CHAPTER 43

CHAPTER 43

Xia's POV

"Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Yeri habang nakatingin sa mga braso ko na unti-unting natutuyo.

"Ayos lang ako," sagot ko sabay tago ng braso ko.

"Gusto man kita tulungan pero wala ako ideya kung anong klaseng katawan meron ka."

Napangiti na lang ako ng mapait dahil tanging si mom lang ang nakakaalam kung bakit ganito ang katawan ko.  Ipinanganak akong may katawan na katulad sa halaman. Kahit na mukha akong tao, iba ang body parts ko.

"Namana ko daw ito sa mama ng lola ko. Ayon sa kwentong kumakalat sa pamilya nila mom, taga ibang mundo daw ito. Siguro galing siya sa mundo na katulad sa vampire world. Walang nakakaalam kung saan ba talaga ito nagmula."

"Diwata? Tinutukoy mo ba yung mga nagbabantay sa kalikasan? Pero hindi naman sila nakikipagkita kahit kanino. Narinig ko din na spirit o clone lang nila ang pwedeng pumunta sa mundo dahil mamatay sila oras na dalhin nila dito ang katawan nila. Masyado mahina ang spiritual energy dito."

"Marami ka yata alam tungkol sa kanina," sabi ko. Nabanggit ko lang ang salitang diwata, ang dami ko na natutunan sa kanya.

"Narinig ko lang ang tungkol sa kanila pero hindi pa ako nakakakita ng diwata. Hindi ka talaga tao? Kaya ba hilig mo gumawa ng clone dahil sa katawan mo?" tanong niya.

"Oo," sagot ko sabay tawa.

Naalala ko noong bata pa ako hiniling ko na maging isang normal na tao para makalabas ako ng bahay. Hindi kasi ako magtatagal oras na lumayo ang katawan ko sa lupang tinatayuan ng bahay namin.  Dahil doon pinag-aralan ko gumawa ng clone para may magamit akong katawan. Natagumpay naman ako gayahin ang katawan ng tao. Pero nang gamitin ko ito, hindi na ako nakabalik sa katawan ko.

"Anak, ano ginawa mo?" tanong sa akin ni mom nang makita niyang naging dalawa ang katawan ko.

"Gumawa po ako ng clone ko," sagot ko.

"John! Tignan mo ang katawan ni Xia," tawag niya kay dad.

Lumabas si dad sa opisina niya. Nanlaki ang mata niya nang makita niya ako.

"Anak, halika muna dito saglit. Check ko lang ang katawan," aniya kaya agad ako sumunod sa kanya. Kinuhaan niya ako ng dugo, pati heartbeat ko sinuri niya. Sinuri niya ang buong katawan ko at mula sa resulta ng x-ray, lumabas na katulad sa human body ang clone na nagawa ko.

Hindi makapaniwalang tinignan nila ako.  Walang makapagsabi kung paano ko nagawang magkaroon ng human body sa clone. Ang alam nila oras na magkaroon ako ng clone, katulad din ito ng totoong katawan ko. Kaya laking gulat nila katulad sa totoong katawan ng tao ang kinalabasan ng katawan ko.

Base sa pag-aaral ni dad, nagawa ko  iyon dahil sa may dugo ng isang tao ako. Masaya sila para sa akin dahil natupad na ang matagal kong hinihiling.

Mula noon hindi ko na nagawang makabalik sa totoong katawan. Naisipan na lang nila mom na itago ito basement namin para maging ligtas ito dahil kahit ano pa mangyari, ayun pa rin ang totoong katawan ko.

Isang bagay lang ang napansin ko simula noong ginamit ko ang katawan ko, hindi ko na nagawa gamitin ang kapangyarihan ko. Bukod doon, sumasakit ang dibdib ko minsan. Sabi ni dad baka daw dahil malayo ako sa totoong katawan ko o may nangyayari sa masama sa totoong katawan ko.

"Kung tinago niyo ang totoo mong katawan, paano nalaman ng doctor na yun ang tungkol doon?" tanong ni Yeri nang makwento ko sa kanya ang nangyari.

Napabuntong hininga ako bago sumagot, "May nakapasok na spy sa organisasyon nila dad."

Naalala ko bigla ang necromancer na nakalaban namin sa sementeryo. Kung siya gagawa nun sigurado madali niya mapapasok ang organisasyon.

"Tinutukoy mo ba ang devil?" tanong ni Yeri. Napansin niya yata ang biglaang pagseryoso ko at ang inis na nararamdaman ko.

"Oo," tugon ko.

Simula noong umpisa siya lang ang kalaban namin. Lahat ng nangyari sa akin dahil sa pagmamanipula niya sa iba. Hindi ko siya mapapatawad. Kung hindi ko pa tinanong sila mom, hindi magiging malinaw ang lahat.

Iyon daw ang tumulong sa kanila para patigilin si Dr. Tan sa expiremento bilang kabayaran sa pagpapalaya nila sa kanya. Wala sila ideya na papatayin nito ang lahat ng nasa research group. Pagkatapos ng pangyayaring yun hindi na nila ito nakita.

Sino mag-aakala  na nasa paligid lang ito at lihim na gumagawa ng  kasamaan?

"Kapag ba hindi ka nakabalik doon sa dating bahay niyo, mamatay ka? Kaya ba nakakaganyan katawan mo dahil wala ka ng oras?" nag-aalalang tanong ni Yeri.

Hindi ko alam kung ano isasagot ko. Basta malungkot ko lang siya tinignan. Mukhang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin.

"Mamatay ka nga?! Bakit hindi mo sinabi? Pwede ka naman bumalik sa lugar na yun pero bakit mas pinili mo manatili dito kahit na mamatay ka na?" pasigaw na tanong niya. Halos paluha na siya habang tinitignan ko.

"Kapag bumalik ako doon hindi ko makakasama sila Zander, saka kailangan ko pa patigilin ang babaeng yun. Ako lumikha sa kanya kaya dapat lang na ako din tumapos sa kanya. Kung kinakailangan mawala ako para lang huminto siya, gagawin ko. Handa ako itaya ang buhay ko."

"Mom!"

Napatuwid ako nang upo nang marinig ko ang boses ni Seven. Pagtingin ko sa likod, nakatayo ang mga anak ko doon.

Kanina pa ba sila nakikinig sa usapan namin?

"Totoo po ba yung sinabi niya na mamatay ka? Iiwan mo po ba kami ulit?" tanong ni Seven.

"Anak... sa loob tayo mag-usap," sambit ko.  Bakit ba hindi ko sila agad napansin?

Hinila ko si Seven papasok sa loob habang hinayaan kong sumunod sa amin sila Primo.

"Alam po ba ni dad ang tungkol dito?" tanong ni Primo pagkapasok namin.

"Hindi. Wala kayo sasabihin sa kanya," tugon ko. Ayoko malaman ni Zander ang tungkol dito. Baka kung ano pa gawin niya para lang mabuhay ako. Saka ayoko din na makita siyang nasasaktan dahil sa akin.

"Mom, wag mo po kami iwan. May paraan naman po para hindi kayo mawala, diba? Mom please. Gusto pa po kita makasama ng matagal," pakiusap ni Seven.

"Patawarin niyo ako mga anak. Gusto ko man kayo makasama ng matagal, huli na ang lahat. Kahit bumalik pa ako sa lugar na yun, hindi na rin kakayanin ng katawan ko. Kaya lang--"

Napatingin ako sa tv nang may mapansin akong larawan. Pamilyar sa akin ang likod nito.

"Flash Report! Isang babae ang biglaang umatake sa labas ng mall. Ayon sa mga nakasaksi may hinahabol itong lalaki at nang magtago ang lalaki, nag-umpisa itong pumatay ng mga nadadaanan niya. Narito ang kuha ng ilan sa mga nakakita," pahayag ng reporter.

Mula sa video na pinakita nila, isang babae ang patakbong lumapit sa dumaang lalaki. Hinawakan nito ang ulo at agad na hiniwa ng kutsilyo.

"Master! May balita na ako  sa deathless killer," sabi ni Yuri. Napahinto sa pagtakbo at napatingin sa pinapanood ko. "Alam mo na pala."

Tumingin ako kila Primo.

"Pagbalik ko na lang tayo mag-usap. Kailangan ko pigilan ang deathless killer bago pa siya makarami. Wag kayo aalis dito," paalam ko.

"Mag-iingat po kayo," sagot ni Primo.

Hinila ko si Yuri bago magteleport sa mall. Pagdating ko doon wala na ang deathless killer, puro bangkay na lang ng mga nabiktima niya ang naabutan ko. Sinundan ko na lang ang amoy ng dugo para makita siya.

Third Person's POV

"Hindi ka pa rin ba magpapakita? Papatayin ko ang lahat ng taong nandito. Hindi ako titigil hanggang hindi kita nahuhuli," sigaw ni Red (Deathless Killler.)

Napamura na lang si Phoenix sa tinataguan niya nang marinig niya ito. Sa  likod ng isang sasakyan nakayuko siya habang nakahawak sa braso niya na walang tigil sa pagdugo. Pagkatapos niya tanggihan ang devil bigla na lang sumulpot si Red upang patayin siya; mabuti na lang nakatakas siya.

Bakit hindi gumagaling sugat ko?

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ni Phoenix, biglang nakaroon ng sigawan. Pagsilip niya, nakita niya ang isang bangkay ng lalaki at ang walan tigil na pagpatay ni Red. Sa isang iglap nagkalat ang mga bangkay at dugo sa kalsada.

Kailangan ko siya patigilin. Bahala na kung mamatay ako. Ang importante hindi madadagdagan ang kasalanan ko kay Xia, oras na pabayaan ko ang nangyayari.

Lumabas si Phoenix sa kanyang tinataguan at tumakbo palapit kay Red upang pigilan ito.

"Tumigil ka na! Nandito na ako," sabi ni Phoenix habang hawak ang kamay ni Red na sasaksakin sana ang isang batang babae.

Tinignan siya nang masama ni Red at saka siya sinugod. Muling tumakbo si Phoenix palayo upang maghanap ng lugar na walang masyadong tao. Subalit kahit saan siya magpunta meron pa rin silang nasasalubong.

Boom! Isang bolang apoy ang hinagis ni Red sa kanya, nagdulot ito nang malakas na pagsabog. Tumalsik si Phoenix dahil sa lakas ng pwersa nito.

"Sh*t! Dito pa yata ako mamatay," bulong ni Phoenix habang pilit na tumayo. Napakagat siya sa kanyang labi dahil sa sakit na nararamdaman niya sa likod, nasunog ito at nalapnos ang balat niya.

"Sino ka? Bakit kaya mo ko saktan?" tanong niya nang mapansin niyang hindi gumagaling ang sugat niya tuwing matatamaan siya ng atake nito.

"Sino ako? Sapat na ba itong gagawin ko para masagot ang tanong mo?" tugon nito sabay alis ng pekeng mukha na ginagamit niya.

"Xia? Hindi, hindi ikaw si Xia. Wag mo sabihin na isa ka sa clone niya?" tanong ni Phoenix habang hindi makapaniwala sa nakikita niya. Doon lang niya nauunawaan kung bakit siya hindi gumagaling.

Tanging si Xia lang ang maaring makapatay sa kanya at kahit na clone lang ito, pwede pa rin siya mapatay dahil nagmumula ito sa katawan ni Xia.

"Ngayon, pwede na ba kita patayin?" tanong nito sabay sugod kay Phoenix. Ngunit bago pa niya ito matamaan, isang halaman ang pumulupot sa katawan ni Phoenix at hinila ito palayo.

"Xia," sambit ni Phoenix nang makita niya kung sino ang tumulong sa kanya.

Napatingin si Phoenix sa kamay ni Xia na naging halamang nakapulupot sa ka niya. Nang mapansin ito ni Xia mabilis niyang binitawan ang lalaki saka muling binalik sa normal ang kamay niya.

"Nasaan si Hexa?" tanong sa kanya ng Xia.

Napakunot ang noo ni Phoenix.

"Hindi ko alam. Bakit sa akin mo siya hinahanap? Diba umuwi na siya sa inyo?"

"Lumayas siya."

"Ano kinalaman ko doon?"

Tinaasan siya ng isang kilay ni Xia at sinabing, "Ikaw ang dahilan ng paglayas niya. Narinig ko na kinausap ka ng devil tungkol kay Hexa. Hindi mo naman siguro siya binigay sa kanya?"

"Bakit ko naman siya ibibigay? Kaya nga niya ako hinahabol dahil hindi ako pumayag. Mahalaga din sa akin si Hexa. Hindi io hahayaan na isakripisyo siya kahit na maganda pa ang kapalit."

"Bakit? Ano ba kapalit?"

"Ibabalik niya daw ang panahon na asawa mo pa a---"

Bago pa matapos ang sasabihin ni Phoenix, hinila siya ni Xia at umalis sa kinatatayuan nila. Boom! Isang malakas na pagsabog ang nagwasak sa inalisan nilang pwesto.

Namutla si Phoenix sa nakita. Kung tinamaan siya siguradong abo na siya ngayon.

"Salamat," pagpapasalamat niya kay Xia.

"Bakit hindi gumagaling sugat mo?" tanong ni Xia nang mapansin niya ang itsura ni Phoenix.

"Dahil sayo! Ano pumasok sa isip mo para gumawa ng clone na katulad niya? Hindi pa ba sapat si Apple ja gusto akong patayin tuwing makikita ako? Ngayon pati ang deathless killer gusto ako patayin. Inaamin ko na gusto kong patayin mo ko pero wag naman sana yung clone mo. Gusto ko ikaw mismo ang papatay sa akin," naiinis na sabi ni Phoenix.

"Bakit naman kita papatayin? Papakasalan mo pa si Hexa. Dapat mommy na din ang itawag mo sa akin."

"What the hell! Anong mommy? Saka bakit ko siya pakakasalan? Baka mapatay naman ako ni Zander bago pa kami makapasok sa simbahan."

Tinignan siya ng masama ni Xia.  "Hindi yun magagawa ni Zander."

"Paano mo naman nasabi? Alam mo ba na kahit na wala siya maalala sa nakaraan, siya pa rin ang Vampire King. Kung alam mo lang dahil sa kanya kaya inakala kong patay ka na. Pinalabas niya na wala ka na para hindi kita hintayin. Binalik pa nila sa akin ang wedding ring mo."

"Bakit mo ba paulit-ulit sinasabi yung nakaraan? Hindi na ako yung dating Caleigh na alam mo. Si Xia na ako at hindi na ikaw ang asawa ko. Wala akong pakialam kung ano pa ang ginawa ng Vampire King sa nakaraan dahil ang minahal ko yung Zander na nakilala ko noong bata ako," sigaw ni Xia dahil sa inis. Gusto na niya saktan si Phoenix pero dahil sa itsura nito mas pinili na lang niyang idaan sa masamang tingin.

Muling umatake si Red sa kanila. Napansin naman ito ni Xia kaya sinalubong niya ito, nag-umpisa sila magpalitan ng mga atake. Dahil panghihina ng katawan ni Xia, hindi na niya nagawang makipagsabayan kay Red. 

"Ah!" sigaw ni Xia nang biglang may humila sa kanya at itinulak siya sa lupa 

"Hello sweetie!" bati sa kanya ng devil habang nasa ibabaw niya ito, nakahawak sa kamay niya na  itinaas sa tapat ng ulo.

"Bitawan mo ko!" sigaw ni Xia.

"Dito ka lang," sagot nito sabay tingin kay Red. "Ano pa ginagawa mo? Patayin mo na si Phoenix."

Tumakbo si Red palapit kay Phoenix upang atakihin ito.

"Bakit gusto mo siya patayin?" tanong ni Xia sa devil.

"Bakit gusto ko siya patayin? Simple lang naman, gusto ko makitang nasasaktan kayo. Tuwing dumadami ang mga negative energy sa paligid, mas marami akong makukuhang lakas."

"Napakasama mo!"

"Kung masama ako, ganun din ang asawa mo. Alam mo ba kung ano ginawa ng Vampire king bago mo siya makilala? Iisa lang ang pinanggalingan namin at pareho kaming nabubuhay sa kadiliman," sabi nito sabay hawak sa baba ni Xia. "Hindi ko lubos na maunawaan kung bakit nagbago siya bigla dahil sa isang babae. Kaya ayoko magmahal dahil nagdudulot lang ito ng kahinaan namin."

"Wala kang alam. Palibhasa walang nagmamahal sayo!"

Isang malakas na tawa ang itinugon ng devil sa kanya.

"Tama ka. Salamat doon dahil hindi ako humina katulad ng  nangyari sa vampire king. Noon kaya pa niya ako mapigilan, ngayon wala na siya magawa kundi manood dahil wala pa sa kalahati ng kapangyarihan ko ang kapangyarihan niya. Lahat iyon nangyari dahil sa pagmamahal niya sayo, handa siya isakripisyo ang lahat para lang makasama ka sa susunod na buhay mo."

Tumingin ang devil kay Red at napangiti ito ng makita ang sitwasyon ni Phoenix.

"Mukhang patapos na ang laban," sambit nito kaya napalingon din si Xia kila Phoenix.

Gumawa ng ice shield si Phoenix upang protektahan ang sarili niya subalit agad din ito ng natunaw dahil sa lakas kapangyarihan ni Red. Sinubukang tumakbo ni Phoenix ngunit nagteleport si Red sa likod niya, pinulupot nito ang braso sa leeg ng lalaki saka tinutok ang kutsilyong hawak.

"Wag! Tumigil ka!" sigaw ni Xia nang makita ang hindi magandang kalagayan ni Phoenix. Hiniwa ni Red ang leeg nito saka binitawan. "Phoenix!"

Pinakawalan na siya ng devil kaya agad niya ito nilapitan.

"Caleigh... Sorry..." sambit ni Phoenix.


"Hindi ka pwede mamatay. Immortal ka diba?! Wag ka magbiro ng ganyan!" sambit ni Xia. Hindi nito napigilan maiyak nang makitang tuloy pa rin sa pagdaloy ng dugo nito sa leeg. Doon lang niya naisip na totoo ang lahat ng sinabi sa kanya ni Zander siya lang ang maaring makapatay sa lalaki.

Itutuloy...




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top