Epilogue

[[[ 3rd Person's POV ]]]

"After ng pagkamatay ni David ay agad kami tumakbo palabas, si Charly ang may pasan sakin... Hinang hina ako ng mga oras na yun and my body already want to quit pero sa tuwing nakikita ko si Charly kung gaano siya nag aalala sakin, ginusto ko na ring mabuhay. Hindi para sakin kundi para sa kaibigan... nang makarating kami sa seashore ay may bangkang naghihintay samin" kwento ni Samuel

Ang mga tao naman sa kanyang harapan ay naghihintay sa kanyang sunod na sadabihin at seryosong nakikinig sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni Samuel

"Natatakot ako sa mga sunod na mangyayari pero mabuti na lamang ay sanay si Charly at Lyza sa pag first aid kaya naman napabagal ang dugong lumalabas saking katawan at masaya ko na nakaalis ako sa lugar na iyon..... Nang Buhay" Kwento pa nito at sunod sunod na flash ng camera ang nangyari

"Maraming salamat sa pagbabahagi ng kwento niyo Mr. Samuel" sabi ng isang reporter at kinamayan siya

matamis naman na ngiti ang ibinibigay niya sa mga taong nakapaligid sa kanya ngayon

Lumabas siya sa loob ng restaurant kung san naganap ang interview.

***

Walong taon na ang nakakalipas mula ng nakaalis sila sa islang iyon. Hanggang ngayon ay binabangungot parin siya ng nakaraan, malinaw pa rin sa kanyang isipan ang mga nangyari na pagkawala ng kanyang mga kaibigan

Habang nagdadrive siya ay bigla na lang nagring ang kanyang cellphone, dali dali niya itong kinuwa at sinagot ang tawag

[ Hello Samuel, bibisita ka ba sa kanila ngayon? ]

kilala niya ang boses na iyon, ito lang naman ang kaisa isahang katropa niya na nabuhay sa laro..... si Charly

"Oo eh kayo ba ni Lyza bibisita?" tanong naman ni Samuel

[ Sira! hindi daw makakapunta sa Lyza, alam mo naman... magiging nanay na ]

Natawa naman si Samuel sa narinig dahil hindi niya akalain na mabilis na magkakaanak si Lyza

"Bitter alert! Bitter alert!" natatawa niyang sabi habang huminto dahil nag red light ang stop lights

[ Gago! nasa sementeryo na ko bilisa. mo ah ]

pinatay na ni Samuel ang cellphone niya

***

[[[ POV Samuel ]]]

Kung ano ang nangyari kay Lyza at Charly?..... Naging sila! pero ang happy ending lang talaga nila ay ang makaalis sa demonyong lugar na iyon

Nung simula ng kanilang relasyon ang naging sweet sila sa isa't isa, as in sobrang sweet pero a months and year later parati na silang nag away so decided na ilet go nila ang kanilang mga sarili

Hindi naman naging masama ang desisyon na yun dahil magkaibigan padin sila, Lyza was 1 year happily married na and nitong nakaraan lang ay nalaman namin na she's pregnant. Masaya naman si Lyza kasama ang husband niya

Si Charly? He's now a successful business man, he is starting to make name in business world not just here in our country but in whole world

Nung nag green light na ang stop light ay umandar na ulit ako. medyo nagmamadali din kasi ako dahil after kong bumisita sa mga kaibigan ko ay may book signing akong pupuntahan

This past 8 years ay maraming nangyari, ginugol ko lahat ng oras at panahon ko sa pagsusulat

Nakapaglathala na ko ng dalawang libro na naging best seller which entitled, Death Game: Battle for Lives and Death Game: Don't Fall Asleep... Nag interview pa ko para malaman ang karanasan ng ibang tao. Buti na lamang ay approachable ang mga survivors ng Death Game.

Masyado na kong naging busy sa pag alala ko sa nakaraan, hindi ko napansin na nandito na pala ko sa sementeryo

Nakita ko si Charly na nakatayo sa isang gilid and iritang irita siyang tinitignan ang kanyang relo, sinong hindi diba? late kaya ako sa usapan!

Maraming babae ang napapatingin kay Charly dahil sa angkin nitong kagwapuhan, hindi ko naman sinasabi na panget ako! ang sinasabi ko lang ay lamang lang sakin si Charly ng tatlong paligo!

Kung iniisip niyo na matanda na kami! guys 8 years lang ang nakalipas.... naglalaro lang ang mga edad namin ngayon sa 24- 26 years old.

inayos ko ang suot kong V- neck na damit at pantalon before ako naglakad papalapit sa kanya

" alam mo bang naghintay ako sayo for a couple of minutes" naiiritang sabi sakin ni Samuel, nakakatuwa siya tignan habang naniningkit ang mata niya sa inis

"Late lang ako ng 10 minutes OA naman nito" sabi ko sa kanya while im looking at may G- shock wristwatch

"Time management pare! at ano ba yang relo mo? balak mo bang palitan si ben 10 sa sobrang laki niyan?" galit na sabi niya sakin

"Wag ka ngang KJ! uso kaya to sa kabataan ngayon" pagtatanggol ko, pakielamerong bata pati relo ko nadamay sa inis niya

"ewan ko sayo, kabataan ang sabi mo pero hindi katulad nating nasa 20's na"

"correction! Twen-teens!" sabi ko sa kanya, at ang inis niyangmukha ay napalitan ng halakhak

"Baliw! tara na nga baka mamaya magtransform ka pa sa relo mo.... Grabe talaga kayong mga writer! ang weird ng mga utak niyo" sabi niya sakin at dumiretso naman kami sa puntod ng mga kaibigan namin

Sa paglalakad namin ay nakasalubong namin ang mga taong hindi namin ineexpect na makikita namin sila, nakakahiyang tumingin sa kanila dahil na rin sa hiya

"Oh Charly, Samuel. Kayo pala mga hijo" nakangiti saming sabi ni Mrs. Reyes, Rain's mother.

Hanggang ngayon ay nahihiya parin kami sa kanila dahil hindi namin nagawang iharap sa kanila na buhay ang anak nila

Matamis kaming nginitian ng mag asawang Reyes habang kami ni Charly ay pilit silang binibigyan ng ngiti

"Ano ba mga hijo, hanggang ngayon ba ay naiilang parin kayo samin? Ang lalaki niyo na oh!" sabi samin ng tatay ni Rain at napilitan kaming tignan sila sa mata... They both smiling on us

"Wag na kayong mailang samin, tanggap na namin na wala na ang kaisa isahang anak namin. Nung una aaminin ko nahirapan kami, unico hijo namin yan eh! pero base sa mga kwento niyo, Hindi lang extra ang naging role ng anak ko sa larong yun... Ang laki ng itinulong ng anak ko and that is the the thing that we should be proud of! Masaya ako at kayo ang kaibigan ng anak ko dahil hindi niyo siya pinabayaan at alam kong hindi din kayo pinabayaan ni Rain" sabi samin ng nanay ni Rain at para bang nawalan kami ng tinik sa lalamunan... akala kasi namin ay kami ang sinisisi nila sa pagkamatay ng kanilang nag iisang anak.

"Maraming salamat po" nakayuko kong sabi

"Salamat din, i want to congratulate you Samuel for being a successful writer at balita ko ay nominated ang story mo sa isang prestigious writing awards da ibang bansa. Nakakatuwa lang na ang storya ng buhay namin ay nagamit mo ang storya ng aming buhay upang makarating kung nasaan kaman ngayon" sabi samin ni Mr. Reyes

"Salamat po" nakangiti kong sabi, nagiging comfortable na ulit akong makipag usap sa kanila dahil talagang kaclose na namin dati pa ang mga magulang ni Rain

"Ikaw din Charly, sayang lang at hindi kayo nagkatuluyan ni Lyza pero look at yourself now napaka successful mo at early age" nakangiting sabi ni Mrs. Reyes

"Salamat po"

"Mauna na kami mga Hijo, we are going sa bahay ampunan." Sabi ni Mrs. Reyes, balita ko ay madalas na sila sa mga bahay ampunan to help childrens there. Nung nawala si Rain ay nagfocus ang mag asawa sa pagpapasaya ng mga bata

Naglakad na palayo ang mag asawa at nangiti naman kaming dalawa ni Charly. Yung walong taon naming ginagawang burden ay kami lang pala ang nag iisip, tunay na napakabait ng mag asawang Reyes dahil hindi nila nagawang magtanim ng galit samin

Muli kaming naglakad at nakita namin ang sikat na fashion designer na si Len na nasa puntod ng kanyang anak at inaalayan niya ng isang mataimtim na dasal

Kasama niya ang kanyang asawa, Si April Dickson... ang nag iisang survivor ng unang death game

Hindi ko nga alam kung paano nagclick ang relasyon ng dalawa na yan dahil isang maarteng beki at isang mataray na babae na feeling beki.

Nilagpasan na lang namin ni Charly ang dalawa dahil ayaw namin silang gambalain sa pag aalay nila ng oras nila para kay Judy

Ginawa lang namin ni Charly ang regular naming ginagawa, binibisita namin isa isa ang aming mga kasamahang royals at taimtim na inaalayan ng dasal, this is our only simple to way for continuing to connect into their hearts

Tumagal kami ng dalawang oras sa pagbisita at inabot ng 6:00 pm, dahil nga magpapasko ay mabilis na dumilim ang paligid

"Pano ba yan Samuel mauna na ko, dun lang sa kabila nakapark ang car ko" sabi ni Charly at tumakbo na palayo sakin

"Madaling madali pre wah! man chichicks ba?" sabi ko sa kanya at binigyan lang ako ni Charly ng isang ngiti... baliw talaga! Mayaman na nga kasi, may asim pa! imba talaga!

Habang naglalakad ako at dadaan sa kalsada

Nakatingin lang ako sa phone ko at tinititigan ang mga message, nawala sa isip ko na may book signing ako ngayon

Nabigla ako ng may isang kotse na humarurot saking harapan, as in muntik na kong masagasaan!

"Oh shit!" bulalas ko ng aksidente kong maibagsak ang cellphone ko at muntik na kong masagasaan

Napatingin ako sa mga kabataan na nakasakay sa isang sports car at sa tingin ko ay anim silang nakasakay duon

"Sorry kuya!! woohooo its time to party!" sabay sabay nilang sigaw sakin, mukhang pupunta sila sa isang bar base on their porma... wish ko lang na papasukin ang mga kabataang to

"MGA GAGO! MAG INGAT KAYO SA PAGMAMANEHO!" Hindi ko alam kung narinig pa nila iyon, agad ko naman pinulot ang cellphone ko at dumiretso ko sa kotse ko

Mabilis kong pinaandar ang kotse ko para makahabol pa ko sa Book signing ko

***

[[[ 3rd Person's POV ]]]

"Tang ina pare! ang tagal mo naman diyan! kanina pa tayo iniintay nila Larrah sa bar" naasar na sabi ni Jasper sa kanyang kaibigan na si Joenell

"sandali lang kasi, sasabay daw kasi satin sila Annalyn at Jelly... let's wait for them okay wag atat! hindi tatakbo ang alak palayo sayo" sabi ni Joenell sabay hithit sa sigarilyong kanyang hawak

Bigla naman may tumawag sa cellphone ni Jasper at agad sinagot ng binata ang tawag

"Hello.... ano?!? naflatan ng gulong ang kotse ni Mateo at Mico? ano bang kashitan yan! minsan na nga lang tayo mag party party eh!!.... oh sige daanan na lang namin, sa kabilang kanto lang diba?..... May choice pa ba ko? sige na, i will hang up the phone now... hintayin niyo na lang kami diya John" Sabi ng binata at inis na binaba ang kanyang cellphone

"Badtrip naman oh, sagot ko pa tuloy yung dalawang plastik na yun!" malakas niyang sigaw

"Sorry guys we're late... you know naman, ang hirap tumakas sa parentd namin... so Let's go?" nakangiting sabi ni Annalyn at madaling umupo sa backseat ng kotse, hindi na siya humingi ng permiso kay Jasper dahil wala na man ibang choice ang binata

Umupo na sa drivers seat si Jasper at inistart ang kotse

"So let's start? binigyan ng nakakalokong ngiti ni Jasper ang mga kasamahan and they shared Stared to each other

"WOOOHOOO!" Malakas nilang sigaw pagkasimula ng pag andar ng kotse

"diba dadaanan pa natin sila Mateo? malapit na tayo sa kanto" sabi ni Joenell kay Jasper

"Psh. mga plastik naman yun eh!" Sigaw ni Jasper dahil open yung bubong nung car

"Ano ka ba wag ka ngang KJ! The more the merrier!" sigaw ni Jelly

"Oonga! pakisamahan mo kahit ngayong gabi lang yung dalawang yun" gtong ni Annalyn

"Okay fine! happy now?" bagot na sabi ni Jasper

"Happy!" sabay sabay na sagot ng kanyang mga kasamahan

Sinundo nga nila sa kanto ang dalawang kasamahan, ipapasundo na lang daw nila ang nasira nilang kotse sa driver ni Mateo

"Ano ba yan nakakabagot! buksan mo nga to!" sabi ni Mico at in-on ang radio... sakto naman na tugtog ng barkada nila ang pineplay sa radio

Nagkakasayahan sila at nagsisigaw sa kotse, excited sila sa pagpunta nila sa bar.

"OY JASPER TABI! MAY DUMADAAN!" sigaw ji Mateo ng makita niya ang taong dumadaan na may hawak na cellphone ... busy ito sa pagbabasa ng message

Pero mukhang late na si Jasper dahil hindi na niya ito naiwasan dala na rin ng tulin niya sa pagpapatakbo... Buti na lamang ay nakaiwas ang lalaki

"Oh shit!" bulalas ng taong muntikan nilang masagasa... malayo na sila pero rinig pa rin nila ito

" 1, 2, 3, Go!!! SORRY KUYA!! WOOHOOO ITS TIME TO PARTY" malakas at sabay sabay nilang sigaw pagkatapos nila sabihin iyon ay inalisan na nila ito ng tingin

Masaya lang sila habang tinatahak ang daan papunta sa bar

pagkarating nila sa bar ay meron isang motor at kotse na nag aantay sa kanila

"Ang tagal niyo mga pare!" sabi ni Josh ng makita ang mga kasamahan

"Ano kumpleto na ba tayo? 18 na ba? kumpleto na ba tayo?" sigaw naman ni Ericka sa mga kasamahan

"Oo na lang, wala na kong pakielam! its time to party!" malakas naman na sigaw ni Jasper a5matulin na pumasok sa bar... buti nalang ay kakilala nila ang may ari ng bar kaya malaya silang nakakapasok kahit menor de edad pa lang sila

Masaya silang nagpaparty sa loob ng bsr ineenjoy lang nila ang mga nangyayari

Inom dito, inom duon... inilabas din ni Joenell ang nakatagong marijuana sa kanyang bag

Nagulat na lamang silang lahat ng biglang mamatay ang ilaw sa loob ng bar

"Teka? brown out ba?" tanong naman ni Jelly habang nangangapa sa dilim

Sila lang labing walo ang tao sa bar dahil arkilado nila ito

Nagulat na lamang sila ng may biglang nagsalita na dinig sa buong Bar

"GOOD DAY PLAYERS, DO YOU WANNA PLAY SOME GAME?"

GAME COMPLETE!

~~~~

(AN)~~~> okay yan na po ang epilogue.. walang magagalit guys! next na ang Author's note :))

Hope natuwa kayo sa death game

natapos ko siya ng may 100,000 reads, okay achievement!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top