CHAPTER 10

CHAPTER 10

Apple's POV

"Apple! Nasaan ka? Apple?" rinig kong tawag sa akin ni Neil.

"Neil!" sambit ko sabay takbo palabas ng kwarto nila Primo. Nakita ko si Neil na nakatayo sa tapat ng kwarto ko.

"Ano nangyari? Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya nang makita ako.

"Ayos lang ako. Nasaan na ang apple ko?" tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa ibaba kung saan nagkalat ang mga apple.

"Nabitawan ko kanina. Akala ko kung ano na nangyari sayo. Kinabahan ako," paliwanag niya sabay pulot ng mga apple.

"Salamat," masayang sabi ko. Masaya ako na malamang nag-aalala siya sa akin. Dahil doon alam ko na mahalaga din ako sa kanya.

"Para dinaanan ng bagyo yung kwarto mo," napatingin kami sa likod nang narinig namin ang tinig ng tito nila Primo.

"Pagkasigaw ko kanina bigla na lang nabasag yung bintana at ilaw," paliwanag ko.

"Hindi ka pa rin pala nagbabago," nakangiting sabi niya.

"Ano ibig mo sabihin?" tanong ko.

"Alam mo ba kung sino si Apple? Sabi mo hindi pa rin siya nagbabago. Kilala mo ba siya?" tayo bigla ni Neil.

"Kilalang-kila. Wag sina kayo mabibigla. Apple, ako ang asawa mo. Hindi mo ba ako natatandaan?" tuhon ng tito nila Primo.

"Asawa?" nagtatakang tanong ko.

"Kailan ka pa naging asawa niya, Claude?" singit ng lalaking nasa panaginip ko. Hinawakan niya ang balikat ng tinatawag niya Claude. At kapansin-pansin ang pagyelo sa parte ng hinawakan niya.

"Joke lang. Hahahaha. Totoo nga talaga na wala ka maala?" bawi ni Claude.

"Bakit alam mo yun? Sino kayo?" naghihinalang tanong ko.

"Sinabi sa amin ni Kenji yung sitwasyon mo. Ako nga pala si Claude at siya naman si Zander. Nakikilala ko na sila Bliss diba? Magkakaibigan kami," paliwanag ni Claude.

"Tara na Apple. Hintayin na lang natin si Mama sa ibaba," sabi ni Neil sabay hila sa akin.

"Sandali," pigil sa amin ni Zander sabay hawak sa kamay ko. Nakatingin ito sa kamay ni Neil na nakahawak din sa isa kong kamay. Sa hindi malamang dahilan bigla ako kinabahan. Pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari kapag nagpatuloy sila.

Hinila ko na lang ang kamay ko kay Neil saka inalis ang kamay ni Zander.

"Salamat nga pala sa tulong niyo kanina. Gusto pa sana kita makausap pero kailangan na namin umalis. Sa susunod na lang tayo mag-usap kapag nagkita tayo ulit," paalam ko sabay hawak sa balikat ni Neil at tulak sa kanya paalis.

"Ano problema ng lalaking yun? Bakit ang sama niya makatingin sa akin? Parang gusto niya ako patayin," sambit ni Neil.

Napahawak ako sa dibdib ko. Hanggang ngayon mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. Kanina pa ito simula nung tawagin niya akong mahal at lalong bumilis nung hawakan niya ako sa kamay.

"Masakit ba ang puso mo? Ayos ka lang ba talaga? Gusto mo magpatingin muna sa doctor bago umuwi?" tanong bigla ni Neil.

"Wala ito. Ayos lang ako," tugon ko sabay ngiti.

"Ma dito!" sigaw ni Neil sabay kaway sa may glass door.

"Bakit nandito kayo sa ibaba? Dapat nasa kwarto ka nagpapahinga," sermon sa amin ng Mama ni Neil pagkalapit nito.

"Ayos na po ako. Damit ko po ba yan?" tugon ko.

"Oo. Magbihis ka na. Kakausapin ko muna saglit yung doctor mo para masigurado kung ayos ka lang. Neil, samahan mo ko. Apple, hintayin mo na lang kami dito kapag nakabihis ka na."

Binigay niya sa akin ang dala niyang paper bag bago sila umalis. Nagtunggo ako cr para doon magpalit.

"Sorry. Ayos ka lang bata?" tanong ko sa batang babae na natamaan ng kamay ko. Tumango ito bilang tugon.

"Ang ganda ng mata mo. Ano pangalan mo?" tanong ko sa kanya. Umupo ako para makatapat ko siya.

Katulad ng kulay ng dagat ang mata niya. Kulay blue ito at napakasarap tignan.

"Risa po," nakangiting sabi niya sabay yakap sa akin at halik sa pisngi ko.

"Mas maganda po kayo," aniya sabay takbo. Napangiti na lang ako habang pinapanood siya paalis.

"Wow! Tignan mo ito," rinig kong sabi ng isang lalaki na nakaupo sa waiting area habang nakatingin sa cellphone niya.

"Totoo ba yan? Baka edited lang?" sabi ng lalaki.

"Hindi dude. Live sila nung pinost. Hindi namamatay yung babae kahit saksakin nila. Hindi lang yan. May iba pa sila video.

"Mark! Tumayo na kayo diyan. Alam ko na kung saang room si Jenny," tawag sa kanila ng isang babae.

Dumaan sa harapan ko yung dalawang lalaki at doon ko nakita kung ano pinapanood nila. May nakita ako babaeng nakadena habang paulit-ulit itong sinasaksak. Nakatakip ng sako ang mukha niya. Bumalik bigla sa isipan ko yung nangyari sa akin bago ako makilala sila Neil.

'Tignan niyo po mga walang halong daya. Kusang gumagaling ang sugat niya kahit paulit-ulit na namin siyang sinasaksak,' hindi ko makakalimutan ang sinabi ng isang lalaking paulit-ulit akong pinapatay.

Nag-umpisang manginig ang katawan ko. Napayakap na lang ako sa aking sarili habang bumabalik sa alaala ko ang pangyayaring yun.

"Apple," tawag sa akin ni Neil. Nang maramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko doon lang ako natauhan.

"Bakit ka umiiyak? Namumutla ka. May masakit ba sayo? May nangyari nanaman ba habang wala ako?" sunod-sunod na tanong niya. Napahawak sa pisngi ko kung saan tumulo ang luha ko. Hindi ko man lang namalayan na umiiyak na pala ako.

Hindi ko alam kung ano sasabihin ko kay Neil. Ayoko malaman niya ang nangyari sa akin noon kaya sa niyakap ko na lang siya at tinago ang mukha sa dibdib niya.

"Hoy! Ano nangyayari sayo? Masama ba pakiramdam mo?" tanong niya.

"5 minutes. Ganito muna tayo please," tugon ko. Pumikit ako at pilit na isinantabi ang masamang alaala ko.

Naramdaman ko ang pagyakap niya din sa akin at ang paghagod niya sa buhok ko. Dahil sa ginawa niya mas kumalma ako.

"Nasaan si Mama Sunny?" tanong ko sa kanya.

"Kausap yung doctor na tumingin sabi. Sabi ko sa kanya hintayin  ko na lang siya dito kasama mo," tugon niya. Bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Salamat," ngiti ko sa kanya sabay talikod.

"Nagugutom nanaman ako," sambit ko agad bago siya magtanong.

"Gusto mo hugasan ko itong apple para may kainin ka?" tanong niya sabay kuha ng apple sa plastic.

"Ako na," sabi ko sabay agaw ng apple sa kamay niya. Tumakbo agad ako patungo sa banyo para hugasan yung apple saka ito kinain habang pabalik ako.

"Neil, alam ba ng Mama mo yung nangyari?" tanong ko.

"Hindi. Sinabi ko sa kanya na hinimatay ka at sinugod sa ospital. Sikreto lang natin yun. Kapag malaman niya yung ginawa natin nung araw na yun sigurado mag-aalala siya," tugon niya.

"Okay," nagthumbs up ako tanda na sang-ayon ako sa sinabi niya.

"Tara na," sabi ni Mama Sunny pagkadating niya.

"Ano sabi ng doctor?" tanong ko.

"Wala daw ako dapat ipag-aalala dahil malakas kang bata," tugon niya.

"Sabi ko naman sa inyo ayos lang ako. Hindi ako basta-basta mamatay. Kaya Mama Sunny wag ka mag-aalala masyado sa akin," nakangiting sabi ko.

"Parang anak na din ang tingin ko sayo. Hindi ko maiwasang mag-aalala sayo."

"Ganyan talaga si Mama. Kung ayaw mo siya mag-aalala, wag ka gumawa ng ikakapahamak mo," singit ni Neil.

"Ikaw din. Ano ba kasi pinagkakagawa niyo nung isang araw? Pumasok lang kayo tapos nabalitaan ko na lang na nasa ospital na si Apple," litanya ni Mama Sunny. Nagkatinginan na lang kami ni Neil.

"Parang gusto ko kumain ng tuyo ngayon," pag-iiba ko ng usapan.

"Hindi pa pala ako nakapamalengke. Mauna na kayong dalawa umuwi. Dadaan pa ako sa palengke."

"Sasama ako," sabay na sabi namin ni Neil.

"Hindi na. Alam ko na pagod kayo. Magpahinga na lang kayo sa bahay," kontra niya.

"Okay po," tugon ko. Pagkauwi  namin ni Neil, dumiretso  agad ako sa higaan.

"Nakakapagod," sambit ko habang nakahiga.

"Papasok ka na ba bukas?" tanong ni Neil. Naupo siya sa study table niya at nag-umpisang magbasa.

"Oo. Wala ka na bang alam na gawin kundi mag-aral?" pansin ko sa kanya.

"Simula noong bata ako iniiwasan ko makipagkaibigan kaya wala ako ibang ginawa kundi magbasa ng novel at mag-aral," pagkukwento niya.

"Kaya pala marami kang libro. Nabasa mo na ba yan lahat?" tanong ko habang nakatingin sa bookselves.

"Oo. Balak ko nga pala pumunta ng bookstore bukas bago umuwi. Gusto mo sumama?" tanong niya.

"Sasama ako," excited na sabi ko.

Kinabukasan, nagtunggo kami sa sinasabi niyang bookstore. Puro secondhand na libro  ang binebenta nila kaya mura lang ito.

Habang natingin si Neil ng libro, tumingin din ako ng pwede ko basahin.

"Deathless Killer," basa ko sa isang libro na nakita ko. Kinuha ko ito upang tignan. Nakuha nito ang atensyon ko dahil sa pangalan ng Author.

"Shirayuki," basa ko sa Author.

"Ano yan tinitignan mo?" tanong bigla ni Neil. Binigay ko sa kanya ang librong kinuha ko.

"Deathless Killer. Gusto mo ba bilhin?" tanong niya sa akin.

"Sana. Pero wala akong pera," sagot ko habang nakasimangot.

"Ako magbabayad. Basta pahiram din ako pagkatapos mo magbasa."

Tinanguan ko siya habang nakangiti. Binayaran na niya ang mga librong napili namin. Dalawa sa kanya at isa sa akin. Natigilan ako sa paglalakad nang  mapansin  ko ang mga teddy bear na nakadisplay sa isang store.

"Gusto mo ng teddy bear?" tanong ni Neil.

"Hindi. May naalala lang ako. May napanaginipan akong pitong teddy bear noong nasa ospital ako. Iniisip ko kung may ibig-sabihin ba yun. Yung nangyari kila Hexa napaniginipan ko din. Nagmadali akong hanapin kayo pagkagising ko. Mabuti na lang nakita ko kayo bago sila mapatay."

Itutuloy..


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top