CHAPTER 30

CHAPTER 30

Claude's POV

"Done?" tanong ko kay Trevor. Tinignan ko si Phoenix na pinagtulungan namin. Hindi naman siya mamatay kaya ayos lang kahit anong suntok at tadyak gawin namin. Napagod lang ako kaya nauna  na ako tumigil.

"Oo," sagot ni Trevor.

"Tara na sa bahay," pag-iimbita ni Xavier sa amin.

"Matagal-tagal na din ako hindi nakakadalaw sa inyo. Pagkatapos ko palitan si tanda sa CLA, naging busy na ako," sambit ko. Dapat talaga si Zander o Trevor ang nasa posisyon ko.

"Pansin ko nga. Ang laki ng pinagbago mo simula. Noon puro pambabae lang ang pinakaabalahan mo. Ngayon trabaho na."

"Wala kinalaman doon ang trabaho ko. Pinangako sa sarili ko na hindi na ako ulit mambabae."

Tinawanan lang nila ako. Kailan ba nila seseryosohin ang sinasabi ko? Totoo naman lahat ng sinabi ko. Hindi na ako mababae kahit na iba ang trabaho ko.

"Welcome back!" salubong sa amin ni Stella.

"Dumating ba si Xia dito?" tanong ni Xavier.

"Eh? Hindi. Darating ba siya dito?"

"Sabi niya papunta siya kay Zander. Baka dumiretso siya kay Zander kaya hindi mo nakita."

Bang! Sabay kami napatingin sa may babae nang may mabasag.

"Sorry!" tarantang sabi niya sabay upo upang pulutin ang nabasag na baso.

"Ma, tulungan kita. Ako na po dito. Ayos lang po ba kayo?" tanong sa kanya ni Neil.

"Ayos lang ako anak," sagot sa kanya ng babae. Umangat ang ulo nito sabay tingin sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mukha niya. Napahawak ako bigla sa puso ko dahil sa pagbilis ng tibok nito.

"Sunshine?" tanong ko sa kanya. Ningitian niya ako ng pilit sabay iwas ng tingin.

Nanaginip ba ako? Totoo ba itong nakikita ko? Yung bahaeng matagal ko na hinahanap, nandito sa bahay nila Stella.

"Sunshine? Yung babaeng hinahanap mo?" tanong ng kakambal ko. Hindi ako umimik. Pabalik-balik ko tinignan si Neil at ang mama niya.

"Sunny ang pangalan niya. Hindi Sunshine. Baka nagkakamali ka lang," singit ni Bliss.

"Sunshine ang pangalan ni mama noon bago maging bampira," sambit ni Neil sabay tingin sa mama niya na nanahimik.

"Hindi ko akalain na magkikita tayo ulit," sabi ni Sunshine.

"Ikaw nga yan. Matagal na kita hinahanap. Nawala ka na lang bigla," sabi ko sa kanya.

"Ehem. Maiwan muna namin kayo. Tara sa kusina. Tulungan niyo ko maghanda ng makakain," singit ni Stella.

"Itatapon ko muna ito. Ma, doon muna po kayo sa upuan. Baka maapakan mo po yung bubog. Kukuha ako ng walis," sabi ni Neil habang hawak-hawak ang mga pinulot niya. Sumunod ito kila Bliss sa kusina.

"Pwede ba tayo mag-usap saglit?" tanong ko. Tinanguan  niya ako bilang tugon. Niyaya ko siyang umupo.

Huminga ako ng malalim saka siya tinignan ng seryoso.

"Anak ko ba si Neil?" tanong ko.

"Oo," sagot niya.

"Bakit hindi mo ko pinuntahan? O hinanap? Mali pala. Bakit bigla ka na lang umalis pagkatapos ng gabing yun?"

"Masaya ako dahil tinupad mo ang isa kong hiling. Ayaw kong idamay ka sa problema ko dahil hindi naman kita gaano kakilala. Hindi ko naman inaasahan na mabubuntis ako at ginawa mo ko bampira. Dahil sayo nawala sakit ko. Salamat. Malaki na ang naitulong mo sa akin. Ayokong  idamay ka sa problema ko."

"Hindi ko alam kung ano ba tingin mo sa akin. Hindi ko ginawa ang bagay na iyon para tulungan ka. Pinagbigyan kita sa hiling mo dahil gusto ko din. Hindi ako mabuting bampira tulad ng iniisip mo."

"That's right! Babaero si Claude kaya inabuso niya ang kahinaan mo," sambit ng isang babae sa tabi ko. Nagulat ako sa biglaang pagsulpot niya. Hindi ko man lang siya naramdama.

"Sino ka?" tanog ko. Ningitian niya lang ako.

"Wag mo na patagalin pa. Sabihin mo sa kanya ang totoong nararamdaman mo. Goodluck!" tinapik niya ako sa balikat bago ito umalis.

"Meow!" sabi ng pusang nasa buhat niya. Pakiramdam ko nakangisi ito sa akin na para bang nang-aasar. Teka! Hindi ito oras para mag-isip ng kung ano. Binalik ko ang tingin ko kay Sunshine.

"Ehem. Handa ako panagutan ang ginawa ko. Pakakasalan kita!" nahihiyang sabi ko.

"Kung pakakasalan mo si mama, palayasin mo muna yung katulong mo sa bahay," singit ni Neil.

"Agree!" pagsang-ayon naman ni Claudine.

Doon ko lang napansin na pinapaood pala nila kami. Hindi nila kami iniwan, lumayo lang sila sa amin.

"Sunny, pag-isipan mo mabuti ang desisyon mo. Babaero si Claude," paalala ni Trevor kay Sunshine. Hindi ko alam kung paano siya napunta sa tabi ni Sunny.

"Ano sa tingin mo anak?" tanong ni Sunny kay Neil.

"Kung saan ka masaya, susuportahan kita."

Tinanguan siya ni Sunny saka tumingin sa akin ng seryoso.

"Salamat Claude. Masaya ako marinig na gusto mo panagutan ang nangyari. Pero bago tayo ikasal, gusto ko muna masigurado ang nararamdaman mo. Ayokong pakasalan mo ko dahil lang sa nangyari. Mahal mo ba ako Claude?"

"Maniniwala ka ba sa akin kung sasabihin kong minahal kita sa kalagitnaan ng paghahanap ko sayo?"


********

Zander's POV

Ang amoy na ito... hindi ako pwede magkamali.

"Xia," dinilat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang isang babae na kilalang-kilala ko. Kahit nag-iba ang kulay ng buhok niya at mas pumuti ang makinis niya balat hindi ko makakalimutan ang amoy niya.

Nakayakap siya sa akin habang mahimbing na natutulog sa tabi ko. Hinawakan ko ang mukha niya upang masigurado na totoo ang nasa harap ko. Hindi naman siguro ako nanaginip?

"Hmm.. hindi ka nanaginip, mahal," aniya saka dumilat at bumungad sa akin ang kulay lila at ginto niyang mata.

"Binasa mo ang nasa isip ko?"

Ningitian niya ako.

"Malakas na ako. Hindi na ako tulad ng dati. Madali na lang sa akin mabasa isip mo."

"I see," hinalikan ko siya sa labi. Gusto ko masigurado na hindi ako nanaginip at Xia talaga ang nasa tabi ko.

Tumugon siya agad sa akin. Hindi man lang ito umangal kaya nasigurado ko na hindi siya si Apple. Kung si Apple ito, hindi ito agad kikilos.

"Naniniwala ka na hindi ka nanaginip? Pwede na ba tayo tumayo? Nagugutom na ako. Ang dami mong sinipsip na dugo ko. Kamusta pakiramdam mo?"

Sinuri ko ang sarili ko.

"Pakiram ko mas lumakas ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na parang may gustong kumawala dito."

"Hindi maganda ito. Kailangan mo kontrolin ang kapangyarihan mo. Sasabog itong bahay nila kuya kapag hindi mo ito napigilan. Tutulungan kita."

Hinawakan niya ako sa dibdib at may naramdaman akong malamig sa loob ng katawan ko. Naging normal ang tibok ng puso ko. Para itong nagyelo dahil sa sobrang lamig.

"Ano ginawa mo?"

"Sa ngayon, normal ang lahat. Pero oras na mawala ang seal, lalabas ang buong kapangyarihan mo. Kaya nitong tumagal ng tatlong araw kung mananatili kang kalmado," paliwanag niya. Napakunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung ano ba nangayayari. Magtatanong na sana ako nang biglang isang alaala ang pumasok sa isip ko. Nakahiga ako sa kama habang nakatayo si Xia sa tabi ko. Hawak nito ang pusong ibinigay niya kay Phoenix noon.

"Heart Fusion?" tanong ko sa kanya pagkatapos ko makita ang ginawa niya.

"May virus na nakapasok sa katawan mo gawa dahil sa dugo ng prinsepe ng bampira. Para mapigilan ito ginamit ko ang puso ng ate ni Phoenix. Sinamahan ko din ito ng dugo para mas maging epektib. Wag ka mag-aalala pinag-aralan ko mabuti ang heart fusion bago ko ito ginawa. Mula ngayon parehas na tayo ng main ability. Alam mo naman siguro kung ano ability tinutukoy ko?"

Tinanguan ko siya bilang tugon. Hindi ko makakalimutan ang ability niyang bumasag ng salamin tuwing sumisigaw. At ang ability niyang kopyahin ang ability ng iba.

"Okay. Pwede na ba tayo lumabas? Nagugutom na talaga ako."

Tumayo na ako at hinawakan ang kamay niya saka lumabas.

"Good Morning," bati sa amin ni Bliss habang nakangiti. Pagkabukas ko ng pinto, sumalubong sila sa amin. Nakatayo silang lahat sa harap ng pintuan.

"Bakit kayo nasa harapan ng pinto?" tanong ko.

"Hinihintay namin si Xia. Naghanda kami ng makakain," sagot ni Bliss.

"Tamang-tama gutom na ako," tugon ni Xia at saka ito sumama kila Bliss.

Hindi muna ako sumunod sa kanila.

"Bakit anim lang kayo? Nasaan si Trace?" tanong ko kay Primo nang mapansin kong kulang sila. Nagkatinginan sila na parang nagtuturuan kung sino sasagot sa tanong ko.

"Napatay siya ng killer. Nasa guest room siya ngayon," sagot sa akin ni Xavier. Bakit pakiramdam ko ang daming nangyari habang wala ako malay? Ilang araw na ba ang lumipas?

"Mahal, kain ka na din. Kayo din mga anak. Sumabay na kayo sa amin," tawag sa amin ni Xia. Medyo nagulat pa ako sa biglaang pagtawag niya sa amin. Nagbalik na talaga siya.

"Mommy... ikaw na ba talaga yan?" tanong ni Seven.

"Ako na talaga ito. Hindi na ako aalis," nakangiting sagot ni Xia. Agad na tumakbo si Seven para yakapin siya. At siyempre hindi din magpapatalo sila Hexa.

"Masaya ako para sa inyo. Buo na ulit ang pamilya niyo," sambit ni Xavier sabay tapik sa balikat ko.

"Waahhh! Apple!" masayang sabi ni Xia. Kumuha siya agad ng Apple saka ito umupo.

"Sa dami ng nakahanda, yung apple talaga napansin mo?" sabi ni Claudine.

"Okay na sa akin ito," sagot ni Xia.

"Hindi ka pa rin nagbabago. Mabuti na lang pinagawa namin ng apple pie si Hexa. Hindi ka mabubusog kung ayan lang kakainin mo," sambit ni Jason sabay baba ng apple pie.

"Good! Alam niyo talaga gusto ko. Salamat."

Bago pa siya makakuha ng apple pie, nilayo ko ito sa kanya at pinalitan ng plato na may lamang pagkain.

"Mamaya ka na kumain niyan. Hindi ka mabubusog kung ayun lang kakainin mo. Ubusin mo muna ito," sabi ko sa kanya. Mabuti na lang pinagsandok ko na siya agad ng makakain.

"Gusto ko din ng apple ice cream para sa desert."

"Gagawan kita mamaya. Ubusin mo muna yan."

"Okay! Ano pa hinihintay niyo? Kain na tayo," kinain na niya ang binigay ko sa kanya. Umupo ako sa tabi niya at nag-umpisa na din kumain.

"Kulang pa rin. Hindi sapat ang normal na pagkain para bumalik energy ko. Kailangan ko ng dugo," sambit ni Xia pagkatapos kumain. Napahikab ito bigla.

"Here. Kung kulang pa sabihin mo lang sa akin. Marami pa diyan," binigyan siya ni Xavier ng isang boteng dugo. Kung hindi ko bampira, aakalain kong red wine yung binigay niya.

"Salamat kuya!" binuksan niya ang bote at agad itong ininom. Hind man lang siya gumamit ng baso. Direkta niya itong ininom.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top