CHAPTER 42
CHAPTER 42
Hexa's POV
"Saan tayo pupunta?" pambasag ko sa katahimikan. Kanina pa siya nagmamaneho pero wala pa rin ako ideya kung saan niya ako dadalhin. Hindi ko din inaasahan na makikipagkita siya sa akin noong tawagan ko siya.
"Sa malayo," tugon ni Phoenix.
"Okay."
Wala naman ako pakialam kung saan niya ako dadalhin basta kasama ko siya. Mukhang hindi din niya alam kung saan kami pupunta.
"Para sayo ito. Inom ka lang kapag nagugutom ka."
Binigyan niya ako ng sampung pack ng dugo.
"Thanks."
"Kung gusto mo pa sabihin mo lang sa akin. Marami ako dito."
Pinakita niya sa akin ang mga nakatagong dugo sa sasakyan niya na katulad sa binigay niya sa akin.
"Bakit ang bait mo sa akin?"
Kanina pa ako napapaisip kung bakit parang nag-iba ang ihip ng hangin. Hindi na niya ako sinusungitan. Biglang naging mabait siya sa akin katulad noon bata pa ako. Kung hindi ako nagtapat sa kanya noon, hindi siya magbabago sa akin.
"Sorry sa nasabi ko sayo kagabi."
"Okay lang. Totoo naman lahat ng sinabi mo," tugon ko sabay sipsip sa dugong binigay niya. Napatingin ako sa kalangitan.
"Maggagabi na. Hanggang anong oras ka magmamaneho?" pang-iiba ko ng usapan.
"Naghahanap na ako ng matutulugan natin."
"Gaano ba kalayo pupuntahan natin para abutin tayo ng buong araw?"
"Basta malayo. Malayo sa daddy mo. Malayo sa kanilang lahat."
"Hindi naman siguro ako itatanan?" pabirong tanong ko.
"Paano kapag sinabi kong balak kitang itanan? Sasama ka ba sa akin?"
"Oo..."
Napatingin siya sa akin.
"Basta panagutan mo ko. Ayokong maiwan bigla," dugtong ko. Takot din ako na umasa sa wala.
"Mahal mo ba talaga ako?"
Napataas ako ng isang kilay. Ano akala niya sa akin, nagbibiro lang?? Hindi pa ba sapat lahat ng pinapakita ko para malaman niyang mahal ko siya?
"Oo."
"Handa ka ba gawin ang lahat para sa akin? Kaya mo ba ibigay lahat ng gusto ko?"
"Oo, ibibigay ko lahat ng gusto mo basta kaya mo. Handa ako gawin lahat para sayo kung pagbibigyan mo lang ako. Kung kinakailangan patayin ko ang sarili ko; mapatunayan ko lang na mahal kita, gaga--"
Natigilan ako nang halikan niya ako bigla. Dahil sa bilis ng pangyayari natulala na lang ako.
"Akala ko ba ibibigay mo lahat? Bakit nakatulala ka lang diyan?" bulong niya sa akin sabay kagat sa tenga ko.
"Sandali!" tulak ko sa kanya nang hawakan niya ako dibdib. Hindi ko inaasahan na aabot ang usapan namin dito.
"Bakit? Diba gusto mo bigyan kita ng chance? Ito na binibigyan kita. Kapag hindi maganda performance mo, magkalimutan na tayo."
"Bata pa ako."
"Sabi mo wala sa edad ang pagmamahal."
"Oo nga pero hindi tamang gawin natin iyon."
"Paano kapag sabihin ko sayo na hindi ko kayang maghintay?"
"......"
"Kung ayaw mo hindi naman kita pipilitin. Pero wag kang umasa na may pag-asa ka pa," malamig na sabi niya. Parang binuhusan ako ng malamig ng tubig. Ayokong mawala siya.
"Kapag ba pumayag ako, ako na pipiliin mo?" tanong ko. Napahawak ako ng mahigpit sa palda ko dahil sa kaba. Sobrang bilis ng tibok ko habang hinihintay ang sagot niya.
"Sinabi ko na. Kapag hindi ko nagustuhan ang performance mo, magkalimutan na tayo. Ano? Susubukan mo ba? Binibigyan na kita ng chance."
Tinignan ko siya sa mga mata. Mukhang seryoso naman siya. Susubukan ko ba?? Pero bakit pakiramdam ko may iba sa kanya??
"Ano?"
"Okay."
"Good," aniya sabay lapit muli sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko.
"T-teka. Dito natin gagawin?" tanong ko.
"Why not? Gusto mo ba sa kama?"
Nag-init ang mukha ko sa tanong niya. Hindi naman sa gusto ko sa kama pero na sasakyan kami.
"Baka may makakita sa atin."
"Hahanap ako ng tagong lugar"
Pinaandar niya ang sasakyan ng mabilis. Nagtatakang tinignan ko siya. Bakit siya nagmamadali? Gusto na ba niya talaga na gawin namin yun?
"Okay na siguro dito."
Pagtingin ko sa bintana sumalubong sa akin ang malagubat na lugar. Bago pa ako makapagreklamo hinila na niya ako at mabilis na hinalikan. Sa sobrang bilis hindi ko na siya nagawang masabayan.
"Teka!" pigil ko sa kanya.
"What? Ayaw mo ba o gusto?" sigaw niya. Sa gulat ko hindi ko na nagawang makapagsalita. Tinignan ko siya ng mabuti. Pakiramdam ko ibang tao ang nasa harap ko.
"B-baka magalit si daddy," tinignan ko reaksyon niya.
"Ako bahala sayo."
"....."
"Pwede ko na ba ituloy?"
"Si Phoenix ka ba talaga?" tanong ko. Ang kilala kong Phoenix takot kay Daddy. Lagi niyang sinasabi na hindi pwede dahil malalagot siya kay daddy. Bakit ngayon parang wala siyang paki kay dad?
"Kung hindi ako si Phoenix, sino ako?"
"....."
Sinubukan ko basahin ang isip niya subalit wala ako makuhang impormasyon. Sila mommy lang yata may kayang basahin siya.
Muli siyang lumapit sa akin pero bago niya ako madikitan gumawa ako ice shield sa pagitan namin.
"Ano ba gusto mo? Ako na kumikilos para sayo, ayaw mo pa?" inis na tanong niya.
"Nagbago na isip ko. Uuwi na ako," malakas ang kutob ko na hindi siya si Phoenix. Kung siya man, may mali sa kanya. Hindi gagawin ni Phoenix ang mga ginagawa niya.
Handa na sana ako mag-teleport nang mabasag ang yelong pinangharang ko. Itinulak niya ako pasandal sa upuan saka niya ito ibinaba para mapahiga ako.
"Ano ba?! Ayoko na nga diba?" inis na sabi ko.
"Dito ka lang. May kailangan pa ako sayo."
Bigla ako nakaramdam ng panghihina na para bang hinihigop niya ang lakas ko.
"Ano ginawa mo sa akin?" tanong ko sa kanya dahil sobrang bilis mawala ng lakas. Sinubukan ko magteleport pero hindi ko na ito magawa dahil sa panghihina.
"Dito ka lang, kung ayaw mo atakihin nila," aniya sabay tingin sa bintana. Doon nakita ko na napapalibutan ang sasakyan ng parang zombie. Katulad ito sa nakita ko noong pumunta kaming sementeryo.
"Ikaw yung lalaki sa sementeryo," sambit ko. Ningitian niya ako saka nagbago ang itsura nito.
"Ano ginawa mo kay Phoenix? Bakit na sayo cellphone niya?" tanong ko.
"Wala akong ginawa sa kanya. Yung mommy mo baka meron," makahulugang sabi niya.
"Ano ibig mong sabihin?"
"Alam mo ba na ang mommy mo lang ang pwedeng pumatay sa kanya?"
"No way! Kahit totoo man yan hindi siya magagawang saktan ni mommy."
"Hindi ko naman sinabi na ang mommy mo mismo ang papatay sa kanya. Alam mo naman siguro ang tungkol sa deathless killer?"
"Ano naman kinalaman ng deathless killer dito?"
"Mommy mo ang gumawa sa kanya. Sabihin na natin ang deathless killer na pumapatay sa libo-libong tao sa mundo ay isa sa mga clone ng mommy mo. Salamat sa likha niya dahil napadali ko ang pag-iipon ng mga ispiritong isasakripisyo ko. Kailangan ko na lang mag-ipon ng lakas at isa ka sa tutulong sa akin."
Muli niya akong hinalikan pero iniwas ko ang ulo ko.
"No!" sigaw ko.
"Wag ka mag-aalala mabilis lang ang gagawin. Kailangan ko lang makauna sayo."
"No! Stop! Help me!"
Isang malakas na pwersa ang lumabas sa katawan ko. Sa sobrang lakas sumabog ang sasakyan.
"F*ck!" sigaw niya sabay suka ng dugo pagkatapos nito tamaan. Kundi lang siya kumapit ng mahigpit sa akin, siguradong tumalsik na siya.
"Tignan mo ang ginawa mo!" aniya sabay hawak sa baba ko at pilit na nilalapit sa mukha ko ang mukha niya na nagkaroon ng malaking hiwa. Naamoy ko din ang mabahong amoy ng nabubulok nitong laman. Sa sobrang diri ko, pinikit ko ang mga mata at pinigilan kong huminga. Sinabi noon ni Phoenix na ginagamit ng devil ang patay na katawan para makakilos ito. Kaya siguro ganito na lamang ang amoy niya.
"Sino ka para saktan ang anak ko," isang malamig na tinig ang kumuha ng atensyon namin. Pagdilat ko, nakita ko si Dad at tito Claude na nakatayo sa gilid.
Hindi ko alam kung bakit, nakaramdam ako ng takot sa inalalabas na aura ni dad. Sa sobrang lakas ng pressure na nilalabas niya nahihirapan ako huminga.
"Control your power. Baka pati si Hexa mapatay mo," sambit ni tito Claude. Kumalma naman ang mukha ni Dad saka nagteleport sa tabi namin. Susuntukin niya na sana ang lalaking nasa ibabaw ko subalit umiwas ito agad.
Sinuri niya ang katawan ko. Muling nagdilim ang mukha niya nang makita ang pamumula ng balat ko dahil sa pagtangkang panggagahasa sa akin.
"D...dad, hindi ako makahinga...." sambit ko dahil sa pressure na nilalabas niya. Nahihirapan nanaman ako huminga. Pakiramdam ko pinipiga ang puso ko. Kumalma siya bigla saka ako niyakap.
"Sorry, sa nasabi ko. Hindi na kita pipigilan sa gusto mo basta wag mo na ito uulitin. Pinag-alala mo kami ng mommy mo," aniya habang mahigpit ako niyayakap. Hindi ko maipigilang mapaluha.
"Sorry din Dad," iyak ko. Alam ko ayaw niya lang ako masaktan. Pero ano magagawa ko? Mahal ko si Phoenix. Gustuhin ko man pigilan ang aking sarili, siya pa rin ang hinahanap ng puso ko.
Hinayaan niya lang ako umiyak at nang tumigil ako nakatakas na ang kalaban. Tatlo na lang kaming naiwan.
"Umuwi na tayo," sambit ni Dad. Pinunasan ko ang luha ko saka tumango. Hinawakan ako ni Dad saka nagteleport.
"Wait! Wag niyo ko iwan," sigaw ni Claude pero bago pa siya makalapit nakaalis na kami.
"Dad si Tito Claude naiwan."
"Matanda na siya. Kaya niya umuwi mag-isa."
"....."
Nakaramdam ako ng awa kay tito Claude. Pagkatapos siya dalhin doon ni Dad, bigla na lang siya iniwan.
"Hexa, nakabalik ka na. Ayos ka lang ba?" tanong ni Quinn nang makita ako sabay yakap.
"Ate, wag ka na ulit lalayas," sabi naman ni Seven.
"Nasaan ang mommy niya?" tanong ni Dad sa kanila. Nagkatinginan sila.
"Umalis po siya bigla pagkakita niya sa balita," sagot ni Primo.
"Among balita?" tanong ko.
Binuksan ni Dad ang tv at doon pinapakita ang sira-sirang building. Kinuha ito mula sa taas, rinig ko pa ang tunog ng helicopter.
"Tuloy pa rin ang pagpatay ng isang babae sa kalsada. Pinaghihinalaan na isa itong bampira matapos mahuli sa camera ang pagsipsip ng dugo nito. Pinaghihinalaan din ito na suspect sa pagpatay ng libo-libong tao at sa pagpapakalat ng mga video nito," pagsalaysay ng reporter.
Napatitig ako sa babaeng may pulang buhok na kinukuhan ng video. Totoo nga kaya na clone siya ni mommy? Hindi maalis sa isipan ko ang sinabi ng devil.
"Dad, aalis ka po?" napatingin ako kay dad nang marinig ko ang tanong ni kuya Quade.
"Susundan ko mommy niyo. Dito lang kayo," paalala niya sa amin bago mawala.
"Ano gagawin natin? Hindi ba talaga natin sasabihin kay Dad yung tungkol kay mommy?" tanong ni kuya Trace.
"Anong tungkol kay mommy?" tanong ko dahil wala akong ideya sa pinag-uusapan nila. May nangyari ba habang wala ako?
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top