Extra Chapter "The Puppet Past"

[[[Cyril's POV]]]

"Mom, look nakapasok ako sa Royal 25" Sabi ko at ipinakita sa Mommy ko na kasalukuyang nagluluto ang certificate na nagpapatunay na nasa top 25 ako.

Bata pa lamang ako ay ipinamukha na kaagad sakin ng kapatid ko na ampon lang ako sa pamilya at kahit kailan ay hindi ko makukuwa ang pagmamahal nila Mom at Dad. Buong buhay ko ay ibinuhos ko sa pag-aaral para makuwa ang atensyon nila at maging proud sila sakin.

"Pang-ilan ka sa ranking?" Tanong sakin ni Mom at hindi man lang ako pinagtuunan ng pansin bagkus ay nakapokus pa rin ito niluluto niya.

"Pang-apat po" Masaya kong sabi dahil mahirap makipagtagisan ng talino sa dalawampu't apat pang estudyante lalo na't puro rin ito matatalino.

"Hangga't hindi ka pa nangunguna, h'wag ka munang magsasabi sakin dahil lahat ng kapatid mo ay nangunguna sa klase sa magagandang paaralan samantalang ikaw ay pang-apat lang? Nakakahiya ka" Nagulat ako sa kanyang sinabi, so kahit pala hanggang ngayon ay kulang pa rin pala ang ginawa ko. Hindi pa rin sila satisfy sa ipinakita kong talino at galing.

Naglakad na lang ako papunta sa aking kwarto ngunit nakasalubong ko ang kapatid kong si Cyber.

"Trying to impressed them again? Alam mo h'wag ka na kasing umasa... Ikaw na AMPON lang sa pamilya at nagkulang pa sa talino ay walang lugar sa bahay na ito" Ilang beses ko na itong naririnig kay Cyber ngunit kasing sakit pa rin ito katulad noong unang beses niyang binitawan ang mga salitang iyan... Salitang tumutusok sa aking puso.

"Kung pagsabihan mo ko ng mga ganyang salita ay parang hindi mo ako nakakatanda mong kapatid ah!" Hindi ko maiwasan na magtaas ng boses dahil na rin sa inakto ni Cyber.

"Mas matanda ka sakin, oo. Kapatid? Kailan pa? Magkadugo ba tayo?" Sabi nito at dinuro-duro ang aking noo. Palibhasa ay lalaki siya kaya kayang-kaya niya akong apihin. Napayuko na lamang ako at naluha samantalang siya ay masayang lumabas ng bahay dahil siguro nasaktan niya na naman ako.

***

Lumipas ang mga araw ay mas pinagbuti ko na lamang ang pag-aaral ko at sinusubukan kong manguna sa klase, mahirap man matalo si Ivy sa pagiging top 1 niya ay sinusubukan ko pa rin. It's the only way to make my parents proud.

Sa buong pag-i-stay ko rin sa Royal class ay hindi ako nagpakita ng kahit anong kagaspangan ng ugali, pinipilit na ngumiti kahit nasasaktan na, tumutulong sa mga kaklase kahit nahihirapan ako, nice ang pakikitungo ko sa kanila kahit ayoko naman. Ayoko kasing madagdagan ang mga taong nagagalit sakin at ayoko ng madagdagan ang mga taong nang-aapi sakin.

"Cyril pakopya ako ng research mo about doon sa ipapasa natin kay Sir Leonn" Sabi sakin ni Maggy at kinatikot ang laman ng aking bag.

Kahit labag sa loob ko ay pinagbigyan ko na lamang siya.

"Cyril natapos mo na ba yung paper works na pinapagawa ko sayo?" Tanong sakin ni Lorraine.

"Ah oo nasa bag ko" Sabi ko sa kanya at kinuwa ko sa bag ko ang mga papel at ibinigay sa kanya.

"Salamat Cyril, wala ng bayad 'to ah... Magkaibigan naman tayo eh" Sabi niya at lumabas na na ng aming room, mukhang ipapasa niya na yung paper works na AKING ginawa pero sasabihin niya na siya ang naghirap. Magkaibigan? Magkaibigan nga ba talaga?

Ang kaibigan daw ang mga taong masasabihan mo ng sikreto pero paano ko sila magagawang pagkatiwalaan kung ngayon pa lamang ay alam ko ng ginagamit lamang nila ako. Upang manatili ka sa Royal section, gamitan ang labanan. Pagkatapos mong gamitin ang isa ay yung isa naman. Ang hirap maging mahina, ang hirap maging mabait, at ang pinakamahirap ay ang isiksik ko ang aking sarili sa mga taong hindi naman ako binibigyan ng lugar.

Uwian na at kasabay ko si Mary na umuwi, napalingon ako sa kalangitan at nakita ko ang kalangitan nagdidilim at parang may malakas na ulan na paparating.

"Sige Mary mauna ka na, kukunin ko pa yung payong ko sa Room. Baka kasi abutan ako ng ulan" Sabi ko sa kanya at tumakbo na ako pabalik.

"Sige-sige mag-ingat ka na lang pauwi" Sabi niya sakin ng nakangiti, pero alam ko na kapag nakatalikod siya ay kung ano-anong masasakit na bagay ang kanyang sinasabi sakin.

Pagkarating ko ng classroom ay dapat bubuksan ko na ang doorknob ng pinto ngunit narinig ko ang aking pangalan na para bang pinag-uusapan sa loob.

"Lorraine nauto mo na naman pala si Cyril" Narinig kong tinig at mukhang galing iyon kay Celine.

"Oo nga eh, ang taas ng nakuwa kong marka dahil sa ginawa ni Cyril. Wala na akong ginawa tapos may mataas na grado agad ako sa'n ka pa!" Sagot ni Lorraine at nakarinig ako ng malakas na tawanan.

"Masyado naman uto-uto 'yang si Cyril eh, kaya nga siya binansagan na 'taong plastic ng masa" Sabi naman ni Rain at malakas muling tawanan ang aking narinig.

Masakit marinig sa mga taong tinulungan mo ang mga salitang iyon, walang pinagkaiba sa masasakit na salita na laging sinasabi nila Mom, Dad, at lalo na si Cyber.

"Made in China naman ang pakpak at halo ng babaeng iyon, sipsip pa! Kanina lang ay nakita ko pa siyang nakikipagtawanan sa mga guro at pabida dinaig pa si Jollibee!" Sabi naman ni Edrick.

"Shhh. Hinaan niyo nga 'yang boses niyo, baka nandiyan pa si Cyril at marinig ang pinag-uusapan ninyo" Saway sa kanila ni Ivy ngunit may kasama pa rin itong tawa.

Imbes na kuhanin ko ang payong ko ay naglakad na lamang ako pauwi at sinalubong ang malakas at malalaking patak ng ulan.

Sana ay dumating ang araw na makakaganti rin ako sa lahat ng panlalait ninyo, triple sa sakit na pinaparanas ninyo sakin.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top