CHAPTER 11

CHAPTER 11

Apple's POV

"Bakit nakasimangot ka diyan?" tanong sa akin ni Neil habang kumakain kami.

"Naalala ko lang yung sitwasyon ko sa classroom. Mag-isa lang ako nakaupo sa likod. Kailan kaya papasok sila Primo?" tugon ko. Pakiramdam ko nag-iisa lang ako sa classroom kahit na may kasama ko. Lahat sila masayang nakikipagdaldalan. Habang si Neil abala sa pagbabasa ng libro. Dapat pala dinala ko yung biniling libro ni Neil para sa akin.

"Sabi ko naman sayo doon ka muna umupo sa pwesto ni Hexa. Absent naman siya."

"Haay! Ayoko na mag-aral. Aww!"

Napahawak ako sa ulo ko nang hampasin ito ng libro ni Neil.

"Sino ba kasi nagsabi sayo na mag-aral ka din? Naumpisahan mo na yan kaya tapusin mo. Kahit ngayong taon lang," sermon niya sa akin.

"Yes Sir," nakasimangot na sabi ko.

"Ubusin mo na pagkain mo para makabalik tayo agad sa room."

Kumain na lang ako bago pa ako mapagalitan ni Neil. Para siyang matanda. Tapos ang sungit pa.

Pagkabalik namin sa classroom, kapansin-pansin ang kumpulan ng nga kaklase namin sa likuran.

"Ano ginagawa niyo?" tanong ni Cali na nagkataong kasabay din naming pumasok.

"Pinapanood namin yung viral video. Sabi sa post bampira daw yung babae," sagot ng isang babae.

"Bampira? Patingin ako," napatingin sa amin si Cali bago ito makisali.

"Sandali! May cellphone naman kayo. Share ko na lang sa inyo para hindi siksikan," inis na sabi ni Jerome sabay tayo.

"Share mo na habang walang teacher," sabi ni Renier.

"Oo. Doon na kayo sa upuan niyo."

Nagsibalikan ang lahat sa kanilang upuan at nagkanya-kanyang labas ng cellphone. Nakisilip ako sa cellphone ni Cali upang makita din ito.

Napalunok ako ng laway pagkatapos ko makita ang video. Ayun din ang video na pinapanood ng dalawang lalaki sa ospital.

"Neil, ano ibig sabihin ng viral video?" tanong ko kay Neil.

"Popular video na kumalat sa pamamagitan ng pagshare sa social media at iba't - ibang website."

"Ibig sabihin kalat na yung video kahit saan?"

"Oo. Bakit?"

"Kalokohan lang yan. Sigurado gawa-gawa lang yan ng nagpost para sumikat. Hindi totoo ang bampira," sambit ni Sean.

"Sabi nila meron din daw sila live video na pinalabas," kotra ni Jerome.

"Paano kaya kung totoong bampira yung babae? Baka isa pala sa atin yung bampira. Tapos nagpapanggap lang siyang tao at isa-isa niya tayong papatayin dahil sa napanood na natin video," pananakot ni Alice.

"May naisip ako. Doon sa video gumagaling agad yung sugat ng babae. Bakit hindi natin sugatan yung sarili natin para malaman natin kung may bampira talaga sa classroom," suhestiyon ni Jerome. Kinabahan ako bigla dahil sigurado gagaling agad sugat ko kapag sinugatan.

"Ano ba yan iniisip niyo? Sino naman matinong tao gagawa niyan? Kung may bampira dito matagal na niyang sinipsip yung dugo niyo. Saka porket immortal yung babae sa video, bampira na agad? Malay niyo immortal lang talaga siya," kontra ni Cali.

"Eh? Natatakot ka lang eh. Bampira ka siguro no?" pang-aasar ni Jerome.

"Tao ako. Mukha ba akong bampira?"

"Kung tao ka. Patunayan mo nga. Sugatan mo sarili mo. Sakto may cutter ako dito."

"Ayoko nga. Kung ayaw mo maniwala edi wag."

Mabuti na lang dumating na ang teacher at natahimik na ang lahat. Hindi pa rin maalis sa isip ko yung video. Dalawa sa kanila ang napatay ko. May tatlo pa akong hahanapin. Pagkatapos ko mapanood ang video lalo akong naging desperada na makita mapatay sila. Pero hindi ko magagawa yun kung lagi kong kasama si Neil. Kailangan ko umisip ng paraan para makakilos ako.

Natapos ang araw na wala akong naisip na plano. Pauwi na sana kami ni Neil nang madaanan namin si Jerome at ang dalawa niyang barkada.

"Sigurado ka ba diyan? Baka balikan tayo nila Primo kapag sinaktan natin si Cali?" rinig kong sabi ni Kean.

"Ako bahala sa inyo. Susugatan lang naman natin siya ng kaunti," sabi ni Jerome.

Hinawakan ko si Neil sa damit upang tumigil sa paglalakad. Gusto ko pa marinig nag usapan nila.

"Ikaw bahala. Tutulungan ka namin na dukutin siya pero pagkatapos nun bahala ka na."

"Okay," nakangiting sabi ni Jerome.

"Bakit ka tumigil?" tanong ni Neil. Sinulyapan ko muna sila Jerome bago ko hinila si Neil.

"Hindi mo ba narinig usapan nila Jerome?" tanong ko nang malayo na kami.

"Hindi ako interesado sa usapan nila kaya hindi aki nakinig. Bakit ba?"

Sinabi ko sa kanya yung mga narinig ko.

"Sigurado ka ba diyan sa narinig mo?" tanong ni Neil.

"Sigurado ako. Kailangan natin mahanap si Cali. Hindi maganda kutob ko," tugon ko.

"Kutob mo lang yan. Masyado  ka lang nag-iisip ng kung ano."

"Tama palagi kutob ko. Kung ayaw mo maniwala edi wag. Mag-isa ko na lang hahanapin si Cali," inis na sabi ko bago umalis.

"Apple! Hoy!" tawag niya sa akin pero hindi ko pinansin.

Nagtanong-tanong ako sa mga kaklase namin na nasalubong ko kung nasaan si Cali.

"Kanina pa siya umuwi. Nakita ko siya na lumabas sa gate kanina," tugon ni Alice.

"Sabi ko naman sayo masyado ka lang nag-iisip ng kung ano. Malayo bahay nila kaya umuuwi siya agad. Wag ka na mag-aalala. Umuwi na din tayo," pangkukumbinsi sa akin ni Neil. Alam ko na kanina pa niya ako sinunsundan habang nagtatatanong ako. Wala na ako nagawa kundi ang umuwi. Siguro nga maling akala lang ako.

*******

Cali's POV

"Hello Dad," sagot ko sa tawag ni Dad.

"Uwian niyo na ba? Papunta na ako diyan sa school mo. Hintayin mo ko sa tapat ng gate niyo," sabi ni Dad sa akin.

"Ikaw po susundo sa akin?" tanong ko. Bihira lang kasi na si Dad ang sumundo sa akin. Madalas nagpapadala lang siya ng susundo sa akin.

"Oo. Ayaw mo ba? Maaga natapos trabaho ko."

"Gustong-gusto po. Paalis na po ako ng room. Hintayin ko po kayo sa gate. Bye Dad. I love you," excited na sabi ko. Agad ko kinuha ang bag ko para hintayin si Dad.

Paglabas ko wala pa si Dad. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext siya na nasa gate na ako.

"Cali, pwede ba tayo mag-usap saglit?" tanong sa akin ni Kean.

"Tungkol saan?" tanong ko sabay bulsa ng cellphone ko.

"Basta. Sama ka muna sa akin," tugon niya hinawakan niya ako sa braso saka ako hinila.

"Baka dumating si Dad. Dito mo na lang sabihin."

"Hindi pwede. Baka may makarinig."

Hinayaan ko na lang siya na hilain ako kung saan para makaalis na ako.

"Ano ginagawa natin dito?" tanong ko nang magtungo kami sa old building ng school. Dito noon ang school pero dahil dumadami na ang mga nag-aaral nagpatayo na sila ng malaking school. Sabi nila gigibain na daw ito para patayuan ng gym.

Lilingunin ko na sana si Kean nang biglang takpan niya ang bibig ko at mahigpit na niyakap. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Bryan na may hawak na tali. Kinuha  ang kamay ko upang itali pero sinipa ko siya at saka siniko si Kean para makawala.

"Jerome," gulat na sabi ko nang humarang siya dadaanan ko.

"Saan ka pupunta? Hindi mo pa napapatunayan na bampira ka," nakangising sabi ni niya sabay angat ng cutter niya.

"Wala ako dapat patunayan sayo. Hindi ako bampira," inis na sabi ko sabay tulak sa kanya. Hinawakan niya ako sa balikat saka hinila at itinulak kila Kean.

"Ano ba?! Hindi ako nakikipagbiruan sayo. Palabasin niyo ko kundi isusumbong ko kayo sa pulis. Kakasuan ko kayo ng harassment at kidnapping," sambit ko habang nagpupumiglas kila Kean. Tinakpan  nila ng panyo  ang bibig ko saka tinali. Hindi na ako nakalaban dahil mas malakas sila sa akin.

"Ayan na! Iwan ka na namin," sabi ni Kean sabay tulak sa akin patungo kay Jerome.

"Salamat," pagpapasalamat ni Jerome pagkatapos ako saluin. Naiwan kaming dalawa sa may lumang  building ng school.

"Ngayon, umpisahan na natin. Saglit lang naman ito. Titignan ko lang kung gagaling agad sugat mo katulad ng bampira," aniya pero isang masamang tingin lang ang tinugon ko. Sinipa ko ang paa niya dahilan para mabitawan niya ako.

"F*ck! Ginagalit mo talaga ko!" galit na sabi niya. Sa takot ko napatakbo ako paakyat ng building upang taguan siya pero biglang nasira ang hagdan at lumusot ang isang paa ko. Gawa lang kasi ito sa kahoy dahil sa katagalan nabubulok na ang kahoy.

Pagkaalis ko ng isang paa ko sa butas, naira naman namang inaapakan ko. Bumaksak ako sa sahig. Halos maiyak ako sa sakit.

"Hahahaha. Buti nga sayo," tawa ni Jerome. Kasalanan niya ito eh. Bakit kasi dito pa niya napiling dalhin ako.

"Hmmm! hmmmmp! hmmmp!" sambit ko pero hindi ako makapagsalita ng maayos dahil sa panyo.

"Ano sabi mo?" pang-aasar niya sabay sabunot sa akin. Inangat niya ang blade ng cutter.

"Tama yan! Ganyan ka lang. Wag ka gagalaw," sambit niya sabay tutok sa akin ng cutter. Sa sobrang takot ko, pilit ako tumayo at aksidenteng nasugatan ako sa mukha.

"Sinabi ko na wag ka gagalaw. Ayan tuloy nasugatan kita sa mukha. Sa balikat lang dapat kita susugatan," inis na sabi ni Jerome. Hindi naman ako umimik.

"Tao ka nga talaga? Akala ko pa naman makakakita na ako ng bampira," tinago na niya ang cutter niya saka tinanggal ang tali ko.

"Walang dapat makaalam nito. Kapag nalaman ko na nagsumbong ka, hindi lang yan makukuha mo sa akin," pananakot niya. Tumango na lang ako dahil sa takot. Baka kung ano gawin sa kanya nila Dad kapag nalaman nila yung totoo.

Hindi ako natatakot kay Jerome mas natatakot ako sa manyayari sa kanya. Kahit hindi ako bampira, may bampira pa rin sa pamilya ako.

'Wala dapat makaalam nito,' sa isip ko.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top