CHAPTER 44
Third Person's POV
"Paano si Hexa? Wag mo sabihin na iiwan mo siya?" tanong ni Xia.
Napangiti ng mapait si Phoenix, hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiiyak sa sinabi ni Xia.
"Pakasabi na lang sa kanya na sorry, hindi ko kayang suklian ang pagmamahal niya. Masasaktan lang siya sa akin dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakalaya sa nakaraan," sabi ni Phoenix.
"Ayoko! Ikaw magsabi sa kanya. Hindi ka pwede mamatay hanggang hindi mo nasasabi sa kanya ang tunay na nararamdaman mo. Maloloko mo si Hexa pero hindi ako. Alam ko may nararamdaman ka sa kanya. Natatakot ka lang na oras na magmahal ka, maiiwan ka sa huli dahil sa sitwasyon."
"Oo, mahal ko siya pero hindi ko magawa dahil sayo. Hanggang ngayon hindi mo pa rin ako pinakakawalan. Lahat ginawa ko para patayin mo ko pero hindi mo ginawa. Pinatay ko pati clone mo pero wala pa rin? Siguro okay na ganito. Kahit hindi mo ginusto na patayin ako, mamatay pa rin ako dahil sa nilikha mo. Makapagpahinga na rin ako."
Napaluha si Xia sa sinabi nito. Hindi niya alam na dahil sa kanya kaya siya nahihirapan.
"Sorry, hindi ko alam. Sorry..."
Itinaas ni Phoenix ang kanyang kamay upang punasan ang luha ni Xia. Ayaw niya nakikita itong umiiyak.
"Wala ka kasalanan. Nangyari ito sa akin dahil sa maling desisyon na nagawa ko. Siguro, una pa lang hindi na talaga tayo para sa isa't-isa kaya nangyari iyon. Ni hindi pa nga kita napasalamatan sa nagawa mo noon sa akin. Wala ka man maalala sa nakaraan natin gusto ko pa rin sabihin sayo na salamat... Salamat sa sakripisyo mo para gumaling ako sa sakit ko. Salamat Caleigh."
Nang mapansin ni Xia ang pagbaba ng kamay nito, agad niya ito sinalo at hinawakan ng mahigpit.
"Naiintindihan ko. Hindi na kita pipilitin mabuhay, pero sana bago ka mamatay makausap mo si Hexa. Wag mo naman siya iwan nang ganito," sabi ni Xia saka itinapat ang kanyang kamay sa sugat ni Phoenix upang pasamantalang gawing yelo ang katawan nito. "Diyan ka muna. Tatapusin ko lang si Red."
Pagkabitaw ni Xia sa kamay ni Phoenix muli siya hinawakan nito.
"Wag mo masyado gamitin ang kapangyarihan mo. Baka hindi kayanin ng katawan mo," sabi nito sabay sulyap sa kamay ni Xia na nag-uumpisa na din matuyo ang balat, nagiging kulubot ito na para bang kamay ng isang matanda.
"Alam ko pero ito lang ang paraan para matapos ang lahat," tugon ni Xia saka inalis ang kamay nito at umatake kay Red.
May nagsilabasan na mga rosas sa kamay niya, gumapang ang mga tangkay nito sa lupa patungo kay Red.
Lumundag si Red para iwasn ito subalit mabilis din na umangat pataas ang mga halamang rosas na kumalat sa paligid. Hinabol nito si Red hanggang sa maabot ang mga paa niya. Gumawang ito pataas sa katawan niya hanggang sa nakapulupot na ang mga ito.
"Pakawalan mo ko!" sigaw nito. Sinubukan niya gamitin ang kapangyarihan niya ngunit dahil pagmamay-ari ito ng totoong katawan niya ay balewala ang lahat ng atake niya dahil hinihigop lamang nito ang lakas niya.
"Bakit ko nanaman gagawin yun? Ang dami mong pinatay na tao at pati ang anak ko nabiktima mo. Kahit si Phoenix hindi mo pinalampas. Tingin mo ba hahayaan kita na gamitin mo ang katawan ko? Ngayon babawiin ko na ang lahat ng binigay ko sayo, Corporal Santos ," sambit ni Xia.
Natigilan si Red nang marinig niya ang tunay niyang pangalan.
"Paano mo nalaman?" tanong nito. Tinignan lang siya ng malamig ni Xia.
"Namatay ka 10 years ago habang nag-imbistiga sa lalaki na pumatay ng highschool student. Katulad ng ginagawa mo sa ganung paraan ka din pinatay. Nang kumalat ang video ni Apple, naisipan mong gayahin ito. Bakit? Para kunin ang atensyon ng pumatay sayo na hanggang ngayon malaya pa rin?" tugon ni Xia sabay tawa ngunit mapapansin pa rin ang malamig na tono dito. "Alam mo ba na nasa tabi mo lang ang hinahanap mo?"
Tumingin siya ng masama sa devil na nakingiti habang pinapanood sila. At mas lalo pa lumawak ang ngiti nito nang makita niya ang masamang tingin sa kanya. Hindi niya tinatanggi ang sinabi ni Xia dahil totoo ang lahat. Para sa kanya isa lamang laruan ang buhay ng tao at tuwing wala siya ginagawa ay minamanipula niya ang mga ito at inuutusang gumaw ng krimen.
"Papunta na dito ang vampire king. Kailangan ko na umalis," sabi nito saka naging itim na usok at umalis.
Hindi makapaniwala si Corporal Santos sa nalaman niya. Hindi niya akalain na ang inaakala niyang tumutulong sa kanya ang siya ding pumatay sa kanya.
"May isa pa akong sasabihin sayo. Kahit gamitin mo pa ang katawan ko, hindi mo pa rin makukuha si Zander. Kailangan ko ba sunugin ulit ang buhok mo para matauhan ka?"
"Ikaw yun!"
Tinaasan lang siya ng isang kilay ni Xia. Ayaw niya sa lahat yung pinagtatangkaan agawin sa kanya ang asawa niya. Kahit sino pa babae yan hindi niya aatrasan, multo man ito o hindi. Hindi siya papayag na landiin nila si Zander. Sa inis niya muling nag-apoy ang buhok ni Red. Kahit na clone niya ito wala na siya pakialam, lalo na ngayon na alam niya kung sino ng gumagamit nito.
"Waahhhh! Tama na! Wag mo ko sunugin! Ibabalik ko na ang katawan mo!" sigaw ni Red (Corporal Santos) nang kumalat ang apoy sa katawan niya. Pakiramdam niya nasa impyerno siya habang nag -aapoy siya.
Hindi siya pinakinggan ni Xia hanggang sa maging abo ito at maglaho ang kanyang kaluluwa.
"Xia!" sigaw ni Zander nang makita niya ang kanyang asawa.
"Ma--"
Bang! Bang! Bang! Sunod-sunod na putok ng baril ang nagpatigil sa kanila. Napatingin si Xia sa kanyang katawan na puno ng tama ng bala saka lumingon sa mga pulis. Hindi niya akalain na magagawa siyang atakihin ng mga ito kahit na tinulungan niyang tapusin si Red.
"Wag kayo titigil! Paputukan niyo siya! Tandaan niyo hindi siya tao!" sigaw ng isang lalaking pulis. Sinamaan ito ng tingin ni Xia nang makilala niya ito kahit na nagpalit ng isura.
Muli siyang pinaputukan ng pulis subalit agad siyang pinoprotektahan ni Zander.
"Tumigil kayo! Hindi siya kalaban!" galit na sigaw ni Zander saka pinatalsik ang mga nagtatangkang bumaril. Hinawakan niya si Xia at tinignan ang kalagayan nito. "Ayos ka lang?"
Natawa na lang si Xia dahil sa kalagayan niya. Ngunit kahit na tumatawa ito makikita pa rin sa kanyang mata ang lungkot, alam niyang hindi na siya magtatagal dahil sa paggamit niya ng kapangyarihan at dinagdagan pa ng sugat niya.
"Mahal..." sambit niya sabay ubo ng dugo.
"Ano nangyayari sayo? Bakit hindi ka gumagaling?" kinakabahang tanong ni Zander nang mapansin niyang hindi ito gumagaling.
"Dad! Mom!" sigaw nila Primo pagkatapos sila tulungan ni Hexa na magteleport. Mabuti na lang napanood nila sa tv ang nangyari kaya mabilis nila nalaman kung nasaan sila.
Lumapit sila dito habang naiwang nakatayo si Hexa, nakatingin ito kay Phoenix na kasalukuyang nakahiga sa lupa.
"Phoenix!" tawag niya dito bago ito tumakbo palapit. Umupo siya tabi nito at hinawakan ang kamay.
"Nandito ka na. Tamang-tama may sasabihin ako sayo," sabi nito ngunit bago pa siya makapagsalita umiiyak na si Hexa.
"Iiwan mo ko?" tanong niya.
"Sorry, hindi ko masusuklian ang nararamdaman mo. Sorry rin dahil nasaktan nanaman kita. Palagi na lang kita pinapaiyak. Mas mabuti pa ang ganito na mawala na ako kaysa masaktan lang tayo pareho."
"Mawawala na nga si mommy, pati pa naman ikaw? Paano na ako?"
"Nandyan pa naman daddy mo. Saka hindi mawawala ang mommy mo..."
Natigilan sa pag-iyak si Hexa at naguguluhang tinignan si Phoenix. Narinig na niya ang lahat kila Primo na hindi maganda ang sitwasyon ng kanyang ina.
"Kaya pa siya iligtas ng vampire king... Kung siya ang nandito sigurado alam niya ang gagawin," paliwanag ni Phoenix.
"Ano ibig mong sabihin?" tanong ni Hexa.
"Bago ko sagutin ang tanong mo, pwede mo ba tunawin itong ginawa ng mommy mo?"
Tinuro niya ang yelo sa kanyang leeg kung saan pumigil sa kanya para tuluyan mamatay.
"Ayoko. Mamatay ka agad kapag ginawa ko yun."
"Pero wala na tayo oras. Gusto mailigtas ang mommy mo diba?"
Napaisip si Hexa at nagdalawang isip. Gusto niyang iligtas ang mommy niya pero gusto pa niya makasama si Phoenix.
"Sabihin mo muna kung bakit kailangan ko alisin yan," sabi ni Hexa habang seryosong nakatingin kay Phoenix.
"Oras na mamatay ako, gigising ang vampire king," sabi niya sabay tingin kay Zander. "Babalik ang alaala niya at ang kapangyarihan niya. Sa sitwasyon ng daddy mo, hindi niya matutulungan ang mommy mo dahil ang vampire king lang ang may alam kung paano sosolusyunan ang katawan ni Xia."
"Totoo ba yang sinasabi mo?" tanong ni Hexa. Natatakot siya na baka niloloko lang siya ng binata para mamatay na ito.
"Totoo lahat ng sinabi ko. Kaya ako naging immortal dahil nakaseal sa akin ang kalahating kapangyarihan ng vampire king sa akin. Habang ang kalahati nasa puso nito. Naibalik na kay Zander ang puso ng vampire king, kamatayan ko na lang ang kulang."
Muling naiyak si Hexa nang marinig nito ang sinabi niya. Malinaw sa kanya ang lahat.
"Saka kailangan din ng daddy mo ng kapangyarihan para matalo ang devil," sabi pa ni Phoenix. Inangat ni Hexa ang kamay niya at itinutok ang kamay niya sa nagyeyelong katawan ni Phoenix. Sanay na siya na tunawin ito dahil sa ganitong paraan sila sinanay ni Xia para makontrol nila ang kapangyarihan nila.
"Wag mo ituloy yan! Mamatay siya kapag ginawa mo yan! Gusto mo pa siya makasama diba?" pigil sa kanya ng devil, tahimik lang ito na nakamasid sa paligid nang marinig niya ang mga sinabi ni Phoenix.
Oras na bumalik ang kapangyarihan ng vampire king, sigurong masisira lahat ng plano niya.
"Wag ka makinig sa kanya," sambit ni Phoenix nang mapahinto si Hexa. Muling kumilos si Hexa.
"Hindi ako papayag! Papatayin kita!" sigaw ng devil sabay sugod kay Hexa.
Gumawa ng ice wall si Phoenix upang pasamantalang silang maprotektahan. Ikinulong niya ang sarili niya at si Hexa sa yelo para masiguradong hindi agad makalapit ang devil.
Boom! Nagkaroon ng crack ang yelong ginawa niya nang tumama ang unang atake nito.
"Bilisan mo!" paalala ni Phoenix kay Hexa dahil hanggang tatlong atake lang ang kaya ng ginawa niya.
Boom! Nagdulot ng maliit na butas ang sunod na atake sa kanila.
"Tapos na!" sambit ni Hexa.
Pinilit umupo ni Phoenix saka niyakap si Hexa.
"Salamat," bulong nito kasabay ng pangatlong atake ng devil, tuluyang nasira ang ice wall.
Mabilis na itinulak ni Phoenix pahiga si Hexa upang maprotektahan niya ito sa atakeng patungo sa kanila. Napasuka siya ng dugo nang matamaan siya sa likod.
"Phoenix!" sigaw ni Hexa, nag-aalalang tinugnan niya ito, hindi niya akalain poprotektahan siya nito. Ningitian siya ng binata saka siya hinalikan.
"Farewell gift ko sayo..." sambit nito bago naging pulang usok at lumipad patungo kila Zander.
Itutuloy....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top