CHAPTER 19

CHAPTER 19

Apple's POV

"Good Morning!" nakangiting bati sa akin ni Xavier.

"Good Morning Xavi--" bati ko sa kanya pero agad niya ito pinutol.

"Kuya... Tawagin mo kong Kuya Calvin, pero okay na din yung Kuya Xavier kung gusto mo," pagtatama niya sa akin. Tinanguan ko na lang siya bilang tugon saka bumangon.

"Ano nangyari? Ang alam ko nagdidilig ako kanina tapos hindi ko na matandaan ang sunod na nangyari," tanong ko. Hindi ko nga alam kung bakit at paano ako napunta sa kwarto ko. Hinatay ba ako habang nagdidilig? Nagkunot ang noo niya pero agad din siya ngumiti.

"Nawalan ka ng malay dahil sa gutom."

Ako naman ang napakunot noo dahil sa sagot niya. Sigurado ako na kumain ako kanina bago magdilig. Ang dami ko pa nga kinain at hindi naman ako nakaramdam ng gutom noong oras na yun.

"Sinungaling," sambit ko saka naglakad palabas ng kwarto.

"Nabasa mo ba nasa isip ko?" tanong niya.

"Hindi. Pero alam ko nagsisinungaling ka. Ano nga pala ginagawa ko sa kwarto ko?"

"Nakalimutan mo na ba? Dadalaw sila Mom dito. Nasa sala na sila ngayon, nag-uusap."

Naabutan namin sila Zander na nag-uusap ng seryoso. Bigla tuloy ako nahiya lumapit sa kanila. Pakiramdam ko maiistorbo ko sila. Napansin ko ang isang batang babae na kasama nila.

"Eh? Siya yung bata dati sa ospital. Kilala niyo siya?" tanong ko kay Kuya Xavier. Nilingon naman niya yung tinutukoy ko.

"Yeah! Alaga siya nila Mom," aniya sabay tawa ng pilit. Dahil sa pagtawa niya napatingin sa amin sila Zander.

"Gising ka na pala Apple. Halika dito samahan mo kami," nakangiting sabi sa akin ng Mommy ni Kuya Xavier. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko dahil nahihiya ako lumapit. Hinawakan ako ni Kuya Xavier sa may balikat at siya na mismo ang tumulak sa akin patunggo sa upuan. Nang makaupo na ako sa tabi ni Zander, tumabi siya doon sa batang babae na tahimik kumakain ng apple pie. Nakatitig ito sa akin na hindi ko alam kung may dumi ba ako sa mukha o may ginawa akong mali kaya siya nakatingin sa akin.

"Why?" tanong ni Zander sa akin. Napakapit kasi ako sa may damit niya dahil sa pagkailang.

"Nothing," nahihiyang sabi ko saka siya binitawan. Napakamot na lamang ako sa batok dahil hindi ko alam gagawin ko.

"Iha, pwede ko ba malaman kung ano nangyari sayo bago ka mapunta dito?" tanong sa akin ng Mommy ni Kuya Xuya.

"Ano nangyari sa akin?" tanong ko habang nag-iisip ng isasagot. Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa.

"Yung nangyari sayo bago mo makilala sila Neil," sabi naman ni Zander.

Naalala ko bigla yung nangyari sa aking sa isla. Hindi ko alam kung dapat ko ba ikwento sa kanila iyon. Wala pa ako ibang pinagsasabihan tungkol doon. Tinignan ko sila. Lahat sila nakaabang sa sasabihin ko. Napalunok ako dahil sa kaba. Pakiradam ko din nanunuyo ang lalamunan ko kaya kinuha ko ang inumin sa mesa. Wala ako pakialam kung kanino yun basta ininom ko ito ng diretso. Huminga ako ng malalim.

"Nagising ako na nasa ilalim ng dagat. Nandoon lamang ako habang hinahayaan tinatanggay ng tubig. May nakita akong rosas na lumulutang. Pilit ko ito inabot hanggang sa namalayan ko na lang na nasa ibabaw na ako. Doon ko unang nasilayan ang kalangitan. Nang tignan ko ang hawak ko rosas bigla itong humaba pumulupot sa akin. Muli ako nakatulog pagkatapos nun. Paggising ko..."

'Sasabihin ko ba sa kanila?' tanong ko sa aking sarili. Nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko ba o hindi yung kwento. Napakagat ako ng labi.

"Wag mo pilitin ang sarili mo kung hindi mo kaya ikwento," sabi ng batang babae habang nakatingin sa akin ng kwento.

"Hindi. Kailangan nila malaman ito. Pero masamang marinig ng batang kagaya mo ang kwento ko," sagot ko sa kanya. Masyadong maselan ang sasabihin ko para marinog ng bata.

"Hindi na ako bata," reklamo nito. Tumawa naman si Kuya Xavier.

"Kids, lumabas muna kayo kasama ang batang ito," utos ni Kuya Xavier kila Primo.

"Tito naman. Hindi na kami bata. Bakit pati kami kasama?" reklamo ni Trace.

"Masama makinig sa usapan ng nakakatatanda."

"Sumunod na lang kayo," sambit ni Zander kaya wala naman nagawa sila Trace kundi sumunod na lang sa utos niya.

"Wala na sila. Pwede mo na ituloy," nakangiting sabi ni Kuya Xavier. Lima na lang kaming naiwan sa sala.

Inumpisahan ko na ikwento sa kanila ang tungkol sa ginawa sa akin ng mga nakakita sa akin sa dagat.

"What the hell! I'm going to kill them!" galit na sabi ni Zander sabay tayo. Hinawakan ko agad ang kamay niya para pigilan siya.

"Hindi pa ako tapos. Umupo ka muna."

Kumalma naman siya kaya tinuloy ko na ang kwento. Sinabi ko sa kanila na napatay ko na ang iba sa kanila pagkatapos lumabas ng kapangyarihan ko.

"Wag mo sabihin na balak mo pang hanapin yung mga nakatakas para patayin?" tanong ni Kuya Xavier.

"Nakalimutan ko na ang tungkol sa paghihiganti ko pagkatapos ko kayo makikilala pero bumalik ang lahat ng galit ko pagkatapos ko malaman na kinalat nila ang video ko. Hindi ko sila mapapatawad," galit na sabi ko.

"Video? Ayun ba yung sinasabi nila Cali na pinanood nila sa school?" tanong ni Kuya Xavier.

"Anong video yun?" tanong naman ni Zander.

"Hindi ko pa nakikita pero may kopya yata si Cali nun. Tatanungin ko siya mamaya," pag-uusap nilang dalawa.

"Ipapahack ko na lang kay Claude yung account ng nagpost."

Habang pinapanood ang dalawa  na nag-usap, nawala bigla ang galit ko.

******

Neil's POV

"Ito magiging kwarto mo," sabi sa akin ni Master Claude. Ayoko sana siya tawaging master pero mapilit siya kaya sinasanay ko na ang sarili kong tawagin siyang Master.

"Mag-isa ka lang ba talaga nakatira dito?" tanong ko. Malaki ang bahay niya pero ang weird lang na mag-isa lamang siya doon.

"Oo pero may pagkakataon na nakutulog dito sila tanda," aniya habang nililibot ako sa bahay niya. Mukhang ayos  naman siya. Inaasahan ko na nag-uuwi siya ng babae dito dahil ayon sa Daddy ni Cali, babae ito.

Natigilan ako sa paglalakad nang may napansin akong paa. Naglakad ako palapit doon at doon ko nakita ang isang babae na nasa ilalim ng cabinet. Hindi ko alam kung ano ginagawa niya doon basta nakapasok doon ang kalahating ng katawan niya. Napaiwas ako ng tingin nang mapansin kong halos kita na ang panty niya.

"Jackie, ano ginagawa mo diyan?" tanong ni Master. Nakarinig ako ng kalabog mula sa cabinet. Nauntog yata yung babae dahil sa gulat.

"G-good Morning Sir!" aniya habang hawak ang ulo niya na nauntog. Nawala lahat ng tiwala ko kay Master nang mapansin ko ang suot ng babae. Halos lumuha ang dibdib nito dahil suot nitong maid output. Nakabukas ang dawang nagkasunod na butones nito sa taas kaya halos makita na ito. Kahit may suot siyng apron hindi pa rin ito nagawang takpan.

"Bakit ganyan ka makatingin? Katulong ko lang siya," paliwanag agad ni Master kahit wala pa akong sinasabi.

"Akala ko ba ikaw lang nakatira dito?" tanong ko sa kanya.

"Nakalimutan kong sabihin na may isang katulong ako para may tagalinis ako ng bahay."

"Katulong lang ba talaga?"
Hindi pa rin ako naniniwalang tagalinis lang itong maid niya. Dalawa lang sila dito sa malaking bahay. Idagdag pa na mukhang malandi itong katulong niya. Isa yan sa mga katangian ng babae na ayoko. Mas gusto ko pa pagtiisan ang pagiging pasaway ni Apple kaysa makasama ang katulad niya.

"Hoy wag ka mag-isip ng kung ano. Katulong ko lang talaga siya," pagtatanggol niya sa kanyang sarili.

"Bakit ganyan ang suot niya? Masyado maiksi para sa maid uniform."

"Wala ako binigay na uniform sa kanya. Hindi ko alam bakit laging ganyan suot niya."

Diretso niya ako tinignan sa mata. Mukhang hindi siya nagsisinungaling.

"Sir, sino po siya?" tanong ni Jackie.

"Jackie, si Neil nga pala. Dito na siya titira simula ngayon. Neil, si Jackie, bampira din siya kaya hindi mo kailangan itago ang totoo."

"Masaya po ako na makikilala ka Sir Neil," sabi ni Jackie sabay bow.

"Neil na lang."

Hindi ako sanay na tinatawag akong 'Sir'. Tumango naman ito bilang tugon.

"Ano ginagawa mo sa ilalim cabinet?" tanong ni Master.

"Nililis ko po yung loob," sagot nito.

"Sige, ituloy mo na yan."

Tinuloy na namin ang paglilibot. Pinakita niya sa akin ang bawat room. Madami  pa itong extrang room para sa isang tao lamang. Sinabi naman niya na minsan nakikitulog din doon ang kakambal niya kapag hindi makakauwi ang asawa nito.

"Mamayang 1:00 pm aalis tayo," sabi niya sa akin bago niya ako iwan. May trabaho pa yata siyang kailangan gawin.

Nahiga na lang ako sa kama. Wala naman ako gamit dahil nasunog lahat ng gamit namin. Maliban sa damit na binigay sa akin ng daddy ni Cali, wala na akong ibang dala.

Sayang yung mga librong inipon ko. Nahihinayang ako sa mga gamit ko na naging abo. Napabuntong hininga na lang ako. Kasalanan ko din naman dahil hindi ko pinag-aralang kontrolin ang ability ko.

"What are you doing?" tanong ko kay Jackie habang salubong ang kilay. Nagising ako na nasa ibabaw ko siya.

"Come on! Alam kong gusto mo akong tikman," malanding sabi niya sabay hipo sa pisngi ko. Nilapit niya ang mukha niya sa akin.

"Hindi ako magdadalawang isip na sunugin ka kapag tinuloy mo yan," banta ko sa kanya bago pa niya ako mahalikan. Naglabas ako ng apoy sa kamay para matakot siya lalo.

"Ito naman nagbibiro lang ako. Pinapagising kayo ni Sir Claude," tumatawang sabi niya habang umaalis sa ibabaw ko.

"Oo nga eh. Halatang nagbibiro ka lang," sarcastic na tanong ko. Nilingon ko ang damit ko na tanggal na ang butones. Nakakatakot talaga minsan ang mga babae. Tumawa lang ito bago umalis. Napailing ako at nag-umpisang mag-ayos.

Itutuloy...

Author's note: Sorry readers. Hirap po ako makapag-UD ngayon dahil pawala-wala internet connection namin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top