CHAPTER 28
CHAPTER 28
Hexa's POV
"Tuloy pa rin ang pagpatay ng pinaghahanap na killer. Habang tumatagal padami ng padami ang nabibiktima nito. Sa isang nakadalawa o tatlo ang napapatay ng killer," napatingin ako kay tito Phoenix nang patayin niya bigla ang tv.
"Kain na," aniya sabay baba ng remote. Tumayo na ako at sumunod sa kanya. Dalawang lingo na ang nakakalipas simula noong tumira ako dito. Minsan siya naghahanda makakain. Minsan ako.
"Ano ituturo mo ngayon?" tanong ko sa kanya.
"Wala na. Naturo ko na lahat. Kailangan mo na lang ng actual experience."
"Ano gagawin natin ngayon?"
"Manghihingi tayo ng misyon kila Rain. Manghuhuli tayo ng bampira."
"Eh? Bawal kami sumama kila Kuya Rain."
"Wala naman ang dati mo. Ayos lang yun. Saka kasama mo naman ako. Hindi kita pabayaan."
"Okay," nakangiting sabi ko. Gusto ko yung sinabi niya na hindi niya ako pababayaan kahit alam ko na gagawin lang niya yun dahil kila daddy.
"Pagkatapos mo diyan, magbihis ka na. Aalis tayo agad," aniya saka tumayo. Tinignan ko ang plato niya na wala na laman. Ang bilis naman niya kumain? Wala pa sa kalahati yung nakakain ko pero siya tapos na agad.
"Saan ka pupunta?" tanong ko nang mapansin ko na sinuot niya ang sumbrero niya.
"May bibilhin lang ako," paalam niya. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan sa sala.
"Makakain na din ako sa wakas!" napalingon ako kay Yeri na nagpalit agad ng anyo para makikain. Hindi ko alam kung bakit sa akin lang niya pinapakita ang totoong anyo niya. Kapag kasama namin si tito Phoenix, umaarte siya na katulad sa normal na pusa.
"Alam mo ba kung nasaan si
mommy?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko alam. Ang alam ko lang umalis siya para alamin kung anong misteryo bumabalot sa puso ng ate ni Phoenix. Kung hindi siya busy hindi sana dumami ang nabibiktima ng deathless killer."
"Deathless killer?"
"Tawag namin yun sa killer na nasa balita kanina."
Tinanguan ko siya bilang tugon. Saka binigay sa kanya ang tira namin pagkain bago tumayo.
"Maliligo na ako," paalam ko sa kanya saka niligpit ang pinagkainan ko. Matagal ako maligo kaya habang wala pa si tito, uumpisahan ko na. Ayokong paghintayin siya ng matagal. Mabuti na lang matagal bago siya bumalik. Nakabihis na ako pagdating niya.
"Tagal mo," nakasimangot na sabi ko. Inabot niya sa akin ang dala niyang paper bag.
"Gamitin mo yan."
Pagtingin sa laman ng paper bag. May laman itong parang smart watch, hoody jacket, glasses at earpiece na parang hikaw. Katulad ito ng ginagamit nila Ate Kia.
"Hindi ko alam ang mga ito."
Pamilyar ko sa gamit pero masyado maraming hidden function ang mga ito kaya hindi ko alam gamitin.
"Tuturuan kita. Suot na muna. Magbihis lang ako saglit."
Nagtunggo siya sa kwarto at ako naman sinuot ang jacket na binigay niya. Paglabas niya ng kwarto tinuro niya sa akin kung paano gamitin yung mga binigay niya bago kami umalis. Pagdating namin sa opisina nila kuya Rain, una ko napasin na wala ang iba sa kanila. Tanging si Ate Kyla at Neil lang ang nandoon.
"Nasaan sila Rain?" tanong ni tito.
"Nag-iimbistiga tungkol sa nababalitang killer. Tatlo sa client namin biktima ng killer," paliwanag ni Kyla sa pamamagitan ng telepathy. Tuloy lang siya sa pagpindot sa laptop niya habang sumasagot. Nilapitan ko si Neil na abala din sa kakapindot ng laptop.
"Bakit nandito ka?" tanong ko.
"Pinapunta ako dito ni master para makipagtulungan sa pag-iimbistiga sa killer."
"Bakit ikaw lang nandito? Nasaan si tito Claude?"
Tinuro niya ang screen ng laptop. Sinilip ko naman ito at nakita si tito Claude na naglalakad. Mula sa gilid ng video, may letra at number na hindi ko maiintindihan. Tuloy lang sa pagpindot si Neil sa keyboard. Para siyang nagsusulat ng code.
"Not bad. Tinuruan ka ba ni Claude?" tanong ni tito.
"Hindi."
"Hacker ka na noon?"
"Marunong lang ako pero hindi ako hacker."
Halata sa tono ni Neil na nainis ito sa sinabi ni tito. Hindi na lang ako umimik.
"Ano pinunta niyo dito?" tanong ni Ate Kyla.
"May extra case ba kayo?"
Tinuro ni Kyla ang nakatambak na folder sa isang table. Agad na nagpunta doon si tito at isa-isa itong binasa.
"Mag-iimbistiga din kayo?" tanong ni Neil. Nagtataka siguro ito dahil pinagbawalan kami ni daddy na humawak ng kaso.
"Oo. Para sa special training ko."
Hindi na ito nagtanong at nakipag-usap kay tito Claude. Hindi ko na siya inabala pa. Lumapit na lang ako kay tito Phoenix. Bigla ito tumigil sala sinara ang folder na hawak niya.
"May nakita na ako kaso na bagay sayo. Alis na kami," sambit ni tito saka ito naglakad palabas. Wala ako nagawa kundi sumunod sa kanya. Hindi man lang niya sinabi sa akin kung anong kaso kinuha niya.
*******
Third Person's POV
"Hulihin niyo siya! Bantayan niyo ang 'Book of Life and Death'. Wag niyo siya papasukin!" sigaw ng isang lalaking bampira habang hinahabol si Xia.
Napabuntong hininga si Xia nang makita niya may paparating limang bampira sa harapan niya.
"Mukhag wala akong choice kundi lumaban," pabulong na sabi niya. Wala sana siya balak makipaglaban. Ang gusto lang niya nakawin ang librong naglalaman ng impormasyon tungkol sa puso na kasalukuyang bumubuhay kay Apple.
Kinagata niya ang kamay niya upang sugatan ito at lumikha ng sandata sapamagitan ng dugo niya. Naging korteng baril ito. Kumpara sa pangkaraniwang sandata na gawa sa dugo, nagyeyelo ang dugo baril. May iilang pumatak sa sahig na nagdulot din ng pagkakaroon ng pulang yelo. Dahil sa yelo nag-umpisang bumagal ang kilos nila.
"Eh? Mukhang may bagong ability nanaman ako? Interesting," sambit ni Xia saka ito tumakbo ng mabilis at isa-isa niyang pinagbabaril ang limang bampira. Humarap din siya sa mga humahabol sa kanya sa likod at pinagbabaril bago tumakas.
Paulit-ulit ang ginawa niya hanggang sa makarating siya kwartong pinaglalagyan ng libro.
"Hanggang dito ka na lang! Hindi namin hahayaan makuha mo ang libro!" sigaw ng bantay. Tumawa lang si Xia at nagpakawala ng yelo. Sa isang iglap naging yelo ang mga bampirang nagbabantay sa pintuan.
Binuksan agad ni Xia ang pinto ng kwarto. Pagkapasok niya bumungad sa kanya ang isang libro na nasa gitna ng kwarto.
"Anong patibong kaya nilagay nila?" inobserbahan ni Xia ang paligid bago ito kumilos. Kahit na alam niya na walang silbi ang patibong mas mabuti na maging alerto.
Pagkahakbang niya isang arrow ang lumabas mula sa pader.
Mabuti na lamang at lumabas ang malakas na pwersa sa katawan ni Xia. Nagsilbing itong barrier. Lahat ng arrow na tumama dito ay nawasak at tumalsik.
"Matagal-tagal ko na din hindi ito nagagamit. Naalala ko tuwing nanganganib ang buhay ko, automatic itong lumalabas para protektahan ako."
Tinuloy na niya ang paglakad at hinayahang protektahan siya ng malakas na pwersang nakapalibot sa katawan niya. Nang makalapit na si Xia sa libro, saktong may nagbukas ng pinto.
"Pigilan niyo siya!" sigaw ng matandang lalaking nabukas ng pinto pero huli ang lahat. Kinuha ni Xia ang libro at tinignan lang ang mga palapit na bampira sa kanya.
"Kung ayaw niyo mamatay, wag kayo lalapit sa akin," paalala ni Xia.
Hindi sa kanya nakinig ang mga bampira. Umatake sila agad na akala mo mabangis na lion na nakakita ng makakain.
"Aaahhh!" sigaw ng isa sa kanila pagkatapos nito dumikit sa pwersang nakapalibot kay Xia. Naputol ang kamay nito na susuntok sana.
"Sinabihan ko na kayo na wag kayo lalapit sa akin."
Nanlaki ang mga mata ng nakakita sa nangyari. Lahat sila natigilan. Hindi na nagsayang ng oras si Xia, agad ito nagteleport patungo sa labas ng tower na kinaroroonan niya.
"Mission Accomplished!" masayang sabi ni Xia. Inangat niya ang libro habang nakatingin dito.
"Kailangan ko na bumalik sa mortal world," aniya at muli itong nawala sa kinatatayuan niya.
Samantala, sa masikip na eskinita isang lalaki an hinahabol ng isang lalaki.
"Malapit na kami. Maghanda ka na," sambit ni Phoenix habang tumatakbo.
"Okay," sagot ni Hexa.
Nang makita niya ang bampirang huhuliin nila, lumundag siya patungo dito. Hindi siya nito nakita dahil kasalukuyan siyang invisible.
"What the hell!" gulat na sabi niya nang maramdaman niya ang malamig na kamay sa balat niya.
Unti-unti itong nagyelo hanggang sa kumalat ito sa katawan niya.
"Siyet! Trap!"
Napatingin ito kay Phoenix na kakarating lang. Matalim niya ito tinignan. Sinubukan niyang sugurin ito, subalit hindi siya makagalaw. Paglingon niya sa paa niya, nagyeyelo na din ito.
"Good job!" puri ni Phoenix kay Hexa kasalukuyang nakahawak sa daanan upang gawing yelo ito. Nakaupo ito sa harapan ng lalaki.
Mula sa paanan ng lalaki patuloy na kumakalat ang yelo haggang tuluyan na ito naging yelo.
"Boring! Wala ba mahirap na misyon?" reklamo ni Hexa dahil paghuli lang ng isang
magnanakaw ang ginawa nila. Idagdag pa na wala siyang ibang ginawa maliban sa maghintay sa target at gawin itong yelo.
"Ako malalagot kila Xia kapag mahirap na misyon kinuha ko. Masyadong delikado yun."
Sinimangutan siya ni Hexa. Inasahan niya na mapapalaban siya pero sa huli si Phoenix lang ang nakipaglaban.
"Let's go!" sambit ni Phoenix saka binuhat ang nahuli nila upang dalhin sa kulungan. Sumunod na lang si Hexa. Gusto niya magreklamo pero alam niyang para sa kaligtasan niya ang ginagawa ni Phoenix.
Pagkaalis nila isang lalaking bampira ang biglang sumulpot. Tahimik lang nito pinagmasdan sila Hexa.
"Tama ang hinala ko. Siya na nga ang hinahanap ko," bulong nito.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top