CHAPTER 29
CHAPTER 29
Apple's POV
"Kamusta siya?" tanong ko kay Dr. John sabay silip kay Zander na wala pa rin malay.
"Hindi maganda. Unti-unting humihina ang puso niya. Anytime pwede siya mamatay," sagot niya.
"Wala ba ibang paraan para iligtas siya?"
"Meron pero delikado."
"Ano pa yun?"
"Kailangan natin ng tulong ng bampirang lumason sa kanya. Pero malabong tulungan niya tayo."
"Yeah. Sigurado hihilingin niyang makuha si Hexa kapalit ng pagtulong sa kanya."
"Sasama ako sa kanya para kay Daddy," sabay kami napalingon kay Hexa.
"Hindi ako papayag," kontra agad ni Primo.
"Kanina pa ba kayo nandito?" tanong ko.
"Narinig namin yung usapan niyo tungkol sa lagay ni daddy. Wala na bang ibang paraan?" sagot ni Primo.
"Saplitang huliin yung bampirang lumason kay Zander?" suhestiyon ni Phoenix. Pagkakita sa kanya nag-init bigla ang dugo ko. Gusto ko siya sugurin pero alam ko na hindi ito ang oras para gawin iyon.
"Paano natin siya huhuliin?" tanong ni Twain.
"Sapamamagitan ni Hexa. Siya na mismo lalapit sa atin. Ang kailangan lang natin paghandaan ang pagdating niya. Wag kayo mag-aalala may plano ako."
Napataas ako ng kilay. Hindi ko gusto yung plano niya pero alam ko na walang ibang paraan. Kailangan talaga namin sumugal. Sinabi niya sa amin ang plano niya.
"Tatawagan ko sila Claude para masigurado ang kaligtasan niyo. Malakas ang kalaban, baka hindi niyo kayanin," sambit ni Kuya Xavier.
"Sabihin mo sa kanila na sa bahay na nila Zander dumiretso," sigaw ni Phoenix.
Tahimik ko lang sila pinagmasdan at sumunod sa kanila. Nagtunggo kami sa bahay nila Zander. Napagdesisyunan na dito gawin ang plano.
"Masyado ka kabado. Ayos ka lang ba?" tanong bigla sa akin ni Quade habang naghihintay. Napatingin sila sa akin. Tinignan ko sila isa-isa saka ngumiti.
"Ayos lang ako," pagsisinungaling ko.
"Kahit hindi nila mabasa isip mo halata sa mukha mo na nagsisinungaling ka," sabi bigla ng isang lalaki.
"Neil," sambit ko.
"Ano problema?" tanong niya nang makalapit sa akin.
"Maniniwala ba kayo kapag sinabi ko na pakiramdam ko ito na ang huling araw ko?" sagot ko sa kanya.
"Sa pagkakaalam ko immortal ka kaya hindi ka mamatay. Kung mamatay ka man sa papaanong para--"
Natahimik bigla ang lahat nang makaramdam kami ng isang malakas na aura. Biglang bumilis ang tibok ang puso ko. Lalo ako kinabahan. Katapusan ko na nga ba?
"Hehehe. Nalalapit din ako sayo sa wakas," sambit ng isang lalaki. Pagkarinig ko ng boses niya napatingin agad ako kay Hexa.
"Hexa, takbo!" sigaw ko pero huli na ang lahat. Isang bampira ang sumulpot sa tabi niya at dali-dali siyang hinila. Mabuti na lang malapit lang sa kanila si Phoenix.
"Saan mo siya dadalhin?" tanong ni Phoenix habang nakahawak ng mahigpit sa kamay ni Hexa.
"Sino ka?"
"Who knows? Bakit hindi mo tanungin si Hexa? Sino ba ako para sayo?"
Tinignan ni Phoenix si Hexa sabay ngiti. Hindi pa sumasagot si Hexa, alam ko na ang sagot dahil sa pamumula nito.
"Kapag nalaman ito ni Zander sigurado magagalit yun. Sa dami ng magugustuhan ni Hexa, si Phoenix pa?" komento ni Claude.
"Naiisip ko na agad itsura ni Zander. Hi Apple!" natatawang sabi ni Bliss sabay bati sa akin. Pagkakita ko sa kanila hindi ko maiwasang magtanong.
"Bakit kalmado lang kayo?"
"Hindi ko rin alam kung bakit."
"Weird! Bakit nga ba? Dapat kanina pa tayo kumilos," sabi naman ni Jason. Ngayon lang nila napansin yun? Kanina ko pa sila gusto sabihan.
"Lumabas na kayo. Kami makakalaban niyo," sigaw ni Kuya Xavier.
Isa-isang nagpakita ang mga kasamahan ng prinsepe ng mga bampira. Napakunot ang noo ko dahil hindi ko maalala ang pangalan niya. Natatandaan ko lang na prinsepe siya.
"Ano nga ulit pangalan prinsepe?" tanong ko kila Primo.
"Hindi ko matandaan," sagot ni Primo.
"Nakalimutan ko din," sabi naman ni Quade. Walang nakakaalala sa amin.
"Kids, oras na para ipakita niyo ang natutunan niyo sa amim," utos ni Jason kila Primo. Nag-umpisa sila kumilos. Ganun din sila Phoenix at ang prinsepe.
May bampirang tumakbo palapit sa akin. Handa na sana ako makipaglaban pero bigla itong nasunog. Tinignan ko si Neil.
"Kalaban ko siya," reklamo ko.
"Hindi ko sinasadya na tamaan siya," paliwanag niya.
"Okay," naghahanap ako ng bagong makakalaban. May nakita akong isang babae na nakatayo ng sa gilid. Mukhang malakas siya kumpara sa iba. Hindi na ako nagsayang oras na sugurin siya.
Habang palapit ako sa kanya bigla kami napadpad sa tabi dagat. Lahat kami natigilan dahil sa nangyari.
"Teleportation?" nagtatakang tanong ni Jason.
"Tama ka," sagot ng isang babae. Biglang naging pulang yelo ang buhangin. Napatingin kami sa babaeng nakatayo sa gitna ng dagat.
"Xia!" sambit nila Bliss. Ngumiti ang babae sabay sulyap sa akin bago tumingin sa prinsepe.
"Nawala lang ako saglit, nag-umpisa ka nanaman kumilos. Hindi mo ba titigilan ang anak ko?" sabi niya sa prinsepe.
"Walang dahilan para tumigil ako. Maliban na lang kung isusuko mo ang sarili mo kapalit ng anak mo. Hindi naman ako mapili. Kailangan ko lang babaeng magdadala ng anak ko."
Biglang lumamig ang paligid.
"Aaahhhh!" sigaw bigla ng prinsepe habang nakahawak sa puso. Tinignan niya ng masama si Xia.
"Bago mo isipin na anakan ako, siguraduhin mo muna kaya mo ko talunin. Kapag natalo mo ko, kusa ako susuko sayo."
"Baka nakakalimutan mo na hawak ko ang buhay ng asawa mo."
Tumawa bigla si Xia sabay ngiti ng matamis. Biglang napaubo ng dugo ang prisepe.
"May paraan ako para mailigtas ang asawa ko. Bibigyan kita ng huling pagkakataon mabuhay. Umalis ka na bago ka pa tuluyan mamatay."
"Siyet! Babalikan kita at ang anak mo," sigaw niya bago mawala. Naglaho din ang mga kasamahan niya.
"Kill joy," nakasimangot na reklamo ni Phoenix kay Xia.
"Nasira ko ba plano mo? Sorry. Kailangan ko pa tulungan si Zander," sagot sa kanya ni Xia.
"Xia, totoo ba yung sinabi mo? May paraan ka para iligtas si Zander?" tanong ni Trevor. Tumango si Xia saka tumingin sa akin.
"Nasa tabi niyo lang ang solusyon. Hindi niyo na kailangan ang tulong ng prisepe."
Naglakad siya palapit sa akin at kusang napaatras ang katawan ko. Nakaramdam ako bigla ng takot sa kanya.
"Sandali! Ano binabalak mo?" harang ni Neil sa kanya. Napansin niya yata ang kilos ko. Sa tagal na nakasama ko siya, madali na lang sa kanya na mabasa ang reaksyon ko.
"Kalahati ng kaluluwa ko nasa kanya. Oras na para bawiin ko ito."
"Ano mangyayari sa kanya pagkatapos?"
"Magiging iisa kami. Babalik sa normal ang lahat. Tapos na ang misyon niya. Oras na para magpahinga siya."
"Misyon?"
"Oo. Misyon niya na protektahan ang pamilya ko habang wala ako. Pero dahil sa nangyari sa kanya bago ka niya makilala, nagkaroon ng problema. Bago pa lumala ang problemang yun kailangan na niya mawala."
Tinignan ako ni Neil.
"Mas mabuti na din ito para sayo. Bago ka pa mahulog mas magandang mawala na siya," dugtong ni Xia. Hinawakan niya sa balikat si Neil. Hindi na siya nakagalaw pagkatapos nun.
"Kailangan ko ang puso mo para mailigtas si Zander. May gusto ka bang sabihin bago mawala?" tanong niya sa akin.
"Bigyan mo pa ako ng oras. Gusto ko muna mahiganti bago mawala," sagot ko. Hindi ko pa napapatay ang mga lalaking naglaro ng katawan ko.
"Ako na tutuloy ng paghihiganti mo. Tandaan mo na iisa lang tayo."
"Salamat. Handa na ako."
"Wala ka na ba ibang sasabihin?"
"May gusto pa pala ako malaman. Bakit kayo nakikipagtulungan sa pumatay sayo? Tanda ko na siya ang pumatay sa akin," turo ko kay Phoenix.
"Sa dami ng pwede mo maalala ayun pa. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko magawang magalit sa kanya kahit na siya pumatay sa akin. Siguro dahil sa kanya, nakabalik ako sa main body ko."
"Si Phoenix pumatay sayo?" tanong ni kuya Xavier. Tumango si Xia bilang tugon.
"Sabi na nga ba. Hindi ka dapat pagkatiwalaan!" sigaw ni Jason.
"Wag ka mag-aalala Apple, ipahihiganti ka namin. Kami na bahala kay Phoenix," sabi sa akin ni Claude. Sabay-sabay nila inatake si Phoenix.
"Teka! Magpapaliwanag ako! Ahhhh! Ang init!" sigaw ni Phoenix habang nag-aapoy.
"May gusto ka pa bang sabihin?"
Umiling ako bilang tugon. Itinapat niya ang nagyeyelong kamay niya sa puso ko.
"Salamat sa lahat," aniya bago ibaon ang kamay niya. Napasigaw ako sa sakit. Hinawakan ko ang braso niya habang tinitiis ang sakit.
Mula sa kamay ko isang tangkay ng rosas ang tumubo. Pumulupot ito sa kamay ni Xia. Kitang-kita ko pa na may ugat na pumasok sa balat niya upang sipsipin ang dugo niya tulad ng isang bampira. Kumalat ang tangkay sa katawan niya hanggang sa pulang rosas ang tumubo.
Nanlamig ang katawan ko lalo na sa parteng puso ko. Ramdam ko ang paghawak ni Xia dito. Nawala na din ang sakit na nararamdaman ko. Pagkalipat ng tangkay kay Xiau unti-unting naging abo ang katawan ko. Nilipad ito patunggo sa dagat. Alam ko na oras ko na.
"Paalam na," nakangiting sabi ko kila Neil bago tuluyang maglaho.
********
Xia's POV
Tinignan ko ang pusong nakuha ko kay Apple. Ngayon ko lang ito nakita ng malapitan. Kakaiba nga ito sa lahat dahil tumitibok pa rin ito kahit nasa loob lang ito ng ice cube.
"Mauna na ako sa inyo. Kailangan ko pa iligtas si Zander," paalam ko sa kanila at bago pa ako magteleport tinignan ko muna si Phoenix.
"Pinapatawad na kita sa ginawa mo pero mula ngayon sa akin na itong puso," sabi ko sa kanya.
Nagteleport ako agad sa kwarto ni Zander.
"Sana matagumpay ako," hiling ko. Lumapit ako kay Zander.
Ginawa kong yelo parte kung nasaan ang puso niya. Pinatakan ko ito ng dugo ko at bigla itong nalusaw. Ngunit hindi ito kumalat sa kawatan ni Zander. Nanatili lang ito sa bandang puso niya. Para itong nagkaroon ng butas na naglalaman ng dugo.
Hinulog ko doon ang pusong hawak ko. Natunaw ito bigla at naghalo sa may dugo. Sapamamagitan ng x-ray vision ko, nakita ko ang pagpasok nito sa puso ni Zander hanggang sa mawala ito.
Pinagmasdan ko si Zander kung may pagbabago ba siya. Una ko tinignan ang buhok niya at tulad ng inaasahan ko naging pula ito.
"Natagumpay ba ako?" kinakabahang sabi ko. Ayon sa nabasa ko pwedeng mamatay si Zander kapag nagkamali ako.
Nanlaki ang mata ko nang tumigil sa pagtibok ang puso niya. Wag mo sabihin na nabigo ako? Hindi ako papayag!
"Mahal gumising ka na! Nagbalik na ako," tinapik-tapik ko siya. Bigla ito gumalaw.
"Zander?" tawag ko sa kanya. Sinulyapan ko puso niya, hindi pa rin ito tumitibok. Naguguluhan na ako sa nangyayari. Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko, bigla ako hinila ni Zander at niyakap.
"Weird! Hindi tumitibok ang puso niyo pero gumagalaw siya. Side effect ba ito ng heart fusion?" bulong ko. Natigilan ako bigla nang kagatin ako ni Zander sa leeg at sipsipin ang dugo ko.
Hindi ako kumilos at pinakiramdaman ang puso ni Zander. Napangiti ako nang mag-umpisa na itong tumibok. Subalit tuloy pa rin siya sa pagsipsip ng dugo ko. Para siyang nagutuman.
Hindi naman niya siguro uubusin dugo ko hanggang mamatay ako? Nakaramdam ako bigla ng antok, senyales na nanghihina na ako.
"Naalala ko na ilang araw na ako walang tulog. Oras na siguro para magpahinga ako," sambit ko bago matulog habang nakayakap kay Zander.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top