CHAPTER 40

CHAPTER 40

Xia's POV

"Mahal?" gulat na tanong ko nang may yumakap sa akin pagkateleport ko.

Bakit nandito siya? Sinundan ba niya ako? Hindi. Sigurado akong wala siya dito kanina.

"Nasaan tayo?" tanong niya habang natingin sa paligid.

"Imposibleng hindi mo alam. Sinundan mo ko dahil alam mo kung saan ako papunta."

"Ganito pala sa Vampire World. Maliit ang bahay at kalesa lang ang sasakyan."

"Oo. Bakit mo ko sinundan?"

"Gusto ko malaman kung sino kaibigan ang pupuntahan mo dito."

"........"

Naloko na. Kapag nalaman niya na lalaki ang kaibigan ko, sigurado magseselos siya. At hindi lang iyon ang problema. Kapag may nakakita sa kanya sigurado magkakagulo.

"Bakit ganyan ka makatingin?"

"May gagawin pa pala ako! Bukas ko na lang dadalawin kai----"

"Xia? Sabi na nga ba ikaw yung naramdaman kong dumating!" napatingin ako sa lalaking tumatakbo palapit sa amin. Bago pa ako makaiwas nayakap na niya ako. Naramdaman ko na lang ang masamang tingin ni Zander.

"Ehem. Kamusta?" tanong ko sabay pasimpleng tulak sa kanya.

"Ito laging makungkot dahil wala ka. Hindi ka na ba talaga babalik?"

Hinawakan ko siya sa balikat at seryosong tinignan.

"Warren, kung ayaw mo mamatay tigilan mo ang paglandi sa akin. Hindi magbabago isip ko kahit ano sabihin mo."

Nilingon ko ang asawa ko na alam kong malapit na pumatay dahil sa selos.

"Mahal, si Warren nga pala. Siya tumulong sa akin noong hinahabol ako ni Prince William. Warren, si Zander nga pala. Siya yung sinasabi ko sayo  na asawa ko."

Nanlaki bigla ang mata ni Warren.

"K--king...." utal na sabi niya nang makita si Zander.

"King?"

*******

Phoenix's POV

"Ano ginagawa mo dito?" tanong ko kay Hexa nang bigla siyang sumulpot sa tabi ko.

Kailan pa ito natutong magteleport? Alam ba ito nila Xia?

"Iniiwasan mo ba ako?"

"Umuwi ka na sa inyo. Kapag nalaman ni Zander na nandito ka ako malalagot."

"Wala naman sila Daddy sa bahay. Pumunta silang vampire world," umupo siya sa tabi ko.

"Vampire World? Ano ginagawa nila doon?"

"Hindi ko alam. Basta sabi ni tito Claude sinundan daw ni Daddy si Mommy doon."

"Kapag nakita ka nila na wala doon, mag-aalala sila."

"Nag-iwan ako ng sulat sa kwarto na pupunta ako dito."

"What?! Gusto mo bang mamatay ako? Kapag nabasa iyon ni Zander, malalagot ako."

"Bakit ba takot na takot ka kay Daddy?"

"Ehem. Hindi sa ganun. Alam mo naman na may galit iyon sa akin."

Mula noon hanggang ngayon ang sama pa rin ng tingin niya sa akin. Kahit ilang taon na ang lumipas, ilang buhay na ang pinagdaanan niya, laging ganito.

"Why?"

"Malaki ang kasalanan ko sa past life niya."

"Past life? Ilang taon ka na ba talaga? Bakit kilala mo ang past life ni daddy?"

Natigilan ako sa tanong niya. Masyado na akong maraming nasabi sa kanya.

"Hindi ko alam," sagot ko.

Ilang taon na nga ba ako? Hundi ko na mabilang sa dami ng taong lumipas. 500 years? 1000? Hindi ko na alam. Simula noong nawala ang babaeng minahal ko hindi ko na binilang ang araw.

"Mas matanda ka pa siguro sa alam namin."

"Kapag sinabi kong 'oo', titigil ka na ba?"

"Of course not! Seryoso ako sayo. Totoong mahal kita kahit ilang taon ka pa."

"Malabong magkatuluyan tayo."

"Bakit? Kung may hindi ka gusto sa akin handa ako magbago."

"Hindi mo naiintindihan. Sa akin ang may mali. Ako mismo! Hindi na dapat ako nabubuhay ngayon. Kung may kaisa-isang hiling ako na pwede matupad... gusto ko mamatay sa pagprotekta sa kanya. Gusto ko ibuwis ang buhay ko para sa kanya. Para kahit papaano mabayaran ko lahat ng mga mabuting nagawa niya sa akin. Kahit doon lang..."

"Si Mommy ba tinutukoy mo? Hindi pa buhay si Mommy noong panahon mo."

"Reincarnation..."

"...."

"Ako at ang past life ng mommy mo noon pero may nagawa akong kasalanan sa kanya. Kaya ito ako ngayon pinagbabayaran lahat ng kasalanan ko. Ilang taon na ang nakalipas. Ilang beses ko na nasilayan ang Mommy mo sa bago niyang buhay pero ni isang beses hindi na siya muling naging akin. Lagi na lang ang Daddy mo ang pinipili niya. Tuwing nakikita ko siya na masaya sa iba parang tinutusok ang puso ko. Ako dapat ang nasa posisyon ng Daddy mo. Ako dapat iyon! Pero kahit ano gawin ko hindi ko mababago ang nakatadhanang mangyari sa kanila."

"Nandito naman ako. Bakit hindi na lang ako ang piliin mo? Bakit?"

"Gusto mo ba talaga malaman kung bakit hindi ikaw?" tanong ko habang seryosong nakatingin sa kanya.  Tumango siya bilang tugon.

"Tuwing nakikita kita naalala ko ang pagkakamaling nagawa ko noon. Minsan naiisip ko kung bakit ako lang itong pinaparusahan. Samantalang yung taong nasa likod ng kasalanan ko, masayang nabubuhay.  Naiintindihan mo ba? Kaya tumigil ka na at magpasalamat na wala kang maalala sa nakaraan mo, dahil kahit anong gawin mo hindi kita mamahalin. Hindi na ako ulit maniniwala sa--" natigilan ako nang makita ko siyang lumuluha.

"Sorry. Hindi ko alam. Sige, hindi na kita kukulitin ulit kung ayun ang gusto mo," aniya habang pinupunasan ang luha niya na tuloy pa rin sa pagluha. Bigla akong naawa sa kanya. Alam ko na hindi ko siya dapat sisihin sa ginawa ng past life niya pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Aabutin ko na sana siya para punasan ang luha niya, subalit naglaho na lang siya bigla. Bumalik na siguro siya sa bahay nila dahil sa sinabi ko. Gusto ko siya sundan at humingi ng tawad sa sinabi ko. Pero mas mabuti na ang ganito  para lumayo na siya. Hindi niya dapat mahalin ang lalaking katulad ko. Siguro kabayaran ko na din ito sa kasalan ko. Kahit kailan hindi na ako magiging masasaya. Habang buhay ko na dadalhin ang lahat ng kasalanan ko.

"Siyete! Bakit ba bigla na lang kayo sumusulpot?" gulat na sabi ko nang biglang sumulpot si Zander sa harapan ko. Ngayon alam ko na kung kanino nagmana si Hexa.

Nagkunot ang noo niya at tumingin sa paligid.

"May iba pa bang pumunta dito maliban sa akin?" tanong niya. Napalunok na lang ako dahil hindi ko pwede sabihin sa kanya na galing dito si Hexa.

"Galing si Hexa dito? Bakit?"

Siyete! Nakalimutan ko na nababasa na niya ang isip ko dahil na sa kanya ang puso ng vampire king.

"Zander, umuwi na tayo! Wag mo na guluhin si Phoenix!" sigaw ni Xia na bigla din sumulpot. Sinubukan niya hilain si Zander pero hindi ito nagalaw sa kinatayauan niya. Masama itong nakatingin sa akin.

"Ano ginawa dito ni Hexa?" tanong niya sa akin.

"Galing si Hexa dito? Kailan pa siya natutong magteleport?" tanong ni Xia.

"Bakit hindi siya ang tanungin mo? Pagsabihan niyo ang anak niyo na wag pumunta sa bahay ng lalaki ng ganitong oras. Kung ibang lalaki pinuntahan niya baka kung ano gawin nito sa kanya," tugon ko.

"Tss. Kapag nalaman ko na may ginawa ka sa anak ko, pagsisihan mo na nabubuhay ka pa ngayon," banta niya sa akin.

Natawa na lang ako sa sinabi niya.

"Ano gagawin mo? Papatayin mo ba ako?" tanong ko sa kanya. Baka magpasalamat pa ako sa kanya kapag ginawa niya yun. Matagal ko na pinagsisihan na nabubuhay pa ko. Gusto ko na matapos ang lahat.

Lalong sumama ang tingin niya sa akin.

"No. Mas dadagdagan ko pa ang paghihirap mo."

"Zander!" sigaw ni Xia.

"Hindi pa ba sapat sayo ang ginawa mo sa akin para dagdagan mo pa? Ganyan ka ba kagalit sa akin? Alam ko na ikaw din ang vampire king na nagparusa sa akin. Ikaw na ang pinili niya. Kahit ano gawin ko hindi na siya babalik sa akin. Hindi pa ba sapat sayo na ikaw na ang mahal ni Caleigh?" tinignan ko si Xia. Galing sila sa Vampire world sigurado alam na nila ang totoong storya tungkol sa vampire king.

Katulad ng pangalan niya noon ganun pa rin ang pangalan niya hanggang ngayon. Para bang lahat na lang mangyayari nakaplano na. Minsan iniisip ko kung gawa din ba ito ng Vampire King bago siya mamatay noon.

"Ikaw nga yung nasa kwento?" gulat na tanong ni Xia.

"Yeah! At ikaw ang asawa ko sa kwento," sagot ko.

"Asawa ko na siya ngayon," sambit ni Zander sabay yakap kay Xia na akala mo aagawin ko siya sa kanya.

"Pero ako ang una niyang minahal. First love never dies," pang-aasar ko.

"Totoo ba yun? Mahal mo pa rin ba siya?" tanong ni Zander kay Xia.

"No. Ikaw lang ang mahal ko. Wag ka makinig sa kanya. Siya lang ang first love ko sa past life ko pero iba na ngayon. Ikaw lang ang mahal ko ngayon at sa susunod pa na buhay natin."

"Hey! Doon kayo sa bahay niyo, wag dito," sigaw ko nang halikan ni Zander si Xia. Nanadya talaga ang isa ito.  Oo na sa kanya na si Xia.  Tumigil naman sila.

"Hindi pa tayo tapos. Babalikan kita kapag nalaman ko na may ginawa kang masama sa anak ko," aniya sabay teleport habang yakap si Xia. Ano pa ba aasahan ko sa kanya? Impossibleng iwan niya si Xia dito.

"Gusto mo ba siya mabawi?" sambit ng isang tinig ng lalaki. Isang itim na usok ang biglang pumasok sa bintana ko.

"Tutulungan kita pero may kapalit. May alam ako na paraan para mabawi mo ang babaeng iniibig mo," bulong niya habang paikot-ikot sa akin ang usok.

"Matutulungan mo ba talaga ako?"

"Kahit ano kaya ko gawin basta sundin mo lang ang ipapagawa ko."

"Ano gusto mo?"

"Bigay mo sa akin si Hexa. Kailangan ko siya para mabalik ko ang kapangyarihan ko. Oras na mabalik ko ang kapangyarihan ko pwede kita ibalik sa nakaraan kung saan hindi pa niya nakikilala ang vampire king."

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top