CHAPTER 36
CHAPTER 36
Xia's POV
"Ma'am, tapos na po kami maghukay. Bubuksan na po ba namin?" tanong sa akin ng mga pinadala ni kuya para tignan ang bangkay ni Mr. Tan.
"Ako na magbubukas," sambit ko saka lumapit sa kabao. Pero bago ko pa ito mabuksan, inunahan na ako ni Phoenix.
"Ang bagal mo," aniya sabay tingin sa bangkay. Buto na lang ang laman nito dahil sa tagal na itong nakalibing. Tinignan ko ito mula ulo hanggang paa.
"Walang duda. Si Mr. Tan talaga ito," sambit ko. Hindi ko kailangan ng body contact para alamin ang tungkol doon.
"Ang laki na ng improvement mo. Kaya mo ng gamitin ang kapangyarihan mo kahit walang body contact. Hmmm. Alam mo hindi importante kung katawan ba niya yan o hindi. Ang importante yung kaluluwa. Kung ikaw nga nagawa mo humiwalay sa totoo mong katawan, yung iba pa kaya?" komento ni Phoenix.
"Para saan ba ang paghuhukay ng bangkay niya kung hindi importante? Pero may punto ka. Kung kaparehas ko ng kapangyarihan si Mr. Tan, hindi malabo yung sinabi mo. Baka nga hindi pala ito ang totoo niyang katawan."
"Wala ka bang nakikitang past memory sa katawan niya?"
"Meron. After niya maospital noong malaki na pinagbago niya . Parang ibang tao na siya," sagot ko habang malalim na nag-iisip. Nang tignan ko siya nakita ko lahat. Simula noong bata pa ang katawan niya hanggang sa namatay siya. Hindi pa ganun kalakas ang kapangyarihan ko noon kaya konti lang ang nakikita kong memory. Pero ngayong nakita ko lahat, ang weird ng pagbabago niya.
"Ibig sabihin hindi talaga si Mr. Tan ang nakilala natin. Ginagamit lang niya ang identity ni Mr. Tan dahil nasa katawan siya nito. Malaki ang posibilidad na ang bampirang nasa likod nito kaya magpalipat-palipat ng katawan."
Pagkasabi niya nun isang palakpak ang kumuha ng atensyon namin.
"Not bad," sambit ng isang lalaki habang pumapalakpak. Agad ko nilapitan sila Hexa upang protektahan ang ito.
"Oliver?" hindi makapaniwala sa nakikita ko.
"Hindi ako si Oliver," diretsong sagot niya sabay ngiti. Nakuha ko agad ang ibig niyang sabihin. Katawan lang ni Oliver ang gamit niya.
"Sino ka?" tanong ko. Ningitian niya lang ako. Napakunot ang noo ko nang makita kong may memory siya kasama sila Dad.
"Bakit hindi mo tanungin si Dr. John? Baka alam niya ang sagot sa tanong mo. Ayun nga lang kung makaalis kayo ng buhay dito," tugon niya. Biglang gumalaw ang lupa at mula doon nagsilabasan ang mga bangkay na nakalibing.
"Oh my god!" sigaw nila Hexa dahil sa takot. Napakapit sila bigla sa akin. Tinignan ko ang mga anak kong lalaki na na kalmado lang.
"Necromancy?" sambit ni Phoenix. Napailing ito bigla sabay tingin sa akin. "Paano natin papatayin ang patay na?"
"Hindi natin sila kailangan patayin," sambit ko at saka ginawang yelo ang paligid kasama na ang mga bangkay. Kakausapin ko pa sana yung nasa likod ng lahat nito, pero wala na ito sa kinatatayuan niya.
"Ano nangyari? Bakit sumisigaw sila Hexa? Ayos lang ba kayo?" tanong ni Zander na nasa kabilang linya. Nakalimutan kong nakabukas pa pala ang earphone ko.
"Ayos lang kami. Mamaya na tayo mag-usap," tugon ko.
"Uuwi na ba tayo?" tanong ni Hexa. Tinanguan ko siya bilang tugon. Wala ako balak magtagal dito kahit na hindi ako kontento sa nakuha naming impormasyon.
"Aaahhhh! Mom!" sigaw bigla ni Seven bago pa kami makaalis. Tinignan ko ang bampirang may hawak sa kanya.
"Bitawan mo siya," sambit ko. Hindi ko napansin ang pagdating niya. Akala ko nakaalis na siya dahil bigla siya nawala.
"Paano kung ayoko? Kailangan ko ng bagong katawan," aniya habang nakapulupot ang kanyang braso sa leeg ni Seven.
"Bitawan mo siya," ulit ko. Tinignan ko siya mga mata at wala pa isang segundo binitawan na niya si Seven. Agad ko siya hinila bago pa makareact ang kalaban. Alam kong hindi gaano kaepektibo ang kapangyarihan ko sa kanya dahil hindi siya ordinaryong bampira.
"Hindi ko akalain na mararanasan ko ang kapangyarihan mo. Totoo nga na kaya mo kontrolin ang kahit sino kung gugustuhin mo? Kung mapapasaakin ang katawan mo madali ko magagawa ang mga plano ko," nakangiting sabi niya.
"I see . Una pa lang kapangyarihan ko ang gusto mo."
Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ako ang target niya. Nabasa ko na sa libro kung anong klaseng kapangyarihan meron ko. Nakuha ko ang kapangyarihan ng vampire king sa Vampire world kaya marami ang naghahangad na mapalapit sa akin. Kahit sila mama walang ideya sa kapangyarihan ko. Kundi lang ako napadpad sa vampire world noon, hindi ko din malalaman kung gaano kalakas ang kapangyarihan ko.
"Noong una interesado ako sa kapangyarihan mo. Unang kita ko pa lang sayo alam ko espesyal ka. Kung pinili mo sana ako, hindi tayo aabot sa ganito. Ngayon ang gusto ko na lang patayin ka at saniban ang katawan mo."
"Hindi na ako katulad ng dati."
Ningitian ko siya. Alam ko na minamaliit niya ako. Iniisip niya na hindi ko kontrolado ang kapangyarihan ko. Matagal ko na alam gamitin ang kapangyarihan ko. Hindi ko lang ito ginagamit dahil ayokong kontrolin ang buhay ng iba. Ayokong gamitin ito. Pero kung laban naman sa mga masasamang bampira na katulad niya, hindi ako magdadalawang isip na kalabanin ito. Bago pa siya makapagsalita, nagteleport na ako sa bahay.
"Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?" tanong ko agad kay Seven.
"Ayos lang po ako. Medyo nanghihina lang po ako."
"Kaya niya makuha ang energy mo kapag nahawakan ka niya. Kapag nakita niyo siya, layuan niyo agad. Pwede niya patayin sa isang hawak lang," paalala ko sa kanila. Hindi ko makakalimutan ang kapangyarihan ni Oliver.
"Yes Mom."
"Magpahinga na kayo. Hihintayin ko pa ang Daddy niyo. Hexa, maiiwan ka"
Nag-aalalang tinignan ko siya. Kapag nalaman ng iba na namana niya ang kapangyarihan ko, magiging target siya ng lahat.
"Ano gagawin ko?" tanong ko kay Phoenix. Dapat ko ba turuan si Hexa?
"Oras na siguro para matutunan niya gamitin ang kapangyarihan niya."
"Nakakatakot ang kapangyarihang meron kami. Alam mo yan."
"Hanggang nandito ako walang masamang mangyayari."
Tinititigan ko siya. Alam kong marami pa siyang tinatago sa akin. Tulad na lang ng kapangyarihan niya. Alam kong isa din siya may malakas na kapangyarihan. Ang mga katulad niya misteryoso kadalasan may tinatagong sikreto.
"What? Wag mo sabihing nahulog ka na sa akin?" sambit niya. Inirapan ko siya.
"May Zander na ako," tugon ko.
"Yeah right."
"Tulungan mo ko turuan sila. Lalo na si Hexa. Pamilyar ka naman siguro sa kapangyarihan ko?"
"Hindi libre ang serbisyo ko."
"Babayaran kita. Kung gusto mo din dito ka muna tumira habang tinutulungan mo ko."
"Hindi ba ako papatayin ng asawa mo kapag tumira ako dito?"
"Akong bahala sayo. May tiwala ako sayo."
"Okay. Pag-usapan natin ang salary ko."
"Hintayin natin ang pagbalik ng asawa ko. Kapag wala ako ikaw na bahala kila Hexa. Hexa, anak. Simula ngayon makikinig ka kay Phoenix. Nasabi sa akin ni Claude na siya ang master mo sa paggamit ng ice element . Wala naman siguro problema?"
"Yes Mom. Kayo po bahala," tugon ni Hexa sabay sulyap kay Phoenix. Hindi nakatakas sa akin pagngiti nito. Dalaga na talaga ang anak ko. Sana nga lang maganda ang kahahantungan nila.
********
Third Person's POV
Sa isang bubong ng bahay, dalawang babae ang naglalaban.
"Ang bilis nila," komento ni Claude habang nanonood.
"Hindi ba natin siya tulungan?" tanong ni Bliss. Sugatan ito pagkatapos nila makaharap ang Deathless Killer.
"Sa sitwasyon mo ngayon, mabuting manood na lang tayo. Hindi ko akalain na malakas ang Deathless Killer. Apat na tayo kanina pero mas sugatan pa tayo," sagot ni Claudine.
"Hindi siya normal na bampira. Kahit na ano gawin natin, hindi natin siya mapapatay. Si Xia lang talaga ang katapat niya," sambit ni Trevor.
"Nandito po si Zander. Hindi pa natin siya nakikitang lumaban," singit ni Claude. Sabay sila napatingin kay Zander na tahimik lang na nanonood.
"Wala ako oras para makipaglaban. Nandito tayo para pigilan siya sa pagpatay," tugon ni Zander.
Dahil sa tulong ni Xia, walang nagawa ang Deathless Killer, kundi umatras. Habang nakikipaglaban ito, bigla itong nawala sa paningin ng lahat. Huminto ang doppelganger ni Xia at naging petal.
"Tapos na ang laban?" tanong ni Xia. Natauhan ang lahat nang marinig nila ang boses nito.
"Oo. Napigilan namin siya," sagot ni Trevor.
"Alam niyo kung gaano siya kalakas? Kung haharapin niyo siya, wala kayong laban. Pero kung haharapin niyo ang nasa likod niya, malaki ang chance na matalo niyo siya," paliwanag ni Xia.
"Sino ba ang nasa likod niya?" tanong ni Claude.
"Isang mad scientist," tugon ni Xia. Napailing ito nang maalala ang pinagmulan ng lahat. Kasalanan niya kung bakit may Deathless Killer. Kundi siya nagtiwala sa lalaking iyon, hindi ito mangyayari.
"Bukas na natin pag-usapan yan. Umuwi na muna tayo," sambit ni Zander.
"Maglalagay ako ng camera sa paligid para matutukan natin ang Deathless Killer," sabi ni Claude.
"Mauuna na ako," paalam ni Zander at bago pa sila makapagsalita, nawala na ito.
"Mahal!" salubong ni Xia kay Zander sabay yakap. Isang halik naman ang itinugon ni Zander.
"Kamusta lakad niyo?" tanong nito.
"Hindi maganda," nakasimangot na sabi ni Xia dahil nadagdagan nanaman ang kalaban nila.
"Tingin mo ba coincidence ang pagdating nila ng sunod-sunod?"
"No. Tingin ko nakaplano ang lahat."
Napangiti si Zander sa sagot nito dahil parehas sila ng naiisip. Masaya siya na makita ang pinagbago ni Xia. Mas kalmado na ito kumpara noon.
"Sila Dad lang ang makakatulong sa atin para malaman kung sino ang nasa likod ng lahat," sabi ni Xia.
"Kakausapin natin sila bukas. Wag mo muna sila isipin," tugon ni Zander sabay halik muli sa asawa niya.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top