CHAPTER 49
Sunod-sunod ang pag-atake ni Xia habang patuloy na umiiwas si Amon. Halos napalibutan ng yelo ang dagat dahil sa mga atake ni Xia.
"Ayan lang ba kaya mo?" sabi ni Amon nang maiwasan ang atake ni Xia.
"Bakit hindi ka tumingin sa ibaba mo?" tugon ni Xia.
Ngumiti siya saka itinaas ang kamay. Biglang gumalaw ang mga yelo nabuo dahil sa pag-atake niya.
Nang tignan ito ni Amon, naging mistulang petal ng isang bulaklak na gawa sa yelo ang mga ito. Katulad ito ng isang rosas na nakabuka at ngayon ay pataas ito ng pataas upang magsara.
"Hindi!" sabi ni Amon sabay alis sa ibabaw ng bulaklak subalit naging yelo ang ibabaw na parte niya.
Hindi niya kung saan siya pupunta dahil bawat pupuntahan niya ay may nakaharang. May pagkakataon na sinubukan niyang lumusot sa isang butas sabalit itong hinagisan ni Xia ng ice ball upang takpan.
"Wala ka na takas," sabi ni Xia nang malapit na ito makulong sa bulalak na gawa sa yelo.
"Papatayin kita!" galit na sabi ni Amon kay Xia.
Inangat niya ang kamay niya at isang malakas pwersa ang humihila kay Xia papunta kay Amon.
"Xia!" sigaw ng seahorse.
Gumawa ng pinulupot na tangkay si Xia at naghanap ng maaring makapitan para hindi siya sa matangay. Ngunit kinontrol ni Amon ang sword fish at ginamit ito para maputol.
Natangay ng malakas na pwersa si Xia na para bang hinihigop siya pero bago pa siya tuluyang mapalapit kay Amon, isang pulang beads ang humarang sa harapan niya at naging korteng tao nag mga tubig na nakapaligid dito hanggang sa maging kamukha ni Zander.
"Zander," gulat na sabi ni Xia.
Niyakap siya nito at hinila palayo kay Amon. Nang makita ito ni Amon, lalong nagalit ito.
"Vampire King!" sigaw niya bago tuluyang nakulong sa bulalak na gawa sa yelo.
Umangat ang bulaklak na ito papunta sa ibabaw ng dagat habang inalis na ni Xia ang mga nagkalat na yelong ginawa niya.
"Let's go," sambit ng doppleganger ni Zander saka hinila si Xia papunta sa ibabaw ng tubig.
"Mahal na reyna, mauna na kami."
Paalam ni Xia.
"Maraming salamat sa tulong niyo."
Samantala, napangiti si Zander nang makita niya ang impormasyong pinadala sa kanya ng doppleganger niya. Napatingin siya sa gitna ng dagat kung saan lumutang ang bulaklak na kasing laki ng tao.
"Gawa ba yan ni mommy?" tanong ni Hexa habang nakatingin sa yelong korteng bulalak.
"Ano yung kulay itim sa loob?" tanong ni Trace.
"Si Amon," sagot ni Sirene nang makilala niya ito.
Tinignan siya ni Zander.
"Pwede ka na bumalik sa ilalim ng dagat," aniya sa dalaga.
"Marami pong salamat sa inyo," pagpapasalamat nito bago muling lumangoy pabalik sa ilalim ng dagat.
"Bakit mo siya pinaalis dad?" tanong ni Primo.
"Gagamitin lang siya ni Amon kapag nakita siya kaya kayo, mag-iingat kayo. Maging alerto kaya dahil maari niya rin kayon gamitin laban sa akin."
Tumango ang magkapatid bilang tugon.
"Mahal," tawag ni Xia sa asawa niya.
Nilapitan siya nito at tinulungan makaahon sa tubig saka kinuha ang core ng doppelganger niya
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Zander.
Tumango si Xia bilang tugon saka bumalik sa katawan niya.
"Dito ka na lang. Ako na bahala tumapos kay Amon," sabi ni Zander saka naging pulang usok at lumipad patungo sa bulalak na nilikha ni Xia.
Unti-unting bumukas ang rosas na gawa sa yelo.
"Dale, papatayin kita," galit na sabi ni Amon kay Zander nang makita ito at dali-dali siyang inatake.
Lumikha ng kulay asul na apoy sa kamay si Zander saka ito hinagis kay Amon. Umiwas si Amon at dumiretso ang apoy sa bulaklak na nilikha ni Xia; mabilis ito natunaw at nawala kasabay ng apoy.
"Scared?" sambit ni Zander dahil takot ito sa apoy na gamit niya.
Ang kulay asul na apoy ang pinakamainit na apoy sa buong mundo. Ito ang apoy na ginamit ng vampire king upang sunugin ang katawan ni Amon.
Naging itim na usok si Amon at lumipad patungo kila Xia upang doon ituon ang galit niya.
"Dito lang kayo sa tabi ko."
Paalala ni Xia sa kanyang anak. Hinawakan niya si Hexa at hinila papunta sa likod niya sa takot na gamitin ito tulad ng pagtatangka niya kay Sirene.
Nang malapit na si Amon ay muling lumabas ang malakas na pwersa sa katawan ni Xia dahilan para matigilan ito. Nilingon ni Amon si Zander dahil alam niyang nilagay niya ito para magprotektahan si Xia kahit na malayo ito.
"Hindi na ako makakapayag na saktan mo ulit ang pamilya ko. Kabisado ko na ang maduduming galawan mo," sambit ni Zander.
Tumawa si Amon at sinubukang hilain palapit sa kanya ang isa kila Xia sa pamamagitan ng pagcontrol ng gravity.
"Ito nanaman," inis na sabi ni Xia nang maramdaman niya na para silang hinihigop ng malakas na pwersa.
"Mom!" sigaw ni Seven nang liparin ito patungo kay Amon.
Agad na lumikha si Xia nang mahahabang baging upang hilain pabalik si Seven.
Lumakas lalo ang pwersa ni Amon at halos tangayin sila Xia dahil dito.
Muling lumikha si Xia nang baging at pinulupot ito sa bewang ng mga anak nila para hindi sila mahiwalay sa kanya.
Samantala, naging pulang usok si Zander at inatake si Amon. Huminto sa ginagawa si Amon upang labanan ito. Nagmistulang itim at pulang usok sila na naghahabulan sa kalangitan subalit ramdam nila Xia ang malakas na pwersang nagmumula sa dalawang magkalaban.
"Ayos ka lang anak?" nag-aalalang tanong ni Xia kay Seven, pagkatapos niya ito ibaba.
Niyakap niya ito agad at sinuri kung nasaktan ba ito.
"Ayos lang po ako," tugon ng dalaga.
"Mom, ganun po pala kalakas si Amon? Bakit sa tono ni dad parang ang hina lang nito," sambit ni Quade.
"Para sa daddy mo mahina lang si Amon pero para sa atin, malakas siya."
Noong nakita niya ito, nagulat din siya dahil malakas ito kumpara sa sinasabi ni Zander. Kundi lang niya ito naisahan noong naglalaban sila baka hindi niya ito nakulong sa bulalak na yelo kanina.
"Pero sabi ni daddy wala siyang katawan ngayon kaya mahina na ito, ibig sabihin ba niya mas malakas pa siya noon?" sabi ni Trace.
Kinilabutan siya sa ideya na yun. Kung mas malakas ito noon at natalo siya ng vampire, ibig sabihin mas malakas ang daddy nila sa nakikita nila ngayon.
Samantala, sunod-sunod ang paghagis ng apoy ni Zander habang tuloy sa pag-iwas si Amon.
"Tama na ang pagtakbo. Tingin mo ba palalampasin kita ulit pagkatapos ng kaguluhang ginawa mo?" tanong ni Zander sabay tigil sa paghabol dito.
Inangat niya ang kamay niya at katulad ng ginawa ni Amon isang malakas na pwersa ang nagpapalutang sa nakapaligid sa kanya.
Nagsiangatan ang mga bato, lumakas ang alon ng dagat habang si Amon ay pinigilan niyang tamakbo. Sinubukang gumalaw ni Amon subalit isang malakas na pwersa ang pumipigil sa kanya. Naging korteng tao ito na kulay itim at tinignan ng masama si Zander. Kitang-kita ang itim nanlilisik na mata nito.
"Nagbago ka na talaga dahil lang sa mga taong yan, papatayin mo ko?" sambit nito na ikinatigil ni Zander.
Kumalma ang paligid ngunit pinigilan niya pa rin na makagalaw si Amon.
"Ikaw ang unang nagtraydor sa akin Amon. Baka gusto mong ipaalala ko sayo lahat ng ginawa mong kasamaan sa akin?"
"Ginawa ko lang yun para sa kabutihan mo. Ginagamit ka lang ng mga tao para sa sarili nila."
"Kabutihan ko? O kabutihan mo? Tingin mo ba hindi ko alam na ginawa mo yun dahil natatakot ka na malamangan kita oras na maging demon lord ko."
"Dale, magkapatid tayo."
"Hindi tayo magkadugo. Magpasalamat ka na hindi kita pinatay noon dahil lumaki tayo na parang magkapatid pero iba na ngayon."
"Tingin mo ba matatapos ang lahat kapag pinatay mo ko?"
Tumingin si Amon kay Xia.
"Alam ko na may natitira ka bang plano. Gusto mong kainin ang kaluluwa niya para mabuhay. Kilang-kilala na kita."
"Kahit alam mo ang plano ko, hindi mo pa rin ako mapipigilan dahil siya lamang ang pwedeng pumigil sa akin," sambit ni Amon saka tumawa.
Muling lumakas ang pwersa sa paligid nila.
"Papatayin ko siya ng paunti-unti sa harapan mo," dugtong ni Amon sa kahit na nahihirapan na ito sa paghinga.
Pakiramdam niya iniipit siya ng invisible na pader at unti-unti siyang pinipiga.
"Hindi ko hahayaang matagumpay ka," sambit ni Zander kasabay ng pag-apoy ni Amon.
Napasigaw ito sa sobrang sakit habang nasusunog ang spirit body niya.
"Waaaahhhhh!! Malalaman din ng asawa mo ang totoo. Makikita niya na ang tinuturing niyang asawa, minsan na siyang pinatay!" sigaw ni Amon bago tuluyang masunog.
Dumilim ang mukha ni Zander dahil sa sinabi nito. Lumipad siya patungo kila Xia.
"Mahal," aniya habang kinakabahan na baka magalit ito sa kanya at iwan siya.
"Tapos na ba?" tanong ni Xia at hindi na ito nagtanong tungkol sa sinabi ni Amon.
Tumango si Zander bilang tugon.
"Maraming salamat vampire king," sigaw ng mga serena.
Napatingin sila sa dagat at doon nakita nila ang mga serenang nakaligtas kay Amon sa pangunguna ng reyna nila.
"Maraming salamat po sa paglitas sa aking ina," sambit ni Sirene kay Xia.
"Walang anuman. Alam kong mahalaga sayo ang iyong ina at siya lamang ang pamilya mo. Alam ko ang pakiramdam ng mabuhay ng mag-isa at ayokong mangyari yun sa iba," tugon ni Xia habang nakangiti.
"Bilang kabayaran sa paglitas mo sa akin ito para sayo," sabi ng reyna sabay bigay ng isang maliit na boteng naglalaman ng dugo nito.
Nanlaki ang mata ni Xia nang makita ito dahil binigyan na sila ng dugo ni Sirene.
"Mahal na reyna, hindi niyo kaila--"
"Maraming salamat."
Putol sa kanya ni Zander saka kinuha ito at binigay kay Xia.
"Wag mo tanggihan. Baka kakailanganin natin yan balang-araw," bulong ni Zander kaya wala na nagawa si Xia kundi ang kunin ito.
"May isa pa akong ibibigay," sabi nito saka inabot ang isang buto.
"Ano ito?" tanong ni Xia habang tinitignan ito.
"Buto yan ng water lily spirit," tugon ni Zander.
"Kilala ang mga plant spirit sa pag-asbsorb ng kapangyarihan mula sa buto ng kapwa nilang plant spirit upang lumakas sila. Nakita kong gumamit ka ng ice element kaya naisip ko na baka interesado kang kumain ng water lily seed upang magkaroon ka ng water element," paliwanag ng reyna.
Naalala bigla ni Xia na kumain din siya noon ng buto ng isang lotus. Ibinigay ito sa kanya ng isang diwata na nakilala niya dahil bayad daw iyon sa pagtulong niya noon. Sinabihan siyang kainin ito at kahit wala siyang ideya, sinunod niya ito at hindi niya inaasahang magkakaroon ng ice element. Doon niya rin natutunan ang tungkol sa pagiging diwata niya at isa siyang plant spirit na katulad nito.
"Maraming salamat, mahal na reyna."
Kinain ni Xia ang buto at naramdaman niya agad na may umaagos na tubig sa katawan niya. Kumpara sa ice lotus na nagdulot ng malamig na pakiramdam, sa water lily kalmado lang ito at para lamang siyang uminom ng tubig.
"Ako dapat ang magpasalamat. Alam kong hindi matutumbasan niyan ang pagligtas niyo sa buhay naming mga serena," sabi ng reyna.
"Sapat na po ang binigay niyo. Malaki ang maitutulong nito sa sakin para lumakas. Bilang isang half spirit hindi ganun kalakas ang spirit body ko. Kaya kakailangan ko ng pagkukuhaan ng spritual energy lalo na wala ako sa spirit world," tugon ni Xia.
"Bakit hindi ka magpatulong sa asawa mo? Maraming siyang alam tungkol sa iba't-ibang mundo at kung paano papalakasin ang physical at spirit body mo. Kung ano siya ngayon dahil yan sa paglalakbay niya upang maging malakas."
Napatingin sila Xia kay Zander dahil sa sinabi ng reyna. Wala siyang ideya tungkol dito dahil kailan lang naman bumalik sa dati ang kapangyarihan nito.
"Ituturo ko sa inyo lahat ng alam ko pagkatapos natin ayusin ang lahat," sabi ni Zander.
Tumango si Xia bilang tugon.
"Mahal na reyna, mauna na kami. Kailangan pa namin ayusin ang gulong ginawa ni Amon sa mga tao. Pagkatapos nito babalik na kami sa vampire upang bumalik na sa tahimik ang mundo ng mga tao," sabi ni Zander.
"Hindi kayo babalik sa mundong pinanggalingan mo?" tanong ng reyna kay Zander dahil iba ang mundong pinanggalingan ng vampire king sa vampire world.
Ang vampire world ay nilikha lamang niya matapos siya napunta sa mundo ng mga tao.
"Hindi ka galing sa vampire world?" tanong ni Xia.
"Yes, I tell you everything after this, okay?" tugon ni Zander.
"Okay. Mahal na reyna, mauna na kami. Hexa, maiwan na kayo dito. Baka gusto niyo pa makasama si Sirene bago tayo umalis," sabi ni Xia bago sila mawala kasama si Claudine.
Nagtunggo sila kila Claude kung saan nagkalat ang mga bangkay na kinontrol ni Amon.
"Salamat, nandito na kayo. Hindi ko na alam gagawin ko," sabi ni Claude nang makita sila Zander.
Sinugod siya ng mga tao nang matigil ang kaguluhan. Iniisip nila na sila ang may kasalanan kaya nangyari ang kaguluhan.
Kahit ano paliwanag niya, galit pa rin silang sinugod nito kaya nagtago na lang sila sa sasakyan sa halip na saktan ang mga ito.
Kinumpas ni Zander ang kamay niya at isa-isang bumagsak ang mga tao. Pinatulog niya muna ang mga ito upang mapadali ang paglilinis nila.
"Burahin mo lahat ng mga nakuhang pictures ng nangyari. Kami na bahala magbura ng mga alaala ng nga tao," utos ni Zander kay Claude bago umpisahang ibalik sa dati ang lahat.
Katulad ng napag-usapan nila, aalis sila sa mortal world pagtapos nila ayusin ang lahat at nilisin ang mga senyales na may bampira sa mundo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top