CHAPTER 33

CHAPTER 33

Xia's POV

"May bagong biktima nanaman," sambit ni Trevor sabay hilot ng ulo. Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap tungkol sa deathless killer nang may tumawag sa kanya.

Hindi na ako magtataka doon dahil araw-araw naman sila may biktima.

"Alam niyo ba yung kumakalat na bagong balita?" tanong bigla sa amin ni Claude.

"Anong balita?" tanong namin.

"May mga nawawala daw na highschool students. Pagkalipas ng lima o pitong araw, natatagpuan na lang ang iba sa kanila na patay sa dagat o tabing dagat. Yung katawan nila katulad din sa mga pinatay ng killer. Kumakalat ngayon na dinudukot daw sila at brutal na pinapatay. Nagpapahanap na ako kay Neil kung may video din ba sila na kumakalat," pagkukwento ni Claude.

"Sa dagat sila natagpuan?" tanong ko.

"Oo. May picture ako dito," pinakita niya sa amin ang picture sa laptop niya. Nakasako yung bangkay nang makita ito. Bigla ko tuloy naalala yung nangyari kay Apple.

"Grabe naman yan. Hindi kaya may gumagaya sa ginagawa ng killer?" komento ni Bliss.

"Ano sa tingin mo, Xia?" tanong sa akin ni Claude.

"Tingin ko konektado ang dalawang kaso. Hindi malabong may kinalaman din ang deathless killer. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit highchool students lang ang target nila? Hindi ko tuloy maiwasang mag-aalala kila Hexa."

Dapat siguro turuan namin sila na gamitin ang mga ability nila para maprotektahan nila ang bawat isa.

"Nag-aalala din ako para sayo," sambit naman ni Zander.

"Ha? Bakit? Hindi naman ako highschool."

"Mukha kang highschool students," sabay na sabi nila.

"Wag kayong gagala ni Stella," sabi ni kuya.

"Eh? Balak pa naman naming lumabas na dalawa lang kami," reklamo ko. Gusto ko sana sabihin na kaya ko protektahan ang sarili ko pero paano naman si Stella. Mahiwalay lang siya sa akin delikado na.

"Wag muna kayo lumabas. Tapusin muna natin itong kaso," pagbabawal sa akin ni Zander.

"Okay. Tapusin na natin ito agad. Ito plano ko," sinabi ko sa kanila ang plano ko at kung ano ang kahinaan ng deathless killer. Parehas lang kami ng kahinaan. Immortal man kami ngayon, balang araw mamatay din kami dahil walang permanente sa mundo. Hindi kami diyos para mahuhay habang buhay.

******

Third Person's POV

Sa isang bahay kung saan tangging iyakan, sigawan at tawanan lamang ang maririnig.

"Hahahaha! Dugo, kailangan pa natin ng maraming dugo para maging immortal din tayo," tumatawang sabi ng isang lalaki habang pinagsasak ang isang dalaga na nakagapos at nakabitin. Sa ibaba nito may balde na sumasalo sa dugong tumutulo.

"Ganyan nga," sambit ng isang babae sabay sawsaw ng daliri sa may dugo at subo nito.

"Delicious," komento nito. Lumipat ito sa isa katabi nito na ganun din ang ginagawa sa isa ding dalaga. Tinutok nito ang hawak na camera sa may dalaga habang pinagsaksak ng lalaki.

"Ahhhhh!" sigaw ng dalaga tuwing sinasaksak ito. Masaya naman itong pinakinggan ng babae.

"Ipagpatuloy niyo lang ang ginagawa niyo. Dadalhan ko pa kayo ng mga pagkukuhaan ng dugo. Wag niyo kakalimutan magbigay ng video sa akin. Mauna na ako sa inyo," paalam ng babae.

"Kailan mo siya dadalhin sa amin? Sabi mo sa amin kapag ginawa namin ito, tutulungan mo kami makaganti sa halimaw na pumatay sa mga kaibigan namin," tanong ng lalaki.

"Wag ka mag-aalala. Makikita niyo din siya dahil siya mismo ang pupunta sa inyo," makahulugang tugon nito habang nakangiti.

"Sino na ang next target natin?" tanong nito sa lalaking naghihintay sa kanya sa labas. Tahimik lamang nito inabot ang bagong list na ginawa niya.

"Nabawasan nanaman sila?" pansin nito.

"Kumpara noon, nabawasan ang nga nanonood ng video na pinopost natin. May kumakalat na mamatay sila kapag pinanood nila ito. Ginagawan ko na ng paraan may mapanood nila ang video. Kung ayaw nila manood, pipilitin natin sila," nakangising tugon ng lalaki habang tuloy pa rin sa pagpindot ng laptop niya.

"Anong balita kay kuya?" tanong ng babae.

"Nagkukulong pa rin. Abala pa rin siya sa research niya."

"Nababaliw na siya dahil sa babaeng yun."

"Hindi mo naman siya masisi. Kung ako siya gagawa din ako ng paraan para maging immortal katulad sa minamahal ko. Sino ba hindi gugustuhing makasama ang minamahal niya habang buhay?"

"Pero hindi siya gusto ng babae. Ano ba meron sa kanya? Bakit gustong-gusto siya ni kuya at yung prinsepe ng bampira?"

"Maganda siya, mabait din at saka malakas siya."

"Hoy! Wag mo sabihing pati ikaw?"

"No. Sinasagot ko lang ang tanong mo. May iba akong gusto."

"Sino?"

"Secret. Tama na ang daldal. Mag-umpisa na tayo para makarami tayo. Nag-uumpisa na kumilos ang mga pulis."

"Okay fine!"

Inirapan niya ang lalaking kausap at saka ito naunang umalis. Napangiti na lang ang lalaki bago ito sumunod.

Samantala sa paaralan, magkasamang nagtatanghalian sila Hexa sa bakanteng room.

"Bakit ka late kanina?" tanong ni Seven kay Cali habang umiinom ng dugo na nakalagay sa lalagyan na katulad sa juice.

Napatingin sa iniinom niya si Cali at napahawak sa leeg niya nang maalala ang nangyari sa kanya.

"Cali?" tapik sa kanya ni Seven.

"Yes?" gulat na tanong ni Cali.

"Tulala ka diyan. Tinatanong kita kung bakit late ka."

"Si Kuya Trace kasi nagising na."

"Talaga?! Nagising na siya? Kamusta lagay niya?" tanong ni Quade.

"Hindi ko alam. Nakakatakot siya," mahinang sagot ni Cali. Hindi niya alam kung sasabihin ba niya ang nangyari o hindi.

"Kinagat ka ba niya?" panghuhula ni Neil pagkakita niya sa reaksyon ni Cali. Katulad ito ng reaksyon ng dalaga noong sinipsip niya ang dugo nito.

"B-bakit mo natanong?"

"Kanina mo pa tinitignan yung iniinom ni Seven. Natatakot  ka na ba sa amin dahil bampira kami?"

"Hindi ako bampira. May ability lang ako. " pagtatama ni Primo.

"Yeah right. Kapag namatay ka magiging bampira ka din," tugon ni Neil.

"Lahat naman kami ganun. Kahit si Cali kapag namatay magiging bampira."

"Hindi ako natatakot dahil bampira kayo. Natatakot ako na maging bampira. Baka hindi ko makontrol ang sarili ko at saktan ang mga kaibigan ko," paliwanag ni Cali.

"Ayos ka lang ba? Namumutla ka," pansin sa kanya ni Hexa.

"Ayos lang ako. Medyo nahihilo lang ako. Hingi lang ako ng gamot sa sakit sa clinic."

Bago ito makatayo, hinila siya ni Neil at hinawakan sa noo.

"Mainit ka. Mas maganda kung umuwi ka na muna," sambit nito.

"Sasamahan kita pauwi," sabi ni Quade.

"Gusto mo lang magcutting eh," kontra sa kanya ni Primo.

"Ako na sasama sa kanya. Kayo  na magsabi sa teacher," sabi sa kanila ni Neil saka inalalayan si Cali.

"Hindi mo ko kailangan ihatid. Tatawagan ko na lang si Daddy."

"Walang problema sa akin ito. Saka gusto ko din madalaw si Mama. Sakay na," pinabuksan niya si Cali ng pinto.

"Sasakyan mo?"

"Pinagamit sa akin ni Master."

Nag-umpisa na ito magmaneho.

"Papa na dapat itawag mo kay tito Claude."

"Hindi ko sanay. Saka tatawagin ko lang siyang papa kapag kasal na sila ni mama. Pero bago yun palayasin niya muna ang katulong niya."

"Bakit? Ayaw mo ba na may katulong?"

"Hindi naman sa ayaw ko. Bakit ang dami mong tanong? Malayo pa tayo. Matulog ka na muna," nahihiyang tugon nito.

"Namumula ka. May sakit ka na din ba? Nahawaan na ba kita? Sorry. Mahina talaga ang katawan ko. Noong bata ako, sakitin ako. Kaya lagi nakabantay sa akin sila kuya Primo."

"I'm fine! Don't worry."

"Okay..."

Habang nakatuon sa pagmamaneho si Neil, nakatulog si Cali. Napansin ni Neil na nanginginig ito. Huminti muna siya at pinatay ang aircon. Binuksan na niya ng kaunti ang bintana sa tabi niya upang may pumasok na hangin.

"Amoy dugo," bulong ni Neil.

Pagkatingin niya sa bintana, saktong may dumaan na babae kung saan nagmumula ang amoy.  Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa hindi na niya ito makita.

"Bakit ganun ang amoy niya? Naghalo-halo ang iba't-ibang amoy ng dugo sa kanya. Bakit kaya?" tanong niya sa kanyang sarili bago tinuloy ang pagmamaneho.

Pagkadating nila sa bahay nila Cali, iniwanan niya muna si Cali upang kumatok sa pinto. Subalit walang sumasagot sa loob kahit na nakakailang katok.

"Wala yatang tao," bulong niya. Bumalik siya sa sasakyan at ginising si Cali.

"May susi ka ba diyan? Wala yata sila mama," aniya pagkagising nito.

"Kunin mo sa bag," inaantok na tugon nito saka muling pumikit.

Kinuha niya ang bag ni Cali at hinanap ang susi. Nakita niya itong nakalagay sa isang keychain kasama ng ibang susi.

"Parang nakita ko na itong keychain dati. Mukhang luma na, bakit hindi niya pa palitan?" komento ni Neil bago buksan ang pinto.

Binuhat na lang niya si Cali papasok ng bahay nang mapansin niyang tulog nanaman ito. Idinala niya ito sa kwarto nito saka tinawagan ang kanyang ina upang tanungin ito.

"Nasa restaurant kami. Sinama ako ni Stella. Sasabihin ko sa kanila na nandyan kayo. Ikaw na muna bahala sa kay  habang wala kami," sambit ng kanyang ina bago pinatay ang tawag. Napabuntong hininga si Neil.

"Mukhang wala ako magagawa kundi alagaan siya."

Naghanap siya ng gamot sa lagnat at nagluto ng lugaw. Dinala niya ito sa kwarto ni Cali.

"Gising ka na pala. Kumain ka na muna para makainom ka ng gamot."

"Salamat. Tumawag sila Mama. Pauwi na daw sila."

Kinuha niya ang lugaw at dahan-dahan kinain.

"Masarap. Saan mo ito binili?" tanong ni Cali.

"Luto ko yan," seryosong tugon ni Neil.

"Oh! Sorry. Akala ko binili mo. Masarap ka pala magluto."

"Bata pa lang ako nagluluto na ako para makatulong kay mama."

"I see. Mabuti ka pa marunong. Ayaw nila mama na patulungin ako sa kusina dahil clumsy ako," nahihiyang sabi ni Cali.

"Ah! Marami pa lugaw doon. Kung gusto mo pa, sabihin mo lang. Nasa sala lang ako," paalam ni Neil nang mailang ito dahil sa pinag-uusapan nila.


"Ano na gagawin ko? Mas lalo kitang nagustuhan dahil dito," bulong ni Cali pagkaalis ni Neil. Tinignan niya ang keychain na binigay nito sa kanya noong bata pa siya. Alam niyang hindi siya nito naalala. Nagkataon lang na alam niya ang pangalan ni Neil kaya nakilala niya ito agad.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top