CHAPTER 32

CHAPTER 32

Xia's POV

"Mommy, Daddy, pasok na po kami."

"Ingat kayo," nakangiting tugon ko. Masaya ako na bumalik na sa dati ang lahat.

May isa na lang ako problema. Hindi ko pa rin nahuhuli ang Deathless Killer. Hanggang hindi ko sila napapatay hindi ito matatapos. Kailangan ko na kumilos sa lalong madaling panahon.

"Mahal, totoo ba na may hawak kayong kaso tungkol sa gumagalang killer?" tanong ko.

"Yeah. Hindi ko alam kung coincidence lang ba ang lahat. Ako, ang CLA at sila Bliss, may hawak na parehong kaso."

"Sabihin mo sa kanila tutulong ako sa pagsolve ng kaso. I mean magtutulungan tayo tulad dati."

"Kilala mo ba kung sino yung killer?"

"Nakita ko sila. Isang babaeng bampira na may ability makakuha ng ability na tulad sa iba at isang lalaki na hacker. May master pa pala sila," napabuntong hininga ako.

"Ang totoong yan kasalanan ko kung bakit nagkaroon ng ganun ability yung killer," malungkot na sabi ko.

"Desisyon nilang maging masama. Wala kang kasalanan. Sasabihan ko sila Claude," tugon ni Zander. Napatitig na lang ako sa kanya dahil sa sobrang kalmado niya.

"Bakit?" tanong niya bigla.

"Wala. Iniisip ko lang kung paano maging kalmado katulad mo," sagot ko.

"Hindi sa lahat ng oras kalmado ako."

"I know."

Natawa na lang ako. May ideya ako kung paano mawala ang pagiging kalmado niya. Kapag nasa kapahamakan kami. Baka nga kapag nalaman niya yung tungkol kay Phoenix at Hexa, sigurado magagalit siya. Kaya mas mabuting sa amin na lang yun.

"Hindi ko mabasa isip mo. Mahal, may tinatago ka ba sa akin?"

"Ano naman itatago ko sayo?"

"Hindi ka magaling magsinungaling. Kahit hindi ko nababasa isip mo. Kita ko pa rin sa mukha mo ang totoo," nilapit niya ang mukha niya sa akin.

Ito ang pinakaayaw ko sa lahat. Kaya ayoko bumalik hanggang hindi ko naayos ang problema ko. Lagi ako dumadaan sa interrogation ni Zander tuwing may tinatago ako sa kanya. Hindi niya ako titigilan hanggang hindi niya nalalaman ang totoo. Para akong criminal na iniimbistigahan.

"Mahal, ano ba sinasabi mo? Wala ako tinatago sayo," pagsisinungaling ko.

"No. Malakas ang pakiramdam ko na meron. Ano tinatago mo?"

Nakatingin sa mga mata ko habang nagtatanong. Ang lapit pa ng mukha niya.

"Sorry mahal, hindi ko pwede sabihin."

Tinulak ko siya at mabilis na nagteleport sa labas. Mas magandang umiwas ako sa usapan bago niya ako tuluyan mapaamin.

'Saan ka pupunta mahal?' tanong ni Zander sa paamagitan ng isip. Tumingin ako sa bahay namin.

'Sa malayo,' tugon ko.

"Hindi ka makakatakas sa akin," talon niya bigla sa may bintana ng bahay namin. Ningisian niya ako nang magkasalubong ang mga mata namin. Mabilis ako tumakbo pero mabilis din siya. Nagteleport ako sa may dagat.

"Salamat. Nakatakas di--Waaahhh!" sigaw ko nang sumulpot bigla si Zander sa harapan ko. Tinulak niya ako sa may buhangin habang hawak-hawal ang dalawa kong kamay.

"Paano mo nalaman na dito ako nagteleport?" tanong ko.

"Mind reading. Mrs. Hudson, inaaresto kita sa salang paglilihim sa asawa mo," niya sabay lagay ng handcuff sa akin.

Bakit parang nangyari na ito dati?

"Mahal, tingin mo ba mapipigilan ako ni--" bago ko pa matapos ang sasabihin ko. Ginawa niyang yelo yung kamay ko. Saka pinaralyze ang katawan ko at saka binuhat pabalik sa bahay. Nagteleport siya kwarto namin.

"Jusko!" sambit ko nang ibaba niya ako sa kama. Pumatong siya sa ibabaw ko.

"Aamin ka na ba?" bulong niya sa akin. Ramdam ko ang hininga niya sa may bandang tenga at leeg ko.

"Sandali lang mahal," awat ko sa kanya nang halikan niya ako sa leeg.

"Titigil lang ako kapag nakita ko ang mga nangyari sayo noon," tugon niya. Alam niya talaga kahinaan ko.

"Ikukwento ko na lang sayo."

Tumigil siya saglit saka ako tinignan sa mga mata.

"Lahat? Sasabihin mo ba sa akin lahat?"

"Oo. Lahat."

Naliit ang mga mata niya. Takot na umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Hindi ka talaga magaling magsinungaling."

"Alam ko. May mga bagay na hindi kailangan sabihin."

"Hindi kailangan? O ayaw mo sabihin dahil magagalit ako?"

Natahimik ako bigla dahil tama siya. Ayoko siyang magalit.

"Tama ako? Lagi mo na lang yan ginagawa."

Pilit akong tumama. Hindi ko na alam ang sasabihin ko.

"Ipapakita ko sayo ang lahat kung ipapakita mo din yung memory mo," paghahamon ko sa kanya. Bigla siyang napatayo.

"Nevermind," aniya sabay alis na ikinagulat ko.

"Wag mo sabihing may nilihim ka din sa akin? Babae ba yan?" nagdududang sabi ko. Alam ko wala akong dapat ipag-alala pagdating sa babae dahil hindi niya ako ipagpapalit. Pero may pagkakataon na ang mga babae ang dumidikit sa kanya.

"Ikaw lang ang babae ko."

"Mahal, ilang babae ang lumandi sayo habang wala ako?At sino? Susunugin ko ang mga buhok nila," galit na sabi ko. Sino sila para landiin ang asawa ko habang wala ako. Hindi ko sila mapapatawad.

"Sinong mga lalaking nagbalak gumawa ng masama sayo? Iisa-isahin ko silang lahat,"  pabalik na tanong niya.

Biglang lumamig sa kay kwarto dahil naging yelo ito dahil sa aming dalawa. Nagtitigan kami.

"Dad--waaaahhh! Ang lamig."

Natigilan kami at sabay na napatingin sa pinto.

"Trace, gising ka na!" masayang sabi ko sabay yakap sa kanya. Sa isang iglap nawala ang tensyon.

******

Trace's POV

"Ano pakiramdam ng nakakabasa ng isip?" tanong ko kay kuya Primo.

Simula noong mga bata kami naiinggit ako sa kanila dahil ako lang ang naiiba. Lahat sila may special ability habang ako walang kahit ano. Kahit si kuya Primo na hindi bampira meron.

"Masakit sa ulo kung hindi mo kokontrolin ng maayos," tugon niya.

"Gusto ko din ng ganyang ability," naiingit talaga ako sa kanila.

"Sabi ni tito kapag namatay ka at naging artificial vampire, magkakaroon ka din ng ability tulad namin."

"Kailan naman kaya mangyayari iyon?" tanong ko.

"Ngayon na," nakangiting tugon ni kuya. Bigla ako nagising mula sa panaginip ko. May nasaksak na karayom sa kamay ko kung saan dumadaloy ang dugo papasok sa katawan ko. Nang makita ko ang lalagyan ng pinanggalingan ng dugo, wala kinuha ko ito at ininom.

"Gusto ko pa," bulong ko. Nanunuyo ang lalamunan ko. Uhaw na uhaw ako. Gusto ko pa ng dugo. Naghanap ako sa kwarto ng mainom pero wala ako makita hanggang sa bumukas ang pinto.

"Kuya Trace, ano ginagawa mo? Kanina ka pa ba gising? Tatawagin ko si--ahhhhh!"

Pagkakita ko kay Cali agad ako napatakbo sa kanya. Hinila ko siya papasok sa kwarto at saka siya kinagat. Gusto ko pa ng dugo.

"Kuya, ano ginagawa mo?" pagmumumiglas niya. Sinubukan niya ako itulak pero hinawakan ko ang kamay niya.

"Aahhh! Mama! Lolo!" sigaw niya.

Nakarinig ako ng mabilis na takbo patunggo sa amin. Gusto ko tumigil pero mas nanaig ang uhaw ko sa dugo.

"Trace, itigil mo yan!" hila sa akin ni lolo palayo kay Cali.

"Stella, ilabas mo si Cali dito. Pagkatapos dalhan mo ko ng maraming dugo," utos no lolo habang pinipigilan ako.

"Trace, calm down! Inumin mo muna ang dugo ko" pagpapakalma sa akin ni Lolo at sapilitang niyang pinakagat ang braso niya sa ako.

Pagkadating ni Tita Stella, may mga dala itong dugo na nakapag na akala mo juice. Binigay ito lahat sa akin. Isa-isa ko itong ininom gamit ang straw. Nang maubos ko ito doon ko lang napagtanto ang mga ginawa ko. Natauhan ako bigla.

"Ano nangyari sa akin?" naguguluhang tanong ko. Hinawakan ako sa balikat ni lolo.

"Trace, simula ngayon isa ka ng artificial vampire. Isa ka sa nabiktima ng killer," paliwanag ni Lolo. Doon ko lang naalala ang nangyari sa akin sa kwarto ko.

"Kamusta sila kuya? Ayos lang po ba sila?" nag-aalalang tanong ko.

"Ligtas silang lahat. Nandoon sila ngayon sa bahay niyo kasama ang daddy at mommy mo," tugon niya.

"Gusto ko sila makita. Uuwi na po ako."

Mabilis akong tumakbo sa bahay pero pagdating ko sa bahay wala sila kuya. Napatingin ako sa orasan.

"Oo nga pala may pasok sa school. Baka nakaalis na sila. Nakauniform din kanina si Cali," bulong ko. Lumabas ako ng kwarto ni kuya at hinanap sila daddy.

Hindi ko sila makita sa sala at kusina kaya nagtunggo ako sa kwarto nila. Pagkadating ko doon may malamig na hangin ang sumalubong sa akin. Binuksan ko ang pinto.

"Dad--waaaahhh! Ang lamig," napayakap ako sa sarili ko. Bakit nagyeyelo kwarto nila? Pakiramdam ko nasa freezer ako.

"Trace, gising ka na!" yakap sa akin ng isang babaeng may pulang buhok.

"Apple, ano nangyari sa buhok mo?" tanong ko.

"Anak, hindi ako si Apple. Ako ito, ang mommy mo."

Nanlaki mata ko.

"Mommy?"

Natawa siya bigla at sa isang iglap nawala ang lamig sa kwarto nila. Natunaw ang yelo.

"Oo. Nagbalik na ako. Kamusta pakiramdam mo?"

"Sobrang gaan na ng pakiramdam pagkatapos ako bigyan ng dugo ni Lolo."

"Anong ability meron ka?" tanong ni Daddy.

"Ability?" napaisip ako bigla. Sinuri ko ang aking sarili.

"Anong ability namana mo?" tanong ni Mommy.

"Hindi ko po alam," sagot ko.

Hinawakan ako sa kamay ni Mommy.

"Telepathy and plant manipulation. Dalawa ang ability mo? Ngayon lang ako nakakita ng may dalawang ability pagkatapos maging artificial vampire. Kahit ako isa lang noong naging artificial vampire ako" gulat na sabi ni Mommy.

"Ano nakakagulat doon? Kung ako tatanungin hindi malabong maging dalawa o tatlo ang ability nila. Anak mo sila kaya siguradong may mutation naganap. Yung pagkaroon mo nga ng anak kahit na hindi main body ang gamit mo abnormal na,"  komento ni Daddy.

"Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiiyak sa sinabi mo. Pero may punto ka. Magpasalamat na lang tayo na hindi niya namana yung isa kong ability. Tama na yung si Hexa lang ang meron nun. Anak! Masaya ako para sayo. Tuturuan ka namin na gamitin ang ability mo."

Napangiti na lang ako sa kanila. Hindi dahil sa sinabi ni Mommy. Masaya ako na makita sila Mommy at Daddy na magkasama. Iba kasi ang feeling kapag si Apple ang kausap ni Daddy. Kung si Apple , hindi mo maramramdan na mag-asawa sila ni daddy. Kahit yung pagiging mommy wala sa aura niya. Pero  ngayon iba na ang nakikita ko. Hindi na siguro ito panaginip? Totoo na ang lahat.

Itutuloy....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top