CHAPTER 35

CHAPTER 35

Xia's POV

Tinignan ko si Trace habang patuloy na nagsasanay. Sa una, nahihirapan siya pero hindi nagtagal medyo natuto na siya. Nakasiyam na subok  siya bago niya nagawang tunawin ang pinakamaliit na ice ball. Pagkatapos nun mga nakaisa hanggang tatlong subok lang siya para matunaw ang ibang ice ball. Masasabi ko na mabilis lang siya matuto.

"Mom, ubos na yung ice ball," aniya sabay tingin sa akin. Malawak ang kanyang ngiti dahil nagawa niyang tunawin ng maayos ang panghuling ice ball.

"Good. Kontrolado mo na ang kapangyarihan mo. Ang kailangan mo na lang panatilihing kalmado ang iyong sarili. Kung magpapadala ka sa emosyon mo balewala lahat ng natutunan mo. Gabi na. Umuwi na tayo. Sigurado hinahanap ka na nila Quade," sabi ko sa kanya saka siya hinawakan upang magteleport sa bahay.

"Tapos na kayo?" tanong ni Zander pagkakita sa amin. Ningitian ko siya saka tinanguan.

"Nakauwi na ba sila Primo?" tanong ko.

"Oo. Hinanap nila agad si Trace pagkauwi. Parating na sila."

Biglang bumukas ang pinto at sunod-sunod na pumasok sila Primo.

"Mom, bakit si Kuya Trace lang tinuturuan mo? Gusto rin namin matuto sayo," reklamo ni Seven.

"Oo nga. Sabi ni Daddy, umalis kayo para magsanay," dugtong ni Twain.

"Akala ko ba si Trace ang hinahanap nila? Bakit sa akin sila agad dumiretso?" tanong ko kay Zander.

"Si Trace hinahanap nila pagkadating pero pagkarinig nila na nasa training siya wala sila ibang sinabi kundi ang unfair mo daw."

"Mom, turuan mo rin ako!" sambit ni Hexa.

"Ako din!" sabay na sabi nila Quade.

"Okay. Tuturuan ko kayo lahat. Tuwing sabado tuturuan ko kayo gamitin ang mga ability niyo."

Balak ko naman talaga sila turuan para maprotektahan nila ang sarili nila. Tuwang-tuwa sila sa sinabi ko.

"Pumayag na ang mommy niyo. Lumabas na kayo at gawin ang mga dapat niyo gawin," pagpapaalis sa kanila ni Zander. Sumunod naman sila agad at isinama si Trace palabas.

Pagkasara ng pinto isang braso ang pumulupot sa bewang ko.

"Wala na magulo. Tayong dalawa na lang ang nandito," bulong ni Zander habang nakayakap sa likuran ko.

Umikot ako paharap sa kanya. Humawak ako sa batok niya. Humigpit lalo ang yakap niya.

"Mahal..."

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, hinalikan na niya ako. Tutuusin hindi na namin kailangan mag-usap. Tingin pa lang alam na namin ang nilalaman ng isip ng isa-isa.

"Hindi ko na kaya maghintay," bulong niya sa akin. Hindi na ako umangal dahil simula noong nilagay ko sa kanya ang pusong iyon, mas lumakas siya. Kumpara sa akin mas magaling siya kumontrol ng kapangyarihan. Wala talaga ako laban sa kanya.

"May paparating," tulak ko kay Zander nang may marinig akong hakbang. Sakto bumukas ang pinto.

"Ehem. May problema ba anak?" tanong ko habang inaayos ang suot ko. Namula bigla si Quade.

"May umatake daw sa restaurant habang sinasara nila ito."

"Sino daw umatake? Ayos lang ba sila doon?"

"Hindi ko po alam. Nasa ibaba si tito Xavier. Gusto niya daw po kayo makausap."

Niyaya ko agad si Zander papuntang sala.  Alam ko na hindi ito basta-basta.

"Kuya, ano nangyari?" tanong ko agad.

"Tumawag sa akin sila Roland. Inatake daw sila ng Artificial Vampire. Wala daw suot na kwintas ng organization ang mga ito at hindi din nila ito kilala."

"Hindi kaya may ibang nakakaalam sa Artificial Vampire bukod sa inyo?" sambit ni Zander.

"Baka may iba pang nakatuklas sa paglikha ng Artificial Vampire bukod sa atin. Pero nakakapagtaka na restaurant mismo natin ang inatake. Hindi kaya kilala natin ang nasa likod nito? O baka konektado ito kila Dad," sabi ko.

"Tinanong ko na sila Dad. Baka daw may kinalaman sila  kay Mr. Tan."

"Patay na si Mr. Tan, ano kinalaman niya doon?"

"Pinaghihinalaan nila Dad na naging Artificial Vampire si Mr. Tan pagkatapos niya mamatay."

Napalunok ako bigla. Kung totoo ang sinabi niya, posible nga na ang restaurant ang maging target nila. Napatingin ako kay Zander nang hawakan niya ang kamay ko.

"Kung buhay pa nga siya, papatayin ko siya. Mahal, hayaan mo na ko naman ang magprotekta sayo," sabi niya.

"Hindi mo ko kailangan protektahan. Mahal, nandito ako dahil buhay ka. Kung mamatay ka, mawawala ako."

"Ehem. Sa ngayon may inutusan na sila Dad na hukayin ang pinaglibingan ni Mr. Tan," singit ni kuya.

"Sasama ako sa kanila," sambit ko.

"No! Dito ka lang. Paano kung inaabangan niya na magpakita ka?" kontra ni Zander.

"Mas malakas na ako kumpara dati. Kung nag-aalala ka. Isasama ko si Phoenix."

"Bakit si Phoenix isasama mo? Pwede naman ako?"

"Marami ka pang trabahong gagawin. Hindi pwede matigil ang investigation sa Deathless Killer dahil dito. Wag ka mag-aalala hindi kami magtatagal sa Manila."

"Hindi naman yun ang problema. Si Phoenix!  Wala ako tiwala sa lalaking yun."

"Mom, sama din ako!" sabi ni Hexa.

"Bakit gusto mo sumama? Delikado sa pupuntahan niya," tanong ni Zander.

"Hayaan mo na kung gusto niya sumama," pagtatanggol ko kay Hexa.

"Isasama mo siya?"

"Why not?  Kasama naman niya ako kaya walang masamang mangyayari sa kanya."

Nagsalubong ang mga kilay niya.

"Kung sasama si Hexa, sasama din ako," sambit ni Quade.

"Wag niyo sabihin na gusto niyo sumama lahat? Kung marami kayong sasama paano kayo mapoprotektan lahat ng mommy niyo?" sermon ni Zander.

"Mom, sama ako," pakiusap sa akin ni Quade.

"Hmmm. Okay. Sumama na ang gustong sumama. Basta wag kayo hihiwalay sa akin," tugon ko.

"Sigurado ka ba diyan? Paano kung may masalubong kayong kalaban?" tanong ni Zander.

"Mahal, akong bahala sa kanila. Saka may kasama din kaming member ng organisasyon. Mag-ayos na yung sasama. Aalis na tayo mamaya," utos ko sa kanila.

*******

Claude's POV

"Anong problema niyan?" bulong ko kay Kenji habang nakatingin kay Zander na kanina pa bumuntong hininga. Halatang nasa malayo ang kanyang iniisiip. Nandito  pa naman kami ngayon sa labas upang magbantay kung sakaling umatake ang Deathless Killer.

"Baka iniisip nanaman niya si Xia," tugon ni Kenji habang nagamit ng laptop. Dalawa kami na bantay sa social media habang iba nakamasid sa paligid.

"Iba talaga epekto ni Xia sa kanya," umiiling na sabi ko.

"Naririnig ko kayo," sambit ni Zander sabay tingin ng masama sa amin.

"Saan ba si Xia ngayon?" tanong ko. Kanina ko pa siya hindi nakikita kahit na plano niya ito.

"Tsk. Pumuntang Manila kasama sila Phoenix," inis na sabi niya. Pagkarinig ko ng pangalan ni Phoenix, alam ko na agad kung bakit siya wala sa mood. Pinagseselosan niya si Phoenix. Alam namin lahat na may gusto si Phoenix kay Xia.

"Ano gagawin nila doon?"

"Huhukay ng bangkay."

"........."

"Sabi ni Xavier, may umatake daw sa restaurant niyo? May kinalaman ba doon yung pagpunta ni Xia sa Manila?" tanong ni Kenji.

"Yeah. Pinaghihinalaan nila na si Mr. Tan ang nasa likod ng pag-atake."

"Diba patay na siya? Wag mo sabihin na katulad niyo din siya na nabuhay muli?" tanong ko.

"Ayun ang iniisip nila. Artificial Vampire din ang umatake sa restaurant."

"Kung totoo ang sinasabi mo. Malaking problema yan. Nadagdagan nanaman ang kalaban."

Malas yata si Xia. Simula nung bumalik siya sunod-sunod na dumadating ang mga kalaban. Lahat sila konektado sa kanya. Natigilan ako sa pag-iisip nang nanlamig bigla ang paa ko. Pagtingin ko sa paa ko nagyeyelo na.

"Titigilan mo ang pag-iisip ng masama kay Xia. Hindi siya malas. Lapitin lang talaga siya ng mga walang hiyang bampira. Kapag nakita ko sila, papatayin ko sila lahat. Dahil sa kanila hindi na matahimik ang pamilya ko," galit na sabi niya. Hindi na ako nagsalita muli dahil nakakatakot siya. Baka mamaya ako ang pag-initan niya. Ayoko pang mamatay. Paakasalan ko pa si Sunshine.

"Nakita ko na ang target. Papunta siya sa south," rinig kong sabi ni Jason mula sa earphone. Agad ko hinack ang cctv sa south. Nakita ko ang isang sasakyan na sinabi sa amin ni Xia na pagmamay-ari ng killer.

Agad na niresearh ni Kenji ang mga nakatira sa south na nakapanood ng video.

"May tatlong nakatira sa south.  Send ko sa inyo ang address," aniya habang nagpipindot. Tumunog ang suot na smartwatch ni Zander tanda na nakatanggap din siya ng message. Nagkanya-kanyang pili sila Trevor ng pupuntahan.

Bumaba na kami sa rooftop at sumakay ng van upang pumunta sa south. Si Zander ang nagmamaneho habang nakatutok kami sa laptop. Nakatrack sila Trevor sa amin kaya alam namin kung nasaan sila at madali namin sila mapupuntahan kung sakaling makaharap nila ang kalaban.

"Siyet!" sigaw ni Xavier. Mukhang nasaktuhan niya ang kalaban. Sinabi ni Kenji ang address na pinuntahan ni Xavier kay Zander.

"Ang lakas ng loob mo na kalabanin ako. Ako na ang nagsasabi sayo na si Xia lang ang may kayang makipagsabayan sa akin," rinig kong sabi ng isang babae.

"Hey! Bilisan mo na diyan. Baka hindi lang siya nag-iisa," sabi naman ng isang lalaki. Bumilis ang pagpapatakbo ng sasakyan ni Zander.

"Malapit na kami," sambit ni Trevor.

Nakarinig ako ng putok na baril at pagsabog. Senyales na nagkikipaglaban sila.

"Ako ang kalabanin mo!" rinig kong sabi ng isang babae na kaboses ni Xia.

"Xia? Ano ginagaw mo dito?" tanong ni Xavier.

"Doppelganger ko lang yan," sabi ni Xia. Doon ko lang napatanto na pati pala si Xia nakaconnect sa amin. Narinig niya ang pinag-uusapan namin kanina. Bakit ba nawala sa isip ko na may earphone din si Xia?

Itutuloy...


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top