CHAPTER 45
"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Xia nang makita niya sila Primo.
"Dad, tulungan mo po si mommy," sabi ni Seven pagkalapit nito sa kanila.
Agad na naiintindihan ni Zander ang sitwasyon, binasa niya ang nasa memorya nila Primo at doon niya lang nalaman ang matagal nang nililihim sa kaniya ni Xia.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" tanong ni Zander.
Tinignan niya ng masama si Xia, ilang beses niya ito tinanong dahil alam niyang may parte siyang hindi makita sa isip nito; kahit ano basa niya dito, hindi niya makita ang tungkol sa totoong katawan ni Xia.
"Mahal..."
Napaiwas ng tingin si Xia dahil natatakot siya na magalit ito sa kanya.
"Ganito na lang ba palagi? Bakit ba lagi mo na lang sinasarili ang lahat?"
"Sorry," mahinang sabi ni Xia.
"Sabihin mo sa akin yung totoo, gaano na lang katagal kakayanin ng katawan mo?"
"Isang araw."
Humigpit ang pagkakahawak ni Zander sa kanya.
"Kapag binalik kita sa lugar na yun?"
"Huli na ang lahat. Matagal ako nawala doon, saka nabubuhay na lang ako ngayon dahil sa gamot na nakuha ko kila Red. Katagalan nawalan na ito ng epekto sa akin. Hindi na ako magtatagal kahit anong gawin natin."
"No! Hindi ako papayag. Sigurado ako may ibang paraan," sambit ni Zander. Hindi siya makakapayag na mawala ito muli sa piling niya.
Boom! Napatingin sila kila Hexa nang may sumabog.
"Si Hexa," sabi ni Xia. Gusto niya ito lapitan pero pinigilan siya ni Zander.
"Dito ka lang."
"Paano si Hexa?"
"Hindi siya pababayaan ni Phoenix."
Nag-aalalang tinignan niya ang dalawa habang patuloy na inaatake ng devil ang ice wall na nilikha ni Phoenix.
Tahimik lamang silang nanood hanggang sa tuluyang mabasag ang yelong pumoprotekta kila Phoenix, subalit kasabay nito ang pagkawala ng isang malakas na kapangyarihan.
Nang maramdaman ito ni Xia, una niyang naisip ang kapangyarihan niya noon na lumalabas sa loob ng katawan tuwing nanganganib ang buhay niya.
"Hindi maari!" sigaw nang devil nang biglang naging isang red mist at lumipad ito patunggo kay Zander.
Sinubukan niya ito pigilan ngunit tumalsik lamang siya nang may lumabas na malakas na pulang inerhiyang dito.
"Zander, ayos ka lang?" tanong ni Xia nang bigla itong pumasok sa katawan niya.
"A-ayos lang ako," sambit ni Zander habang nakahawak sa ulo niya.
"Sigurado ka?"
Hindi sumagot si Zander dahil sunod-sunod na pagpasok ng mga memorya niya bilang vampire king. Unti-unting bumalik sa pagiging pula ang kanyang kulay gintong mata at habang tumatagal palakas nang palakas ang aura na lumalabas sa katawan nito.
"Mahal?" nag-aalalang sambit ni Xia dahil habang tumatagal nag-iiba ang pakiramdam niya.
Para bang nag-iiba ito subalit nandoon pa rin ang pamilyar pakiramdam. Nang tignan siya nito, bumilis ang tibok niya at biglang napabitaw dahil sa takot dito.
"Mahal, bakit ganyan ka makatingin sa akin? Natatakot ka ba sa akin?" tanong nito habang naglalabas na malakas na kapangyarihan.
"V-vampire king," utal na sabi ni Xia habang kusang gumagalaw ang katawan niya upang magbigay galang.
Biglang nawala ang kapangyarihan nilalabas ng katawan nito.
"Hindi kailangan yumuko, ako pa rin ang asawa mo," aniya upang pigilan si Xia.
Kumalma ang puso ni Xia nang marinig malambing na tinig ni Zander. Tinignan niya ito sa mga mata.
"Ikaw pa talaga yan? Hindi ka ba pinalitan ng vampire king sa katawan mo?" tanong niya at isang halik ang sinagot nito.
"Trust me. Ako pa rin ito. Bumalik lang ang alaala ko bilang vampire king pero ako pa rin si Zander na kilala mo."
Naluha na lang si Xia dahil sa sayang nararamdaman. Akala niya wala na ang kilala niyang Zander dahil kinuha nang vampire king katawan nito.
"Hintayin mo ko dito. Tatapusin ko lang si Amon. Pagbalik ko tutulungan kitang maisalba ang buhay mo," bulong ni Zander saka siya muling hinalikan.
"Amon?" tanong ni Xia.
"Pangalan ng devil."
Naalala bigla ni Xia na hindi nila alam ang totoong pangalan nito. Basta alam lang nila na devil ito. Hinawakan niya sa kamay si Zander upang pigilan.
"Ikaw? Ano pangalan mo?" pahabol na tanong niya dahil wala rin siya ideya sa pangalan ng vampire king.
"Dale Hudson," maiksing sagot nito.
Napakunot ang noo ni Xia dahil wala rin ito pinagkaiba sa pangalan niya ngayon maliban sa nagkaroon ito ng Zander.
"Yeah. Simula noon hanggang ngayon hindi ito nagbago maliban sa unang pangalan ko. Katulad ng pangalan mong Caleigh dahil iyon ang nakatadhanang pangalan natin," paliwanag nito kaya muling napaisip si Xia tungkol naman sa pangalan niya.
Naaala minsan Caleigh ang tawag sa kanya ni Phoenix. Gusto niya sana tanungin kung ano buong pangalan niya pero naunahan siya nito.
"Caleigh Rose... tama na ang kakatanong. Mamaya na tayo mag-usap," aniya saka siya muling hinalikan.
Napabitaw si Xia nang mapansing kanina pa niya ito pinipigilan makaalis. Nawala ito sa harapan niya at biglang sumulpot sa harap ni Amon.
Samantala, lumapit si Xia sa kanyang anak na si Hexa. Walang tigil ito sa pag-iyak habang nakaupo.
"Sorry anak," sambit ni Xia, alam niyang kasalanan niya kung bakit tuluyan itong nawala.
Umiling si Hexa at sinabing, "Wala po kayo kasalanan. Ginawa niyang lang po ang mas makakabuti. Alam ko naman po na kahit nabubuhay siya hindi niya pa rin masusuklian ang pagmamahal ko sa kanya."
Niyakap siya ni Xia ng mahigpit at hinayaang umiyak habang pinapanood si Zander na naglalaban.
"Aahhhh!" sigaw ng mga tao nang biglang bumangon nag mga walang buhay na tao at bigla silang inatake nito.
Sa opisina ng CLA, nakatingin si Kenji sa mga kuha ng cctv kung saan nagkalat ang mga zombie sa paligid at sunod-sunod na inatake ang mga makikitang tao. Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan si Claude kanina pa niya hinihintay.
"Nasaan ka na? Alam mo bang nagkakagulo na sa iba't-ibang lugar?" tanong nito kay Claude nang sagutin siya nito.
"Nakakagulo? Tinutukoy mo ba itong nagkakalatang zombie?" tanong ni habang sinusunog ang mga zombie na umatake sa kanila, pabalik na sana siya nang biglang atakihin ang sinasakyan nila.
"Hey Neil! Hack mo lahat ng cctv, tignan mo kung saan may mga zombie," utos nito nito sa kanyang anak; ito ang sumundo sa kanya pagkatapos siya iwan ni Zander.
"Paano ito?" tanong niya sa mga kaharap na zombie.
"Ako na bahala diyan. Doon ka muna sa loob ng sasakyan. Kailangan ko malaman kung saang lugar may zombie para magpadala ng mga agent doon."
"Okay."
Pumasok si Neil sa loob ng sasakyan nila kinuha ang laptop upang umpisahang i-hack ang mga cctv sa paligid.
"Ipapadala na namin sa ibang lugar ang ibang miyembro ng AVO" sambit ni Kenji pagkatapos marinig ang usapan nila Claude.
"Okay. May balita ka ba kila Zander?" tanong ni Cluade.
"Nakikipaglaban si Zander sa devil habang hindi naman maganda ang lagay ni Xia," tugon ni Kenji pagkatapos mapanood ang nangyari sa television.
"Bakit? Ano nangyari kay Xia?" tanong nito habang napapaligiran ng nasusunog na zombie, nagmistulang impyerno ang kanyang kinatatayuan dahil sa apoy na kanyang nilalabas.
"Mahabang kwento. Dalian mo na diyan. Marami pa tayong gulong dapat ayusin. Kalat na ang tungkol sa mga bampira, alam mo naman siguro kung ano masamang epekto nito pagkatapos ng ginawang ng deathless killer? Sigurado masama ang tingin nila sa mga katulad niyo."
"Yeah! Ibaba ko na," tugon ni Claude saka pinatay ang tawag.
Pumasok na siya sa loob ng sasakyan nang matapos niyang sunugin ang lahat ng Zombie at dahil abala si Neil sa ginagawa niya, siya na ang nagmaneho ng sasakyan.
"Saan tayo pupunta?" tanong ni Neil nang mag-iba ito ng direksyon.
"Sa mama mo," seryosong tugon ni Claude.
Hindi siya matatahimik hanggang hindi masisiguradong ligtas ito. Kahit alam niyang malayo ang bahay nila Xavier sa kaguluhan, mas mabuting sihurado siya na ligtas ito.
Sa kalagitnaan nang paglalaban ni Amon at Zander, natigilan si Zander nang mapansin ang kaguluhan. Tinignan niya ng masama si Amon dahil alam niyang kagagawan nito ang lahat.
"Hahahaha! Ano na ngayon gagawin mo vampire king? Kaya mo pa rin bang maprotektahan ang lahat ng tao sa buong mundo, ngayong wala ka ng kontrol sa mga bampirang nasa vampire world?" sambit ng devil habang malakas na tumatawa.
"Sino nagsabing wala? King, wag ka mag-aalala kami bahala sa mga puppet ng devil," sigaw ng isang lalaki.
Lumiwanag ang mukha ni Xia nang makitang niya ito at ang mga kasama ng lalaki.
"Warren!" sambit ni Xia.
Ningitian siya ng lalaki saka kinindatan bago tinuon ang mga atensyon sa bampirang kasama.
"Ano pa hinihintay niyo? Patayin niyo lahat ng mga zombie. Tatandaan niyong wala kayong gagalawing tao kung ayaw niyo mamatay," utos nito nito sa mga kasamahan.
"Master, sasabihan ko rin ang mga beastman," sabi ni Yuri kay Xia.
"Sige, salamat."
"Mom, tutulong din kami," sabi ni Primo.
"Okay, basta labanan niyo lang yung kakayanin niyo. Mag-iingat kayo."
Umalis ang anim habang naiwan si Xia, kasama si Hexa. Tumigil na sa pag-iyak si Hexa.
"Mom, tutulong din po ako," aniya habang pinupunasan ang luha.
"Ayos ka na ba?"
"Ayos na po ako."
Ngumiti ng pilit si Hexa, alam niya na walang patutunguhan ang pag-iyak niya at hindi iyon ang oras para magdrama siya.
"Yeri, bantayan mo si mommy," sabi niya sa pusang nakaupo sa tabi nila.
"Okay."
Tumayo na si Hexa saka sumunod sa kanyang mga kapatid upang labanan ang mga zombie na kinokontrol ni Amon.
"Mukhang hindi ko na kailangan pang humingi ng tulong sa mga alagad kong bampira," sambit ng vampire habang pinapanood ang kanyang mga anak na nakikipaglaban.
Nilingon niya si Amon saka ningisian.
"Sa ating dalawa, ikaw ang nag-iisa. Ilang milyong patay man ang kontrolin mo, mananatili silang puppet mo. Kung wala ka, wala rin sila dahil matagal na silang patay. Kahit ano gawin mo hindi mo ko matatalo," aniya saka hinagisan ng kulay asul na apoy.
Napaiwas si Amon dahil sa takot na masunog dito. Lumutang siya sa langit na agad namang sinundan ni Zander.
"Tama ka. Kumpara sayo mag-isa lang ako. Pero alam mo ba na ayun rin ang kalakasan ko? Dahil hindi ko na sila kailangan protektahan," aniya saka lumipad patungo kay Xia.
Napakunot ng noo si Xia nang makitang palapit ito sa kanya.
"Gusto ka niya gamitin laban sa asawa mo," sambit ni Yeri.
Napabuntong hininga si Xia. Kundi lang delikado ang lagay niya ngayon, baka kinalaban na niya ito gamit ang kapangyarihan niya pero alam niyang oras na ginamit niya ito mas mapapaiksi pa lalo ang buhay niya.
'Ano gagawin ko ngayon?' tanong niya sa kanyang sarili.
'Huwag ka gagalaw.'
Napaangat ng ulo si Xia nang marinig nito si Zander sa kanyang isipin. Tinignan niya ito habang naghihintay ng sunod na mangyayari.
Nang malapit na si Amon sa kanya, isang pamilyar na kapangyarihan ang pumalibot sa kanya at niligtas siya nito mula sa dark magic ng devil. Matagal na noong huli niya itong nakita, simula noong nalabalik na siya totoo niyang katawan hindi na niya ito lumabas sa katawan niya.
"Kapangyarihan mo ito?" gulat na tanong ni Xia habang tinitignan ang red magical energy na pumalibot sa kanya.
"Oo, mahal. Simula noong nilagay nila ang puso ko sayo palagi kang pinopotektahan ng kapangyarihan ko. Wala man akong alaala, naalala ka pa rin nito," aniya sabay turo sa puso nito.
"Dahil ikaw lang ang nag-iisang asawa ko, lumipas man ang panahon. Ipanganak ka man ng maraming beses, mananatili kang reyna ko," sabi niya habang nakatingin sa mga mata ni Xia.
"Kung hindi ko lang alam na siya ang kilalang walang pusong hari ng mga bampira, iisipin kong iba ang kaharap na natin," sabi ni Yeri.
"Ang laki na talaga ng pinagbago niya. Ibang-iba siya sa kilala naming vampire king,"sabi ni Warren na tutulungan sana si Xia.
"Bakit? Sobrang sama ba niya dati?" tanong ni Xia ngunit walang sumagot sa kanya dahil tinignan sila ng masama ni Zander.
Nagtatakang tinignan ni Xia ang dalawa dahil sa pananahimik nito. Sumalubong sa kanya ang namumutlang mukha ng dalawa. Tinignan niya si Zander pero isang matamis na ngiti ang bumungad sa kanya.
"Ehem. Mukhang hindi mo na kailangan ng tulong ko, alis na ako. Salamat nga pala sa sunblock na binigay mo," sabi ni Warren sabay takbo.
Kung wala ang sunblock na binigay ni Xia sa kanila, hindi sila makaalis sa vampire world, ngayong tanghali pa. Ningitian sila ni Xia dahil niya akalain na magagamit ang mga binigay niya ngayong kailangan nila ng tulong mula sa mga bampira.
"Mahal, kung may tanong ka handa ako magkwento para sayo," sabi ni Zander.
"Okay, pagkatapos nito tatanungin kita," tugon ni Xia.
"Good," nakangiting tugon ni Zander sabay gawa ng lubid sa pamamagitan ng kanyang dugo upang huliin ang devil.
"Bakit pakiramdam ko hindi seryoso sa pakikipaglaban ang vampire king?" tanong ni Yeri nang mapansin niyong nagagawa pa ni Zander na kausapin si Xia.
"Hindi talaga siya seryoso. Kung magseseryoso siya baka kanina pa niya nawasak itong lugar," tugon ni Xia, alam niyang nililihis lang nito ang atensyon sa kanya para makontrol nito ang kapangyarihan niya.
"Oh! Narinig ko na kaya nito wasakin ang buong mundo sa isang galaw lang ng kamay niya. Kaya lahat ng nilalang iniiwasan siyang magalit. Devil at demon lang ang kaya kumontra sa kanya dahil pareho silang galing sa dark creatures."
May tatlong uri ng creatures: una ang light creatures tulad ng mga anghel at iba na gumagamit ng light magic; pangalawa ang mga neutral kung saan nabibilang ang mga tao, balanse lang ang lahat sa kanila at makakagamit lamang sila ng magic oras na mawala ang balanseng yun, katulad sa tao na naging bampira; pangatlo ang dark creatures na gumagamit naman ng dark magic o mga nabubuhay sa darkness. Subalit may pagkakataon na nagiging dark creatures ang isinilang na light creatures pero hindi maaring maging light creatures ang mga isinilang na dark creatures.
"Kayang wasakin ang mundo sa isang kumpas lang ng kamay? Diba demon lord lang ang pwedeng gumawa nun?" tanong ni Xia dahil hindi siya naniniwala sa sinabi nito.
Lahat ng dark creatures na nakapatay ng isang milyong nilalang ay maaring magkaroon ng malakas na kapangyarihan at magiging isang ganap na demon lord subalit kailangan muna nito masiguradong kokontrol nito ang kapangyarihan nito dahil oras na mawalan ito ng kontrol; ito ay lalamunin ng kadiliman at mawawala sa sarili. Oras na mangyari yun walang magagawa ang mga immortal na nasa itaas kundi ang mangialam.
"Hindi ko alam. Narinig ko lang naman yan sa iba. Mas mabuti pang tanungin mo na lang ang asawa mo," tugon ni Yeri.
Napalingon si Xia kay Zander na abala sa pakikipaghabulan kay Amon. Kanina nang maramdaman niya ang tunay na kapangyarihan nito, napagtanto niyang marami pa siyang hindi alam tungkol sa vampire king. Kahit kailan hindi pa niya ito nakikitang gumamit ng buong lakas niya.
"Hindi mo kailangan mag-alala. Kung demon lord siya edi sana wala na siya dito. Dapat nandoon na siya sa mundo ng mga immortal, baka hindi pa siya ganap na demon lord," paliwanag ni Yeri nang makita niya pag-aalala mukha ni Xia.
"Hindi ka nakakatulong Yeri," inis na sabi ni Xia dahil lalo lamang siya nabahala nang marinig niya na maaaring hindi pa ito ganap na demon lord.
Ibig sabihin ba nun kapag naging demon lord siya, iiwan niya kami dahil hindi siya pwede manatili dito.
Sa kalagitnaan ng pag-iisip ni Xia, hindi nito namalayan ang isang itim na uod na gumagapang sa kanyang kasuotan. Naglalabas ito ng itim na usok na katulad sa devil subalit mahina lamang ito kaya hindi ito mapapansin nang kahit sino. Gumapang ito ito sa balikat niya.
"Gusto mo ba malaman kung ang lahat ng tungkol sa vampire king? Tulungan kita," bulong sa kanya nang devil.
Napatingin si Xia sa uod na nasa balikat niya nang marinig niya itong magsalita. Mabilis niya itong inalis ngunit nakapasok na sa kanya ang itim na usok na nagmumula sa uod.
Bigla siya nahilo at kamuntik na matumba.
"Master, ayos ka lang? Ano nangyari sayo?" nag-aalalang tanong ni Yeri nang mamutla ito bigla.
Napakunot ang noo ni Xia at pinakiramdaman ang sarili kung may kakaiba bang nangyari sa katawan niya.
"A-ayos lang ako. Nahilo lang ako bigla," tugon ni Xia nang wala siyang makita kakaiba.
Tinignan niya ang devil at ningitian lang siya nito nang makita siyang nakatingin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top