CHAPTER 20
CHAPTER 20
Primo's POV
"Susunduin ko kayo mamaya. Wag kayo aalis hanggang wala ako," paalala ni daddy sa amin bago umalis. Simula kasi ngayon hatid-sundo niya kami.
"Yes dad," sagot namin maliban kay Apple.
"Sigurado ka bang papasok ka pa rin? Hindi mo na kailangan mag-aral. Matagal ka na tapos," tanong sa kanya ni dad.
"Gusto ko makasama sila Primo," sagot sa kanya ni Apple.
"Okay. Alis na ako. Mag-aral mabuti. At walang gagawa ng kalokohan," paalam ni dad.
Hinintay muna namin makaalis ang sasakyan bago maglakad patunggong room.
"Apple, wag mo sasabihin kay dad yung gagawin namin ha?" pakiusap ni Twain kay Apple. Hindi namin feel na tawagin siyang mommy kaya Apple pa rin ang tawag namin sa kanya. Wala naman ito problema sa kanya.
"Bakit? Ano gagawin niyo?" tanong niya.
"May tuturuan lang kaming leksyon," nakangising sagot ni Twain sabay patunog ng kamay.
Pagpasok namin ng room tinginan agad ang mga kaklase namin.
"Wala pa ba si Jerome?" tanong ko nang hindi ko mahanap ang target namin. Kahit yung dalawang kasabwat niya hindi ko makita.
"Wala pa sila. Ano binabalak niyo?" sagot ni Neil habang nakatingin sa kanyang bagong libro.
"Good Morning Neil!" bati sa kanya ni Apple habang nakangiti.
"Morning," tugon nito. Hindi man lang siya lumingon kay Apple.
"Kamusta doon sa bago mong tirahan?" tanong ko. Sinara na niya ang librong binabasa niya at nilapag ito sa lamesa.
"Hindi okay," sagot niya at mababakas sa mukha niya ang pagkainis. Napangisi na lang ako sa inasal niya.
"Bakit?" kuryos na tanong ni Quade na nanghila pa talaga ng upuan para tumabi kay Neil.
"May witch kaming kasama," sagot niya na ikinataka namin.
"May witch ba doon? Ang alam ko lang yung katulong niya na malaki ang boobs ang nandoon?" nagtatakang tanong ni Quade.
"Seriously? Kailangan pa talaga sabihin yung tungkol sa boobs?" mataray na sabi ni Hexa
"Bakit ba? Totoo naman eh. Baka nga nagpapanggap lang na katulong yun. Pero ang totoo girlfriend pala siya ni tito."
"Katulong lang talaga siya. At siya ang tinutukoy kong witch. Mas gusto ko pa makasama si Apple kahit maingay kaysa sa babaeng yun," mahahalata talaga sa tono ni Neil na ayaw niya doon sa katulong ni tito.
May idea na naman ako kung bakit. Noong nakitulog kami doon nagising ako na nasa ibabaw ko na ang babaeng yun. Hindi ko alam kung paano niya nabuksan yung pinto ng kwarto ko kahit nakalock. Basta nandoon na siya tinatanggal ang damit ko. Kung hindi siguro ako nagising baka nagahasa na niya ako. Pagkatapos nun hindi na ako muling nakitulog doon. Kung si Quade siguro ang ginapang niya baka pumayag pa pero hindi ako.
"Wag mo na subukang ipatanggal siya dahil malabo yan. Tulad nga ng sinabi mo may lahing mangkukulam yata ang babaeng yun. May pinakain yata siya kay tito kaya hindi siya tinatanggal," sabi ko. Sinubukan ko na kasi na paalisin ang babaeng yun pero malakas ang kapit. Kahit si tita Claudine walang magawa.
"Salamat sa paalala. Pero paano mo nalaman na gusto ko siya patanggalin?"
"Sinubukan ko na din kasi yan. Saka may ideya na ako sa ginawa niya sayo."
Tumango na lang siya habang malalim pa rin na nag-iisip. Natigil ang pag-uusap namin nang pumasok na ang kanina pa naming hinihintay.
"Morning Jerome! Kamusta tulog mo? Ayos lang ba? Malas mo nagising ka pa ngayon," salubong sa kanya ni Quade na agad na tumayo sa kinauupuan niya.
"Nabalitaan namin ang ginawa mo kay Cali. Alam mo na siguro gagawin namin sayo?" pananakot ni Twain habang nakangisi.
"Ano ba sinasabi niyo? Wala ako ginagawa kay Cali," tugon nito. Nag-init bigla ang ulo ko dahil ayaw pa niyang umamin.
"Wala nga ba?" tanong ko habang masama siyang tinitignan.
"Wala. Kahit tanungin mo pa si Cali. Sabihin mo nga sa kanila ang totoo."
Sabay kami napalingon sa may pinto kung saan nakatayo si Cali. Napatingin ako sa pulsuhan niya na namumula.
"T-totoo yung sinasabi niya," pagsisinungaling nito kahit na alam niyang hindi iyon uubra sa amin. Kahit hindi siya nagkwento sa amin tungkol sa nangyari sa kanya, madali lang namin nabasa ang nasa isip niya.
Magsasalita pa sana ako pero dumating na ang teacher namin kaya nagsibalikan na kami sa mga upuan. Hindi maiwasang mag-aalala kay Cali. May ginawa nanaman ba sila dito? Tinakot ba nila ito?
Nilingon ko si Cali na pilit hinahawi ang buhok na para bang may gustong takpan sa leeg niya. Mas lalo lang ako kinutuban na may ginawa sila kay Cali. Hindi ba nila alam na lalo lang sila malalagot sa amin dahil sa ginagawa nila?
"Gusto ko silang patayin," rinig kong bulong ni Apple na ikinagulat ko. Mahina lang ang pagkakasabi niya kaya ako kang na katabi niya ang nakarinig.
Nakatingin ito ng masama kila Jerome habang gigil na gigil na tinusok ng ballpen ang notebook niya. Medyo natakot ako sa kanya.
"Itigil mo yan," awat ko sa kanya bago pa may nakapansin sa kanya. Mukha kasi talaga siyang papatay sa ginagawa niyo. Natauhan siya sa sinabi ko ay binitawan na ang ballpen saka sinubsob ang ulo sa desk. Mabuti nanahimik na siya.
*******
Cali's POV
Hindi ako mapakamali sa upuan ko. Pilit kong tinatakpan ang markang iniwan ni Jerome sa akin. Natatakot ako sa mangyayari kapag nakita ito nila kuya Primo. Alam kong hindi ako makakalihim sa kanila kahit anong gawin ko. Baka nga binabasa na nila ang nasa isip ko. Napahawak ako sa leeg ko at saka inayos ang buhok ko para matakpan ito.
Kinuha ko ang cellphone ko nang maramdaman kong nagvibrate ito. Nag-umpisang manginig ang kamay ko nang mabasa ko ang message na nanggaling kay Jerome.
'Gusto mo matakasan pinsan mo? Sumama ka sa akin mamaya pagkalabas ni Ma'am,' basa ko sa text ni Jerome.
'Saan tayo pupunta? Wag mo sabihing magkacutting tayo?' reply ko sa kanya.
'Sa lumang school. Oo. Paglabas ni Ma'am labas ka agad. Susunod ako. Magtago ka sa cr. Itetext kita kapag nasa labas na ako. Wag ka na magtangkang tumanggi, kung ayaw mong ipagkalat ko na bampira ang mga pinsan mo.'
Tinago ko na ang cellphone ko pagkatapos ko basahin ang text niya. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang tungkol kila Ate Hexa. Meron pa siyang letrato na kuha sa dating naming school noong grade 2 kami.
Noon kasi hindi napigilan nila Hexa ang sarili nila kaya nagwala sila sa school. Maraming natakot sa kanila dahil doon. Binura na rin naman ni tito Trevor ang alaala ng mga nakakaalam at nilipat kami ng school. Kaya nakakapagtaka na may larawan si Jerome tungkol sa nangyari.
"Ca--" hindi na natapos ni Hexa ang pagtawag sa akin nang tumayo ako agad. Tapos na ang first subject at oras na para umalis.
"May sasabihin ka? Saglit lang ate. Cr lang ako," paalam ko at dahil sa kakamadali ko hindi ko na nadala ang bag ko. Nandoon pa naman ang wallet ko. Kung babalik ako makakahalata na sila. Napasabunot na lang ako sa sobrang inis.
Napatingin ako sa salamin kung saan kitang kita ko ang kiss bite ni Jerome. Bakit ba kasi nasalubong ko sila kanina? Kapag minamalas nga naman. Mamalasin ka talaga.
"Ayos ka lang ba?"
Napalundag ako dahil sa gulat nang magsalita si Apple sa tabi ko. Kailan pa siya nandito? Saka bakit nag-iba suot niya?
"Ay kabayo! Ano ginagawa mo dito?"
"Sinundan ka. Ano yang tinitignan mo?"
Turo niya sa kulay pula na nasa leeg ko.
"Kagat ng lamok," sagot ko at bago pa siya magtanong ulit pumasok ako sa may cubicle.
Paano kung sabihin niya yung nakita niya? Alam ko hindi siya niniwala sa sagot ko. Sana wala na siya paglabas ko.
May natanggap na akong text mula kay Jerome. Sinilip ko muna si Apple bago patakbong lumabas. Agad ako hinila ni Jerome nang makita niya ako. Lumabas kami ng school at sumakay sa taxi na ikinagulat ko.
"Akala ko ba sa lumang school tayo pupunta?" tanong ko. Nag-umpisa na ako kabahan. May binabalak siya sigurado ako.
"Nagbago ang isip ko. Wag ka mag-alala tulad ng sinabi ko sayo pagkatapos nito susunugin ko yung picture at wala akong pagsasabihan tungkol doon," aniya sabay lapit sa akin para bumulong. "Basta wag mo din ako ilalag at sundi mo lahat ng ipapagawa ko."
Tinulak niya ako papasok ng taxi kaya wala na ako magawa. Nagdasal na lang ako sa isip ko na sana maging maayos ang lahat pagkatapos nito.
"Naiwan ko bag ko. Wala akong pambayad," sabi ko agad baka mamaya singilin niya ako.
"Ako magbabayad."
Bumaba kami sa tapat ng isang bahay. Katamtaman lang ang laki nito. Niyaya niya ako pumasok sa loob.
"Walang tao?" tanong ko.
"Walang tao dito maghapon. Gabi na kadalasan ang uwi nila. Doon tayo sa kwaro ko," sagot nito.
"Ano gagawin natin sa kwarto mo?" natatakot na tanong ko. Ningisian niya ako bigla.
"Nabitin ako kanina kaya itutuloy ko ang naumpisahan ko," hahawakan niya sana ako pero umatras ako agad.
"U-uwi na lang ako," takot na sabi ko. Ayoko sa gusto niya mangyari. Kahit ano gawin niya hindi ako papayag.
"Baka nakakalimutan mo ito?" pinakita niya sa akin picture nila Hexa na kulay pula ang mata habang nakikipag-away.
"Please iba na lang gawin mo. Wag yun," pakiusap ko.
"Paano kung ayoko? Ano gagawin mo?"
"Uuwi ako."
Sinamaan niya ako ng tingin. Mukhang nainis na din siya sa akin. Humakbang siya palapit sa akin na ikinaatras ko.
"Wala kang pera diba? Paano ka uuwi? Maglalakad ka?"
"Magpapasundo ako dito. May cellphone pa naman ako."
Kinuha ko ang cellphone ko upang tawagan si daddy. Pagkatapos ko malaman ang balak ni Jerome sa akin, nawala lahat ng pagkabahala ko sa kung ano magagawa sa kanya ng pamilya ako. Wala na ako pakialam kung ano mangyayari sa kanya.
"Akin na yan!" inis na sabi ko nang agawin niya ang cellphone ko.
"Tatawagan mo daddy mo? Magsusumbong ka?" galit na tanong niya. Ibinato niya ang cellphone ko at inapakan pa niya ito para masira.
"Bakit mo sinira?!" sigaw ko sa kanya pero natigilan ako nang maging pula bigla ang mata niya.
"B-bampira ka?" tanong ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa nakikita. Ngayon lang ako nakakita ng bampirang kayang baguhin ang kulay ng mata kahit walang contact lens. Kahit sila Hexa hindi kayang gawin yun.
"Noon hindi. Ngayon bampira na ako. Salamat sa babaeng nakausap ko, nagkaroon ako ng kapangyarihan," aniya sabay lundag sa akin. Natumba ako sa sahig at dahil sa sakit ng pagkakatumba ko hindi ako agad nakakilos.
Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at tinaas sa tapat ng ulo ko. Hinalikan niya ako sa leeg. Alam ko na nilagyan nanaman niya ako ng kissbite katulad kanina.
"Waaaahhhh! Tulong! Tulungan niyo ko!" sigaw ko hanggang sa mawalan ako ng boses bigla. Sinubukan ko sumigaw pero walang lumalabas na boses. Tinignan ko si Jerome.
"Tama ka. Ito ang kapangyarihang ibinigay sa akin. Hindi ka na makakapagsalita simula ngayon kahit sumigaw ka pa. Walang lalabas na boses sayo," aniya habang nakangiti na parang demonyo.
Ang tanga ko! Bakit ba ako sumama sa kanya? Naiyak na lang ako sa sobrang inis. Hinawakan niya ang damit ko para siguro punitin.
"Itigil mo yan! Kung ayaw mong patayin kita," malamig na sabi ng isang babae na nagpahinto kay Jerome.
"Sino ka? Paano ka nakapasok sa bahay namin?" tanong ni Jerome sa babaeng nakatayo sa uluhan ko. Nakasuot ito ng mahabang jacket na may hood na kulay itim. Parang nakita ko na ang suot niya. Saan nga ba?
Naalala ko bigla ang suot ni Apple kanina sa cr. Kulay itim din yun. Ang weird nga eh. Bukod sa nag-iba ang suot niya, iba din ang kulay ng mata niya.
Hindi kaya si Apple siya?
"Sagutin mo ko! Sino ka?" galit na sinugod siya ni Jerome. Ngunit tumalsik lamang ito bago pa niya mahawakan ang babaeng nakaitim.
"Shirayuki ang pangalan ko," sambit ng babae. Pinulot niya ang picture na panakot sa akin ni Jerome. Nag-apoy ito bigla habang hawak niya.
Naglakad siya palapit kay Jerome na sinusubukang makatayo. Hinawakan niya ito sa ulo. Akala ko kung ano gagawin niya pero nawalan lamang ito ng malay.
Tinulungan niya ako makatayo at isinama palabas. Pagkalapit niya doon ko nakita ang itsura niya at tama ako. Siya nga ang nakausap ko sa cr pero siya nga ba si Apple? O kamukha lang niya? Teka! Binanggit niya ang codename ni Tita Xia.
Nanlaki bigla ang mata ko at humarap sa kanya. Marami akong gustong sabihin sa kanya pero walang lumalabas na boses sa akin. Napahawak ako sa lalamunan ko at nalungkot. Gusto ko makapagsalita ulit. Napaangat ako ng tingin nang hawakan niya ang ulo ko.
"Magiging maayos din ang lahat. After one week babalik ang boses mo," sabi niya sa akin sabay ngiti.
"Salamat," sambit ko kahit wala akong boses. Tinanguan niya lang ako habang nakangiti.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top