CHAPTER 4

CHAPTER 4

Apple's POV

"Neil, may apple shake sila. Bili tayo," sabi ko kay Neil nang may makita akong nagtitindi ng shake.

"Hindi shake ang pinunta natin dito. Saka matuto ka nga magtipid. Hindi tayo mayaman para gumastos para lang sa shake," tugon niya.

"Okay... sorry," nakasimangot na sabi ko.

"Miss, pabili po ng dalawang apple."

Napatingin ako sa bumibili nung marinig ko yung apple shake.

"Ikaw!" turo ko sa bumibili. Kilala ko siya. Siya yung katabi ko kanina sa klase ni Neil.

"Hi!" bati niya sa akin.

"Ano nga pala pangalan mo?" tanong ko dahil hindi ko naman siya kilala.

"Primo," nakangiting sabi niya sabay lahad ng kamay niya. Makikipagkamay na sana ako nang biglang tapikin ni Neil ang kamay ko.

"Ano ginagawa niyo dito?" tanong ni Neil sa kanya sabay akbay sa akin.

"Namasyal. Bakit kayo lang ba pwede pumunta dito?" sambit ng isang babae.

"Hexa, tumigil ka. Hindi tayo dito nagpunta para makipag-away," saway sa kanya ni Primo sabay abot ng isang apple shake sa kanya.

"Sinagot ko lang tanong niya," bulong ni Hexa sabay higop ng shake. Nakakaingit. Gusto ko din ng shake.

"Para sayo," napatingin ako kay Primo nang ibigay niya sa akin yung isa pa niyang binili.

"Salamat," kuha ko doon agad.

"Bakit sila ng binilihan mo kuya? Gusto ko din ng shake," reklamo ng isa pa sa babaeng kasama nila.

"Ano ba flavor gusto niyo?" tanong ni Primo sa kanya.

"Chocolate," sabay na sabi nung babae at ng nga kasama nila.

"Lima po na chocolate shake," sabi ni Primo sa nagtitinda.

"Let's go. Bibili pa tayo ng uniform mo," sabi sa akin ni Neil.

"Eh? Hindi ba natin sila hihintayin?" tanong ko. Gusto ko pa sana makipagkwentuhan sa kanila.

"Bakit natin sila hihintayin? Hindi naman natin sila kasama," aniya sabay lakad. Wala naman ako magawa kundi sumunod sa kanya.

"Una na kami. Salamat sa dito," paalam ko sabay taas ko yung hawak kong shake.

"Sige, ingat."

Ningitian ko siya. Hindi na rin siya masama. Mukhang mabait din siya.

"Apple, bilisan mo. Gagabihin tayo sa sobrang bagal mo," masungit na sabi sa akin ni Neil.

Pumasok kami sa isang shop kung saan may nakadisplay na iba't-ibang klaseng school uniform.

"Ito sukatin mo," aniya pagkatapos kumuha ng isang uniform.

"Pakihawak," binigay ko sa kanya yung iniinom kong shake saka pumasok sa fitting room.

"Neil, bagay ba sa akin?" tanong ko agad nang makalabas ako. Umikot pa ako sa may likod niya.

"Yeah," tugon niya. Magpalit ka na.

"Hindi ba pwedeng ito na lang suotin ko pag-uwi?"

"Hindi. Susuotin mo pa yan bukas."

Bumalik na lang ako sa fitting room saka nagbihis. Binilihan niya ako ng dalawang pair ng uniform.

"Kailangan din pala natin bumili ng sapatos," aniya habang tumintingin sa paligid.

"Dito ta--" natigilan siya bigla nang makita sila Primo.

"Yow! Nagkita ulit tayo," sabi ng isang lalaki na kasama ni Primo.

"Sino siya?" bulong ko kay Neil.

"Si Quade, kambal ni Primo. Wag mo na lang sila pansinin. Pumili ka na ng sapatos na gusto mo."

Tumingin ako ng black shoes pero wala akong napili. Lahat kasi magaganda.

"Excuse me... tingin ko bagay sayo ito," sabi sa akin ng isang babae habang inaabot sa akin ang isang pares ng sapatos. May one inch heels ito na mau disenyong parang ribbon sa harapan.

"Salamat?" kuha ko ddito

"Quinn... Quinn pangalan ko," aniya sabay alis.

"Salamat Quinn," sabi ko kahit na nakatalikod na siya. Sinukat ko yung sapatos na binigay niya. Medyo malaki ito sa akin kaya naman nagtanong kami ng mas maliit pang size at saka ito binili.

"Wala na ba tayo bibilhin?" tanong ko kay Neil pagkalabas namin sa isang store kung saan bumili kami ng notebook, bag, ballpen at papel. Nakakatuwa nga dahil nagkita nanaman kami doon nila Primo. Dahil doon nakilala ko pa yung tatlo niyang kasama. Hindi na tuloy ako makapaghintay para bukas. Sana maging kaibigan ko sila.

"Wala na. Uuwi na tayo," matipid na sagot niya.

******

Zander's POV

"Tito, si Papa po ba hinahanap niyo? Mamaya pa daw po sila uuwi," sabi sa akin ni Cali.

"Alam mo ba kung saan sila Primo?" tanong ko sa kanya.

"Hindi po."

"Ang mga batang yun. Saan nanaman ba sila nagpupunta," sabi ko sa akin sarili. Sinabihan ko na sila na umuwi agad.

"Tito, baka po sinundan nila sila Neil."

"Sino si Neil?"

"Kaklase po namin. May kasama po kasi siyang babae na kamukha ni Tita Xia kaya baka sinundan nila," paliwanag niya.

Babaeng kamukha ni Xia?

"Ano pangalan ng babae?" tanong ko.

"Apple po," tugon nito.

"Lock mo pinto niyo habang wala pa Papa mo. Wag ka din magpapasok ng hindi mo kilala," paalala ko sa kanya bago ako umalis.

Habang pabalik ako sa bahay isang text ang natanggap ko kay Kenji.

"Meet me at Shirayuki's apple cafe," tahimik na basa ko dito.

"Kamusta bro?" akbay bigla sa akin ni Claude pagkapasok ko ng cafe.

"Ano ginagawa niyo dito?" tanong ko nang mapansin kong nandito din sila Bliss.

"Pinapunta kami dito ni Kenji. May sasabihin daw siya," tugon ni Trevor. Ano kaya sasabihin niya? Bakit kailangan pa niya kami papuntahin lahat?

"Matagal-tagal na din nung huli tayong nagkasama. Nakakalungkot nga lang kulang tayo ng isa," sabi ni Bliss. Natahimik tuloy bigla dahil sa sinabi niya.

"Coffee?" tanong ni Stella nang makaupo ako. Tinanguan ko siya bilang tugon. Pagkaalis niya, umupo naman si Xavier tabi ko. Sarado ngayon ang cafe kaya kami lang ang nandito.

"May idea ka ba kung bakit kayo pinapunta dito ni Kenji?" tanong niya sa akin.

"Wala. Kung ano man yung sasabihin niya, siguraduhin lang niya na importante yun. Ayoko sa lahat yun sinasayang  oras ko," tugon ko.

"Hindi ka pa rin nagbabago Zander," natatawang sabi ni Claude.

"Ayoko marinig yan mula sayo," tugon ko.

"Nandito na kayo lahat?" sabi ni Kenji na kakarating lang. May dala itong laptop saka umupo sa tapat ko.

"Kanina ka pa namin hinihintay. Ano ba sasabihin mo?" tanong ni Jason.

"May nakilala akong babae," umpisa niya.

"Tapos nagustuhan mo yung babae? Kaya magpapatulong ka kung paano manligaw? Wag ka mag-aala expert ako diyan," sambit ni Claude.

"Hindi pa ako tapos. Hindi ito tungkol sa akin. Yung babaeng nakilala ko... kamukha ni Xia," aniya sabay tingin sa akin. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko.

"May picture ka ba niya?" kalmadong sabi ko.

"May video ako ng pag-uusap namin kanina sa opisina," binuksan niya ang dala niyang laptop at doon pinakita niya sa amin yung video na sinasabi niya. May isang lalaki at babae ang pumasok  sa opisina niya. Unang kita ko pa lang sa babae nakuha  na niya agad atensyon ko. Sa kanya lang ako nakatingin habang pinapanood ko ang usapan nila.

"Kamukha nga siya ni Xia. Sino yung kasama niya?" komento ni Claude.

"Si Neil," tugon ni Kenji.

"Yung babae? Sino? Kaano-ano siya nung Neil?"

"Sa ngayon Apple ang pangalan niya at nakatira siya sa bahay ni Neil."

"Ano ibig mong sabihin sa 'sa ngayon'?" tanong ni Xavier.

"May amnesia siya kaya naman tinawag na lang siyang Apple," paliwanag niya.

"Kung tama hula ko Apple pinangalan sa kanya dahil mahilig siya sa apple," sambit ni Trevor.

"Hindi lang siya kamukha ni Xia? Parehas pa silang mahilig sa apple. Ano sa tingin mo Zander? Si Xia ba talaga siya?" tanong ni Bliss.

"Hindi ko alam. Gusto ko siya makita ng personal. Pupuntahan ko siya bukas," tugon ko.

"Hindi pwede. May flight ka mamaya papuntang England. Kailangan ka doon Detective Tetsuo. Hindi ako pwede dahil may trabaho ako," kontra ni Kenji. May client kasi kami doon na nanghingi ng tulong sa private detective online agency. Kahit online ako nagsosolve ng case, kailangan pa rin namin magpadala sa mismong crime scene upang manguha ng impormasyon.

"Kami na lang titingin para sayo," pang-aasar ni Claude. Alam kasi nila na gustong-gusto ko makita yung kamukha ni Xia.

"Sir Kazuki, bakit hindi mo na lang ako tulungan mag-imbistiga bilang chairman ng CLA?"

"Magkano bayad? Walang libre sa panahon ngayon."

"50% ng bayad sa amin."

"Okay, deal."

"Pagdating talaga sa pera ang bilis mo. Sinong babae nanaman ginagastusan mo?" komento ni Claudine.

"Hindi mo na siya kailangan makilala. Baka bukas wala na kami."

"Babaero ka pa rin. Kapag hindi ka nagseryoso,tatanda kang binata," sambit ni Trevor. Si Claude na lang kasi ang walang pamilya. Lahat kami may mga asawa at anak na.

"Una na ako," paalam ko sa kanila pagkatapos ko maubos ang kape ko.

"Aalis na din kami. Walang kasama sa bahay si Chloe," paalam din ni Claudine.

Pagdating ko sa bahay, nakauwi na sila Primo. Naabutan ko silang tulog sa mga kanya-kanya nilang kwarto. Alam ko na sinadya nilang matulog ng maaga para hindi ko sila mapagalitan.

"Mommy," sambit ni Seven habang yakap-yakap ang teddy bear na iniwan sa kaniya ni Xia. Nanaginip siguro ito.

Inayos ko kumot niya bago lumabas ng kwarto niya. Nagtunggo na ako sa kwarto upang mag-impake ng gamit. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako doon. Makakauwi  lang ako kapag nasolve na ang case. Bibilisan ko na lang ang pagsolve para matapos agad.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top