CHAPTER 48

Maggagabi na nang makarating sila Claudine sa bahay nila Xavier. Ngayon, nakaupo sila sa sala habang nakikinig sa plano ni Zander.

"Pupunta kami nina Xia at Claudine sa tabi ng dagat habang kayong lahat pipigilan niyo ang mga kampon ni Amon," aniya sabay tingin sa mga kasama niya saka muling tinuloy ang sinasabi.

"Mas madami pa sila ngayon maggagabi na. Kaya kontrolin ang mga evil spirit and dead body kaya mag-iingat kayo. Mag-iingat din kayo sa mga nagkalat niyang doppleganger. Kahinaan nila ang kidlat at apoy."

Tumigil ang tingin niya kay Claude dahil sa kanlang lahat siya ang may kakayahang makatalo sa kanila. At hindi ito nagkataon lamang si Claude ang isa sa mga pinagkakatiwalaan niyang tao noong unang panahon. Kaya naman noong ginawa niya itong bampira, ibinigay niya ang isa sa pinakamalakas niyang kapangyarihan; walang iba kundi ang blue fire na isa sa pinakamalakas na apoy, kinatakutan ito ng lahat dahil mahahalintulad ito sa apoy sa impyerno.

"Bro, naiintindihan ko. Tutulong ako sa kanila para sa ikakabuti ng lahat!" sambit ni Claude.

"Pagkatapos nito, gusto ko sumama sa akin ang lahat ng bampira, artificial vampire at blackstone sa vampire world. Lahat ng magpapaiwang sa mundong ito na blackstone mawawalan ng kapangyarihan, sa mga bampira at artificial vampire naman mamatay."

"Bakit?" tanong ni Xavier dahil hindi niya alam kung paano niya ito papaliwanag sa organisasyon nila.

"Alam nang mga tao ang tungkol sa atin at gulo lang ang hatid nito. Nagkalat na rin ang mga masasamang bampira, ganun din sa tao."

"Hindi ba pwede burahin memory nila?" tanong ni Xia.

"Kaya pero nakuhaan na tayo ng video, picture or kung ano man. Siguradong lalabas pa rin ang totoo. Ayaw mo ba sa vampire world?" tanong ni Zander nang mapansing nagdadalawang-isip si Xia.

"Hindi ko gusto yung ibang naninirahan doon," nakasimangot na sabi ni Xia nang maalala yung prinsepeng gusto kumuha kay Hexa.

"Akong bahala sa kanila. Sisiguraduhin ko na magbabayad sila sa ginawa nila," sambit ni Zander dahil balak din naman niyang patayin ito sa territoryo niya.

"Gusto ko pa rin tumira sa bahay natin."

"Kaya ko dalhin ang lupa natin sa vampire world."

Nanlaki ang mata ni Xia sa sinabi nito habang napangiti naman si Zander dahil sa reaksyon nito.

"Mag-umpisa na tayo," sambit niya sa mga kasamahan niya bago pa nila makalimutan na may kailangan silang tapusin.

Nagsitayuan na sila at nagkanya-kanyang punta sa mga lugar na napili nila. Tanging sina Claudine, Xia at Zander na lang ang naiwan.

"Mom, pwede ba kami sumama sa ilalim ng dagat?" tanong ni Trace.

"Hindi, sa akin kayo sasama o dito lang kayo," tugon ni Zander bago makapagsalita si Xia.

"Anak, hindi kayo makakahinga sa ilalim ng dagat. Malalim pupuntahan namin," paliwanag ni Xia nang makita ang mga nakasimangot na mukha nila Trace.

"Wala po ba kayo paraan para makapunta kami sa ilalim ng dagat?" tanong ni Seven.

Tinignan sila ni Zander.

"Kung may katawan kayo na katulad mommy niya, pwede kayo makapunta," sagot ni Zander pero malabong mangyari yun dahil wala sa kanila ang may spirit body katulad sa kanilang ina.

"Pwede din ba kami maging katulad ni mommy?" tanong ni Hexa.

"Oo, pero kailangan niyo muna maging malakas. Tuturuan ko kayo pagkatapos nito," sagot ni Zander.

Kahit pinainom na niya ito ng dugo ni Xia matatagalan sila bago magkaroon ng spirit body . Kailangan pa nila ito palakasin para maging katulad sa physical body nila na kayang magkahawak ng mga bagay kahit na naka spirit form sila.

"Okay," sagot ni Hexa dahil alam niyang wala pa sa kalahati ng kanilang magulang ang lakas nila.

Sumama na lang sila tabi ng dagat para manood sa gagawin nila.

"Maraming salamat sa inyo," pagpapasalamat ni Sirene sa kanila bago lumusong sa dagat.

"Wag mo muna tanggalin ang damit mo," pigil ni Xia nang makitang maghuhubad ito sa harapan nila.

Alam niyang iba ang kinalakihan nito kaya iba ang nakasanayan nito. Gumawa siya ng harang gamit ang mga pinagpulupot na tangkay ng mga rosas para kumapal ito wala silang makita.

"Okay na. Pwede ka na magtanggal ng damit at magpalit ng anyo," aniya pagkatapos niya matakpan si Sirene.

Tinignan niya ng masama si Trace na mukhang nahihinayang dahil hindi niya ito nakita.

Napansin din ito ni Seven kaya sa sobrang inis niya, sinipa niya ito.

"Aray!" sambit ni Trace nang matamaan siya.

"Manyak mo!" sigaw ni Seven sabay sipa ulit.

Napaiwas naman agad si Trace pero sinampal naman siya ni Hexa.

"Ang sakit nun ah!" aniya sabay hawak sa pisngi niya.

Napaatras siya bigla nang makitang palapit sa kanya si Quinn.

"Wag mo sabihin pati ikaw?!" sabi niya habang lumalayo sa tatlong babae.

"Buti nga sayo," natatawang sabi ni Quade, sa kanilang magkakapatid ito lang naman ang madumi ang isip pagdating sa babae.

Napailing na lang si Primo habang iniisip kung kanino ba nagmana si Trace.

"Dad help!" sigaw ni Trace sabay lapit kay Zander.

"Sa susunod wag ka na lalapit kay Claude, nahahawaan ka na niya," sambit ni Zander.

"Yes dad, sayo lang po ako lalapit para maging cool din ako," tugon ni Trace.

"Good."

Tinignan ni Zander si Xia.

"Ready ka na?" tanong nito.

Tumango si Xia at saka ginamit ang spirit form niya. Sinalo ni Zander ang katawan niya saka ito binuhat.

Tinignan niya ang anyo ni Xia bilang isang diwata; nakasuot ito ng kulay pulang gown na katulad ng isang rosas, mahaba ito umabot ng sahig at ang buhok nito umabot ng hanggang bewang, may suot siyang korona na gawa sa mga rosas at sa buhok niya may mga dahon na nakalawit.

"Sa susunod na gamitin mo ang spirit form mo siguraduhin mong kasama ako," sambit ni Zander dahil sigurado siyang maraming lalaki ang mabibighani sa ganda ng asawa niya.

"Okay mahal. Alis na kami."

Hinawakan siya ni Zander sa kamay.

"Mag-iingat ka. Wag kang makikinig sa kung anong sasabihin ni Amon."

Tumango si Xia saka hinalikan si Zander bago umalis. Pagtanggal niya nang mga halamang nakaharang kay Sirene, nakalusong na ito sa tubig.

"Tara na," sabi ni Xia kay Sirene saka lumangoy patungong ilalim ng dagat.

"Hindi ko maintindihan, bakit ka pumayag na siya lang pumunta doon?" tanong ni Claudine dahil sa pagkakakilala niya kay Zander hindi niya ito pababayaang magtunggo mag-isa doon.

"Sino nagsabing mag-isa lang siya?" tugon ni Zander sabay kagat sa kanyang daliri at nang dumugo ito pinatak niya ito sa tubig dagat.

Isang kamukha niya ang nabuo mula sa tubig, kulay asul ang mata at buhok nito na katulad sa dagat.

"Bantayan mo si Xia at ipakita mo sa akin lahat ng nangyayari," utos niya sa clone na ginawa niya.

Tumango ang clone niya saka bumalik sa pagiging tubig ngunit kapansin-pansin kulay pulang pearl na gumagalaw sa ilalim ng dagat.

"Pwede mo naman pala gawin yun, bakit hindi na lang ikaw pumunta sa dagat?" tanong ni Claudine.

"Alam ni Amon ang kahinaan ng clone ko kaya madali lang niya ito matatalo."

"Eh si Xia?"

"Pwede niyang gawing yelo ang dagat para mapalabas si Amon."

"Nasa spirit form siya, paano niya magagamit yung artificial ice magic?"

Ngumiti si Zander.

"Kumain siya ng ice lotus seed."

"Ice lotus seed?" tanong ni Claudine dahil ngayon lang niya iyon narinig.

"Buto iyon na makukuha sa spirit plant, hindi ko alam kung paano nagkaroon ng ganun si Xia pero malaki ang naitulong nun para lumakas ang spiritual body niya."

Sa ilalim ng dagat, tuloy lang sila Xia sa paglangoy. Palalim nang palalim sila hanggang sa makita ang mga coral reefs at iba lang isda na bihira lang makita sa ibabaw.

"Prinsesa Sirene, wag ka na muna babalik sa kaharian," sabi ng isang seahorse.

"Bakit? Ano nangyari?" tanong ni Sirene.

"Kukunin ni Amon ang katawan mo kapag nakita ka niya. Pinaghahanap ka na ngayon."

"Pero kailangan ko dalhin si Xia sa kaharian, siya ang tutulong sa atin para mapaalis si Amon."

"Ako na lang ang maghahatid sa kanya. Magtago ka na muna sa lupa."

"Ayos lang ako Sirene, sundin mo na lang ang sinasabi niya," sambit ni Xia nang mapansin nagdadalawang isip ito.

"Ayos lang ba sila ina?" tanong ni Sirene.

"Ayos lang sila. Kasalukuyan silang nagtatago kay Amon, kahit ako hindi ko na alam kung nasaan sila simula nung pinadala ako ng reyna dito para abangan ka."

Nakahinga ng maluwag si Sirene saka tinignan si Xia.

"Bumalik ka na muna kila Zander at sabihin sa kanila yung nangyari," nakangiting sabi ni Xia.

"Salamat," tugon ni Sirene saka lumangoy pabalik kila Zander.

Nang makalayo ito, tinignan ni Xia ang seahorse.

"Bakit ka nagsinungaling sa kanya?" tanong ni Xia dahil nagsinungaling ito tungkol sa ina ni Sirene.

"Paano mo nalaman?"

"Nabasa ko isip mo. Ano totoong na nangyari?"

"Pagkatapos namin hindi masunod ang gusto ni Amon, isa-isa niyang pinagpapatay ang lahat ng serenang makikita niya. Ngayon nilalabanan siya ng reyna para maprotektahan ang ibang serenang natitira."

"Dalhin mo ko sa kanila," seryosong sabi ni Xia nang masigurado niyang hindi maganda ang lagay nito.

Natatakot siya na baka huli na ang lahat kapag nakarating sila doon, ayaw niyang maiwang mag-isa si Sirene katulad ng nangyari sa kanya noon.

"Nabanggit ni Sirene ang tungkol sa ina niya, nasaan ang ama niya?" tanong ni Xia habang sinusundan ang seahorse.

"Hindi mo ba alam?"

"Alam ang alin?"

"Ang mga serena nagpupunta sa tabing dagat para maghanap ng taong magsisilbing ama ng anak nila, inaakit nila ang mga lalaki upang makipagsiping para magkaanak."

"Paano kung minahal nila yung tao? Pwede ba sila manatili sa lupa?"

"Maari ngunit kailangan nilang isuko nag pagiging serena kung gugustuhin nila tumira sa lupa."

"Ibig sabihin pwede silang mamili kung gusto nilang maging tao o serena?"

"Oo."

"Paano kung lalaki ang anak ng serena?"

"Babaeng anak lang ang nagiging serena, oras na lalaki ito wala sila magagawa kundi ibigay ito sa mga tao. Yung iba mananatili pasamantala sa lupa para alagaan ito at kapag malaki na ito doon lang nila ito iiwanan."

"Mahirap din pala ang buhay ng mga serena," sambit ni Xia.

Bilang ina hindi madaling mahiwalay sa anak nila. Kung siya ito hindi niya ito kayang iwan.

"May pagpipilian naman sila. Marami na ding serena ang mas piniling maging tao."

"Kaya ba sinasabing paubos na ang mga serena?"

Tumango ang seahorse bilang tugon. Sa tagal ng panahon, unti-unting nauubos ang serena dahil na rin sa karamihan sa kanila mas ginusto manirahan sa lupa.

"Paano sila nagiging tao?"

"Kapag hindi sila bumalik ng dagat sa loob ng isang taon, mawawala ang buntot nila."

Boom!

Napatigil si Xia sa pagtatanong nang isang malakas na pagsabog ang narinig nila at kasabay ng malakas na alon patungo sa kanila.

"Aaahhh!" sigaw ng seahorse nang makita ito.

Tinaas ni Xia ang kamay niya saka ginawang yelo ang alon bago humpas sa kanila saka niya hinawakan ang seahorse upang umalis bago pa matunaw ang yelong ginawa niya.

Nagtungo si Xia sa pinanggalingan ng pagsabog at doon nakita niya ang reyna na puro saksak ng mga matutulis na bato habang nasa harap nito ang isang itim usok.


"Kung ako sayo sabihin mo na kung nasaan ang anak mo," sambit ni Amon.

"Hindi ako makakapayag na saktan mo ang anak ko," tugon ng reyna saka lumikha ng water ball para atakihin si Amon.

"Kung ganoon mamatay ka na!" sigaw ni Amon sabay palutang sa patay na swordfish at pinalipad patungo sa reyna habang nakatutok ang matalim na nguso nito.

"Mahal na reyna! Xia, tulungan mo ang reyna," sigaw ng seahorse.

"Freeze!" sambit ni Xia saka lumikha ng yelong pader sa pagitan ng reyna at ni Amon.

Tumusok doon ang patay na swordfish at tumagos ang nguso nito, kaunti na lang didikit na ito sa puso ng reyna kundi lang ito napigilan ng yelong ginawa ni Xia.

"Puntahan mo na ang reyna, ako na bahala kay Amon," sambit ni Xia saka binitawan ang seahorse na hawak niya.

Tinignan niya si Amon at sinubukang gawing yelo ang pwesto nito ngunit umiwas lang ito.

"Ano ginagawa ng pinakamamahal na asawa ng vampire king dito?" tanong nito.

"Nandito ako para tapusin ka," sigaw ni Xia habang ginagawang yelo ang parteng kinaroroonan ni Amon.

Palawak nang palawak ang yelo sa tubig dagat gawa ng paghabol niya kay Amon. Ito lang ang paraan para mapaalis ito sa kaharian ng mga serena.

Umatake si Amon ngunit sinalo lamang ito ng yelong ginawa ni Xia.

"Tignan natin kung hanggang saan kaya mo," sambit ni Amon sabay ng isang malakas na pwersa na nagdulot ng malakas na alon.

Nabasag ang mga yelong ginawa ni Xia subalit agad din ito pinalitan ni Xia. Maswerte siya na napapalibutan siya ng tubig kaya madali siyang nakakagawa ng yelo.

"Tingin mo ba papayagan ako ni Zander na pumunta dito, kung hindi kita kaya?" pang-aasar na tanong ni Xia saka muling hinabol si Amon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top