CHAPTER 46
"Aahhhh! Tulong!"
Sari-saring sigawan ang marinig sa paligid. Nagkalat ang mga undead at zombie sa paligid. Nagmistulang lupain ng mga patay ang buong lugar.
Patuloy na nilalabanan ng mga grupo ng artificial vampire ang mga ito sa pamumuno nila Xavier.
"Nasaan ba galing ang mga ito? Hindi man lang sila nauubos?" inis na sabi ni Xavier dahil kanina pa sila nakikipaglaban.
"Paanong hindi dadami? Lahat ng namamatay na tao nagiging katulad nila," tugon ni Jason na kasama niya sa pakikipaglaban.
Napakunot ang noo ni Xavier saka tumingin sa kalangitan kung saan palubog na ang araw.
"Tingin mo madadagdagan pa sila pagsapit ng gabi? Baka mamaya pati multo hawak din ng devil," tanong ni Xavier.
"Posible yan," singit ni Mr. Hayato na kanina pa nakikinig sa usapan nila.
"Uncle, wag po kayo magbiro ng ganyan!" kinakabahan sambit ni Xavier. Kung multo na ang makakalaban nila, paano nila ito mapapatay kung patay na ito? Zombie nga lang nahihirapan na sila.
"Seryoso ako," seryosong tugon nito.
Nababahala rin siya sa maaring mangyari oras na sumapit ang gabi, idagdag pa na isang pangitain ang napanaginipan niya.
Napabuntong hininga si Mr. Hayato.
"Tama na ang daldalan. Kumilos na kayo!" sigaw niya sa dalawa.
Samantala, napansin ni Zander ang kakaibang ngiting ibinigay ni Amon kay Xia.
Gumawa siya ng apoy at hinagis ito kay Amon para kunin ang atensyon niya. Napaiwas ito agad at tinignan si Zander na masamang nakatingin sa kanya.
"Ano ginawa mo sa asawa ko?" tanong nito dahil alam niyang may ibig sabihin ang mga ngiti nito.
Tumawa si Amon na katulad sa isang demonyo na may masamang binabalak.
"Tinulungan ko lang naman siya makita ang nakaraan mo na tinatago mo sa kanya. Alam mo kung ano ibig-sabihin ko," tugon nito.
Nagdilim ang mukha ni Zander at galit na inatake si Amon. Sunod-sunod niya itong hinagisan ng apoy at hindi pa siya nakutento, pinalutang niya ang mga sasakyan sa paligid saka pinapunta kay Amon.
Walang nagawa si Amon kundi ang umiwas hanggang sa hindi na niya nasabayan ang bilis ni Zander; natamaan ito ng kotse. Nang matumba ito, kinulong ito ni Zander sa malapader na yelo.
"Kanina pa dapat kita tinapos," galit na sabi ni Zander.
Wala na ito pakialam kung may madamay na ibang tao, basta mapatay lang niya ang devil na nasa harapan niya. Isang malakas na tawa lang ang tinugon ni Amon sa kanya.
Gumawa ng malaking apoy si Zander at saka ito hinagis kay Amon. Nagliyab ang katawan nito ngunit patuloy pa rin itong tumatawa.
"Hindi pa tayo tapos Dale! Magkikita pa tayo," sambit nito saka tumawa. Bago pa maging abo ang katawan nito isang itim na katulad sa usok ang lumipad sa langit.
Sinundan ito ng tingin ni Zander, alam niyang bahagi lamang ni Amon ang nakaharap niya. Wala pa ang totoong katawan nito kaya hindi na siya nagsayang ng oras dito.
Pagtingin niya kay Xia, nakasimangot itong nakatingin sa kanya.
"Bakit ganyan mukha mo?" tanong niya dito nang makalapit siya.
"Tignan mo ginawa mo? Paano kung may mga tao kang natamaan?" tugon ni Xia.
Tinignan ni Zander ang mga nakatumbang sasakyan at ang mga nasirang building sa paligid pagkatapos nito tamaan ng mga atake niya kanina.
"Kasalanan na nila yun, hindi sila umilag."
"Si Zander ka ba talaga?"
"Sorry, hindi ko napigilan ang galit ko. May ginawa siya sayo. Wala ka bang kakaibang nararamdaman?" nag-aalalang tanong ni Zander.
Nang makita ni Xia ang nag-aalalang mukha nito, umurong bigla ang dila niya.
"Ayos lang ako. Paano natin aayusin ito?" tanong ni Xia dahil siguradong kalat na sa mundo na may bampira.
"Hindi natin kayang iligtas ang lahat pero kung gusto nila maging bampira pwede ko silang buhayin ulit at dalhin sa vampire world."
Napataas ng isang kilay si Xia dahil sa sinabi nito.
"Paano?"
Itinaas ni Zander ang kamay niya at unti-unting naipon ang mga nagkalat na dugo dito. Naging kulay pulang beads ang mga ito, pumunta doon ang mga kaluluwa nang nagmamay-ari ng dugo at naging dark red ito kaya makikita kung ano ang may mga kaluluwa sa wala.
Nanlaki ang mata ni Xia sa nakita at natulala na lang siya sa mga beads na nasa kamay ni Zander.
"Kakausapin ko sila mamaya. Kung ayaw nila mabuhay ulit, ipapadala ko sila sa grimreaper na kilala ko para sa susunod nang buhay. Sa ngayon, ayusin muna natin ang problema mo."
"Problema ko?"
"Yung katawan mo."
"Makakapaghintay naman ako. Nakakagulo pa," sabi ni Xia sabay tingin sa nagkalat na zombie.
"Hindi yan matatapos ng isang araw. Kailangan muna natin mapatay ang totoong katawan ni Amon, bago sila tumigil."
"Okay, ano gagawin natin? Paano mo ko tutulungan?"
"Mamaya ipapaliwanag ko sayo. Umalis na muna tayo dito."
"Hindi mo ba sila tutulungan? Narinig ko na kalat sa buong mundo ang zombie."
Kinumpas ni Zander ang kamay niya at sa isang iglap napuno ng mga bampira ang lugar. Sabay-sabay na lumuhod ang mga ito pagkakita kay Zander.
"Maligayang pagbalik, master! Ano po iuutos niyo sa amin?" tanong ng isang lalaki na may mahabang itim na buhok.
"Gusto kong tulungan niyo ang mga tao na labanan ang mga nagkalat na alagad ni Amon. Kapag may nakita kayong miyembro ng CLA o AVO, sabihin niyo sa kanila na pinadala ko kayo. Alam niyo na ang gagawin," utos ni Zander dito at saka pinakita sa mga alagad niyang bampira ang iilan sa memorya niya para alam na nila kung sino ba ang kakampi.
"Masusunod master!" sabay na sabi nila bago mawala.
"Saan sila galing?" tanong ni Xia.
Napangiti si Zander nang makita ang reaksyon ni Xia na gulat na gulat.
"Sa katawan ko, kaya kong magsummon ng mga bampirang nilikha ko. Pwede na ba tayo umalis?"
"Saan ba tayo pupunta?"
"Sa lumang bahay niyo. Sabi mo hindi ka pwedeng lumayo doon."
"Tanda mo kung saan?" tanong ni Xia dahil siya hindi na niya maalala.
"Yeah!"
Binuhat siya ni Zander saka nagteleport sa dating bahay nila Xia. Naabutan nila itong napapalibutan ng itim na rosas; tanda na hindi na magtatagal si Xia.
"Alam mo ba kung bakit hindi ka pwede lumayo sa lugar na ito?" tanong ni Zander kay Xia.
Umiling si Xia bilang tugon dahil wala siya masyadong alam tungkol sa katawan niya. Ang alam niya lang katulad ito ng katawan ng mga diwata at isa siyang plant type.
"Dito nakatanim ang buto mo at ang pinakaugat mo katulad sa isang halaman. Dahil sa anak ka ng isang tao nahahati sa dalawa ang katawan mo. Isang halaman at isang human form."
"May isa pa akong katawan maliban sa katawan ko ngayon?"
"Oo, at hindi pwede maghiwalay ang dalawang yun kaya ka nanghihina tuwing malayo ka."
"Okay, ano gagawin natin?" tanong ni Xia pagkatapos makinig sa paliwanag ni Zander.
"Una, kailangan mo maging totoong bampira at pangalawa kailangan natin mahanap ang ugat mo. Kaya itim ang mga rosas dito dahil wala ng sapat na spiritual energy dito; nahigop na lahat ng ugat mo. Pati yung mga buhay ng halaman dito wala na dahil sayo."
Tinignan ni Xia ang mga patay na damo at puno sa paligid ng bahay nila. Kundi sinabi ni Zander na namatay ito dahil sa ugat niya, hindi niya ito mapapansin.
"Ano mangyayari kapag wala na akong mahihigop na spiritual energy?"
"Mamatay ka. Spiritual energy ang nagsisilbing nutrients mo, katulad sa bampira na kapag hindi uminom ng dugo ng ilang taon."
"Paano yan? Kailangan ko ba pumunta sa spirit world para doon?" tanong ni Xia dahil narinig niya na hindi pwede umalis ang mga diwata doon dahil mamatay sila.
Malinaw na sa kanya kung bakit sila mamatay; walang sapat na spiritual energy dito mundo ng mga tao.
"Hindi mo kailangan pumunta doon. Nakalimutan mo na bang nandito ako? Kung nutrients lang ang kailangan mo may paraan ako pero kailangan muna kitang gawing isang tunay na bampira."
"Tunay na bampira? Ayoko! Hindi ako makakalakad sa araw," reklamo ni Xia.
Mas okay na siya sa artificial vampire dahil pwede pa rin siyang maglakad sa araw.
Natawa si Zander dahil sa reaksyon nito, inaasahan na niya na sasabihin niya ito. Noong hindi pa naibabalik ang katawan niya bilang vampire king, hindi niya rin gusto na hindi makalakad sa arawan. Pero iba na ngayong buo na ulit siya at naibalik na ang lahat ng kapangyarihan niya.
"Wag mo ko tawanan! Seryoso ako!" inis na sabi ni Xia.
"Wag ka mag-aalala, iba na ako ngayon. Nakalimutan mo na bang vampire king itong kaharap mo? Basta meron kang royal blood ko, pwede kang maging daywalker tulad nung mga bampirang nakita mo kanina. Nagising na ang vampire king blood ko kaya iba na ito sa dati."
"Hindi mo naman agad sinasabi eh. Paano ba ako magiging bampira? Kakagatin mo ba ako? Narinig ko na may iba't-ibang paraan para maging bampira?"
"Kung gusto mo maging daywalker, inumin mo ang dugo ko. Kung ayaw mo naman pwede ko naman gamitin yung ibang paraan."
"Pahingi ng dugo mo."
Nilahad ni Xia ang kamay niya na para bang nanghihingi ng pera kay Zander.
"Pwede mo ko kagatin, kung gusto mo."
"Ayoko!"
"Bakit?" nakangising tanong ni Zander.
"Weird kung kakagatin ko ang vampire king," nahihiyang sagot ni Xia.
Simula noong naging vampire king ito, nailang na siya kahit na asawa niya ito. Pakiramdam niya, dapat niya ito galangin at hindi masyado maging close.
"Asawa mo ko. Pwede mo sa akin gawin kahit anong gusto mo. Kung ayaw mo lumapit, ako lalapit sayo," sambit ni Zander sabay lapit kay Xia.
Aatras na sana si Xia nang hilain siya ni Zander at yakapin.
"Pwede ka na mag-umpisa... kung ayaw mo ko kagatin, ako kakagat sayo," bulong nito sa kanya sabay halik sa kanyang leeg.
Mabilis na kumilos si Xia dahil ayaw niyang makagat nito. Binaon niya ang kanyang pangil sa leeg nito saka inuumpisahang sipsipin ang dugo nito, mabuti na lang natuto na siyang sumisip ng dugo sa iba. Kundi baka nanhingi siyang ng apple na may dugo nito.
Nang matikman niya ang matamis na dugo nito, hindi niya mapigilan ang sarili na uminom pa nito lalo. Niyakap siya nang mahigpit ni Zander at hinayaan lang itong inumin ang dugo niya.
Unti-unting naging pula ang mata ni Xia habang ang natutuyo niyang balat ay bumabalik na sa dati, naging makinis ito at mas lalong pumuti. Gumaling na rin ang sugat niya na nakuha niya sa pagbaril sa kanya.
Napatingin si Zander sa leeg ni Xia nang lalo itong kuminis. Wala sa sariling hinalikan niya ito at dinilaan.
"Ano ginagawa?" tanong ni Xia nang maramdaman nito ang dila ni Zander.
Tumigil na siya sa pagkagat at itutulak na sana niya ito nang siya naman ang kagatin nito.
"Akala ko ba hindi mo kakagatin?" tanong ni Xia.
Tumigil si Zander sa pagsipsip ng dugo niya at dinilaan ang parteng kinagatan niya.
"Sorry, hindi ko matiis," sagot nito.
Napasimangot si Xia, dahil kamuntik na siya doon. Narinig niya na may ibang epekto ang kagat ng vampire king sa babae. Ayon sa kwento nila Warren, maraming nababaliw na babae dahil sa kagat niya. Hindi niya alam kung totoo yun pero mas mabuting iwasan niya ito.
"Masyado ka napapaniwala sa kwento nila," sambit ni Zander nang mabasa nito ang iniisip niya.
"Hindi ba totoo yun?" inosenteng tanong ni Xia.
"Bakit hindi natin subukan para malaman mo?" nakangiting tugon ni Zander.
"Ayoko nga!"
"Hindi ka naman mababaliw dahil asawa kita."
Napakunot ang noo ni Xia.
"Ano kinalaman ng pagiging asawa ko sayo?"
"Pwede natin gawin ang bagay na yun. Kaya sila nababaliw dahil hindi ko naman sila gina--"
"Stop! Ayoko na marinig ang paliwanag mo," namumulang sabi ni Xia nang maunawaan niya ang lahat.
Pakiramdam niya nag-init ang katawan niya dahil sa usapan nila o dahil sa epekto ng dugo nito?
"Hanapin na lang natin ang ugat ko," aniya saka nag-umpisa libutin ang lugar.
Nakangiting sumunod sa kanya si Zander at nang tignan siya ni Xia, agad ito sumeryoso.
"Paano natin malalaman kung ayun yung pinakaugat ko?" tanong ni Xia.
"Kapag may nakatagong buto ng rose doon."
"Huhukayan ba natin?"
"Hindi natin kailangan mag-hirap," tugon ni Zander saka pinasabog ang mga lupa sa gilid ng bahay nila Xia.
Hindi alam ni Xia ang sasabihin niya dahil sa ginawa nito. Hindi nga sila naghirap pero sinira naman niya ang lupa.
"Nakita ko na," sabi ni Zander saka limapit sa nagliliwanag na ugat.
Nakapulupot ang ugat sa isang buto ng rosas na nagliliwanag; mas malaki ito kumpara sa normal na buto.
Kinuha ni Zander ang buto at nang maalis ito naging abo ang mga ugat. Makalipas ang isang minuto muling naglabas ng ugat ang buto at nagtungo ito sa bandang puso ni Zander. Kikilos na sana si Xia para pigilan ito ngunit hinarang ni Zander ang isang kamay niya.
"Ayos lang. Walang masamang mangyayari sa akin," sambit nito.
Pagkapasok ng ugat, hinila nito ang buto papasok sa katawan ni Zander.
"Ano nangyari?" tanong ni Xia.
"May unlimited spiritual energy sa puso ko kaya pumunta siya doon. Bakit hindi mo tignan?"
Ginamit ni Xia ang x-ray vision niya at doon nakita niyang may tumutubong isang rosas sa puso nito habang ang mga ugat nakabaon dito. Hindi makapaniwala si Xia sa nakikita. Ngayon lang siya nakakita ng halamang tumutubo sa puso.
Mas namangha siya nang bumuka rosas at makikita na buhay na buhay ito.
"Simula ngayon hindi ka pwedeng lumayo sa akin," sambit ni Zander sabay hawak sa kamay ni Xia.
Nang magdikit ang balat nila gumaan ang pakiramdam ni Xia, nagkaroon siya ng instant energy. Parang gusto na lang niya na dumikit dito habang buhay.
"Bakit ganito pakiramdam ko? Dahil ba nasa loob ng katawan mo yung buto ko?"
"Oo. Kaya kung nanghihina ka, yakapin mo lang ako. Sigurado lalakas ka. Kahit hindi ka uminom ng dugo mabubuhay ka dahil dugo ko ang nagsisilbing tubig sa ugat mo."
"Hindi ka ba mauubusan ng dugo?" nag-aalalang tanong ni Xia dahil may sumisipsip sa loob ng katawan niya.
"Walang masamang mangyayari sa akin umiinom ako ng dugo. Dumoble lang kailangan kong nutrients."
"Sorry, dahil sa akin kailangan mo pa gawin yan."
Niyakap siya ni Zander.
"Hindi lang naman para sayo ang ginawa ko. Ayokong mawala ka kaya ginagawa ko ito. Lahat ng gagawin ko para sa ating dalawa," aniya dahil sa kanilang siya ang makasarili.
Ayaw niya ito bitawan kaya gagawin niya ang lahat manatili lang ito sa tabi niya. Maraming beses na ito namatay at ayaw na niyang maiwanan ulit tulad noon.
"Ngayon ayos ka na, handa ka na ba makipaglaban kasama ako?" tanong ni Zander saka humiwalay ng yakap.
Alam niyang hindi niya ito mapipigilan kaya mas mabuting kasama niya ito lumaban.
Ngumiti si Xia saka tumango.
Sabay silang nawala sa pwesto nila upang hanapin si Amon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top