CHAPTER 47

Sa ilalim ng karagatan, sa lupain kung saan naninirahan ang mga sirena may isang itim na nilalang na katulad sa isang anino ang nakaupo sa gitna ng mga sirena; nanginginig ang mga ito dahil sa takot sa nilalang na nasa harapan nila.

Sa harap ng nilalang isang pulang perlas ang lumulutang, napakunot ito ng noo nang makabalik sa kanya ang ipinadala niyang doppelganger. Dumilat siya at agad na nanlisik ang kanyang pulang mata.

"Vampire king!" galit na sigaw niya nang mapag-alaman niyang kinolekta ni Zander ang dugo na dapat para sa katawan niya.

Naglabas ito ng dark energy kaya mabilis na magsitakbuhan ang mga sirena sa tabi niya. Tinignan niya ang isa sa kanila.

"Nasaan na ang hinihingi kong dugo? Kung hindi niyo sa akin mabibigay ang kailangan ko, dugo niyong lahat ang kukunin ko. Maganda ding gamitin ang dugo ng isang serena," aniya at para mas lalong matakot sa kanya ang mga ito gimamit niya ang kapangyarihan niya sa pinakamalapit na sirena upang pwersahang dalhin ito sa tabi niya.

Isang itim na usok ang pumasok sa katawan nito at unti-unting kinain ang kaluluwa ng sirena hanggang naging isang katawan na lang ito na walang buhay. Pinalutang niya ang isang patalim at isinaksak sa puso nito, nang dumaloy ang dugo kinolekta niya ito katulad ng ginawa ni Zander sa mga dugo ng tao. Naging isang kulay asul na beads ito dahil na rin sa kakaibang dugo ng serena kumpara sa tao; ayon sa kwento kapag ininom ang dugo nila ay magiging immortal ito, kaya naman madalas na target nila ang mga ito. Subalit na rin sa ilalim ng karagatan ito naninirahan, hindi madaling makuha ang dugo nila.

"Ganito mangyayari sa inyong lahat kapag hindi niyo binigay ang gusto ko," pananakot niya dito.

Agad na nagsialisan ang mga sirena upang sabihin kanilang inang reyna ang mensaheng hatid ni Amon.

"Napakasama niya talaga! Hindi pa ba sapat ang mga taong dinala natin sa kanya?" galit na sabi ng reyna ng mga sirena na si Selena.

Madami na silang dinukot na mga tao sa karagatan para lang maibigay ang dugo na kailangan nito. Ayaw man nila ito gawin pero para sa kaligtasan nila kinailangan nila isakripisyo ang mga tao.

"Mahal na reyna, ano na gagawin natin? Wala bang paraan para mapaalis siya?" tanong ng isa sa kanila.

"Mahal na reyna! May balita ako sa inyo," sabi ng isang isda na nagmamadaling lumapit sa kanila.

"Ano yun?"

"Narinig ko na pinaghahanap daw si Amon ng vampire king dahil sa kaguluhang nilikha nito sa itaas."

Nabahala ang mga sirena nang marinig nila ito dahil isa ang mga bampira sa gustong kumuha ng dugo nila. Oras na malaman ng vampire king na sa kaharian nila ang hinahanap nita, hindi kaya mas lalo silang mapahamak?

"Mahal na reyna, ano na gagawin natin? Kapag nalaman ito ng vampire king, sigurado pati tayo madadamay sa away nila," takot na sabi ng isa sa mga sirena.

"Bakit hindi na lang tayo nakipagtulungan sa mga bampira para mapaalis si Amon? Kung tutulungan natin sila baka hindi nila tayo saktan," suhestiyon ng prinsesa ng mga sirena na si Sirene.

"Naiisip ka bang plano anak?" tanong ng inang reyna.

"Ina, hayaan niyo pong pumunta ako sa lupa para makipag-usap sa kanila. May nakilala ako noon na mababait na bampira, maari ako magpatulong sa kanila para makauspa ko ang vampire king o sila na mismo ang magsabi dito," tugon nito.

"Mahal na prinsesa, delikado ngayon sa lupa. Saka walang kasiguraduhan kung makikita mo ang mga kaibigan mong bampira. Wala sila ngayon sa tinitirahan nila dahil sa kaguluhang nagaganap," sambit ng isda dahil minsan na nito nakita ang tinutukoy ng prinsesa ng mga sirena.

"Mahal na reyna, may masamang balita ako sa inyo!" sigaw ng isa sa seahorse na nagbabantay sa kinikilos ni Amon.

"May problema ba kay Amon?" kinakabang tankng ng reyna.

Tumingin ang seahorse kay Sirene bago magsalita.

"Kapag wala pa daw hindi natin nakumpleto ang dugong hinihingi niya, kukunin niya si Sirene. Mas mabuti na raw yun kaysa lahat ng sirena patayin niya."

Nagdilim ang mukha ng reyna dahil ang nag-iisang anak naman niya ang pinag-initan nito. Alam niyang nagustuhan niya ito dahil higit na mas special ang dugo nilang dalawa kumpara sa normal na sirena. At mas malaki ang maitulong nito sa pagbalik ng katawan niya dahil dalaga pa ito.

"Sirene, ikaw ngayon ay inaatasan kong magtunggo sa mundo ng mga tao para makipagtulungan sa mga bampira," utos nito dahil para sa kanya hindi ligtas ang anak niya kung malapit ito kay Amon, lalo na at mainit ang mata nito sa kanya.

"Mahal na reyna, pag-isipan niyo po mabuti," sigaw ng mga sirena.

"Kailangan natin siya ilayo kay Amon, Ito lang ang nakikita kong paraan," tugon ng reyna saka humarap kay Sirene. "Anak, mag-iingat ka doon. Lagi mong tatandaan na hindi dapat mabasa ng tubig ang mga paa mo oras na nasa lupa ka."

Normal lang sa isang sirena ang magkaroon ng paa at makaakyat sa lupa subalit oras na mabasa ng tubig ang kanilang paa ay agad ito magkakaroon ng buntot, babalik lamang ang paa nila kapag natuyo na ang buntot nila.

"Masusunod po mahal na reyna. Mag-iingat po ako at sisiguraduhin kung pagbalik ko kasama ko na ang tutulong sa atin," tugon nito.

May nilabas na kasuotan ang reyna na makakatulog kay Sirene para hindi mabasa ang kanyang paa dahil sa waterproof ito.

"Pagdating mo sa lupa, suotin mo ito agad. Siguraduhin mong hindi ka rin masugatan para maitago mo ang pagkatao mo."

"Salamat inang reyna."

Kinuha ni Sirene ang kasuotan saka lumangoy paalis ng kanilang kaharian. Umahon siya sa lupa kung saan makikita ang tirahan nila Primo.

Noong sampung taong gulang siya, nakilala niya sila Primo habang lumalangoy siya karagatan. Minsan na niya niligtas si Seven noong kamuntik na ito malunod dahil napagtripan ng isang water spirit. Simula noon naging magkaibigan na sila at pinakilala siya sa anim ba kakambal nito at sa pinsan niyang si Cali. Naging magkaibigan sila at masayang-masaya sila Seven na magkaroon ng isang kaibigang babae.

Ngunit simula noong pinuntahan ni Amon ang kaharian nila, hindi na siya muling nakadalaw kila Primo. Dalawang taon na rin ang nakaraan noong huling makipagkita siya sa kanila. Naalala pa kaya siya ng magkakapatid?

"Mukhang walang sila. Paano na ito?" bulong ni Sirene habang dahan-dahang naglalakad.

Samantala, nakatayo sila Zander sa harap ng isa pang patay na katawang ginagamit ni Amon. Napatingim sila sa usok na lumabas doon pagkatapos nila ito sunugin.

"Doppleganger niya pa rin ito," nakasimangot na sabi ni Xia dahil pangatlo na ito sa napatay nila.

"Malapit na sumapit ang gabi, hindi maganda ito," sambit ni Zander habang nakatingin sa kalangitan kung saan palubog na ang araw.

"Bakit?" tanong ni Xia.

"Mas dadami ang alagad niya."

"Ano na gagawin natin?"

"Kung pagbibigyan mo lang ako pwede ko sila sunugan sa isang tirahan lang, pero natatakot ka na baka may madamay na tao."

Napasimangot si Xia sa sagot nito.

"Bakit hindi natin sila paalisin sa lugar na ito bago mo sunugin?"

"Mas matagal yun at tingin mo ba maniniwala pa sila sa katulad nating bampira?"

Natahimik si Xia.

"Mom!" sigaw ni Seven nang makita sila nito.

Naawa bigla si Xia sa itsura ng mga anak niya. Puno ng dumi ang damit at katawan nila dahil sa pakikipaglaban.

"Ayos lang ba kayo mga anak?" tanong ni Xia sabay lapit sa kanila at tinignan kung may mga sugat ba ito.

"Mom, ayos lang kami," tugon ni Quade habang tinitignan ni Xia ang braso nito.

"Mas maganda na ang sigurado."

"Dad, tumawag po si tito Claude kanina. Hindi daw po niya kayo matawagan," sambit ni Primo.

"Bakit daw?"

"May naghahanap daw po sa inyo."

"Sino?" nakakunot noong tanong ni Zander.

"Si Sirene po. Kaibigan namin, alam daw po niya kung nasaan si Amon."

"Mahal baka siya na makakatulong sa atin," sambit ni Xia.

"Nasaan sila?" tanong ni Zander.

"Sa bahay po ni tito Xavier."

"Let's go. Sumama na rin kayo sa amin pabalik."

Nawala silang siyam at lumitaw sa bahay ni Xavier.

"Nandito ka na din sa wakas! Akala ko hindi ka na mahahanap nila Primo. Hindi raw kayo magkasama," sambit ni Claude.

Tinignan siya ng masama ni Zander.

"Bakit ka nandito?" tanong ni Zander at agad naman naunawaan ni Claude ang punto nito.

"Tinignan ko lang kung safe sila. Paalis na rin ako mamaya," sagot ni Claude habang pinapawisan dahil sa kaba.

"Tsk. Papuntahin mo na rin ang iba dito," sambit ni Zander kaya agad na tinawagan ni Claude sila Claudine.

"Ikaw si Sirene?" tanong ni Xia sa isang magandang babae.

Nang tignan siya nito pakiramdam ni Xia nasa tapat siya ng isang karagatan dahil sa kulay asul nitong mata na katulad sa dagat.

"Opo," kinakabahang sagot nito sabay sulyap kay Zander, hindi niya akalain na ama ng mga kaibigan niya ang vampire king.

"Nasaan si Amon?" tanong ni Xia.

"Sa Sierra po."

"Sierra?"

Tinignan ni Xia si Zander na baka alam nito kung saan ito.

"Sa ilalim ng dagat, doon nakatira ang mga sirena. May mabuti rin pa lang naitulong ang anyo niya ngayon. Kung may katawan lang siya baka hindi siya nakarating sa Sierra," sabi ni Zander.

"Nakikiusap po ako tulungan niyo ang kaharian namin," nakayukong sabi ni Sirene.

"Anong kapalit? Kaya pa rin namin siya mahanap kahit na hindi ka pumunta dito," tanong ni Zander.

Nagtatakang tinignan ni Xia si Zander dahil bigla itong nanghingi ng kapalit.

"Ano po ba gusto niyo?" tanong ni Sirene.

Tumingin si Zander sa mga anak niya kay Xia bago muling tumugon.

"Walong patak ng dugo mo at kung gusto rin nila Claude bigyan mo rin sila," sagot ni Zander.

"Dad," sambit ni Seven subalit bago pa ito makakontra, tinignan na siya ng masama ni Zander. Sa takot niya nagtago na lang ito sa likod ng katabi niyang si Quinn.

"Umuwi muna kayong pito at maligo. Mag-uusap muna kami ng kaibigan mo," utos niya kila Primo dahil ayaw niyang mangialam ang mga ito sa usapan nila.

May dahilan kung bakit siya humihingi ng dugo at hindi naman mamatay ang kaibigan nila ilang patak na dugong hinihingi nito. Dapat magpasalamat pa ito dahil hindi buhay ang hinihingi nito.

"Mom?" tanong ni Seven dahil ayaw nito ng umalis.

"Sumunod na lang kayo sa Daddy niyo. Ako na bahala sa kaibigan niyo, sisiguraduhin ko na walang masamang mangyayari sa kanya," sagot ni Xia.

Kahit hindi niya lubos maunawaan kung ano tumatakbo sa isip ni Zander ngayon, alam niyang may dahilan ito kung bakit siya humihingi ng dugo.

"Tara na," sambit ni Hexa dahil nadidiri na rin siya sa ayos nila.

Sinabay niya sila Primo na magteleport para mabilis din sila makauwi at makabalik.

"Mahal, para saan yung dugo?" tanong ni Xia.

"Malakas ang healing magic ng dugo ng isang royal blood na sirena. Kapag uminom kayo ng dugo nila, mas mabilis ang paggaling ng sugat niyo at pagbalik ng lakas niyo," sagot ni Zander.

"Ayos lang ba na humingi ka ng dugo niya?"

Tinignan ni Xia si Sirene na kanina pa nanahimik dahil nag-iisip ito kung ano ang gagawin niya. Kung tutuusin, mas maganda ang hinihingi nitong kapalit kaysa kay Amon.

"Payag po ako," tugon ni Sirene kahit na kinakabahan.

Hinawakan siya ni Xia sa kamay.

"Wag ka matakot. Hindi ko hahayaang may masamang mangyari sayo," sabi ni Xia upang pakalmahin ito.

"Maghanda ka ng maliit na lalagyan," utos ni Zander kay Claude.

"Ako na kukuha," sabi ni Sunny dahil mas may alam na siya sa kusina.

Nagdala siya ng dalawang maliit na mangkok at inilapag sa mesang nasa harapan nila Xia.

"Salamat," pagpapasalamat ni Xia bago tinignan si Zander para alamin ang sunod na gagawin.

"Lagyan mo ng isang patak ng dugo ang isang mangkok," aniya kay Sirene at agad naman ito sinunod ng dalaga.

Kinuha nito ang nakahandang cutter upang sugatan ang sarili at ipinatak niya ang dugo nito sa isang mangkok. Sunod na kumilos si Zander, kinagat niya ang sariling daliri saka ito pinatak sa dugo ni Sirene at saka niya ito ginawang pills; nagsama ang dugo nila at nagkorteng maliit na pills na katulad sa isang candy. Kinuha ito ni Zander saka itinapat sa bibig ni Xia upang ipasubo.

"Inumin mo," aniya nang tignan lang siya ni Xia.

Agad ngumanga si Xia upang isubo ito. Pagkapasok sa bibig niya, natunaw ito na parang tubig at mabilis na bumaba sa lalamunan niya. Wala naman siya kakaibang naramdaman sa sarili niya, parang uminom lang siya ng gamot.

"Gusto mo subukan kung effective?" tanong ni Zander na mabilis naman ikinailing ni Xia.

Kung susubukan niya, ibig sabihin kailangan niyang sugatan ang sarili. Napangiti si Zander sa sagot nito habang nanlaki naman ang mata ni Sirene nang makita ang pagngiti nito dahil simula nang dumating sila, seryoso lang ito.

"Kailangan ko ng dugo mo sa pitong patak ng dugo niya," sabi ni Zander saka muling pinapatakan ang mangkok kay Sirene.

Nang mapatakan ito, sunod na naman si Xia at ang panghuli ang patak ng dugo niya. Katulad kanina ginawa niya itong pills at nilagay sa isang mangkok na hiningi niya. Paulit-ulit lang ang ginawa nila hanggang sa makagawa sila ng pitong pills.

"Gusto mo rin?" tanong ni Zander kay Claude.

"Ayos lang ako," sagot ni Claude.

"Okay, hihintayin lang namin ang mga kasamahan namin bago pumunta sa Sierra," sabi ni Zander.

Pagbalik nila Hexa, naabutan nila si Zander at Xia na nakaupo sa sala.

"Nasaan si Sirene?" tanong ni Primo.

"Nandoon sa kwarto ni Cali, maupo muna kayo. May sasabihin daddy niyo," tugon ni Xia kaya kahit na gusto nila agad pumunta sa kwarto ni Calo, sumunod na lang sila.

"Inumin niyo ito," sambit ni Zander sabay lagay ng ginawa nilang pills sa tapat nila Primo.

"Ano yan?" tanong ni Trace.

"Basta inumin niyo na lang. Hindi kayo makaalis kapag hindi niyo ininom yan," sambit ni Zander kaya wala na nagawa ang pito kundi sundin ito.

Isa-isa silang kumuha saka ito isinubo nang malasahan nila ito agad nila naunawaan kung ano ito.

"Dugo ni Sirene?" tanong ni Seven.

"Dugo naming tatlo," sagot ni Xia habang si Zander nakatingin lamang sa kanilang pito.

Tinitignan nito ang mga pagbabagong nagaganap sa katawan nila, hindi man ito pansin nila Xia, malinaw niyang nakikita ang paglakas ng katawan nila at kapangyarihan nito dahil sa epekto ng dugong pinainom nila. Malaki ang naitulong ng dugo nila dahil nalinis ang katawan nila at nawala ang limitasyong ibinigay ng kapangyarihan nila.

Masaya siya sa nakikita niya niya ngayon dahil umpisa pa lang iyon para naging malakas sila. Gusto niyang palakasin ang mga anak niya bago niya ito dalhin sa lugar na pinanggalingan niya. Ngayon pa lang kailangan na niya inihahanda na niya ang mga ito dahil hindi sa lahat ng oras maprotektahan nila ito, lalo na sa lugar na yun.

"Mahal," tawag sa kanya ni Xia.

Natigil ang pag-iisip ni Zander nang marinig niya ang malambing na tinig ng asawa niya.

"Bakit?" tanong nito.

"Paano natin kakalabanin si Amon kung nasa ilalim siya ng dagat?"

"Palalabasin mo siya."

Nanlaki ang mata ni Xia.

"Ako?" tanong nito habang hindi makapaniwala sa narinig.

Akala niya ito ang kikilos kaya laking gulat niya nang sabihin niyang siya ang magpapalabas kay Amon.

"Yeah! I trust you."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top