CHAPTER 25

CHAPTER 25

Hexa's POV

Tahimik lang kami nakatingin kila lolo habang ginagamot nila si daddy. Bawat kilos nila sinusundan namin ng tingin. Base sa itsura nila hindi maganda ang lagay ni daddy. Mukhang may natuklasan sila habang ginagamot nila ito.

"John!" sigaw ni lolo Hayato.

"Mabuti nandito ka na."

"Kamusta lagay ni Zander?"

"May lason na kumakalat sa katawan niya. Hindi ko alam kung anong klaseng lason ito."

"Lason?"

"Inaatake nito ang nerve cell ng isang tao. Kung magpapatuloy ang pagkalat nito maaring maapekto ang utak ni Zander at mawala sa sarili hanggang sa mamatay ito."

"Gawa ba sa dugo ang armas na ginamit sa kanya?"

"Paano niyo po nalaman?" gulat na tanong ni Kuya Primo.

"May iba't-ibang gamit ang dugo ng bampira. At isa na dito ang paglikha ng sariling sandata sa pamamagitan ng pagkontrol ng sariling dugo. Isa sa pinakatatagong technique ng mga bambira. Kadalasan mga may dugong bughaw lamang ang may alam nito. Hindi din lahat kayang gawin yun."

"Mamatay po ba si daddy?" tanong ko.

"Nakadipende iyon sa daddy mo kung magpapatalo ba siya sa lason na pumasok sa katawan niya. Lahat ng bampira may pangontra sa lason ng kapwa bampira. Kung may antidote sa lason na yun walang iba kundi ang sariling dugo namin."

"Wala na po bang ibang paraan?"

"Pwede din gumawa ng sariling gamot sa pamamagitan ng pag-aaral sa dugo ni Zander pero matatagalan pa iyon."

"Dad, si Zander!" sigaw ni Tito Xavier. Paglingon namin kay Dad unti-unting nagyeyelo ang hinihigaan nito pati na din ang katawan niya.

"Daddy!" natatarantang sigaw ko. Lalapitan ko na sana siya pero pinigilan ako ni lolo.

"Wag ka mag-aalala. Reaction iyan ng nilagay sa katawan ni Zander para magkaroon siya ng ice ability. Sa ngayon pinipigilan nito ang pagkalat ng lason," paliwanag ni lolo Hayato. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang maging kalmado sa kabila ng lagay ni daddy.

"Ang lamig," sambit ni Seven sabay yakap sa sarili nang mapalibutan kami ng yelo. Ibang-iba ito sa yelong ginamit ni Apple sa sasakyan. Bumaba ang temperature ng paligid.

"Sa labas na tayo mag-usap. Iwan na muna natin si Zander dito," suhestiyon ni tito John. Pinauna niya kaming palabasin.

"Achoo!"

"Sabay pa talaga kayong pito," natatawang sabi ni Tito Xavier.

"Ang masama niyan kung magkasakit sila ngayon," sambit ni Lolo John. Sabay-sabay kasi kami nagkakasakit. Kapag nilagnat ang isa, lalagnatin na din kaming lahat.

Pinagtimpla kami ng mainit ni tsa nila lola. Habang nag-uusap sila tumambay kami sa kusina at doon kumain. Wala din naman kami maitutulong kahit makinig kami sa usapan nila.

"Alam kaya ni mommy kung ano nangyayari ngayon kay daddy?" tanong bigla ni Kuya Quade.

"Oo nga no? Paano kaya nalaman ni mommy na may masamang nangyayari sa atin? Sakto lang yung pagdating niya," tugon ni Kuya Primo.

"Baka alam niya kung ano nangyayari kay Apple. Baka hindi natin alam nakikita at naririnig lahat," panghuhula ko. Tinignan namin si Apple na tahimik lang na nakikinig sa usapan namin.

Ilang beses na din kami tinulungan ni Apple. Lagi niya din kami nililigtas. Siguro nandito siya para protektahan at bantayan kami habang malayo si mommy.

"Pwede ko ba kayo maistorbo saglit? May importanteng sasabihin lang ako sa inyo," sabay kami napalingon kaya Tito Kenji. May hawak-hawak itong suitcase. Nakasunod sa kanya si Lolo Hayato.

"Ano po yun?" tanong ni Kuya Primo.

"Kinausap ako ng mommy niyo kanina. Nakiusap siya sa akin na bigyan kayo ng special ability katulad ng ice ability nila," paliwanag ni Tito Kenji.

Binuksan niya ang dala niyang suitcase na may injections at maliliit na bote na naglalaman  na kulay green na liquid. May nakalagay doon na ice, lightning, water, air, earth, fire at metal.

"Hindi ba magagalit si Daddy niyan?" tanong ni Kuya Primo.

"Ako na bahala sa daddy niyo. Request yan ng mommy niyo at binigyan din namin siya ng permiso," singit ni Lolo Hayato.

"Wag kayo mag-alala, tuturuan  namin kayo kung paano kontrolin ang ability na makukuha niyo," nakangiting sabi ni Tito Trevor na kakapasok lang. Kasama niya sila Tita Claudine.

"Nasaan si Claude?" tanong ni Tito Kenji dahil si Tito Claude lang ang wala.

"Abala siya sa pag-iimbistiga tungkol sa killer na nagpopost sa fb. Inaalam niya kung sino yung mga nakapanood ng bagong video," paliwanag ni Tita Claudine. Tinanguan siya ni Tito Kenji bago binalik ang tingin sa amin.

"Pumili na kayo," aniya sabay tingin sa laman ng suitcase.

"Ice sa akin!" sabi ko agad bago pa ako maunahan nila kuya. Sakto lang kasing pito ang dala niya. Kinuha ito ni Tito Kenji at saka ito tinurok sa akin.

Nagsipilian na din sila kuya. Earth ang kinuha ni Kuya Primo, Lightning kay kuya Twain, Fire kay Kuya Trace, Metal kay Kuya Quade, Water kay Ate Quinn at Air naman kay Seven.

"Ngayon nakapili na kayo sasabihin ko sa inyo kung sino magtuturo."

"Hula ko si Tito Xavier magtuturo sa akin dahil parehas kami ng special ability," sambit ni Kuya Quade.

"Ganun na nga. Kung mapapansin niyo kaparehas ng mga special ability namin ang pinagpilian niyo. Marami pang ibang pwedeng pagpilian pero sinadya kong dalhin yung mga pinili namin noon," paliwanag ni Tito Kenji.

"Alam ko na din kung sino magtuturo sa akin!" sambit ni Kuya Trace sabay lapit kay tito Jason.

Lumapit na din si Ate Quinn kay Tita Claudine. Si Seven naman kay Tita Bliss lumapit. Tinabihan naman ni Tito Trevor si Kuya Primo. Si Kuya Twain naiwang nakatayo pero nakatingin siya kay tito Kenji.

"Sino matuturo sa akin?" tanong ko.

"Ako," sabi ng isang batang babae sa tabi ko. Ngayon ko lang ito napansin dahil sa liit ito.

"Eh? Ikaw magtuturo sa kanya? Ang bata mo para maging teacher niya," tanong ni Apple. Hindi niya alam na si Tito Phoenix at ang batang babaeng kausap niya iisa. Kung makikita niya si Tito Phoenix, sigurado aatakihin nanaman niya ito.

"Hindi na ako bata," tugon nito bago ako nilingon. "Bukas pagkatapos ng klase niyo dumiretso ka sa condo."

"May ideya ako. Bakit hindi na lang kayo tumuloy sa mga bahay namin? Sina Trace at Quinn sa bahay muna namin," suhestiyon ni Tito Jason.

Si Tito Phoenix magtuturo sa akin, ibig sabihin makakasama ko siya? At kami lang dalawa sa condo niya.

"Gustong-gusto mo yung ideya ni tito no?" bulong sa akin ni Quinn. Nag-init bigla ang mukha ko. Halata ba na gusto ko makasama si Tito Phoenix?

"Magandang ideya yan! Bukas pagkagaling niyo ng school dumiretso na kayo sa bahay ng nga magtuturo sa inyo," singit ni Lolo Hayato.

"Paano si Apple?" tanong ni Kuya Primo.

"Sasamahan namin siya sa bahay niyo. Kailangan ko din pag-aralan ang kondisyon ng daddy niyo kaya dito na muna kami."

Tinanguan namin siya bilang tugon.

"Ayos na ang lahat. Bakit hindi na muna kayo umuwi? May pasok pa kayo bukas. Ayusin  niyo na din gamit niyo pala madala na namin mamaya pag-uwi namin. Susunduin na lang namin kayo bukas," sabi sa amin ni Tito Trevor.

"Sige po tito! Uwi na po kami," tugon ni Kuya Primo.

*******

Third Person's POV

"Nakakainis! Nakakainis talaga! Sino ba yung babaeng pakilamera kanina!" inis na sabi ng babaeng may pulang buhok. Umupo ito sa sofa.

"Hindi pa rin ba nawawala galit mo? Ang dami mo na pinatay ngayon araw," sabi ng isang lalaki habang nagpipindot ng laptop.

"Hindi pa rin! Gusto ko mahiganti sa pakilamera nun.  Kamuntik na ako mahuli sa kanya."

"Hindi mo ba siya nakilala? Si Xia ang nakaharap. Tingin mo may iba pa na pwedeng makatapat mo?"

"Impossible yan Master! Akala ko ba nawalan siya ng alaala?"

"Nakausap si Prince Wilson. Nakaharap daw nila si Xia kanina. Hindi totoong nawalan ito ng alaala. Nagpapanggap lang daw ito para mahuli tayo."

"Sigurado ba siya diyan?"

"Bakit hindi natin alamin kung totoo nga ba ang sinabi niya? May plano ako. Sakto na isa sa anak niya ang sunod sa listahan."

Tinignan ng babae ang listahan at saka ito napangiti.

"Chamuel Trace Hudson," basa nito sabay tawa na parang demonyo. "Ano kaya kapangyarihan makukuha ko kapag nainom ko dugo niya?"

"Wala ka makukuha  sa kanya. Tao lang siya. Kung gusto mo ng kapangyarihan isa sa mga kapatid niya ang piliin mo. Mental ability ang common ability na meron sila. Makakasama mo si Prince Wilson mamaya."

"Wala ako problema doon. Yung babaeng gusto lang naman niya ang target niya. Basta wag siya magiging sagabal sa akin."

"Wag ka mag-alala. Napagplanuhan na namin ang lahat," nakangising sabi ng lalaki sabay patay ng laptop niya.

Samantala, tahimik lang nakatunganga si Xia sa picture ng pamilya niya.

"Kanina mo pa tinitignan yan. Ano iniisip mo?" pansin sa kanya ni Yeri.

"Hindi maganda kutob ko ngayon. Sana masunod lahat ng plano natin."

"Sigurado ka ba talaga na nakipagtulungan sa kanila si Prince Wilson?"

"Sa tingin mo madali lang para sa prinsepe ang makakuha ng impormasyon tungkol sa pamilya ko? Isang tao lang ang kilala ko na magaling sa pagkuha ng impormasyon."

Sinugatan ni Xia ang kamay niya at inumpisahang kontrolin ang dugo niya upang bumuo ng weapon. Matagal na niya pinag-aaralan ang hidden techniques nila Price Wilson. Ninakaw pa niya ang libro nito para lang mapag-aralan ito.

"Sablay nanaman!" napabuntong hininga si Xia nang tumalsik ang dugong kinokontrol niya. Hanggang ngayon hindi pa rin niya magawa ang technique.

"Mahirap talaga ang technique na yan. Taon ang tinatagal para makontrol ang dugo. Idagdag pa na nakakamatay ang technique na yan dahil nakakalason ito sa mga mahima na nasusugatan nito."

"Lason?"

"Hindi mo alam? Minsan ka na nasugatan. Wala ka ba naramdaman sa katawan mo nun?"

"Wala."

"Wala?!"

"Bakit gulat na gulat ka?"

"Paano ako hindi magugulat? Kung wala lang sayo ang weapon na yun ibig sabihin mas high quality ang dugong meron ka kumpara sa royal blood nila Prince Wilson. May high resistance ang dugo mo kaya wala ka man lang naramdaman. Sigurado ka bang hindi ka pureblood vampire?" paliwanag ni Yeri.

"Artificial Vampire lang ako," sagot ni Xia. Biglang nanlaki ang mata ni Yeri na ikinataka ni Xia.

"Master, yung mata mo!" turo nito sa mata ni Xia.

"Bakit? Ano meron sa mata ko?" pagtingin nito sa salamin laking gulat nito na naging kulay lila ang kulay asul na mata niya. Ayon sa sinabi sa kanya ni Phoenix, nag-iiba ang kulay ng mata ng isang blackstone kapag malakas na ang kapangyarihan nila.

'Kung ako sayo hindi ko hihilinging mag-iba ang kulay ng mata ko. Kapag naging kulay lila ang mata mo, mas doble ang lakas ng kapangyarihan mo at mas mahirap ito kontrolin,' bilin sa kanya ni Phoenix noon.

"Waaaahhhh! Ano ginagawa mo?! Balak mo ba ako patayin?" gulat na sabi ni Yeri nang biglang nag-apoy ang kamang inuupuan niya.

"Sorry! Hindi ko sinadya!" natarantang sabi ni Xia. Pagkahawak nito sa upuan na inuupuan niya pagkatapos tumayo, bigla ito natunaw.

"Wag mo sabihing hindi mo nanaman makontrol kapanyarihan mo?" namumutlang sabi ni Yeri. Naalala niya noon na minsan na sumabog ang tinutuluyan nila habang nagpapractice itong kontrolin  ang kapangyarihan nito.

"Hindi handa ang isip ko sa pagtaas ng level ng kapangyarihan ko. Bago pa tuluyang masira itong tinutuluyan nito mas mabuting lumayo muna ako. Alis muna ako," paalam ni Xia bago ito nagteleport sa isang isla na walang isang tao.

Napaluhod ito bigla nang sumakit ang puso niya. Pakiramdam niya nag-aapoy ito. Habang ang katawan niya naman nanlalamig. Napasuka ito bigla ng dugo at nagulat ito nang biglang nagyelo ang parteng natuluan ng dugo niya.

"Red ice," sambit ni Xia nang makita ang kulay pulang yelo. Sinubukan niyang gawin yelo ang paligid para tignan kung nagbago ang kulay ng special ability niya. Hindi siya makapaniwala sa bumungad sa kanya. Napalibutan siya na kulay pulang yelo na aakalaing nagyeyelong dugo. Napangiting na lamang ng mapait si Xia dahil  kahit kailan hindi niya ginusto ang kapangyarihan niya. Ngunit para sa pamilya niya sinanay niya ang sarili na gamitin ito.

Habang malalim itong nag-iisip, isang malakas na pwersa ang nilabas ng katawan niya. Nagdulot ito ng pagkabasag ng yelong nakapaligid sa kanya.

"Nagiging halimaw na yata ako," bulong niya pagkatapos makita ang resulta ng pagsabog. Napahiga na lang siya dahil sa pagod. Nawala na rin ang sakit na nararamdaman niya pagkatapos maglabas ng kapangyarihan ang katawan niya.

Itutuloy....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top