CHAPTER 16
CHAPTER 16
Apple's POV
"Ikaw ba si Apple? Matagal na kitang gusto makilala," masayang sabi ni Stella at saka ako niyakap ng mahigpit.
"Tita, nandito daw po si Cali? Bakit hindi po siya pumasok ngayon?" tanong ni Hexa.
"Napilayan siya. Hindi na muna siya pinapasok ng daddy niya. Nandoon siya sa kwarto niya. Samaham niyo na muna siya doon. Mag-uusap lang kami ng daddy niyo," tugon sa kanya ni Stella. Nagtunggo silang pito sa kwarto ni Cali habang ako naiwan kasama ni Zander.
"Nasaan si Xavier?" tanong ni Zander.
"Sa kwarto nagbibihis. Palabas na din. Maupo na muna kayo."
Habang hinihintay namin si Xavier, nilibot ko ng tingin ang bahay nila. Dumapo ang tingin ko sa isang family picture kung saan nandoon ang mukha ko. Nagulat ko nang makita ko din doon ang doctor na naggamot sa akin.
"Picture namin yan apat nila Dad. Kinuhaan yan bago mamatay si Xia" sabi bigla ni Xavier sabay upo sa tabi ni Stella.
"Ah!" sambit ko sabay tingin sa kanila.
"May gusto ka daw sabihin?" tanong ni Xavier sa akin.
"Tungkol doon sa sinabi mo kahapon. Pwede bang sila Mama Sunny na lang ang patirahin niyo dito? Nasunugan sila kahapon. Kailangan nila matutuluyan," pakiusap ko.
"Yun lang ba? Walang problema," tugon niya.
"Salamat! Napakabait niyo talaga," masayang sabi ko sabay hawak sa kamay niya para makipagkamay. Ningitian niya lang ako bilang tugon.
"Bakit hindi na natin siya sunduin ngayon habang maaga pa? Iwan na muna natin ang mga bata dito,," suhestiyon ni Xavier.
"Pwede na ba tayo dumalaw sa ospital?" tanong ko.
"Oo naman."
"Sige. Gusto ko na din siya makita."
Umalis kaming tatlo sa bahay nila Cali. Habang nasa sasakyan kami tinignan ko sina Zander at Xavier na nakaupo sa harapan ko. Nasa backseat kasi ako habang sila nasa harapan. Si Zander ang nagmamaneho at nasa tabi niya si Xavier. Hindi sila nagsasalita pero para silang nag-uusap. Minsan napapansin ko na tumitingin sa akin si Xavier tapos titingin kay Zander.
"Nandito na tayo," sambit ni Zander dahilan para matauhan ako.
"Mauna na ako sa loob," paalam ko sa kanila at dali-daling bumaba ng sasakyan. Hindi na ako makapaghintay na makita si Mama Sunny. Kagabi ko pa gusto dumalaw sa kanya.
"Mama Sunny!" bungad ko pagkabukas ko ng pinto.
"Apple," gulat na sabi niya. Tumakbo ako palapit sa kanya.
"Kamusta po pakiramdam niyo? Sorry ngayon lang po ako nakadalaw."
"Ayos na ako. Hindi naman malalim ang sugat ko. Hindi mo kailangan magsorry. Nasabi na sa akin ni Neil na pumunta ka agad nung nalaman mo naospital ako pero tapos na visiting hours."
"Nakausap ko na po ang papa ni Cali. Pumayag po sila na doon na ka tumira," masayang balita ko sa kanila.
"Naku! Nakakahiya. Ayos lang naman sa akin na maghanap ng panibagong paupahan."
"Wag kayo mahiya. Ayos lang sa amin na doon kayo tumira. Welcome kayo doon. Tatlo lang naman kami nakatira sa bahay," singit ng daddy ni Cali.
"Sigurado ka? Maraming salamat naman. Wala ako sapat na pera para mabayaran kayo pero handa ako magtrabaho bilang katulong sa inyo," tugon ni Mama Sunny.
"Kahit wag na po."
"Gusto ko makatulong sa inyo kahit papaano."
"Sapat na po na kabayaran ang pagkupkop niyo kay Xi-- Apple. Sabi nga po nila kung ano ginawa niyo sa ibaba, babalik din sa inyo balang araw."
"Salamat. Malaking tulong iyon para sa amin."
"Ma, sumabay na po kayo sa kanila mamaya," sabi ni Neil.
"Paano ka? Hindi ka ba sasama?" tanong ni Mama Sunny.
"Maghahanap po ako ng mapapasukang trabaho para makatulong sa inyo. Kasalanan ko po kung bakit nasunog ang bahay. Sorry Ma."
"Aksidente lang ang nangyari. Wala ka kasalanan. Ginawa mo yun para iligtas ako. Salamat anak. May alam ka na bang papasukan? Wag mo sana kakalimutan yung pag-aaral mo kahit na nagtatrabaho ka."
"Kami na din bahala sa trabaho niya. May alam po kami na pwede niyang pasukan. Minsan na po nagtrabaho doon si Zander noon," sabi ni Xavier.
"Ganun ba? Sige. Hahayaan kita sa gusto mo anak. Basta mag-iingat ka palagi. Dalawin mo ko kapag may oras ka. Ngayon ka lang mapapalayo sa akin," pagsang-ayon ni Mama Sunny. Napangiti ako dahil ayos na ang lahat.
"Gusto ko din magtrabaho sa papasukan mo," sabi ko nang maalalang kailangan ko din ng pera para sa sarili ko. Masyado na ako umaasa sa iba.
"No! Kung gusto ko ng trabaho bibigyan kita," kontra ni Zander.
"Bakit? Gusto ko kasama si Neil," reklamo ko. Tinignan niya ako ng masama.
"Kung gusto mo ng trabaho. Pwede ka maging assistant ni Zander. Tamang-tama balak din nila maghanap ng assistant niya dahil masyado abala si Kenji sa pagtuturo," sabat ni Xavier sa amin.
"Ano ba trabaho niya? Bakit kailangan niya ng assistant?" tanong ko.
"Private Online Detective. May nagsesend lang sa kanya na impormasyon tungkol sa case tapos magsesend siya ng deduction niya about case. May pagkakataon na kailangan niya pumunta sa mismong crime scene kapag kulang ang impormasyon," paliwanag ni Xavier.
"Wow! Ang galing naman. Sige, payag na ako maging assistant mo," excited na sabi ko.
"Okay," tugon ni Zander sabay ngiti saglit.
"Ehem. Pwede ko ba malaman kung saan yung sinasabi niyong trabaho?" tanong ni Neil.
"Pupunta kani ni Zander doon. Kung gusto sumama ka na sa amin," sagot ni Xavier.
"Ako na muna magbabantay kay Mama Sunny habang wala ka," sabi ko naman para hindi na si Neil.
"Salamat," pagpapsalamat niya sa akin.
*******
Neil's POV
"Bye! Ingat kayo," paalam ni Apple sa amin.
Tahimik lang ako na sumunod sa dalawang lalaking nasa harapan ko. Medyo naiilang ako dahil ang bata ng itsura nila. Sino mag-aakala na tatay sila ng mga kaklase ko.
"May gusto ka ba sabihin?" tanong bigla ng daddy ni Cali.
"Ha?" gulat na tanong ko.
"Kanina mo pa kami tinitignan. May gusto ka ba sabihin o tanungin?"
"Ano koneksyon niyo kay Apple? Gusto ko malaman kung bakit parang isang malapit na kaibigan ang turing niyo sa kanya."
"Asawa ko siya," sagot ng daddy nila Primo sabay tingin sa akin gamit ang salamin sa taas nila.
"I see," sambit ko sabay tingin sa singsing na suot niya.
"Hindi ka man nagulat?" tanong ng daddy ni Cali.
"Pagkatapos ko malaman na hindi tumatanda ang anyo niyo. Hindi na ako magugulat kung pati si Apple ganun. Ikaw, ano ka niya?" tugon ko.
"Nakakatandang kapatid."
"Alam na ba ni Apple?"
"Alam niya. Kaya niya makita ang nakaraan namin. Pero wala pa rin siya maalala," paliwanag ng Daddy nila Primo.
"Wala kami magagawa kundi ang hintayin bumalik ang alaala niya," sabi naman ni Mr. Knight. Hindi na ako muli nagtanong.
Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay. Tinapat nila ang mukha nila sa isang scanner sa tabi ng gate at saka ito bumukas. Sinabay ako ni Mr. Knight sa pagpasok dahil hindi daw ako makakapasok kung maiiwan ako sa labas.
"Welcome to Crimson Lynx Agency. Hinihintay na po kayo ni Sir Kazuki sa opisina niya," sabi ng isang babaeng sumalubong sa amin. Umakyat kami sa second floor. Kung titignan sa labas mukha lang itong bahay pero pagpasok pang-opisina ang ayos.
"Ano ginagawa mo?" tanong ni Mr. Hudson.
Tumigil ang lalaki sa pagpindot ng laptop niya saka niya kami nilingon. Agad ko naman siya nakilala. Siya yung kasama ni Mr. Hudson sa ospital noon.
"May natatangkang maghack ng website namin. Hinahanap ko yung location niya. Siya na ba yung sinasabi niyo sa akin?" tugon nito sabay tanggal ng salamin at tingin sa akin.
"Yeah. Ikaw na bahala sa kanya. Wala siya matitirahan kaya patirahin mo na lang siya sa bahay mo. Masyado na masikip kila Rain," sabi ni Mr. Hudson.
"Ano kaya mo gawin?" tanong sa akin ni Mr. Kazuki.
"Kaya ko din gawin yung ginagawa mo kanina," sagot ko.
"Marunong ka din maghack. Good! Tanggap ka na. Mula ngayon magiging apprentice na kita. Tawagin mo kong Master. Tuturuan kita kung paano maging isang magaling na agent. Maswerte ka dahil ikaw pa lang ang kauna-unahang apprentice ko. Sigurado marami ka matutunan sa akin."
"Siya ang kauna-unahan dahil lahat sila gusto kila Kenji magtraining," kontra ni Mr. Hudson.
"Kila Kenji nila gusto magtraining dahil nahihiya silang magpaturo sa boss nila. Ano nga pala ability mo bilang bampira? Importanteng alam namin ang ability mo."
"Hindi niyo na kailangan malaman yun. Wala din naman ako balak gamitin yun. Napakadelikado ng kapangyarihan ko."
"Nagiging delikado lang ang isang ability kapag hindi mo ito kontrolado. Ganyan din ako noon. Ayoko gamitin ang ability ko, dahil minsan ng nawala ang tirahan namin dahil doon."
Nakita ko bigla sa kanya ang sarili ko. Ganun din kasi ang nangyari sa akin. Pakiramdam ko tuloy matutulungan niya ako kapag sinabi ko sa kanya.
"Apoy ang ability ko. Dahil doon nasunog ko bahay namin," sabi ko habang nakayuko. Walang nagsalita sa kanila kaya tinignan ko sila. Nakatulala sa akin si Sir Kazuki habang sila Mr. Hudson nakatingin lang sa kanya.
"Tama lang pala na maging apprentice ka ni Kazuki. Parehas kayo ng ability," komento ni Mr. Knight.
"Ano kulay ng apoy mo?" tanong ni Sir Kazuki.
"Orange," sagot ko.
"Mabuti naman. Akala ko kulay blue din katulad sa akin," aniya sabay tawa.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top