CHAPTER 12
CHAPTER 12
Apple's POV
"Daddy ni Cali yun diba?" turo ko sa lalaking nakatayo sa tapat ng gate habang may tinatawagan.
"Nasaan na ba si Cali? Bakit hindi niya sinasagot tawag ko? Sabi niya nandito na siya," rinig kong sabi niya habang palakad-lakad.
"Nawawala si Cali?" tanong ko.
"Hindi naman. Baka may pinuntahan lang siya saglit. Nagtext siya sa akin kanina na sa may gate na siya. Natraffic ako kaya medyo nahuli ako ng dating," paliwanag niya.
"Baka kung ano na nangyari sa kanya. Narinig ko sila Jerome na may masama silang binabalak kay Cali," nag-aalang sabi ko.
"Hoy! Wag ka nga magbintang diyan. Baka may pinuntahan lang talaga si Cali," kontra ni Neil.
"Sinabi ko na sayo masama kutob ko. Hindi ako nagkakamali. May masamang ngang ginawa sa kanya sila Jerome. Kailangan natin sila mahanap," hila ko kay Neil.
"Saan kayo pupunta? Sino si Jerome? May alam ba kayo sa nangyari?" pigil sa amin ng Daddy ni Cali. Kinukwento ko naman sa kanya yung nangyari kanina. Simula doon sa pinanood namin video at yung pakikipagtalo ni Cali kay Jerome. Sinabi ko din na narinig ko sila Jerome na nag-uusap tungkol kay Cali.
"Sumama kayo sa akin. May alam ako kung paano makikita si Cali. Kapag nakita niyo sila Jerome, ituro agad sa akin."
Pinasakay niya kami sa sasakyan niya at bago magmaneho may pinindot siya sa cellphone niya. May lumabas na parang mapa at dalawang kulay pulang korteng tao doon.
"Ano po yan?" tanong ko.
"May tracking device ang cellphone ni Cali. Nandito tayo habang si Cali naman nandoon," turo niya sa may dalawang pulang korteng tao.
"Sa may lumang building ng school yan ah? Ano ginagawa niya doon? Pinagbabawal pumunta doon dahil delikado," sabi ni Neil pagkatapos makita ang mapa.
"Kung tama ang hinala ni Apple, dinala siya doon nila Jerome. Humanda sila sa akin kapag nakita ko sila," sambit ng Daddy ni Cali saka ito nagmaneho.
"Bampira po ba kayo?" tanong ko habang nakatingin sa kanya.
"Bakit mo natanong?"
"Naisip ko lang na baka isa sa katangian ng bampira ang hindi pagtanda."
"Kahit bampira tumatanda din ang itsura. Mas matagal lang tumanda ang itsura nito kumpara sa tao. Pero kung titignan sa edad ni Cali, masyadong bata ang itsura niya. Dapat mas matured ng kaunti ang itsura niya. Sigurado ako na may dahilan kung bakit hindi nagbabago ang anyo niya," kontra sa akin ni Neil sa akin.
"Hindi niyo kailangan magtalo. Pareho kayong dalawa. Totoong bampira ako pero iba ako kumpara sa normal na bampira. Narinig niyo na ba ang tungkol sa Artificial Vampire?" nakangiting sabi ng Daddy ni Cali.
"Artificial Vampire?" pabalik na tanong namin. Hindi rin siguro alam ni Neil ang tungkol doon.
"Bilang lang ang nakakaalam tungkol sa kanila. Mga tao sila na naging bampira pagkatapos lagyan ng bahagi ng katawan ng isang bampira ang katawan nila. Tinawag silang Artificial Vampire dahil doon. Pagkatapos mamatay ng taong yun, mabubuhay sila muli makalipas ang ilang buwan at doon na sila magiging bampira. Kung ano itsura nila simula nung namatay sila, hindi na ito magbabago kahit tumanda sila," paliwanag niya.
"Artificial Vampire po kayo? Ibig sabihin bampira din si Cali?" tanong ko.
"Tao si Cali. Parehong Artificial Vampire ang magulang ko pero tao din ako nung pinanganak ako. Naging bampira lang ako noong namatay ko. At tulad ng nakikita niyo kung ano itsura ko nung namatay ako, ganun pa rin ang itsura ko," tugon niya.
"Yung mama ni Cali? Katulad niyo din po ba?"
"Tao lang din siya. Bakit hindi kayo pumunta minsan sa bahay para makilala niyo siya? Sigurado matutuwa yun kapag nakita ka niya, Apple. Malayo nga lang dito bahay. Alam ko na. Birthday ni Cali sa susunod na buwan. Punta kayo."
"Sige po. Gusto ko din makita ang Mama ni Cali."
"Kulay ginto po ba ang mata ng Artificial Vampire?" tanong bigla ni Neil.
"Oo. Paano mo nalaman? Isa yun sa kaibahan namin sa normal na bampira."
"Ibig sabihin Artificial Vampire din si Apple. Kaya pala iba ang kulay ng mata niya."
Tumango ang Daddy ni Cali bilang tugon. Hindi man lang ito nagulat sa sinabi ni Neil.
"Baka namatay ka sa may dagat tapos nabuhay ka ulit at naging bampira," sabi sa akin ni Neil.
"Hindi ako namatay sa dagat," kontra ko. Tingin ko namatay ako doon sa isla.
"Ito na ba yung lumang school?" tanong bigla ng daddy ni Cali.
"Opo. Baka nasa loob si Cali," sagot ni Neil.
Bumaba kami sasakyan.
"Cali! Nandyan ka ba?" sigaw ko habang palapit kami sa pinto.
Binuksan ng daddy ni Cali ang pinto. Bumungad sa amin ang gulat na mukha ni Cali.
"D-dad."
"Ano nangyari sayo? Sinaktan ka ba ni Jerome?" lapit agad sa kanya ng daddy niya.
"Hindi po. Nakuha ko po ito nung bumagsak ako. Gumuho kasi bigla yung inaapakan kong hagdan," paliwanag ni Cali.
"Bakit hindi mo sinasagot cellphone mo? Kanina pa kita tinatawagan."
"Sorry po."
"Wag mo na uulitin yun. Kaya mo ba tumayo?"
Napatingin siya sa isang paa niya na namumula. Hinawakan ito ng daddy niya at agad na napa'aray' si Cali.
"Napilayan ka yata. Tara sa ospital," sambit ng daddy niya bago niya ito binuhat.
"Sumabay na kayo sa amin," sabi ng sa amin ng daddy ni Cali.
Dumaan muna kami ng ospital at saka nila kami hinatid sa bahay.
"Diyan kayo nakatira?" gulat na tanong ni Cali nang makita ang bahay nila Neil.
"Oo. May problema ka ba sa bahay namin?" tugon ni Neil.
"Ilan kayong nakatira diyan?" tanong naman ng daddy ni Cali.
"Tatlo."
"Isang lang kwarto?"
"Paano mo po nalaman?"
"Hula ko lang base sa laki ng bahay niyo. Magkakasama kayong tatlo sa kwarto?"
"Hindi po. Dalawa lang kami ni Neil sa kwarto. Sa sala natu--" singit ko pero biglang tinakpan ni Neil ang bibig ko.
"Magkasama kayo sa kwarto? Babae ka at lalaki siya. Hindi kayo totoong magkamag-anak diba?" tanong ng daddy ni Cali. Seryoso ang mukha nito habang nagtatanong. Pakiramdam ko may mali akong sinabi.
"Hindi naman kami magkatabi. Sa sahig natutulog si Neil. Alam ko naman walang masamang gagawin si Neil," paliwanag ko.
"Apple, kung kailangan mo ng matutuluyan pwede ka sa bahay namin. May isa pa kaming extrang kwarto," suhestiyon ng daddy ni Cali.
"Tama! Maganda doon sa amin. Tahimik at pwede ka pa magswimming sa dagat kapag dumalaw tayo kila Kuya Primo. Mag-isa lang ako palagi sa bahay. Tapos wala pa ako kapatid," sabi naman ni Cali sabay hawak sa kamay ko.
"Pag-iisipan ko," tugon ko.
"Sige. Ito number ko. Tawagan mo lang ako kung gusto mo lumipat. Pag-isipan mo mabuti," sabi sa akin ng daddy ni Cali. Binigyan niya ako ng calling card.
"Sige po. Salamat."
"Alis na kami. Bye!"
Tinignan ko ang card na binigay niya.
"Calvin Xavier Knight. Hmmm. Parang pamilyar sa akin ang pangalan niya," pansin ko sa pangalan niya.
*******
Neil's POV
"Maligo ka na doon. Tapos na ako," sabi ko kay Apple. Nakatulala lang ito sa may calling card habang nakahiga. Doon ko mas nakita na maganda pala siya.
Lumapit ako sa kanya para mas matignan ko siya.
"Baka mainlove ka na sa akin niyan," biro niya sabay lingon sa akin.
"Saan mo naman natutunan yan?" tanong ko.
"Napanood ko sa tv. Mapapatitig bigla yung lalaki sa babae tapos titibok ng malakas ang puso niya," paliwanag niya habang nakangiti. Napahawak ako bigla sa dibdib ko nang mangyari ang sinabi niya.
"Unti-unti siyang lalapit sa babae hanggang sa halos magdikit ang labi nila," pagkwento pa niya habang lumalapit sa akin. Napatingin ako sa labi niya. Parang natutukso akong halikan ito.
"BOOOOOO!" panggugulat niya bigla sa akin sabay tawa nang matumba ako dahil sa gulat. Hindi ko na tuloy alam kung ano ba nagpatibok ng mabilis sa puso ko.
"Maligo ka na nga," inis na sabi ko sabay tayo. Nagtunggo na lang ako sa study table ko para mag-aral. Narinig ko ang pagsara ng pinto tanda na lumabas na siya.
Sinubukan ko ituon ang sarili sa binabasa ko pero bigla na lang pumapasok sa isip ko si Apple. Para siyang kabute. Bigla na lang susulpot ang imahe niya sa isip ko.
"Wag mo sabihin na inlove nga sa kanya? Hindi pwede!" ginulo ko buhok ako dahil sa naisip ko. Ngayon lang nangyari sa akin dito. Kailan ba ako natutong pumansin ng iba? Buong buhay ko si Mama lang ang iniisip ko. Wala ng iba!
Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito. Bumungad sa akin si Apple na nakatapis lang ng tuwalya. Napalunok ako bigla nang mapansin ko ang basa niyang buhok.
"Sorry. Nakalimutan ko magdala ng damit. Pwedeng lumabas ka muna saglit?" aniya habang nakangiti ng pilit.
"Ah! Okay," tugon ko sabay lakad patungo sa pinto. Palabas na sana ako nang maamoy ko siya bigla. Sinara ko ang pinto saka siya tinulak. Pareho kaming natumba sa sahig. Nasa pagitan siya ng hita ko habang nakaluhod ako at hawak ang balikat niya.
"Neil, ano ginagawa mo?" gulat na tanong niya.
"Sorry," natauhan ako bigla. Tatayo na sana ako nang mapansin kong hindi ko magalaw ang katawan ko. Sinubukan ko alisin ang kamay ko sa balikat niya pero lalo lang ito humigpit.
"Neil, nasasaktan ako," sambit ni Apple sabay hawak sa kamay ko.
"Hindi ako yan. I mean hindi ko makontrol ang katawan ko. Parang may gumagalaw nito," paliwanag ko.
Hinawakan ng kamay ko ang kamay niya at inangat ito sa taas ng ulo niya habang mahigpit na ang pagkakahawak nito.
"May humawak ba sayo kanina na bampira?" tanong niya.
"Hindi ko alam. Pero kung may kahina-hinalang bampirang humawak sa akin. Isa lang ang naiisip ko," tugon ko.
"Sino?"
"Si Chase. Nasalubong ko siya sa ospital noong dinalaw kita. Tinulungan ko siya magpulot ng gamit niya. Nagdikit ang kamay namin habang inaabot ko ang kamay niya. Hindi ko pa alam noon na siya si Chase kaya hindi ko pinansin," pagkukwento ko. Lumapit ang katawan ko sa kanya. Pareho nanlaki ang mata namin nang kamuntik ko na siya mahalikan dahil sa sobrang lapit ng mukha ko.
"Alam ko na!"
Biglang ngumiti si Apple na parang may masamang binabalak. Pinulupot niya ang paa niya sa sa akin.
"Hoy! Ano ginagawa mo?" gulat na sabi ko pero bigla niya ako hinalikan.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top