CHAPTER 21
CHAPTER 21
Neil's POV
"Bakit hindi pa rin siya bumabalik?" bulong ni Hexa habang palingon-lingon sa pintuan. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin bumabalik si Cali.
"Hindi kaya magkasama sila?" sambit ko habang nakatingin sa upuan ni Jerome.
"Ha?" tanong ni Hexa. Nilingon ko siya at sumalubong sa akin ang salubong niyang kilay.
"Si Jerome, hindi rin bumalik. Baka magkasama silang dalawa," paliwanag ko.
Nagpaalam na ang guro namin at sunod na pumasok si Sir Kenji. Nag-umpisa siyang nagtawag para sa attendance
"Knight," tawag niya kay Cali. Nang walang sumagot tumingin siya sa upuan nito.
"Nasaan si Cali? Absent?" tanong niya sa amin.
"Nagcr po pero hanggang ngayon hindi bumabalik," sagot ng kaklase namin na narinig ang sinabi ni Cali kanina.
"Nandiyan ba bag niya?" tanong nito.
"Nandito po," tugon ni Hexa.
Nagpakunot ng noo si Sir. Kenji. First time kasing nangyari ito. At kung absent man si Cali alam ko na sasabihin sa kanya agad.
"Hexa, pakitingin si Cali sa cr. Kapag hindi mo nakita dumiretso kang clinic at tanungin kung pumunta ba siya doon," utos niya kay Hexa. Sumunod naman ito agad dahil kanina pa ito nag-aalala. Alam ko gustong-gusto na niya din hanapin ito simula noong napansin niyang hindi ito bumalik.
"Saan ba nagpunta ang babaeng yun?" bulong ko. Kahit papaano nag-aalala din ako sa kanya.
Napatingin kami bigla kay Apple nang tumayo ito. Napahampas kasi ito bigla sa lamesa kaya lahat kami nagulat.
"Ano nangyari sayo?" tanong ni Primo.
Tumingin si Apple sa desk ni Cali at nilingon ang upuan ni Jerome. Nanlaki ang mata niya bigla.
"S-sir, pwede po ba ako lumabas?" tanong nito bigla.
"Bakit? Saan ka pupunta?" tanong ni Sir Kenji habang salubong ang kilay.
Hindi mapakali si Apple habang nakatayo ito. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi sa room.
"Alam ko po kung nasaan si Cali," sambit nito.
Mula sa mukha niya ang pag-aalala. Wag mong sabihing nanaginip nanaman siya na may masamang mangyayari?
"Saan?" tanong ni Primo na napatayo na din. Hindi sumagot si Apple. Nakatingin lang ito kay Sir Kenji para humingi ng permiso.
"Primo, bumalik ka sa upuan mo. Neil, samahan mo si Apple para hanapin si Cali," utos ni Sir Kenji.
Magrereklamo pa sana si Primo pero pinigilan siya ni Apple.
"Dito lang kayo. Magagalit daddy niyo kapag umalis nanaman kayo ng school," sabi nito sa kanya. Sa unang pagkakataon, nakita ko sa kanya ang pagiging ina niya kay Primo.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya hahang naglalakad kami sa hallway.
"Sa bahay ni Jerome. Alam mo ba kung saan yun?"
"Hingiin natin address niya kay Sir Kenji," suhestiyon ko. Bumalik kami ulit sa classroom. Mabuti hindi pa kami nakakalayo.
"Bakit kayo bumalik?" tanong nito.
"Sir, alam niyo po ba address ni Jerome?" bulong ko. Tumango ito bilang tugon at saka binuksan ang laptop niya para tignan ang address ni Jerome. Pinakita niya ito sa amin.
"Salamat po Sir. Alis na po kami," paalam ko.
Nagmadali kaming umalis ni Apple. Nasalubong pa namin si Hexa pero hindi na namin ito pinansin dahil sa kakamadali. May kutob na ako sa masamang mangyayari kay Cali. Si Jerome pa naman kasama niya? Sigurado may kalokohan nanaman naisipan yun. Sumakay kami ng taxi at nagpahatid sa bahay ni Jerome.
"Manong saglit lang po!" sigaw ni Apple habang nakatingin sa labas. Nakitingin din ako sa bintana.
Nakita ko si Cali na naglalakad kasama ang isang kahina-hinalang tao. Bumaba agad kami at nagbayad.
"Cali!" tawag sa kanya ni Apple sabay takbo.
Napalingon sa kanya si Cali habang kasama nito biglang nawala na ikinagulat ko. Humawak lang ito sa may zipper ng jacket niya. Pagkatapos nawala na ito bigla sa paningin ko.
"Ayos ka lang ba? May ginawa ba sayo si Jerome?" tanong ko kay Cali. Natulala kasi bigla si Apple kaya ako na lang ang nagtanong. Hindi ko na muna inisip yung nakita ko kanina. Nagsalita ito pero walang boses na lumabas sa bibig niya.
"Bakit wala kang boses?" tanong ni Apple. Naiiyak na tinignan niya kami.
"Balik na muna tayo sa school. Kanina pa nag-aalala sila Hexa sayo. Pinapahanap ka din ni Sir Kenji," sambit ko bago pa siya tuluyang umiyak.
Habang nasa taxi kami napatingin ako sa leeg ni Cali kung saan may parteng namumula. May marka din ng kamay sa pulsuhan niya senyales na mahigpit siyang hinawakan. Tanggal din ang isang butones ng uniform niya. Halatang pinagtangkaan siyang gahasain.
"Sinira ba ni Jerome yang cellphone mo?" tanong ko nang mapansin ang cellphone niyang basag. Tumango siya bilang sagot.
Bumaba kami sa tapat ng drugstore malapit sa school. Bumili ako ng benda na iniikot at band aid na dinidikit. Kinuha ko ang kamay ni Cali saka pinuluputan ng benda ang kanyang namumulang pulsuhan.
"Tingin sa taas," utos ko sa kanya.
"Apple, hawakan mo nga muna yung buhok ni Cali," utos ko naman kay Apple. Nahaharangan kasi nito yung leeg nniya
Tinakpan ko ng bandaid ang kissbite sa leeg niya. Mabuti na lang tatlo lang ito.
"Namumula ka. May lagnat ka ba?" tanong ko. Agad naman umiling si Cali bilang sagot.
Inayos ko ang buhok niya. Gamit ang kamay ko sinuklay ko ito. Nagulat pa siya sa ginawa ko. Kahit ako nagtataka kung bakit ko ito ginagawa. Siguro nakasanayan ko na maging maalaga dahil kay Apple.
******
Hexa's POV
"Cali! Saan ka ba nagpupunta? Kanina pa ako nag-aalala sayo," salubong ko kay Cali. Lunchbreak na nang dumating silang tatlo nila Apple.
"Hindi siya makapagsalita. Nawalan siya ng boses," sabi ni Neil sa akin. Magtatanong pa sana ako kung bakit pero naisipan ko na lang na basahin ang isip ni Cali. Malinaw kong nakita sa memorya ni Cali ang mga nangyari.
"Sorry," naawa ako sa pinsan ko at sinisi ang sarili ko sa nangyari pagkatapos ko makita na dahil sa sikreto ko kaya kamuntik ng magahasa si Cali.
Tinignan ko sila Kuya Primo na nakita din ang nakita ko dahil pinakita ko din sa kanila. Sabay-sabay nilang niyakap si Cali at nagsorry din at nagpasalamat. Biglang umiyak si Cali na ikinataranta namin. Kahit iyak niya nawalan din ng tunog. Niyakap ko na lang siya ng mahigpit habang hinahagod ang likod niya.
Nag tumigil na si Cali sa pag-iyak tinawagan ko si daddy para magpasundo. Sinabi ko sa kanya yung nagyari kaya pumayag naman siya na maghalf day lang kami sa school. Habang hinihintay namin siya kumain na muna kami.
"Neil, sasama ka ba sa amin?" tanong ni Apple.
"Oo. Gusto ko din makita si mama," tugon ni Neil.
Napansin ko ang pasimpleng ngiti ni Cali kaya napatitig ako sa kanya.
'May gusto ka talaga kay Neil no,' sabi ko sa kanya sa pamamagitan ng isip. Namula siya bigla na ikinangiti ko naman.
'Wag ka maingay,' sagot niya sa akin. Kahit wala siyang boses pwede niya pa rin kami kausapin sa pamamagitan ng isip basta babasahin lang namin ang isip niya.
Lumabas na kami sa gate nang magtext si daddy na nasa labas na siya. Sumakay agad kami sa sasakyan pagkakita namin sa kanya. Sa bahay na nila Cali kami dinala ni daddy.
"Cali, anak! Nandito na ang mommy. Gagawa kami ng paraan para makapagsalita ka ulit," sinalubong agad ng yakap ni Tita Stella si Cali nang makita niya ito. Pagkatapos niya ito yakapin sinabihan niya itong magbihis.
"Nasaan si Cali?" tanong agad ni Tito Xavier pagkapasok niya.
"Pinabihis ko na muna," sagot ni tita Stella.
"Alam niyo ba kung ano nangyari?" tanong sa amin ni Tito Xavier.
"Ako na magkukwento. Hindi din maganda sa bata kung papakwentuhin pa natin siya," sambit ni daddy bago pa ako makapagsalita. Lumayo sila sa amin para mag-usap.
Pagbalik ni Cali nay bitbit itong papel at marker. Nagsulat siya doon at pinabasa sa amin.
"Nasaan sila mommy?" basa ni Kuya Trace sa sulat ni Cali.
"Nandoon yata sila sa library niyo. Kausap si daddy," sagot ni Kuya Primo. Tumango si Cali saka umupo sa tabi ko.
"Cali, baby ko!" tawag sa kanya ni tito Xavier. Niyakap niya ang pinsan ko ng mahigpit katulad ng ginawa ni tita Stella. Only child lang kasi si Cali kaya sobrang mahal na mahal nila ito. Sigurado ako hindi niya palalampasin yung ginawa ni Jerome.
"Neil, kayo ba nagligtas kay Cali?" tanong ni Tita Stella.
"Hindi po kami. Ligtas na siya nung makita namin siya. Sino nga pala kasama mo kanina?" nilingon ni Neil si Cali.
"Oo nga! Kanina ko pa iniisip kung sino yung biglang nawala sa tabi mo," sabi naman ni Apple.
"Hindi kayo yung nagligtas kay Cali? Akala ko kayo?" tanong ko.
Hanggang doon lang kasi sa parte na may nagsalitang babae yung nakita ko. After noon wala na ako makita. Hindi ko na alam kung sino yung nagsalita. Kaboses niya si Apple. Yun nga lang cold tone ang pagsasalita nito. Kung naitanong nila ita Stella yun ibig sabihin hindi din nakita ni daddy kung sino yung nagligtas kay Cali.
Nagsulat si Cali sa panibagong papel na hawak niya lahat kami nagulat sa nabasa.
"Shirayuki," basa ko sa pangalang sinulat niya. Kilala ko ang nagmamay-ari ng pangalan na yun.
"Kamukha ba siya ni Apple?" tanong ni daddy habang salubong ang kilay.
"Opo, pero iba ang kulay ng mata niya. Kulay blue ang isa kanang mata niya habang ang isa kulay gold. Pansin ko din na kulay light blue ang buhok nita," sulat niya sa papel.
"Sinabi niyo na nawala siya bigla. May suot ba siyang itim na jacket?" tanong ni Tito Xavier kila Apple.
"Opo. Paano mo po nalaman?" gulat na tanong ni Neil.
"May ganun din kaming jacket. Isa yun sa nilikha nila Kenji. Walang duda na ang babaeng tumulong sayo, walang iba kundi ang kapatid ko. Sabihin na natin na dalawang tao ang nag-eexist na Xia. Ang isa si Shirayuki na kumpleto ang alaala habang si Apple naman walang alaala," paliwanag ni tito Xavier.
"Pero bakit hindi nagpapakita sa atin si Shirayuki? Kung may naalala naman siya, dapat matagal na siya bumalik sa atin," tanong ni tita Stella na naguguluhan na sa nangyayaro. Lahat kami naguguluhan.
"Ayaw niya tayo idamay. Sa ugali ni Xia, siguradong lumalaban nanaman siya mag-isa. Pinoprotektahan niya tayo ng patago. Kailangan natin siya mahanap," seryosong sabi ni daddy.
"Kung invisible siya isang tao lamang ang pwede makakita sa kanya," sambit ni tito Xavier.
"Si Bliss," sabi naman ni tita Stella. Parang may sariling mundo na silang tatlo. Ayaw naman namin makisali dahil usapan ng matatanda yun kahit ang babata ng itsura nila.
"Dito na muna kayo. Samahan niyo si Cali. Aalis kami," paalam ni daddy sa amin. Tinanguan namin siya bilang tugon.
"Pwede ba ako sumama?"
biglang tayo ni Apple bago makaalis sila daddy. Tinanguan siya nila tito kaya sumunod siya. Akala ko nga magbabalak din sumama si Neil pero nanatili lang siya dito.
"Ano gagawin natin?" tanong ni Kuya Trace. Boring kung uupo lang kami dito.
"Bakit hindi natin pag-usapan kung ano gagawin natin kay Jerome?" tanong ni Kuya Twain.
"Delikado gagawin niyo!" nagulat kami nang biglang may magsalita. Akala ko bumalik sila daddy tapos nahuli kami.
"OMG! Akala ko sila daddy," kabadong sabi ni Seven habang nakahawa sa dibdib. Yung iba natulala pa rin sa babaeng kumausap sa amin. At isa na ako doon.
"Ikaw yung kasama ni Cali kanina. Kanina ka ba nandito?" tanong ni Neil. Ngumiti lang ito at umupo sa tabi niya kung saan nakaupo kanina si Apple.
"Nandito ako para balaan kayo," aniya sabay kuha ng tsa na tinimpla sa amin ng mama ni Neil. Lahat kami nakatingin sa kanya habang inaabangan ang sunod na sasabihin niya.
"Nanganganib ang buhay niyo lahat."
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top