CHAPTER 37

CHAPTER 37

Xia's POV

"Necromancer? Sigurado ka?"

"Yes Dad."

Bakit parang gulat na gulat si Dad?

Tinignan ko ng maigi ang mukha niya. Namutla ito at pinagpawisan na para bang nakakita ng nakakita ng multo. Napakunot ang noo ko.

"Anak, mas mabuting layuan mo siya. Hindi magandang kalabanin siya."

"Bakit Dad? Kilala mo ba siya?"

Napabuntong hininga siya.

"Siya ang tumulong sa amin para makatakas noon kapalit ng kalayaan niya. Kung alam lang namin na hindi siya ordinaryong nilalang, hindi sana namin siya pinakawalan," pagkukwento niya.

"Sino siya Dad?"

"Hindi ko alam ang pangalan niya. Hindi siya bampira at mas lalong hindi siya tao. Itim na usok lang ang nakita namin. Huli na nang malaman namin na isa siyang Devil."

"Devil?" sambit ni Phoenix. Napalingon kami sa kanya.

"May ideya ka ba kung sino siya?" tanong ko.

"Narinig ko noon na may isang Devil ang ikinulong ng Vampire King sa isang kweba. Hindi ito makalaya dahil sa seal. Nakatago sa ilalim ng lupa ang kwebang ito kaya impossible matagpuan."

"Natagpuan namin ang kweba habang naghuhukay kami ng libingan."

"Kung Vampire King ang nagkulong sa kanya, bakit kailangan ko siya layuan? Kung nagawa niya noon iyon, pwede ko din iyon magawa ngayon," tanong ko. Hindi ko maintindihan kung  bakit nag-aalala sa akin si Dad. Hindi na ako katulad dati na mahina.

"Hindi pa kumpleto ang kapangyarihan mo para gawin iyon. Lahat ng kapangyarihan ng isang bampira meron ang Vampire King noon. Wala pa sa kalahati ng kapangyarihan ng Vampire King ang meron ka. Kung gusto mo siya matalo kailangan mo muna magkaroon ng kapangyarihan na kahinaan ng Devil," kontra ni Phoenix sa akin.

"Ano kahinaan niya?"

"Eternal Blue Fire and White Necromancy. Ayon sa alamat, natalo ng Vampire King ang Devil gamit ang eternal blue fire. Kaya itim na usok na lang ito dahil sa nasunog ang katawan nito at ngayon palipat-lipat na lang ito sa death  body. Sapamamagitan naman ng White Necromancy, pwede mo buhayin ang mga patay sa pamamagitan ng paglagay ng life force sa katawan nila. Kung magkakaroon sila ng buhay hindi ito magkokontrol ng devil. Meron ka ng Blue Fire ang kailangan mo na lang palakasin ito at kaya mo din bumuhay ng patay katulad ng ginawa may kay Stella pero iba ito sa white necromancy. Kailangan mo lang mas pag-aralan mabuti ang kapangyarihan meron ka ngayon."

"Sinasabi mo ba na may kakayahan akong matalo siya pero ito sapat dahil mahina pa ako? Kailangan ko pa magpalakas?"

Hindi ko inaasahan na mahina pa ako sa sitwasyon ko ngayon. Ngayon pa nga lang natatakot na ako sa kapangyarihan ko. Paano pa kaya kung mas palakasin ko ito? Mas nakakatakot ito.

"No. Tingin ko mas mabuting si Zander ang humarap sa kanya."

"Bakit?"

"Dahil hindi ka totoong bampira. Si Zander kahit na naging Artificial Vampire siya, may dugong bampira pa rin siya. Idagdag pa na binigay mo sa kanya ang puso ng Vampire King."

Tinignan ko ang asawa ko na kanina pa tahimik na umiinom ng kape. Mula kanina hindi ito umimik.

"Tama ang simabi niya. Mas mabuting ako ang humarap sa devil. Tutukan mo na lang ang pagtuturo sa mga anak natin," pagsang-ayon niya kay Phoenix. Napataas ang isa kong kilay. Ngayon lang siya hindi kumontra kay Phoenix dahil wala siya tiwala dito. Nakakapagtaka na naniwala siya agad sa sinabi nito at pumayag sa suhestiyon niya.

"Xia anak, tama ang sinabi nila. Kung ako tatanungin mas mabuting layuan mo ang devil," sabi ni Dad bago pa ako makakontra.

Ano pa magagawa ko? Tatlo sila, mag-isa lang ako. Pero bakit? Bakit ayaw nila ako harapin ito? Sinubukan ko basahin ang isip nila pero may humaharang sa aki. Tinignan ko ng masama si Zander. Sa huli hindi ko din nalaman ang dahilan nila.

Sa loob ng anim na buwan naging abala kami lahat. Trabaho ko na pigilan ang deathless killer at turuan ang mga anak ko na gamitin ang kapangyarihan nila. Siyempre tinutulungan din ako nila Claude sa paghanap sa deathless killer.

"Done!" nakangiting sabi ko pagkatapos ko itanim ang buto na nilikha ko para maging mata at tenga ko sa paligid.

"Ano makakatulong yan?" tanong ni Bliss.

"Konektado ito sa akin. Kahit wala ako dito malalaman ko ang nangyayari sa paligid."

Nag-umpisa ng tumubo ang mga tinanim kong buto. Mukha lang ito ordinaryong halaman sa mata ng iba kaya mas madali itong gamitin kaysa CCTV camera.

"Bumaba ang mga biktima ng deathless killer dahil sa pagbabantay natin. Sigurado galit sila dahil sa pagkontra natin. Paano nga pala kung lumipat sila ng lugar? Yung malayo sa atin?" sabi ni Bliss.

"Susundan ko sila. Hindi pa ba nahahanap ang hideout nila?"

"Hindi pa."

Bumalik na kami sa meeting place namin . 

"Ano nangyari sa inyo?" tanong ko nang mapansin kong hindi maganda ang aura nila. Umupo ako sa tabi ni Zander saka kumuha ng apple sa mesa.

"Dumadami ang mga nawawalang teenager. Kanina may mga bagong video na napost at nandoon ang mga unang batch na nawala," paliwanag ni Trevor.

Nabitawan ko bigla ang apple na hawak ko na kakagatin ko na sana. Mabuti na lang nasalo ito agad ni Zander.

"Ah! Nawala sa isip ko ang tungkol sa kidnapping," sambit ko. Kung hindi nila ito sinabi sa akin, makakalimutan ko na ang tungkol dito.

"Napansin namin na iisang lugar lang ang pinagkuhaan ng video. Maaring sa hideout nila ito ginawa," sabi naman ni Cluade.

Tumango ako bilang pagsang-ayon. Hinirap ko ang laptop ni Zander at saka tinignan ang sinasabi nilang video.

"Parang pamilyar sa akin yung kwarto," komento ko habang nanonood.  Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip.

"Nandiyan na ang mga bata," sambit ni Trevor. 

Sunod-sunod na pumasok sila Primo. Napakunot ang noo ko nang makita ko na ang dungis nila.

"Napaaway ba kayo?" tanong ko.

"No!" sabay na sagot ng pito kong anak.

"Really?"

Nagteleport ako sa harap ni Primo at saka siya hinarap sa akin ang mukha niya na kanina pa umiiwas. Alam ko na ayaw nila akong tignan sa mata dahil makikita ang totoong nangyari.

"May umatake sa inyo pero ayaw niyo sabihin sa amin? Bakit?" tanong ko pagkatapos ko makita ang lahat. May umatake sa kanila na grupo ng mga bampira.

"Masyado na po kayo abala sa deathless killer. Ayaw na po namin madagdagan ang problema niyo," paliwanag ni Seven.

"Sa susunod kung makikipaglaban kayo ayokong makitang sugatan kayo."

Napatingin ako kay Neil bigla. Tuwing nakikita ko siya naalala ko si Apple at ang mga memory na pinasa niya sa akin. Isa na doon ang isla na pinanggalingan niya bago siya mapunta kila Neil.

"Alam ko na!" sambit ko sabay kuha ng laptop at tingin sa video. Tama nga ako ito din ang kwarto kung saan ikinulong si Apple. Yung wallpaper saka yung painting na nakasabit parehas sa memory ni Apple.

"Ano ang alam mo na?" tanong ni Claude.

"Alam ko kung saan ito," turo ko sa video.

"Saan?" tanong nila.

"Dito ako dinala ng mga nakapulot sa akin sa dagat noon pagkatapos ko mabuhay bilang Apple. Katulad sa video gina..." natigilan ako bigla. Shocks! Kamuntik ko na masabi yung bad experience ko. Sinulyapan ko si Zander. Salubong ang kilay niya habang nakatingin sa video na nasa harapan niya.

"Ehem. Kung gusto niyo dalhin ko kayo sa isla. Pwede tayo magteleport doon," suhestiyon ko.

"Okay. Kailan tayo pupunta doon?" tugon ni Claude.

"Ngayon na," sagot ni Zander sabay ligpit ng laptop niya.

"Pwede ba kami sumama?" tanong ni Trace.

"No. Mauna na kayo sa bahay," sagot ko saka gumawa ng doppelganger ko na maghahatid sa kanila pauwi.

Nagteleport kami sa isla na nakita ko sa memory ni Apple.

"Ahhh!"

"Hahahaha."

Nagkatinginan kami nang marinig ang isang sigaw at tawanan. Nagkalat ang amoy ng dugo sa paligid. Mabuti na lang kontrolado nila Bliss ang sarili nila. Kung  yung ibang bampira ang makaamoy nito, sigurado nakaranas na sila ng bloodlust.

"Wala ang deathless killer dito," sambit ko.

Kinagat ko ang daliri ko hanggang sa magdugo ito saka ko pinatakan ang lupa. Nagyelo ito at bawat lakad ko, kumakalat  ito.

"Pwede mo din gamitin ang dugo sa ganun?" tanong ni Bliss.

"Oo. Nag-aral ako ng iba't-ibang technique gamit ang dugo. Pwede niyo din ito matutunan kung gusto niyo."

Pumasok na kami sa loob ng isang bahay kung saan nagkalat ang dugo. Napabuntong hininga ako bigla. Ilang biktima na ba ang mata nila? Sa dami ng pinaghalong-amoy ng dugo hindi ko na ito mabilang.

"Totoo nga na pupunta ka dito oras na ipost namin ang mga video. Welcome back Miss," nakangising sabi ng isang lalaki. Isa ito sa nakaligtas kay Apple. Malas nga lang niya dahil nagpakita siya sa akin. Ngayon siguradong hindi na siya makakaligtas pa.  Bago pa ako umatake, inunahan na ako ni Zander.

"Oh? Umpisa na ng laban? Good! Matagal ko na ito hinihintay," nakangiting sabi ng isang artificial vampire.

Napalibutan kami bigla ng grupo ng mga artificial vampire. Hindi ko akalain ang darating ang araw na magkakaroon ako ng kalaban na kapwa kong artificial vampire.

"Kami na bahala dito," pigil sa akin ni Claude bago ko gamitin ang kapangyarihan.

"Kung ikaw ang lalaban, sigurado patay sila agad. Gusto din naman nakin kumilos," sabi naman ni Trevor.

"Okay," sagot ko saka sila hinahayaang lumaban. Simula nung nakasama ko sila nabawasan ang pakikipaglaban ko. Tanging ang deathless killer lang ang nakakaharap ko palagi dahil hindi nila ito kayang tapatan. Pero kung nandoon si Zander, baka tuluyan na akong walang gagawin. Mabuti na lang abala sa pagpapalakas para sa pagharap niya sa devil.

Naglakad na lang ako patunggong kwarto kung saan nila ginagawa ang video. Isang   naghihingalong babae ang bumungad sa akin. Sa taas ng katawan niya may isang pulang perlas ang lumulutang . May hinihigop ito na nagmumula sa dugo.

"Blood sacrifice?" bulong ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top