Chapter 5 "The Start" (Edited)
[[[ P.O.V. Edrick ]]]
"Ano ba to naggagaguhan tayo dito? Laro na lang ba para sa inyo ang patay- patayin ang mga kaibigan natin na kasama natin sa mahabang panahon?" Malakas na sigaw ko sa kanila. Nandito kasi kami halos lahat sa meeting room para pag-usapan ang nangyaring pagpatay.
"Umupo ka nga muna Edrick, huminahon ka" Sabi sakin ni Rain at hinahatak ang Damit ko para umupo. Sa pagkakataon kasi na to ay hindi ko kayang huminahon, hindi ako tanga! Isa- isa kaming pinapatay pano ako hihinahon nun?
"Sino ba kasi sa inyo ang demonyong pumapatay!" Malakas ko ulit na sigaw at tinignan sila isa-isa. Marami sa mga babae ang natatakot ngayon dahil sa inaasal ko pero sa mga lalaki, normal na sa kanila na ganto ang iasal ko kapag galit ako.
"Psh, sino naman ang tangang killer na aamin sa krimen na ginawa niya diba? Ang wala kong kwentang magtanong" Sabi ko at nginisihan sila, malakas kong kinalampag ang lamesa bago ako lumabas.
Pagkalabas ko ay nakasalubong ko pa si Ivy na may hawak na mga folder.
"Edrick bumalik ka dun sa loob" Sabi sakin ni Ivy.
"Para san pa? Para makipagplastikan sa mamamatay tao?" Sigaw ko sa kanya.
"Ano ba!?! Wag ka ngang maging childish sa pagkakataong to! Isosolve natin to ng sama-sama. Gusto mo tong masolve pero hindi ka naman nakikipagtulungan, lahat naman tayo takot eh. Buhay mo, buhay ko, Buhay at kaligtasan ng lahat ang nakataya dito hindi lang sayo" Explain sakin ni Ivy. Gusto ko siyang sigawan o sumbatan pero ayaw makipagcooperate ng katawan ko. Sa huli ay napasunod din ako ni Ivy na bumalik sa meeting room para mapag-usapan at malaman kung sino ang gumagawa ng mga kagaguhang iyon.
Nagusap-usap kami sa meeting room tungkol sa kung paano maiiwasan ang mga mangyayaring patayan.
"Hindi pwedeng umalis ang isa satin ng walang kasama, kailangan meron man lang mga tatlo pataas na kasama para maiwasan natin ang kinatatakutan na pagpatay" Suhestiyon ni Celine na sinangayunan ng lahat. Tama naman dahil kapag kikilos ka lang mag-isa ay malaki ang chance na atakihin ng killer, kapag isa lang ang kasama mo ay baka hindi mo alam na iyon na pala ang killer.
Umalis na kami ng meeting room, medyo pagabi na din naman kaya napagdesisyunan naming na sabay-sabay ng lumabas.
"Tapos nab a kayo sa meeting churbalu niyo?" Sabi nito at mukhang bagong gising lang, natulog lang pala ang gaga sa buong meeting.
"Pupunta ko sa burol ni Geoff at Mary, sino sasama?" Tanong ni Ervin saming lahat.
Sa pagkarinig ko sa pangalan ng kaibigan kong si Geoff ay parang nagflash back sakin lahat ng nangyari sa bar. Andun kaming lahat at kumpleto naman kami, kahit maliit ang chance ng killer na makapatay sa mga oras na iyon... Nagawa niya parin. Sa tingin kong dahilan ay hindi kami aware sa mga nangyayari sa paligid namin kaya maingat niyang nailagay ang lason sa baso ng isang kasamahan naming.
Nakakasigurado naman ako na hindi lang si Geoff ang target nung gabing iyon kundi kahit sino samin, pero bakit niya ginagawa ito? Para maghiganti? Masyado naman cliché at gasgas kapag ganun! Isa lang ang masasabi ko sa taong gumagawa ng krimen. Matalinong tao siya dahil nakagawa siya ng krimen kahit na andun kaming lahat.
"Ikaw Edrick sasama ka?" Tanong sakin ni Charly.
"Ahh Oo! Sige"
Natahimik kaming lahat ng parang may bumagsak sa sahig bakal ito kaya naman tumunog ito sa buong paligid.
"Ano yun?" Medyo natatakot din kaming lahat na nasa loob dahil baka meron na naman kung anong mangyari samin.
Bigla na lamang umusok ang paligid hanggang mabalot na ng putting usok ang kwarto, sinubukan naming buksan ang pinto pero nakalock ito at parang sadya talaga na itrap kami sa loob
"Anong nangyayari!" Sabi ko at pakiramdam ko ay nahihilo ako, bumibigat ang aking mga mata. Ano to? Sleeping gas?
***
Iminulat ko na lang ang aking mga mata at inilibot ang aking paningin, wala na kami sa meeting room bagkus ay nasa isang bus kami. Meron mga iron steel ang nakaharang palabas sa bus na katulad sa mga preso kaya naman parang natrap nadin kami sa loob ng bus.
"Ano to!?!" Nasabi ko na lamang sa aking sarili. Wala man lang akong ideya kung paano kami napunta sa bus na to at hindi maganda ang kutob ko sa mga susunod na mangyayari.
"Guys the Eff! Hey Royal students Wake up! Mamamatay na tayo mga nasa dream land pa din kayo!" Malakas kong sigaw sa loob ng bus kaya naman imposible na hindi sila maalimpungata sa ginawa ko, kinapa ko ang bulsa ko para kunin sana ang phone ko at humingi ng saklolo.... Pero wala! Wala ang cellphone ko!
"A-asan tayo!?! Teka nga, bakit tayo nasa loob ng bus?" Malakas na sigaw ni Maggy pagkagising niya palang.
"Nagroroadtrip tayo teh, baka trip lang natin na ikulong ang mga sarili natin dito sa loob ng bus. Masaya kasi dito eh, rak dito!" Sarkastikong sabi ni Abby sa kaibigan.
"Abby you're insane! Wala na tayong panahon para magbarahan dito!" Malakas na sigaw ni Andy. Marami samin dito na sure ako na nagpapanic pero pinipilit lang nilang ikalma ang kanilang mga sarili para patuloy na makapag-isip ng maayos.
Umaandar ang bus ngunit walang nagdadrive, tanging kami lang na mga royal class ang andito. Ang malala nga ay walang nagdadrive kaya anytime ay pwede na kaming mamatay lahat!
"Shit mamamatay na ba tayo?" Sabi ni Samuel.
"Guys ilabas niyo ang mga phone niyo at itry nating tumawag" Malakas na sigaw ni Ivy, nagmadali naman ang aking mga kaklase na kapain ang kanilang mga bulsa.
"Shit wala yung phone ko!"
"F*ck my phone was missing"
"Wala yung phone ko."
Malakas nilang sigaw ng bigo silang Makita ang kanilang mga cellphone. So tama nga ang hula ko, merong tao ang kumuwa at nagtago ng mga cellphone namin. Merong tao na nagdala samin sa gantong sitwasyon at malakas ang hinala ko na isa siya samin or mas tama na sabihin na isa Sila samin. Hindi naman kasi kami mabubuhat ng isang tao lamang papunta dito sa bus na to in short period of time diba? Merong mga taong gumawa nun.
"Tumalon na lang kaya tayo sa mga bintana?!" Suhestiyon ni Roger, mukhang desperado na talaga siyang makalabas dito.
"Huwag! Nasa maximum speed limit ang takbo ng bus kaya naman imposible na mabuhay ka pa kapag tumalon ka" Sabi ni Celine.
Sa malaking bintana na nasa unahan ng bus ay natatanaw naming lahat ang isang Theme park, Parang plano talaga ng sinasakyan na bus naming na duon dumiretso.
"Shit ayoko pang mamatay!" Sigaw ni Cindy, sino naman ba samin ang gustong mamatay sa gantong way lang diba? Parang ang panget ng death scene naming lahat kapag nagkataon.
Lahat kami ay napasigaw dahil akala naming ay bubunggo kami sa mataas na dingding ng park pero hindi. Pumasok sa loob ng Theme park at bigla na lamang huminto kaya halos gumulong kaming lahat sa loob dahil sa biglaang paghinto.
"Tapos na? Buhay pa tayo? Yes! Buhay pa ko" Malakas na sigaw ni Jaypee.
"Ayos lang ba kayong lahat? Ano? Bababa ba tayo?" Sabi ni Xander habang dahan dahan na tumatayo.
"San naman tayo dadaan?"
"Like duh!? Bakit pa ginawa ang mga bintana na ito?" Sigaw ni Judy kay Will, kahit kalilan talaga ay napakamaldita ng babae na to. Binuksan naming ang isang glass window at doon bumaba, una akong bumaba para maalalayan sa pagbaba ang mga babae.
"Wag kang sisilip Edrick, porke't nakapalda ko sasamantalahin mo na" sabi ni Maggy habang inaayos ang palda niya bago ko siya ibaba. Lahat kasi kami ay nakasuot pa ng school uniform diba nga sa meeting room kami nadukot.
"Buto buto ka nga eh kaya walang makikita sayo, wag ka ngang maarte, di ka chick uy" Sabi ko sa kanya at hinila siya pababa, aarte pa eh!
"Shit! Holy mother father guys!" Sabi ni Charly at nakatulala lamang sa isang direksyon, napatingin kaming lahat sa kanyang tinitignan.
"This is insane!" Sabi ni Maggy habang nakatingin sa saradong gate ng park, tinakbo pa ito nila Trick at tiniginan kung mabubuksan pa ito ngunit bigo sila. Nalock sila sa loob ng park.
Ano na naman bang kagaguhan to? Talaga bang gumagawa ng paraan ang killer para mapatay kami isa-isa?
Isang nagbukas ang T.V. na nakadikit sa dingding ng hotel kaya naman nakuwa nito ang atensyon naming lahat.
"Welcome players in Death Game!" sigaw nung babae na nag-appear sa T.V. Medyo may katandaan na ito at sa tansya ko ay nasa mid 40's na ito.
"Anong gusto mo? Ano naman bang kagaguhan to? Baka nasa prank show lang kami at may biglang sisigaw na nasa 'wow mali' kami?" Sigaw ni Will.
"Sana nga ganun lang yun eh, pero andito kayo sa loob ng park ko kaya lahat ng mangyayari dito ay totoo at walang halong special effects. It's been 20 years simula ng huling beses ko tong gawin... ang laro kung saan buhay ng bawat isa sa inyo ang nakataya"
Nanginginig na ang karamihan samin dahil natatakot na sila sa pinagsasabi ng baliw na to. Ako? Asa naman siyang matakot niya ang isang Edrick!.
"Kalma lang guys, kakampi niyo ko. Andito ako para magbigay sa inyo ng konting mga leads para maituro kung sino ang pumapatay"
"Tulong? Plano mo ngang patayin kami isa-isa, asan ang tulong dun? Nasa killing weapon mo?" Sigaw ko.
"Tapos na ko sa mga pagpatay na yan, napagdaanan ko na yan at nagpapaka-good girl na ko" ngumisi siya ng malademonyo bago niya ituloy ang kanyang sinasabi "Sabihin na natin na makakaalis lang kayo sa park na to kung malalamang niyo kung sino ang gumagawa ng pagpatay... Pero habang tumatagal, I'm pretty sure na pakonti kayo ng pakonti".
Nakinig naman kaming lahat sa kanya
"Kung ako sa inyo ay bibilisan ko na ang paghula sa kung sino ang killer. Dahil malay niyo nasa tabi niyo na pala siya at umaarteng inosente na walang nangyayari pero siya pala ang may pinakamaruming kamay sa inyong lahat... Yan lang ang masasabi ko and have fun inside my park! Titignan ko ang bawat mga kilos niyo. One wrong move at nakakapanigurado ako sa inyo na damay damay ang mangyayari"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top