CHAPTER 24
CHAPTER 24
Third Person's POV
"Daddy..." sambit ni Seven. Hindi sila makapaniwala sa napanood nila. Natalo si Zander sa mga bampirang humarang sa kanila. Nakahandusay ito sa daanan habang sugatan.
"Daddy! Apple, lalabas ako! Kailangan ni daddy ng tulong," sigaw ni Primo subalit umiling lang si Apple.
"Ano pa hinihintay niyo?! Kunin niyo na si Hexa!" sigaw ng prinsepe.
"Pero napapalibutan sila ng yelo," tugon ng isa sa kanila.
Tignan ng prinsepe ang sasakyan saka hinugot nito ang espadang dala at tunutok kay Zander.
"Lumabas kayo sa sasakyan kung ayaw niyo patayin ko ang lalaking ito," pananakot niya .
"Apple," pangkukumbinsi ni Primo.
"Paano si Hexa? Hahayaan niyo na lang ba makuha siya?" tugon ni Apple. Nais niya din tulungan si Zander ngunit alam niyang pareho lang silang mapapahamak.
"Wag ka mag-aalala. Kaya ko protektahan ang sarili ko," sambit ni Hexa.
"Hindi din namin siya hahayaang makuha. Sama-sama tayog tatakas pagkatapos natin makuha si daddy," sambit ni Primo.
"Kung ganun hayaan niyong ako magligtas sa daddy niyo," sambit ni Apple saka ito lumabas sa sasakyan. Nang makalabas ito mas dinoble niya ang yelong nakapalibot sa sasakyan.
Aatake na sana ito subalit bago pa siya makalapit sa isa sa mga bampirang nakabantay sa sasakyan, naglaho ito bigla at napalitan ng isang babaeng may kulay asul na buhok.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Binalaan na kita na wag na wag mo pakikialaman ang pamilya ko," galit na sabi ni Xia habang masamang nakatingin sa prinsepe. Napalibutan ito ng malakas na pwersa at sa isang iglap tumalsik ang mga bampira na nakatayo malapit sa kanya.
"Wala ako masamang tensyon sa pamilya mo. Ang nais ko lang mapakasalan ang anak mo," tugon nito.
"Wag niyo idamay ang anak ko sa mga plano niyo. Gagamitin niyo lang siya para mas lumakas ang kaharian niyo."
"Ano naman ngayon? Lahat gagawin ko para mas lumakas kami at mas katakutan ng ibang kaharian."
Lalong sumama ang tingin ni Xia sa prinsepe. Nanlaki ang mata ng prinsepe nang makaramdam ito panghihina. Pakiramdam niya unti-unting hinihigop ang lakas niya. Napamura na lang ito sa isip nang kapantanto niya ang nangyayari sa kanya. Hindi inalis ni Xia ang tingin niya sa prinsepe habang palapit ito dito. Sinubukan siya atakihin ng mga kasamahan nito subalit tumatalsik lamang sila bago pa nila ito masaktan.
"Maawa ka sa prisepe! Humihingi kami ng tawad sa ginawa namin. Nakikiusap ako wag mo saktang ang mahal na prinsepe," takot na sabi ng isang lalaki na kanang kamay ng prinsepe. Lumuhod ito sa sahig.
"Palalampasin ko itong ginawa niyo ngayon, pero oras na umulit kayo hindi ako magdadalawang isip na patayin kayong lahat! Umalis na kayo bago pa magbago isip ko," tugon ni Xia. Agad na hinila ng lalaki ang prinsepe at patakbong umalis.
Napabuntong hininga si Xia nang tuluyan na silang mawala sa paningin niya. Laking pagpapasalamat niya dahil natutunan na niyang kontrolin ang kapangyarihan niya. Mabuti na lamang ay minsan na niya nahawakan ang prinsepe kaya tinatablan ito ng kapangyarihan niya kahit tignan lang niya.
"Mahal..." tawag niya kay Zander sabay upo sa tabi nito. Hinawakan niya ito sa mukha at saka napangiti.
"Salamat ligtas ka," aniya sabay habay halik sa lalaki bago ito tumayo. Tinignan niya muna ang sasakyan bago ito muling makipagpalit ng posisyon kay Apple. Kasabay nun ang pagkawala ng yelo sa sasakyan.
Nagulat si Apple nang muli siyang makabalik sa lugar kung nasaan sila Zander. Wala ito ideya sa kung ano nangyari basta na lamang siya napadpad sa isang kwarto na hindi pamilyar sa kanya at ngayon nakatayo na siya sa tabi ni Zander.
"Ano nangyari? Nasaan na yung kalaban?" tanong ni Apple kila Primo.
"Hindi ko rin alam kung ano ba talaga nangyari. Basta bigla ka na lang nawala tapos nung bumalik ka iba na itsura mo. Nakipaglaban kang mag-isa," paliwanag ni Trace.
"Eh? Hindi ako yun. Napunta ako bigla sa isang kwarto tapos pagbalik ko dito tapos na ang laban."
Nagulat ang lahat sa sinabi ni Apple. Akala nila nagbago lamang ito ng anyo kanina pero dahil sa sinabi nito naisip nila na ibang tao ang tumulong sila.
"Ibig sabihin si Mommy talaga yung kanina?" naguguluhang sabi ni Trace.
"Mamaya na kayo mag-usap. Tulungan niyo muna dito. Hexa tawagan niyo si Tito Xavier, Twain, tulungan niyo ko ihiga sa sasakyan si daddy," singit ni Primo sa usapan nila. Habang hinihintay nila si Xavier, tinakpan mula muna ni Apple ng yelo ang mga nagdudugong sugat ni Zander.
"Kamusta ang lagay ng daddy niyo?" tanong ni Xavier nang makita nito sila Primo. Nasabi na sa kanya ni Hexa ang sitwasyon nila.
"Pasamantalang pinahinto ni Apple ang pagdudugo ng sugat niya," paliwanag ni Primo. Nagpatulong si Xavier kila Primo na ilipat sa sasakyan niya si Zander upang maidala ito sa bahay nila.
"Wag kayo mag-alala. Papunta na ang lolo niyo. Hindi normal na armas ang ginamit sa kanya. Ano ba nangyari?"
Habang nagmamaneho si Xavier, nagkwento sila Primo sa nangyari.
"Prinsepe ng mga bampira. May ganun pa rin pala sa panahon natin," komento ni Xavier pagkatapos marinig ang kwento nila.
"Galing yata sila sa ibang mundo. Sabi sa amin ng isa kanila yung prinsepe daw ang pinakamalakas sa mundo nila," paliwanag ni Quinn.
"Saka Tito Xavier, yung armas nila gawa sa sarili nilang dugo. Sinugatan nila yung kamay nila tapos mula sa tumutulong dugo nila may nabuong dagger," pagkukwento ni Quade.
"Gawa sa dugo? Ngayon lang ako nakarinig ng ganyan. Sigurado ba kayo sa nakita nito?" tanong nito.
"Totoo yung sinasabi namin tito. Hindi sila tulad ng bampira na naninirahan dito," tugon ni Quade.
"Paano kayo nakaligtas sa kanila? Kung nagawa nila mapatumba ang daddy niyo, masasabi kong malakas nga sila."
Napatingin sila Primo kay Apple na naguguluhan pa rin sa nangyari.
"Dumating si mommy," maikling sagot ni Primo.
"Tito, marunong ba magteleport si mommy?" tanong ni Twain.
"Teleportation? Kung tama pagkakatanta ko, isa iyon sa ability na nakuha niya sa bampirang nahawakan niya. Maraming kayang gawin ang mommy niyo."
"Pero hindi normal na teleportation ginawa niya. Parang nagkipaglit siya kay Apple. Nawala si Apple nung dumating siya. Tapos nawala naman siya pagbalik ni Apple. Sabi ni Apple napunta siya sa isang kwarto," sambit ni Primo habang malalim na nag-isip.
"Konektado siya kay Apple kaya hindi malabong mangyari yun," paliwanag ni Xavier. Kahit siya hindi alam kung ano ba kayang gawin ng kapatid niya. Sa dami ng nakuha nitong kapangyarihan sa iba, maaring nakabuo ito ng panibagong ability sa pamamagitan ng pagsama ng magkakaibang ability. Naisip nito na isa iyon sa ginamit niya para mailigtas sila Hexa.
Samantala, kahit na ligtas na sila Hexa hindi pa rin mapakali si Xia. Nag-aalala ito sa lagay ni Zander. Alam niyang hindi normal na sugat at nakuha nito.
"Sana ayos na ang lahat," bulong niya sabay buntong hininga. Nagpalakad-lakad siya sa maliit na kwartong tinuluyan niya.
"Hindi ko kayang manatili na lang dito. Pero kapag pumunta ako doon, malaki ang chance na hindi nila ako paalisin. Ano gagawin ko?" hindi mapakaling sabi ni Xia. Ginulo nito ang buhok at pabagsak na humiga sa kama.
"Nandito ka na pala," nakangiting sabi ng isang batang babae na may lollipop. May tenga at buntot ito na katulad sa isang pusa.
"Yeri, Saan ka galing?" tanong ni Xia dito. Nakilala niya ang batang beastman noong napadpad siya sa mundo ng mga bampira. Tinulungan niya ito makatakas sa kamay ng prinsepe at isinama pabalik sa mundong kinalakihan niya.
"Nag-umpisa nanaman sila Red lady kumilos. Mas naging agresibo siya kumpara noon. Tao man o bampira pinapatay nila," tukoy nito sa babaeng na sa likod ng pagpatay ni Jason. Matagal na ito sinusubukan huliin ni Xia, ngunit lagi itong nakakatakas.
"Red Lady? Mas bagay sa kanya ang Deathless Killer. Kahit ano gawin ko hindi ko siya mapatay-patay," inis na sabi ni Xia.
"Of course! Hindi mo siya mapapatay habang nabubuhay pa rin ang master niya. Sabi ko naman sayo magpatulong ka na sa mga kaibigan mong bampira. Hindi mo sila matatalo kung mag-isa ka lang," sambit ni Yeri.
"Hindi ako nag-iisa. Dalawa tayong nakikipaglaban," pagtatama ni Xia.
"Ilang ulit ko ba sasabihin sayo na wala akong laban sa kanila. Bakit ba ayaw mo magpatulong sa kanila? Kung uuwi ka sa inyo, hindi lang dadami ang kakampi mo mas papabalis pa ang pagprotekta mo sa kanila. Malaki ang chance na balikan sila ng prinsepe," pangkukumbinsi ni Yeri.
"Alam ko na hindi sila titigil. Alam ko din na mas mapapadali ang lahat kapag nagpatulong sa kanila. Pero kahit na marami kami at dalawa lang ang kalaban, kung titignan hindi naglalayo ang lakas namin. Kaya nilang patayin ang mga kaibigan ko kung gugustuhin nila. Mas mabuting ilayo ko sila sa gulo."
"Kung kapanyarihan lang ang problema, nakalimutan mo na ba pwede kang magbigay ng kapanyarihan na katulad sayo gugustuhin mo? Painumin mo lang sila ng dugo tapos na ang problema. Doon naman nag-umpisa ang lahat diba? Kung hindi dahil sa dugo mo hindi sila magkakaroon ng kapangyarihan na katulad sayo."
"Pero hindi ko maintindihan kung bakit naging ganun bigla ang epekto ng dugo ko. Noon hindi naman ganun."
"Ang dugo mo lang sa main body ang may ganung epekto."
"Ah! Yung katawan na gamit ko noon clone ko lang na nilikha ko. Tama!"
Napailing na lang si Yeri dahil sa sinabi ni Xia.
"Nakapagdesisyon na ako..."
Napangiti si Yeri pagkatapos marinig ang desiyon ni Xia.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top