CHAPTER 38
CHAPTER 38
Xia's POV
"Wala sila dito. Hideout ba talaga nila ito?" tanong ni Claude pagkatapos nila mapatay ang kalaban. Hindi namin nakita ang deathless killer kahit anino man lang nila.
"No. Pero sigurado akong konektado sila sa deathless killer."
Parang may mali sa sitwasyon namin. Pakiramdam ko may nakalimutan akong importanteng bagay.
"Let's go home," pagod na sabi ko. Wala na kami kailangan gawin dito.
Bago kami umalis sinunog muna namin ang mga bangkay.
"Mommy!" salubong sa akin ni Seven sabay yakap sa akin.
"Bakit gising pa kayo?" tanong ko.
"Hinihintay ka po namin kayo."
"Bakit? May nangyari ba habang wala kami?"
Umiling sila bilang tugon.
"May itatanong po kami," sabi ni Primo. May kinuha siya sa bulsa at saka ibinigay sa akin.
Napakunot ang noo ko nang makita ko ang red pearl sa pendant ng necklace. Katulad ito ng nakuha ko sa isla kanina..
"Saan niyo ito nakuha?"
"Napulot po namin yan pagkaalis ng kalaban namin kanina. Ano po ba yan? Kanina kamuntik na mawala sa sarili si Quinn dahil diyan."
"Blood pearl tawag dito. Sa susunod wag kayo hahawak ng ganito. Kung mahina ang mental energy niyo madali kayo magkokontrol ng may hawak ng mother bloodpearl."
Tinago ko ang kwintas. Mamaya pag-aaralan ko ito. Magpapatulong ako kila Kenji para mas mapadali ang lahat.
"Ganyan din yung nakita mo kanina diba?" tanong ni Bliss.
"Oo. Kung sino man ang may hawak ng mother bloodpearl, sigurado ako siya ang mastermind."
"Devil?" tanong ni Phoenix. Tinanguan ko siya.
"Yup. Ayon sa nabasa ko. Para magkaroon ng katawan ang isang devil kailangan nila magsacrife ng mga taong may negative energy. Kung ako ang nasa posisyon ng mga biktima hindi maiiwasan makaramdam ng negatibong emosyon na magdudulot ng negative energy sa tao. Bukod doon kailangan din nila ng blood essence para mas lumakas pa sila lalo. Kung hindi ako nagkakamali kailangan ng limang daang libong tao para matagumpay siya. Kailangan natin siya mapigilang bago pa dumami lalo ang mga biktima niya."
"Tao sabi mo? Paano kung bampira ang isakripisyo nila?"
"Katumbas ng limang tao ang isang bampira dahil nabubuhay sa dugo."
"Artificial Vampire?"
"Hindi ko alam. Baka katumbas lang ng dalawang tao ang isang artificial vampire?"
"Kung ako ang devil mas pipiliin kong patayin ang mga bampira. Hindi kaya dahil dito kaya tayo inaatake ng prinsepe ng mga bampira? Baka ginagamit lang sila ng devil. Hindi maiiwasang magkaroon ng tension sa pagitan natin at makubuo tayo ng negative emotion."
"Phoenix, kailan ka pa naging matalino?" manghang sabi ni Claude.
"Matagal na akong matalino. Tinatamad lang ako mag-isip," tugon niya. Natulala na lang ako sa kanya dahil doon. Matagal ko ng alam na matalino na siya dahil nababasa ko ang tumatakbo sa isip niya. Kung hindi ko siguro ito nababasa matatakot na ako sa kanya.
"Wag mo siya titigan," selos na sabi ni Zander sabay takip sa mata ko. Inalis ko naman ang kamay niya at saka siya tinignan.
"Mahal, hindi ko siya tinititigan. Nagkataon lang na nakatingin ako sa kanya habang nag-iisip," paliwanag ko.
"Bakit ka nakatingin sa kanya?"
Napahawak na lang ako sa noo. Kailan ba siya titigil sa pagseselos kay Phoenix? Ano kaya magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang gusto ng anak niya si Phoenix? Kawawang Phoenix, lagi na lang pinag-iinitan ni Zander. Hindi ko maiwasang mapailing sa naisip ko.
"Kung wala na tayo pag-uusapan, mauna na kami umalis," paalam nila Claudine.
"Okay. Gabi na din. Bukas na lang natin ito ituloy. Hatid ko na ka--,"
Bago ko pa matapos ang sasabihin ko nawala na lang sila bigla. Napanganga na lang ako sa nakita ko dahil hindi ko pa nagagawang gumamit ng teleportation sa iba. Palaging kasama ako o yung doppelganger ko.
"Paano nagawa yun?" tanong ko kay Zander.
"Mental teleportation."
Binuhat niya ako papuntang kwarto.
"Pagod ako. Wag mong sabihin balak mo nanaman ako pagurin buong gabi?" reklamo ko sa kanya. Alam naman niya na mahalaga sa akin ang tulog.
"Okay. Matutulog lang tayo," ihiniga niya ako sa kama at saka ako tinabihan. Niyakap niya ako ng mahigpit na parang mawawala ako oras na bitawan niya ako.
"Mahal?"
"Hmmm?" tugon niya habang nasa leeg ko ang mukha niya. Ramdam ko ang hininga niya na kumikiliti sa akin.
"Are you okay?"
Lalo siyang sumiksik sa akin. Akala mo bata na ayaw maiwanan sa gabi.
"I'm fine."
"Really?"
Napabuntong hininga siya.
"Nanaginip ako."
Humarap ako sa kanya saka siya niyakap at hinintay siya magkwento.
"Kinuha ka daw ng devil. Ikaw ang panghuling sacrifice para matagumpay siya. Ayokong mawala ka muli. Alam ko na hindi basta panaginip iyon. Mahal, hindi ka naman mawawala tulad dati? Hindi mo na ako iiwanan, diba?"
Hindi ko inaasahan ang huli niyang sinabi. Hindi ko akalain na makikita kong takot si Zander. Naninibago ako... Malaki siguro ang naging epekto ng pagkamatay ko noon sa kanya.
"Mahal," hinawakan ko siya sa mukha. "Hindi na ako mawawala. Dito lang ako sa tabi. Magkasama natin panunuorin ang mga anak natin na tumanda hanggang sa magkaroon sila ng sariling pamilya."
"Yeah. Pero hindi ko sila agad ibibigay basta sa iba. Lalo na sila Hexa. Dadaan muna sa akin ang mga lalaking manliligaw sa kanila bago ko sila pagkatiwalaan."
"Paano kung yung anak natin ang humabol sa lalaki?"
"Kung papaiyakin lang niya ang anak natin, hindi ako papayag."
Hindi ko mapigilang matawa. Hindi ko alam kung maawa ba ako kay Phoenix o hindi? Gustuhin man niya o hindi si Hexa, pareho lang na dadaan siya kay Zander. Hindi na ako makapaghintay na makita ang reaksyon ni Zander kapag nalaman niya ang tungkol sa dalawa. Hehehe...
"Bakit ka tumatawa?"
"Nothing. May naalala lang ako. Tulog na tayo, Mahal. Goodnight."
Hinalikan ko siya ng mabilis bago sumiksik sa kanya at natulog habang nakayakap.
Pagkagising ko wala na siya sa tabi ko. Mabilis ako bumaba at pagkapunta ko sa kusina, nakahanda na ang almusal. Kumakain na sila Hexa habang nagkakape naman si Zander.
"Good Morning," bati ko.
"Mom, kain ka na. Nagluto si Daddy para sayo. Ang sarap po talaga ng mga luto ni Dad," tawag sa akin ni Quade.
"Sino mas masarap magluto? Siya o ako?"
Walang sumagot sa tanong ko.
"Mahal, kailangan mo pa ba itanong yan? Kumpara sa ating dalawa mas marunong ako magluto," sambit ni Zander.
"Fine! Ikaw na mas masarap magluto. Basta sa kami lang ipagluluto mo, matatanggap ko na mas magaling ka sa akin."
"Naalala ko dati. May babaeng nagtanggkang lumapit kay Dad. Nakita siya nito habang magtatrabaho siya tapos sinundan hanggang dito sa bahay," pagkukwento ni Trace.
"Ah! Naalala ko yan. Si Miss Stalker. Sinubukan ba niya makuha loob natin sa pamamagitan ng pagkain. Pero nung matikman ko ang pangit naman ng lasa. Sabi ko sa kanya mas masarap pa magluto si Dad sa kanya," dugtong ni Quade.
"Dahil doon lalo siya nakagusto kay Dad at pangarap niyang makakain ng luto nito," inis na sabi naman ni Twain.
"Pero hanggang pangarap na lang yun. Bukod sa atin, si Mom lang ang ipagluluto niya. Naalala ko pa na kinain niya ang lunch ko dahil akala niya si Dad nagluto," sambit naman ni Seven.
"Ano nagyari doon sa babae?" tanong ko. Tinignan ko si Zander na wala man lang reaksyon sa kinukwento nila Trace. Hindi ba siya magpapaliwanag sa akin?
"Wag ka mag-aalala, Mom. Tinuruan namin siya ng leksyon. Hindi kami papayag na magkaroon ng ibang Mommy," tugon ni Trace.
"Bukod sa kanya, may iba pa bang babae na lumalapit sa daddy niyo? Sabihin niyo sa akin totoo."
"Madami. Kahit minsan lang lumabas si Dad, kapag nakalabas siya laging may babaeng nakabuntot sa kanya. Pero ang pinakamatindi sa lahat yung maid ni tito Claude. I hate that girl," pagkukwenti ni Primo. Napataas ang kilay ko sa sinabi niya dahil minsan ko lang siya makitang mainis. Namana niya ang pagiging kalmado ni Zander kaya bihira ko lang makita ang ganitong girl.
"Speaking of her. Narinig ko na pinagtangkaan niya din si Neil. Nagtataka tuloy ako kung bakit hindi pa siya pinapaalis ni tito, ngayon na nakita na niya si tita Sunny," sabi naman ni Seven.
"Anong meron sa maid ni Claude?"
"Pinagtangkaan niya si Dad na landiin noon. Pero ginawa siyang yelo ni Dad dahil sa galit."
"Binigay siya ni Dad kay tito Claude dahil mahilig ito sa babae. Simula noon hindi na ito umalis sa bahay ni tito," dugtong ni Trace.
"Wag niyong sabihin na gusto siya ni Cluade? Paano sila Neil?"
"Hindi naman sa ayaw siya paalisin ni Claude. Hindi lang talaga niya ito mapaalis dahil sa akin," tugon ni Zander.
"Dahil sayo?"
Napataas ako ng kilay.
"Dito siya manggugulo kung papaalisin siya doon ni Claude. Kahit ganun si Claude, pamilya ang unang iniisip niya. Ayaw niya daw masira ang pamilya natin kaya mas mabuti pang isakripisyo niya ang sarili niya dahil wala naman siyang asawa."
"Paano na ngayon na nililigawan niya si Sunny?"
"Ang totoo niyan wala lang siyang oras para paalisin yung maid dahil sunod-sunod ang trabaho niya."
"Right! Busy na siya sa CLA tapos dinagdagan ko pa ang trabaho niya. Tutulungan ko siya mapaalis ang maid niya tutal sayo naman nag-umpisa ang lahat. Pagpapasaamat ko na din sa kanya dahil sa pagprotekta niya sayo habang wala ako."
"Ano gagawin mo?"
"Ibibigay ko siya sa kaibigan ko. Mamaya pupunta ako sa bahay ni Claude. Pakisabi sa kanya kapag nagkita kayo. Pupunta pa ako kila Kenji bago iyon."
Ningitian ko siya saka tinuloy ang pagkain. Sigurado matutuwa ang kaibigan kong iyon sa ireregalo ko sa kanya. Hindi na ako makapaghintay sa reaksyon niya.
Itutuloy....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top