CHAPTER 34
CHAPTER 34
Cali's POV
"Salamat sa pagbabantay kay Baby Cali," pagpapasalamat ni Mama.
"Ma, hindi na po ako baby," nahihiyang sabi ko. Ikaw pa naman tawaging baby sa harap ng crush mo. Kailan kaya nila titigilan ang pagtawag na baby sa akin? Hindi na ko bata para tawagin nilang baby.
"Bakit anak? Gustong-gusto mo ng na tinatawag ka naming baby. Saka kahit matanda ka na, baby ka pa rin namin. Diba Neil?" tugon ni Mama.
"Opo. Maiwan ko na po kayo. Puntahan ko lang si Mama. Magpagaling ka baby Cali," paalam ni Neil.
"Kita mo? Pati si Neil, baby na din tawag sayo. Bakit ang pula mo? Mataas ba lagnat mo. Uminom ka na ba ng gamot?" sambit ni Mama.
"Ayos lang po ako. Uminom na po ako ng gamot kanina," tugon ko sabay higa at tago sa ilalim ng kumot. Napahawak ako sa puso na tumibok ng mabilis nang tawagin ako ni Neil na baby Cali. Alam ko nagbibiro lang siya nang tawagin niya ako baby pero hindi ko mapigilang kiligin. Mabuti na lang lumabas siya agad .
"Pinapasabi ni tito Kenji mo na kailangan mo bumawi sa exam dahil madami kang absent. Nag-aalala kami na baka hindi mo kayanin kaya kinuha kong tutor si Neil para makahabol ka sa lesson niyo. Magsisimula siya kapag magaling ka na."
"Po? Bakit po si Neil? Pwede naman sila Kuya Primo?" nabangon ako bigla nang marinig ko na magiging tutor ko si Neil.
"Hindi pwede sila Primo. Tuturuan sila ni Xia na gamitin ang kapangyarihan nila kaya wala sila oras para turuan ka. Si Neil lang ang pwede saka para mas madalas niya makita ang mama niya. Every weekends dito siya matutulog para maturuan ka niya," paliwanag ni Mama.
Ibig sabihin makakasama ko ng madalas si Neil. Mapapalapit na ako sa kanya. Pero nakakahiya sa kanya na hindi ako matalino katulad niya. Baka lalong mawalan ako ng pag-asang magustuhan niya. Ano gagawin ko?
"Cali, tung higaan mo! Umalis ka diyan dalian mo," sigaw bigla ni Mama. Pagtingin ko sa higaan ko kung saan ako nakahawak, natutunaw ito habang umuusok. Agad ako napatayo at tumabi kay Mama dahil sa takot.
"Ma, ano po nangyayari sa akin? Ako ba may gawa niyon?" natatako na tanong ko. Hindi naman ako bampira. Paano ako magkakaroon ng kapangyarihan? Pamilyar ako sa ability na kayang tumunaw ng mga bagay dahil ganun ang kay papa.
"Hindi ko rin alam anak. Kailangan mo magpatingin sa lolo mo," seryosong sabi niya. Kinuha niya ang cellphone niya at may tinawagan.
"Wala ka bang nararamdamang kakaiba sa katawan mo?" tanong ni lolo . Agad sila nagtunggo dito nang tawagan sila si Mama.
"Pakiramdam ko po ang katawan ko," tugon ko.
"Wala ka bang napapansin na pagbabago sayo? Tulad ng kulay ng mata mo?"
"Wala naman po."
"Alam ko kung ano nangyayari sa kanya."
"Kailan ka pa nandito?" gulat tanong ni tito John kay Tita Xia.
"Nabalitaan ko yung nangyari kay Cali kaya agad ako nagteleport dito," nakangiting sagot nito saka ito lumapit sa akin at pinakiramdaman ang pulso ko.
"Dahil pagkagat sayo ni Trace, nagkakaroon ng pagbabago sa katawan ko. Katulad ito ng sitwasyon ko noon. Nag-uumpisang lumabas ang kapangyarihan ko kahit na walang pgbabago sa physical na anyo ko. Katulad ito sa mga Blackstone. May pagkakataon na hindi lumalabas agad ang kapangyarihan nila. Cali, panatilihin mong kalmado ang iyong sarili para hindi ito matrigger," paliwanag ni tita Xia na para bang alam niya ang dahilan kung bakit nagamit ko ang kapangyarihan ko.
"Opo," tugon ko.
"Ayos lang ba siya? Wala ba iyon masamang epekto sa katawan niya?" nag-aalalang tanong ni Mama.
"Ayos lang siya. Kaya siya nilalagnat dahil sa nangyayaring pagbabago sa katawan niya. Cali, sabihin mo agad sa amin kung may nararamdaman ka ba sakit sa puso mo. Senyales iyon na hindi kinakaya ng katawan mo ang kapangyarihan mo."
Tumango ako bilang tugon.
"Hindi naman po ako magiging bampira?" tanong ko.
"Hindi pa. Hanggang hindi tumitigil ang tibok ng puso mo, hindi ka magiging bampira. Ayaw mo ba maging bampira?"
"Hindi naman po. Natatakot lang po ako na baka hindi ko makontrol ang sarili ko."
Ningitian ako ni Tita Xia sabay hawak sa ulo ko.
"Normal lang na hindi mo makontrol ang sarili mo sa una. Wag ka mag-aalala nandito kami para siguraduhing hindi ka makakanakit ng tao."
"Pero ayoko uminom ng dugo ng tao."
Biglang natawa sila Mama habang si tita naman ngumiti lang. May nakakatawa ba sa sinabi ko?
"Ganun din ako noon. Hindi ko kayang uminom ng dugo ng tao kaya may apple ako palagi," pagkukwento ni tita.
"Oo nga . Ganyan ka din mag-isip noon. Nagbago ka lang pagbalik ngayon," nakangiting sabi ni lolo.
"Dumating ako sa punto na wala ako makain noong nasa vampire world ako, kaya wala ako nagawa kundi uminom ng dugo. Hindi tulad dito na palagi akong may apple. Pero iniiwasan ko pa rin uminom ng dugo hanggang kaya ko."
"Paano nga ba napunta sa vampire world?" tanong ni lolo.
"Hindi ko po ba nasasabi sa inyo? Ninakaw ng prinsepe ang katawan ko noong araw na wala kayo. Pagkagising ko nandoon na ako sa palasyo niya. Tumakas lang ako para balikan si Zander. Pero dahil doon madami din akong nalaman tungkol sa bampira at sa mga Blackstone."
"Tita, pwede mo ba ako kwentuhan tungkol sa mga nalaman mo?" interesadong tanong ko..
"Oo naman. Kapag magaling ka na pwede ka pumunta sa bahay. Ikukwento ko sa inyo nila Primo ang tungkol doon. Mas mabuting alam niyo ang tungkol doon," tugon niya.
"Sige po. Magpapagaling po ako agad."
"Kung ganun maiwan ka na namin para makapagpahinga ka," paalam ni lolo. Sabay-sabay silang nagsilabasan maliban kay Neil na naiwang nakatayo sa may gilid ng pintuan.
"Bakit nandito ka pa?" tanong ko.
"Gusto ko lang sayo itanong kung alam mo ba na nagbabago ang kulay ng mata mo minsan?" tanong niya. Nagtaka ako sa tanong niya dahil sigurado ako na walang nagbabago sa akin.
"Ha? Nagbabago pa kulay ng mata ko?"
Tinitigan niya ako sa mata.
"Hindi mo talaga alam? Nakita ko ng isang beses na naging blue ang mata mo. Akala ko nagsinungaling ka sa lolo mo kanina. Katulad iyon kay Primo."
"Talaga? Kailan mo nakita?"
Wala ako ideya na nagiging blue ang mata ko.
"Kanina nung dinalhan kita ng lugaw."
"Bakit hindi mo agad sinabi?"
Nasabi ko pa naman kay lolo na walang nagbabago sa akin.
"Akala ko alam mo. Sa tingin ko naman alam ni Apple--I mean ng tita mo yung tungkol doon nang tignan ka niya."
Nalungkot ako bigla nang banggitin niya si Apple. Alam ko gusto niya si Apple. Medyo nakakainis dahil kahit na alam niya na hindi namin siya kasing edad at may anak na siya ganun pa rin ang nararamdaman niya.
"Stop!" nagulat ako nang hawakan niya bigla ang ang kamay at itaas ito. Napatingin ako sa kanya.
"Nakalimutan mo na ba ang sinabi ng tita mo? Kamuntik mo nanaman masira ang higaan mo," aniya sabay turo sa higaan ko na may maliit na bakat na parang nadikitan ng maiinit na bagay.
"Oh! Sorry," tugon ko at natulala na lang sa kanya dahil ang lapit niya sa akin. Hawak pa niya ang kamay ko.
Nakahatala naman siya kaya agad niya ako binitawan at lumayo.
"Alis na ako. Maghanda ka sa sabado. Strict ako magturo," aniya bago lumabas. Naalala ko tuloy bigla na magiging tutor ko siya. Nawala na nga iyon sa isip ko pinaalala pa niya. Ayaw niya yata ako patulugin sa kakaisip sa kanya.
*******
Xia's POV
"Kamusta si Cali?" tanong ni Zander pagkabalik ko.
"Ayos naman siya. Mukhang hindi lang si Primo ang nakapamana ng dugo ng blackstone."
Umupo ako sa tabi niya at tinignan ang ginagwa niya. Nagsosolve siya ng kaso online. Natambakan kasi siya ng trabaho niya.
"Pupuntahan ko lang si Trace," paalam ko dahil ayokong makaabala sa kanya. Tuturuan ko na lang si Trace na gamitin ang ability niya.
Hindi siya umimik kaya hinalikan ko na lang siya sa pisngi.
"Mahal, hinay-hinay lang," paalala ko sa kanya. Aalis na sana ako ngunit hinila niya ako palapit sa kanya at hinalikan sa labi.
"Kung hahalikan mo ko dapat ganyan," aniya saka ako binitiwan.
"Ehem. Okay," tugon ko at dali-daling nagteleport sa tapat ng kwarto ni Trace. Kumatok muna ako bago pumasok.
"May ginagawa ka ba?" tanong ko.
"Hindi ko po makontrol kapangyarihan ko," aniya sabay sara ng kamay niya.
"Nagsasanay ka? Tamang-tama balak kita turuan."
"Wala po ba kayo gagawin? Akala ko po ba may iniimbistigahan kayo."
"May inutusan na kami para doon. Kailangan lang namin maghintay ng balita. Ayaw mo ba na turuan kita?"
"Hindi naman po."
"Ayun naman pala eh. Halika! May alam ako na lugar na pwede natin pagpraktisan."
Nagteleport kami sa isla na madalas ko puntahan tuwing hindi ko kontrolado ang kapangyarihan ko.
"Cool. Gusto ko din matuto ng teleportation."
"Imposible yan anak. Pero pwede ka magpagawa sa tito Kenji mo ng gadget na katulad sa teleportation. Mag-umpisa na tayo."
Sinuri ko ang katawan niya gamit ang x-ray vision habang ginagamit niya ang kapangyarihan niya. Napansin ko na hindi pa tuluyang nakakaadapt ang katawan niya sa pagbabago niya. Hinawakan ko siya sa likod.
"Ano po ginagawa mo?" tanong niya.
"Ituloy mo lang ang ginagawa mo. Tinutulungan ko ang katawan mo na makaadapt sa kapangyarihan mo."
Meron kasi sa katawan namin na blood cells na nagtataglay ng ability namin. Sa ngayon hindi pa ito tuluyan nagkalat sa katawan ni Trace kaya nahihirapan siya gamitin ang kapangyarihan niya. Mabuti na lang pinag-aralan ko ang sarili kong katawan kaya alam ko kung ano pinagkaiba namin sa normal na tao at sa bampira. Simula noon madali ko na lang nakokontrol ang kapangyarihan ko at napabilis din ang pag-aaral ko sa bagong kapangyarihan na makukuha ko.
"Mommy, ang init!" reklamo niya. Side effect iyon ng ginagawa ko.
"Tiisin mo anak. Malapit na ako matapos. Anak pagbilang ko ng tatlo gamitin mo ang kapangyarihan mo. Isa... dalawa... tatlo..."
Pagkagamit niya ng kapangyarihan niya mabilis na natunaw ang mga yelong ginagawa ko. Kamuntik na nga kami madamay. Mabuti na lang nahila ko agad ko si Trace saka ako tumalon sa paitaas at lumikha ng yelo sa paanan ko.
"Nagawa mo anak! Ganun kalakas ang kapangyarihan mo kapag tinodo mo ang paggamit," masayang sabi ko saka ako bumababa at muling pinalibutan ng yelo ang isla.
"Ano po ginawa mo? Parang mas gumaan ang pakiramdam ko."
"Tinulungan lang kita na makaadapt sa pagbabago ng dugo mo. Para matuto kang kontrolin ang kapangyarihan mo kailangan mo sanayin na gamitin ito mula 10% hanggang 100%." gumawa ako ng mga bilog na gawa sa yelo. Bawat isa iba't-iba ang laki.
"Subukan mo tunawin ang mga yan. Gamitin mo ang 10% na kapangyarihan mo sa pinakamaliit. 20% sa sumunod. Tandaan mo na dapat yung bilog lang ang matunaw. Oras na matunaw pati ang pinapatungan nito, ibig-sabihin lampas sa 10% ang ginamit mo. Kapag naman kulang hindi ito matutunaw lahat o matagal ang pagkatunaw nito. Umpisahan mo na!"
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top