahin ang mga aalaala ng lahat ng tao tungkol sa nangyari.
Tanging sila Rain lamang ang hindi tinanggalan ng aalala dahil matagal na rin nila alam ang tungkol sa mga bampira.
"Ayos ka lang ba? Mukhang pagod na pagod ka," nag-aalalang sabi ni Xia sabay hawak sa mukha nito.
"Ayos lang ako. Naparami lang ang kapangyarihang nagamit ko kanina. Naayos niyo na ba ang lahat?"
"Oo, mahal. Pinauna ko na sila sa vampire world. Tayo na lang ang hinihintay doon."
Tinignan ni Zander sila Kenji.
"Kayo na bahalang magmonitor kung may bampira pang pakalat-kalat dito. Kung tahimik silang namumuhay dito, pagbigyan niyo na tumira pero oras na gumawa sila ng masama, patayin niyo agad." sabi ni Zander.
"Ito gamitin niyo para makausap niyo pa rin kami kahit na nasa vampire world kami. Ginawa yan ni Zander para sa inyo," sabi ni Claude sabay bigay ng tag-iisang cellphone kila Kenji.
Napatingin sila kay Zander.
"Ikaw may gawa nun?" tanong ni Xia.
"May nilagay lang akong magic para makatawag sila sa vampire world," tugon ni Zander.
Napatango si Xia bilang tugon.
"Nakapagpaalam ka na ba sa kanila?" tanong ni Zander.
"Oo, pero may problema tayo."
Napakunot ang noo ni Zander.
"Ano yun?"
Tinignan ni Xia ang mga anak nila at ang ama ni Zander.
"Ayaw nilang umalis," tugon ni Xia.
Napatingin si Zander sa maglolo na nagkukumpulan sa gilid.
"Reason?" tanong niya.
"Dad, ayoko umalis sa bahay na ito," sagot ni Quinn.
Saglit na napaisip si Zander.
"Okay. Dadalhin ko ito sa vampire world."
Natahimik si Quinn dahil wala na siyang idadahilan pa. Tinignan niya si Quade na isa pang nagrereklamo.
"Dad, paano ang pag-aaral namin?" tanong ni Quade.
"Tuturuan namin kayo. Maraming pwedeng magturo sa inyo, nandyan ang lolo niyo at sila Claude."
"Bakit ako? Ang dami mo na pinapagawa sa akin," reklamo ni Claude dahil nagmistulang assistant siya nito sa dami nang inuutos nito.
"Babayaran kita. Ano ba gusto mo?"
Ngumiti si Claude saka tinuro ang anak niya.
"Tulungan mo siya maging malakas."
"Okay. Pwede siya sumama kila Primo."
Nagliwanag bigla ang mukha nila Primo sa narinig.
"Dad, tuturuan niyo kaming gumamit ng kapangyarihan?" tanong ni Trace dahil noon ayaw nilang turuan sila at mas gustong magfocus sila sa pag-aaral.
Pero ngayon para bang nag-iba ang ihip ng hangin. Mas tuturuan na sila gumamit ng kapangyarihan kaysa pumasok sila sa school. Nag-uumpisa na niya magustuhan ang pagbabago ng kanilang ama.
"Yeah."
"Okay, dad. Alis na tayo. Lolo, tara na."
Pangkukumbinsi ni Trace sa lolo niya dahil ayaw niyang maiwan ito. Hindi ito umimik at tinignan si Zander bago muling binalik ang tingin kay Trace.
"Dito na lang ako kasama nila Kenji," aniya.
"Bakit?" tanong ni Zander.
"Ano na lang iisipin nila sa akin kapag sinabi kong anak ko ang vampire king," tugon nito.
"Alam mo ba kung bakit ikaw ang naging ama ko?"
"Bakit?"
"Dahil ayun ang gusto ko. Ako na si Zander, yung vampire king na sinasabi niyo isa lamang iyon sa itinawag sa akin noon."
"Uncle, ayaw niyo ba ako makasama?" nakasimangot na sabi ni Xia.
"Ano ba sinasabi mo? Siyempre gusto ko makasama ang maganda kong daughter-in-law."
"Kami po?" tanong ni Seven.
"Tinatanong pa yan? Alam niyo naman mahal na mahal ko kayong mga apo ko," aniya sabay yakap sa pitong magkakapatid.
"Sasama ka pa o hindi? Kung ayaw mo hindi kita pipilitin," sambit ni Zander.
"Sasama ako. Kenji, sayo na lahat ng laboratory ko. Hinanda ko na ang mga papeles. Nakapangalan na sayo lahat," sabi niya saka inabot kay Kenji ang isang briefcase.
"Salamat po," tugon ni Kenji.
Hinintay na muna nila makalabas sila Kenji bago sila umalis.
Paglabas nila Kenji, nawala bigla ang bahay nila Xia at ang garden nito. Tanging lupa na lamang ang nakita nila at wala itong kahit na anong bakas na may nakatira doon noon.
"Wala na sila," malungkot na sabi ni Jia dahil pamilya na ang turing niya kila Xia.
Sila ang nag-alaga sa kanila noong bata pa sila at ngayon lumipat na ito sa ibang mundo, pakiramdam nila nahiwalay sila sa pamilya nila.
"Hindi tayo pwede tumira sa mundo nila. Iba tayo sa kanila," malungkot na sabi ni Rain.
"Pwede naman kayo dumalaw sa kanila kung gusto niya. Ano pa silbi ng cellphone na binigay sa inyo kung hindi niyo gagamitin?" sambit ni Kenji.
Napatingin sila sa cellphone nila at saktong tumunog ito. Isang mensahe ang sabay-sabay nilang natanggap.
'Pwede kayo lumipat dito kahit kailan niyo gusto. Bukas para sa inyo ang vampire world,' basa nila sa mensahe ni Zander.
Nagkatinginan sila.
"Tingin ko dapat magpalakas tayo para dumating ang araw na pwede tayo makipagsabayan sa mga nakatira doon," sabi ni Rain habang nakangiti.
Kaya ayaw nila sumasama dahil sa isa lamang silang tao at pakiramdam nila magiging pabigat lamang sila kung sasama sila.
Tumango sila Kyla bilang pagsang-ayon. Samantala, napangiti si Kenji nang makita niya ang mga ito. Kumpara sa kanila, mas pinili niya magpaiwan dahil may pamilya siya dito at wala siyang balak dalhin sila sa mundo ng mga bampira.
Sa vampire world,
"Nasa vampire world na ba talaga tayo?" tanong ni Quade dahil walang pinagbago noong lumabas siya.
Nasa tabing dagat pa rin sila at ganun pa rin ang itsura nito.
"Nasa ibang dimension lang tayo pero kamukha pa rin ito ng mundo ng mga tao maliban sa isang bagay," paliwanag ni Xia.
"Ano po yun?"
"Magic ang meron dito, hindi science."
Lalo naging excited sila Primo sa narinig. Gusto na nila lumabas para libutin ang vampire world kaya tinignan nila si Zander.
"Sasamahan ko kayo," aniya dahil hindi pa ligtas ang vampire world.
Ayon sa mga nakuha niyang impormasyong, malaki na ang pinagbago nito. Hindi na ito kasing tahimik tulad dati dahil sa mga sakim na bampira.
"Saan tayo unang pupunta?" tanong ni Xia nang naunawaan niya ang ibig-sabihin nito.
"Unahin natin sa palasyo," tugon ni Zander.
"Ano gagawin mo doon?"
"Susunugin ko."
Nanalaki ang mata ni Xia sa sinabi nito.
"Sigurado ka? Diba ikaw ang nagpatayo nun?"
"Hindi ko na kailangan iyon. Dito na ang tahanan ko."
"Tama ka, hindi mo kailangan ng palasyo. Saka mas gusto ko na yung ganito," nakangiting sabi ni Xia.
"Good. Wala pang pwesto ang mga artificial vampire. Sa kanila ko na lang ibibigay ang lupaing iyon para mapatayuan nila ng bahay o kaya pwede silang bumuo ng village nila doon."
"Magandang ideya yan mahal. Para hindi sila mahirapan mag-umpisa muli."
Pinisil ni Zander ang pisngi nito nang makita niyang nakaumbok nitong pisngi nang ngumiti siya.
"Alis na tayo," nakangiting sabi ni Zander sabay hawak sa kamay ni Xia.
Nag-umpisa na sila maglibot at habang naglalakad sila napapatigil ang mga bampira at napapatingin sa kanila. Tuwing makikita nila si Zander, nakakaramdam sila bigla ng takot kaya kusa silang nagbibigay daan.
"May ginagawa ka ba sa kanila?" tanong ni Xia habang nagdududang nakatingin kay Zander.
"Wala. Baka nararamdaman nila sa akin ang aura ng vampire king," bulong nito.
Napatango si Xia dahil nag-iba talaga ang aura ni Zander kumpara noong hindi pa bumabalik ang lahat ng kapangyarihan niya. Kung hindi lang siya sanay dito baka natakot na rin siya tulad noong una niya itong naramdaman.
Huminto sila sa harap ng gate kung saan may mga bantay. Tinignan sila ni Zander.
"A-no ka-ilangan ni-yo?" utal na tanong ng isa sa kanila sabay tingin kay Xia dahil sa takot kay Zander.
"Nandyan ba si Prince Wilson?" tanong ni Xia.
"Bakit kailangan mo pa sila tanungin? Bakit hindi na lang tayo pumasok?" inis na sabi ni Zander dahil sa pakikipag-usap nito sa lalaki.
Tinignan niya ng masama ang dalawang bantay at tuluya na silang napaupo sa takot habang nanginginig.
Hinila ni Zander si Xia papasok sa loob at sumunod sila Primo.
'Sa loob ng limang segundo susunugin ko ang palasyo kung ayaw niyo mamatay lumabas na kayo.'
Paghahatid ng mensahe ni Zander sa pamamagitan ng telepathy at dahil nag-iisa lang ang vampire king na may kakayahang makipag-usap sa isip at mabilis nila itong nakilala at dali-dali silang tumakbo palabas ng palasyo.
"Mahal, wala ba diyan yung mga alagad mo?" tanong ni Xia nang maalala niya ang mga tinawag niyang bampira noon.
"Sila ba tinutukoy mo?" tanong ni Zander at biglang lumabas ang mga tumulong sa kanila noon.
"Para talaga silang ninja," komento ni Twain dahil sa biglaang pagsulpot nila.
"Nasa tabi ko lang sila palagi. Hindi niyo lang sila nakikita o nararamdaman kaya isang tawag ko lang sa kanila, mabilis silang nakakarating," paliwanag ni Zander.
"Ano po ipaglilingkod namin kamahalan?" tanong ng isa sa kanila.
"Dalhin niyo sa harapan ko si Prince Wilson at ang lahat ng mga kasamahan niya," utos ni Zander at sa isang kumpas niya sabay-sabay na nawala ang mga alagad niya.
Hindi rin nagtagal ay isa-isa silang dumating bitbit ang mga bampirang minsan na nilang nakalaban noong nakaharap nila si Prince Wilson.
Puro pasa at sugat ang mukha nila pagkatapos nila manlaban.
"Vampire king," takot na sabi ng kasalukuyang hari ng vampire world.
Isang malamig na tingin ang binigay ni Zander sa kanila.
"Kilala mo ko? Bakit ang anak mo hindi man lang ako nakikila noon? Kamuntik na niya ako mapatay noon," tanong ni Zander.
"....."
"Kamahalan, napansin po namin na wala ni isang larawan niyo sa loob ng palasyo," sabi ng kanang kamay ng vampire king.
"Nasabi sa akin ni Warren na hindi na nila ito nilalagay dahil para sa kanila isa ka lamang sa mga alamat na nilikha ng mga naunang hari," paliwanag ni Xia.
Kung hindi sa kanya sinabi ni Warren iyo at pinakita ang larawan ng vampire king hindi niya malalaman na kamukha ito ni Zander. Ilang taon din niya pinag-aralan ang history ng vampire world at ang tungkol sa vampire king dahil na rin sa pinagbabawal itong pag-usapan ng kasalukuyang hari.
Tinignan ng masama ni Zander sila Prince Wilson saka lumikha ng asul na apoy na lalong ikinatakot ng hari dahil ayon sa itunuro sila noon. Bukod sa mind reading ang kapangyarihan nitong asul na apoy ang simbolo ng vampire king.
"King, maawa ka sa akin. Patawarin mo kami!" sambit ng kasalukuyang hari at nagulat ito nang ibato ni Zander ang apoy.
Noong una akala niya sa kanila niya ito ihahagis pero dumiretso ito sa palasyo.
"Simula ngayon wala ng hari sa mundong ito. Subalit lahat ng mangugulo sa mundong ito at lahat ng susubok lumaban sa akin, magiging katulad nila," sambit ni Zander.
Unti-unting natuyo ang balat nila Prince Wilson hanggang sa maging buto na lamang ito at isang pulang beads ang lumutang mula sa katawan nila. Nagtunggo ito sa mga palad ni Zander.
Samantala, kumalat sa vampire world ang balitang bumalik na ang vampire king. Marami ang natuwa sa narinig dahil babalik ba rin sa katahimikan ang mundo nila. Subalit madami rin ang namatay dahil sa patuloy na panggugulo. Makalipas ang tatlong araw-araw umayos na ang vampire world at malaya na nakakalibot sila Primo dito.
Naumpisahan na rin nila Xavier magpatayo ng isang city na katulad sa mortal world.
Masaya si Zander na makitang naayos na ang lahat sa vampire at isa na lang ang pinoproblema niya.
Nag-aalalang tinignan niya si Xia. Matamlay itong kumakain habang humihikab dahil ilang araw na rin itong hindi makatulong ng maayos dahil palagi siyang nanaginip.
"Mahal, kung gusto mo matulog, matulog ka na."
Umiling si Xia bilang tugon dahil sa takot na managinip nanaman siya tungkol sa past life niya. Hindi niya gusto ang nakikita niya doon dahil kabaliktaran ng kilala niyang Zander ang lalaki sa panaginip niya.
"Mahal," nag-aalalang tawag sa kanya ni Zander.
Alam niyang hindi basta panaginip iyon at may ideya na siya kung bakit ito nakikita ni Xia. Marahil ito iyon na ang sinasabi ni Amon sa kanya noon. Ramdam niya rin na may maliit na parte ng kaluluwa ni Amon sa loob ni Xia. Kung manghihina si Xia mabilis makakain ng devil ang kaluluwa ng asawa niya para lumakas muli ito.
Hinila ni Zander si Xia papunta sa kwarto nila at sapilitang hiniga.
"Kailangan mo matulog," aniya dahil lalo lang ito manghihina kung hindi ito makakapagpahinga.
Pansin niya din na nag-uumpisang umitim ang bulalak na nasa puso niya senyales na pati spirit ni Xia ay apektado dito.
"Natatakot ako mahal," sambit ni Xia.
"Panaginip lang yun," tugon ni Zander kahit na alam niyang hindi iyon basta panaginip.
Hinalikan niya sa noo si Xia at saka ito ginamitan ng kapangyarihan upang makatulog ito.
Hindi siya umalis sa tabi nito upang bantayan dahil alam niyang magigising nanaman ito mula sa isang panaginip.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top