CHAPTER 39
Xia's POV
"Wala na ba kayo nakalimutan? Pasok na tayo?" nakangiting tanong ko pagkalabas ko.
"Mom, bakit ganyan suot mo?" tanong ni Primo.
"Bakit? May problema ba suot ko?" tinignan ko suot kong uniform ni Apple noong pumapasok pa siya sa school nila Primo.
"Dad?" tinignan nila si Zander nguniti napabuntong hininga lang ito.
"Pupuntahan niya si Kenji. Mas madali siyang makakapasok kung ganyan ang suot niya. Ayun ang sabi ng mommy niyo. Isipin niyo na lang na si Apple ang kasama niyo," paliwanag nito. Ihanatid na niya kami sa school.
"Mahal, wag mo kakalimutan sabihan si Claude na pupunta ako sa bahay niya. Isasama ko si Neil para makapasok ako agad."
"Okay."
"Goodbye!"
Hinalikan ko siya sa labi bago susumunod kila Primo. Pagkapasok namin sa building humiwalay na ako agad sa kanila at magtunggo sa office ni Kenji.
"Xia? Ano ginagawa mo dito?" tanong ni Kenji nang masalubong ko siya.
"Tamang-tama nagkita tayo. Ikaw pinunta ko dito. Pwede ba tayo mag-usap saglit?"
Tumingin siya sa orasan niya.
"Papunta na sana ako sa first class ko pero may 10 minutes pa naman. Tara sa office."
"Hindi din naman ako magtatagal. May ipapagawa ako sayo."
Umupo ako sa sofa na nasa opisina niya. Nilabas ko ang bloodpearl.
"Gusto ko pag-aralan mo ito kung paano natin ito magagamit laban sa gumagamit ng mother bloodpearl. Mag-ingat ka nga lang baka makontrol ka niya habang pinag-aaralan mo ito."
"Okay. Isesend ko sayo agad lahat ng nalaman ko tungkol dito. May iba ka pang sasabihin?"
"Pwede ko ba mahiram saglit si Neil sa oras ng klase mo?"
"Bakit?"
"Magpapasama lang ako sa bahay ni Claude. Kilala mo ba yung maid ni Claude?"
Bigla siya namutla nang mabanggit ko ang maid ni Claude. Mukhang nabiktima din siya nito.
"Yeah. Dahil sa kanya kamuntik na kami naghiwalay ng asawa ko. Wag mo sabihing tuturuan mo siya ng leksyon dahil sa ginawa niya kay Zander?"
Tumawa lang ako bilang tugon. Hindi lang basta leksyon ang gagawin ko. Sigurado naman ako na nagugustuhan niya ang nangyayari sa kanya hanggang kamatayan.
"Nakakatakot tawa mo. Anong kademonyahan ang binabalak mo? Kung hindi kita kilala, iisipin kong masama ka."
"Wala naman ako gagawin sa kanya. I mean hindi ako gagawa ng masama sa kanya. Sabihin na natin na ibibigay ko siya sa kaibigan ko na kauri niya din," paliwanag ko.
"Kauri niya?"
"Yeah. Pero hindi naman siya masama tulad ng iniisip mo."
"Alam ba yan ni Zander?"
"No. Wag mo sasabihin sa kanya. Sigurado magseselos iyon. Baka sumama pa siya sa akin kapag dumalaw ako sa kaibigan ko. Hindi siya pwede makita sa pupuntahan ko."
"Okay?"
"Alis na ako. See you later," paalam ko saka nagteleport papunta kay Yuri.
"Master meow!"
"Pupunta ako mamaya sa vampire world . Gusto mo sumama?"
"Meow! Dadaan ka ba sa organization?"
"Oo. Oras na para magpunta sila dito."
"Meow! Sasama ako!"
"Okay."
"Aalis na ba tayo? Meow!"
"Mamaya. Maaga pa. Tulungan mo muna ako maghanap ng hideout ng organization."
"Meow? Hindi mo ba sila isasama sa AVO?"
"No. May iba akong ipapagawa sa kanila."
"May alam akong lugar. Meow!"
"Good. Dalhin mo ko doon ngayon."
Hinawakan ko siya sa ulo na gustong-gusto naman niya. Nag-umpisa na siya maglakad na agad ko naman sinundan.
"Ano sa tingin mo? Meow! Matagal na daw ito gustong ibenta ng may-ari pero sahil sa kumakalat na balitang may multo dito walang gustong bumili." tanong niya.
"Good."
Nasa harap kami ngayon ng isang lumang bahay na mukhang hunted house. Hindi na ako magtataka kung may rumor na may multo dito.
"Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit magandang hideout dito."
"Dahil ba sa hidden room?"
"Meow!! Alam mo na?"
Ningitian ko lang siya dahil ginagamit ko na ang x-ray vision ko pagkadating namin.
"Nakalimutan mo na ba ang ability ko?" sabay turo sa mata ko.
"Ang daya talaga ng mata mo. Meow. Bibilhin mo ba?"
Tinanguan ko siya bilang tugon. Nagtanim ako ng buto sa paligid para alam ko ang nagaganap dito habang hindi ko pa nabibili.
"Tara na."
"Meow?"
"Sa school nila Hexa. May susunduin tayo bago umalis."
Nagpalit siya ng anyo bilang pusa saka lumundag sa balikat ko. Muli ako nagteleport pabalik sa office ni Kenji. Sinabihan ko na siya na papuntahin niya si Neil dito para walang makakita na umlis siya ng school.
"Kanina ka pa?" tanong ko kay Neil.
"No," tugon niya. Hanggang ngayon naiilang pa rin ito sa akin. Subukan ko kaya siyang isama sa mga lakad ko para maging komportable siya sa akin?
Napabuntong hininga na lang ako. Alam kong malabo mangyari iyon dahil hindi papayag si Zander.
"Samahan mo ko sa bahay ni Claude. Kukunin ko na ang maid niyo. Narinig ko na matagal mo na ito gusto paalisin pero hindi mapaalis ni Claude. Para wala na kayong problema ako na magpapaalis sa kanya," diretsong sabi ko.
"Alam ba iyan ni Master?"
"Master? Bakit hindi mo pa rin siya tinawag na daddy?"
"....."
Napansin ko na wala siyang balak sumagot kaya kumapit na lang ako sa braso niya.
"Wag ka mag-aaala. Alam niya ang gagawin ko. Tara na para makabalik ka agad," ningitian ko siya at agad na nagteleport sa tapat ng gate ng bahay nila.
********
Zander's POV
"Nasa bahay na si Xia," balita sa akin ni Claude sabay pakita ng kuha ng cctv niya.
Pumasok silang dalawa ni Neil sa loob ng bahay nila Claude. Agad naman sila sinalubong ng maid nila. Yumakap ito kay Neil na mukhang hindi pa yata niya napansin na may kasama ito.
"Araw-araw ba ganyan siya sa inyo?" tanong ko kay Claude.
"Yeah! Kung hindi ka magaling umiwas mayayakap ka niya. Masyado pang mabagal ang reaksyon ni Neil kaya madalas siya nito mahuli."
"Kaya pala inis na inis sa kanya ang anak mo. Kung ako siya matagal ko na pinatay yang maid mo."
"Nah! Bago mo pa siya mapatay baka naunahan ka na ni Xia. Bakit nga pala natin sila pinapanood dito? Kung interesado ka sa gagawin ni Xia pwede naman tayong pumunta sa bahay."
"Hindi ako interesado sa gagawin niya sa maid mo. Gusto ko lang malaman kung saan niya ito dadalhin."
"Bakit?"
"Vampire World."
Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Naririnig lang namin ang vampire world sa iba pero hindi pa kami nakakapunta doon. Tangging si Xia lang ang nakaalam kung paano pumunta doon.
"Sinasabi mo ba na dadalhin niya ang maid ko sa Vampire World?"
"Kung gusto niya ito ilayo sa atin doon ang best option."
"Yeah. Sabi nila hindi lahat pwedeng magpalipat-lipat sa dalawang mundo. Maliban na lang kung alam mo yung secret passage. Wait! Paano mo siya susundan doon?"
"Malalaman mo mamaya," tugon ko sabay ngiti.
Tinutukan ko ang mga kilos ni Xia habang naghihintay ako ng pagkakataon na masundan siya.
"Bakit gusto mo pumunta sa Vampire World?" tanong ni Claude.
"Instinct."
"Ha?"
Hindi ko din alam kung bakit gusto ko pumunta doon. Parang may tumatawag sa akin doon o pakiramdam ko kailangan ko magtungo doon. Simula noong ilagay sa akin ni Xia ang pusong iyon may napapanaginipan na nasa sinaunang panahon ako. Masyadong malabo ang panaginip ko at malakas ang kutob ko na magiging malinaw ang lahat oras na makapunta ako sa Vampire World. Kung may bampira man na nabubuhay simula noong sinaunang panahon doon ko sila makikita.
"Nag-uumpisa na si Xia kumilos," sigaw ni Claude. Natauhan ako bigla. Nakita ko si Xia na kinakalaban ang maid ni Claude. Hindi din naman ito nagtagal dahil malaki ang pinagkaiba ng lakas nila. Bilang lang ang may kayang lumaban sa asawa ko.
Nang mawalan ng malay ito, itinali siya ni Xia.
"What the hell! Ano yun?" gulat na tanong na tanong ni Claude. May hinagis na buto si Xia sa sahig at bigla itong naging halaman na parang may bunganga. Napakunot ang noo ko dahil ngayon ko lang ito nakita.
"Carnivore Plant..." bulong ko pagkatapos nito kainin ang maid ni Claude.
"Mukhang marami pa tayong hindi alam kay Xia. Hanggang ngayon nagugulat pa rin ako sa mga pinapakita niya. Ang laki na ng pinagbago niya."
Kahit ako naninibago sa kanya. Alam ko na marami pa siyang tinatago sa akin. Ang masama pa doon hindi ko makita ang ibang memory niya noong nasa vampire world pa siya. Pero kahit ganun mahal ko pa rin siya. Ano man ang itago niya sa akin at magbago man siya hinding-hindi magbabago na asawa ko siya. Siya pa rin ang babaeng minahal mula noon hanggang ngayon.
"Speaker," utos ko kay Claude nang makita kong nag-uusap sila ni Neil. Binigay naman sa akin ni Claude ang isang earphone niya.
"Mauna na ako. Ipapahatid na lang kita sa doppleganger ko," paalam ni Xia.
"Yung maid..."
"Buhay pa siya. Pinatago ko lang siya sa alaga ko. Mahirap kung bibitbitan ko siya."
"Okay."
"Alis na ako."
Nag-iwan ng doppleganger si Xia. Tumayo na ako at mabilis na hinagis ang earphone pabalik kay Claude.
"Hey!"
Magrereklamo pa sana si Claude pero hindi ko na siya hinintay. Nagteleport ako patunggo kay Xia bago ito tuluyang makaalis.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top