CHAPTER 17
CHAPTER 17
Apple's POV
"May gumugulo ba sa isip mo?" tanong sa akin ni Mama Sunny nang kami na lang dalawa ang naiwan.
"Hindi ko po alam kung ano gagawin ko. Kahit na ano pilit ko na alalahanin ang nakaraan ko hindi ko pa rin maalala. Nasa harap ko na ang pamilya ko pero wala pa rin. Kahit pinakita na ni Zander ko ang mga alaala niya kasama ako, wala pa rin," malungkot na sabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa higaan niya at saka ako ningitian.
"Kahit na wala ka maalala, may nararamdaman ka naman sa kanila. Darating din ang araw na maalala mo ang lahat."
Ningitian ko siya saka tinanguan. Totoo ang sinabi niya. Kahit na wala ako memory ko noon kasama nila, nararamdaman ko naman na importante sila sa akin. Nandoon ang pakiramdam na gusto ko sila protektahan kahit na hindi ko alam kung bakit.
Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko sa sitwasyon bigla ako may naalala. May gusto nga pala ako itanong kay Mama Sunny.
"Bampira po kayo diba? Bakit po hindi agad gumaling sugat niyo?" tanong ko.
"Hindi ko ba nasabi sayo? Tao ako dati. Hindi ko alam kung paano ako naging bampira. Nag-umpisa yun pagkatapos ko makilala ang lalaking yun. Dagil tao ako dati, hindi ko kayang uminom ng dugo ng tao. Kaya ganito na lang kahina ang katawan ko."
"Hindi po ba kayo nawawalan ng control?"
"May iniinom akong gamot para doon. Bigay yun sa akin ng isang lalaki. Tinuro niya din sa akin kung saan nakakabili nun. Sinubukan ko din iyon ipainom kay Neil noong bata siya pero katagalan wala na ito epekto sa kanya kaya wala ako choice kundi painumin siya ng dugo."
"May ability din po ba kayo katulad namin?"
"Katulad ni Neil, apoy din ang ability ko. Pero hindi iyon ganun kalakas kumpara kay Neil."
Habang nagkukwento si Mama Sunny, ilan sa nga aalala niya ang nakita ko. Hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol doon at nakinig na lamang sa kwento niya. Habang nagkikinig ako sa kanya bigla ako nakaramdam ng antok.
"Inaantok ka na? Pasensya na dami kong kwento. Matulog ka na muna habang iniintay natin sila Neil. Dito ka sa tabi ko."
"Wag na po. Kayo po ang pasyente. Ayos lang po ako dito," pigil ko sa kanya nang mapansin kong tatayo siya. Sinubsob ko na lang ang ulo ko sa gilid ng kama niya para matulog.
---
Biglang nagising ako sa isang madilim na lugar. Napapalibutan ako ng itim ang paligid. Wala ako makita na kahit na ano.
'Nasaan ako?' tanong ko sa aking sarili. Nag-umpisa akong maglakad habang naghahanap ng malalabasan.
Isang pinto ang aking nakita sa harapan ko. Patakbo ako nagtungo doon at nang buksan ko ito, sumalubong sa akin ang isang batang babae. Nakaupo ito sa itim na sahig habang napapalibutan ng lumulutang na mga gamit. Humakbang ako palapit sa kanya dahilan para mapansin niya ako.
"Ano ginagawa mo?" tanong ko sa kanya. Nang tignan niya ako napansin ko agad ang kakaibang kulay na mata niya. Hindi ito ang unang beses na nakakita ako ng kulay asul na mata. Naalala ko tuloy yung batang babae nakilala ko noon. Katulad niya may asul din itong mata.
"Nagpapraktis po ako gamitin ang kapangyarihan ko. Sabi ni Mommy kapag hindi ko po nacontrol ang kapanyarihan ko, sasabog ang mundo. Ayaw ko po mangyari yun," paliwanag niya. Umupo ako sa tabi niya.
"Bakit? Ano ba kapangyarihan mo?" tanong ko.
"Marami po. Pwede mo po ako tulungan? Ikaw lamang ang ang makakatulong sa akin."
Naguluhan ako sa sinabi niya.
"Hindi mo po ba naalala ate?" dugtong niya na lalo nagpagulo sa isip ko.
"Sino ka?" tanong ko sa kanya. Ningitian niya lang ako.
Biglang nagliwanag siya kaya napapikit ako nang idilat ko ang mga mata ko isang babaeng naglalakad palayo ang nakita ko. Wala na ang bata. Tanging ang babaeng nakatalikod na lamang ang nasilayan ko.
"Sandali! Sino ka? Nasaan ang bata?" sigaw ko saka ito hinabol. Hahawakan ko na sana siya nang biglang may malakas na pwersa ang nagpatalsik sa akin. Nagpatingin ako sa kamay ko na may dugo. Sa isang iglap napuno ng dugo ang katawan ko. Nakaramadam ako ng takot bigla. Unti-unting nalabo ang paningin ko pero bago yun nilingon ang babaeng nasa likod ng lahat. Dahan-dahan ito humarap sa akin ngunit bago ko ito makita isang malakas na sigaw ang gumising sa akin.
"Apple!" sigaw ng lalaki na agad na nagpadilat sa akin.
"Zander..." sambit ko nang makilala ko siya.
"Salamat gumising ka na. Tinakot mo kami," sabi ni Mama Sunny. Nakatayo ito sa gilid habang nakaharang si Neil sa harapan niya na parang pinoprotektahan ito. Sa harapan nila may isang yelong pader ang nakaharang.
Doon ko lamang napansin na parang dinaanan ng bagyo ang paligid. May mga sirang gamit ang nagkalat at nagkaroon ng lamat ang pader.
"Ano nangyari?" naguguluhang tanong ko. Tinignan si Neil pero tinignan lang niya si Zander kaya nabaling sa kanya ang tingin ko. Umiwas siya ng tingin na para bang nag-aalinlangan siya kung sasagutin ba niya ang tanong ko.
"Ako ba may gawa nito?" diretsong tanong ko. May ideya na ako kung ano nangyari. Nagamit ko siguro ang kapangyarihan ko dahil sa panaginip na yun.
Lumabas na lang ako ng kwarto nang mapansin kong ayaw nila sagutin ang tanong ko. Kahit hindi nila sagutin alam ko na ang sagot.
"Bakit?" tanong ko kay Zander nang hawakan niya ang kamay ko para pigilan.
"Uuwi na tayo," aniya saka naglakad habang hawak ang kamay ko. Hinintay na lang namin sila Neil sa sasakyan.
"Ano napanaginipan mo?" tanong niya. Tatanungin ko na sana kung paano niya nalaman na may napanaginipan ako pero naisip ko agad na baka nabasa niya ang nasa isip ko kanina.
"Batang babae na may kulay blue na mata katulad kay Primo," sagot ko. Bigla ako napaaupo ng maayos ng marealize ko na nag-iisa lang si Primo na may ganung mata. Bakit kaya?
"Bakit blue mata ni Primo?" tanong ko sa kanya.
"Hindi palagi blue ang mata niya. Minsan normal lang katulad sa tao pero may pagkakataon na nag-iiba ang kulay ng mata niya."
Napansin ko na palapit sila Xavier kaya nanahimik na ako.
"Daan muna tayo sa restaurant. May gustong kumausap sayo," sabi ni Xavier kay Zander. Tinanguan siya nito bilang tugon saka ito nagmaneho.
Pagkadating namin si restaurant, isang malakas na tawanan ang umagaw ng atensyon namin. May dalawang matandang lalaki na masayang nag-uusap.
"Kung nandito kayo para mag-ingay, mas mabuti pang umuwi na kayo. Nakakaabala kayo sa ibang costumer," malamig na sabi sa kanila ni Zander.
"Hahahaha! Hindi ka pa rin nagbabago anak. Nagrerelax lang kami ng tito mo," tugon matandang lalaki na may eyepatch. Tinignan siya ng nasama ni Zander.
"Pauwi na kami. Kung gusto mo makipag-usap, sumunod na lang kayo sa bahay," sabi ni Zander.
"Ehhh???? Gusto ko muna kumain ng ice cream," reklamo ko. Napatakip ako bigla ng bibig nang tignan nila ako. Nahiya ako bigla pero gusto ko talaga bumili ng apple ice cream.
Sumeryoso bigla ang kausap ni Zander saka ako nilapitan. Kinabahan ako dahil nakakatakot siya. Hinawakan nita ako sa kabilaang balikat habang sinusuri.
"Dad!" tawag sa kanya ni Zander sabay lapit sa amin.
"May kulang sayo. Hindi, matagal na yun wala sayo. Akala ko babalik yun pagkatapos mo mamatay pero mukhang mali ako," sambit nito pagkatapos niya ako suriin.
"Ano po wala sa akin?" naguguluhang tanong ko.
"Nanaginip ka kanina, tama?"
"Paano mo po nalaman?"
Ningitian niya ako at saka sinabi ang mga salitang lalong nagpagulo sa isip ko.
"Nandoon ang nawawala sayo. Kailangan mo iyon mahanap para tuluyan ka na makumpleto. Lahat ng alaalang nawala sayo, napunta kanya."
"Sino siya?" tanong ni Zander. Hindi niya rin siguro naintindihan ang sinabi nito.
"Xia," maikling sagot niya pero makahulugan. Para ako binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang pangalan niya.
Xia ang pangalan ng asawa ni Zander na kamukha ko. Kung kailangan ko siya mahanap ibig sabihin hindi ako ang asawa ni Zander? Bigla ako nalungkot sa naisip ko.
Napaangat ang ulo ko nang may nag-alis humawak dito. Nilingon ko si Xavier na nakatayo sa likod.
"Hindi ko maintindihan kung ano ibig sabihin niya pero may kilala ako na maaring makasagot sa tanong natin. Gusto mo ba siya makausap?" tanong niya habang hawak-hawak ang ulo ko.
"Sino?" tanong ko.
"Si Mama," tugon niya.
"Napansin mo din ba ang napansin ko?" nakangiting ng sabi ni Dad ni Zander.
"Ano pinag-uusapan niyo? Ano napansin mo?" tanong ni Zander. Mukhang naguguluhan din siya nangyari.
"Hindi mo napansin? Mukhang marami ka pang dapat matutunan. Nabasa mo na ba ang isip niya?" tanong nito. Napaisip si Zander sa tanong nito.
"Hin--" natigilan ito bigla.
"Naiintindihan mo na? Katulad mo hindi ko rin nababasa ang isip niya," paliwanag ng Dad niya.
"Hindi natin siya makakausap ngayon. Pero dadalaw daw siya bukas," sabi ni Xavier sa amin pagkatapos niya tawagan ang mama niya.
"Kakain muna ako ng ice cream bago tayo umuwi," sabi ko sa kanila. Ayoko ang pakiramdam ng paligid kaya binaling ko na lang sa iba ang atensyon ko. Masyado ito mabigat kaya kakain na lang ako ng ice cream para gumaan ang pakiramdam ko.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top