Chapter 4 " The Bar" (Edited)

[[[ POV Rain ]]]

Pagkapasok ko sa school ay mas marami ang bulungan na aking naririnig keysa sa mga normal na araw. Kahit kami hindi pa din kami nakakarecover sa mga nangyari eh, hindi nga ako nakatulog kagabi sa kakaisip kung ano ang nangyari kay Mary eh.

"Rain totoo ba yung nangyari kay Mary?" Tumatakbong sabi sakin ni Ervin, mukhang ngayon lamang nakarating sa kanya ang balita. Hindi ko naman siya sinagot sa kanyang tanong bagkus ay yumuko na lang ako. Hindi ko din naman kasi ineexpect na mamamatayan kami ng isang kasamahan eh, ang masama pa... Isa samin ang pumatay.

"Rain! Sumagot ka!" Sigaw sakin ni Ervin at napalingon sa direksyon naming ang ibang estudyante.

"Totoo." Maikli kong sagot sa kanya na alam kong nakasakit talaga sa damdamin niya. Since bata kaming mga royalties except kay Jaypee ay magkakasama na kami. Last year lang naman namin naging kasamahan si Jaypee.

"Pero sino? Sino ang may gawa nun kay Mary?" Sabi sakin ni Mary at may namumuo na ding mga luha sa kanyang mga mata. Lahat naman kami pinipilit maging matapang sa sitwasyon naming eh.

"Ewan ko, wala din naman akong ideya kung sino ang gumawa nun kay Mary" Sabi ko sa kanya, Napansin kong marami ng tao ang nakatingin sa eksena na ginagawa naming kaya naman hinatak ko na si Ervin patungo sa classroom namin.

Pero nung kami'y malapit na sa classroom namin ay may natatanaw kaming mga mga Police na nakapaligid dito. Ganyan naman ang role ng mga pulis sa bawat storya eh! Dadating lang kung kelan tapos na, at patay na.

"Ano ba! Papasukin niyo nga kami! Room naming yan eh!" Malayo pa lang kami ay naririnig ko na ang malakas na boses ni Samuel.

"Sir, under investigation pa din po ang lugar na to kaya bawal pa po kayo dito hangga't hindi pa nalilinis at naiimbestigihan ang nangyari sa krimen. Kung gusto niyo pong magka-lead tayo kung sino ang gumawa ng krimen, sumunod na lang po kayo.

"Eh san niyo kami gusting pumunta ngayon!?! Alam niyo ba na kaya ko kayong ipatanggal sa trabaho? Kahit ngayon pa!" Sigaw muli ni Samuel.

"Samuel ano ba!?! Ginagawa mo namang big deal ang maliit na bagay! Gumagawa ka lang ng gulo eh, manahimik ka na lang diyan sa isang tabi at ipaubaya sa mga pulis ang mga mangyayari" Sigaw ni Ivy sa kanya, sa pagsigaw ni Ivy kay Samuel ay sakto naman ang pagdating ng Principal namin.

"Royal students! Lumapit kayong lahat dito!" Sabi samin ng Principal at para naman kaming langgam na nagtipon- tipon sa tabi ng Principal.

"Mom! Anong ibig sabihin nito? Anong ginagawa ng mga pulis sa rom namin?"

"Charly stop your childish attitude! Mababalik din sa inyo yang classroom niyo pagkatapos nila itong imbistigahan. Sa ngayon ay sumama muna kayong lahat sakin sa office at hihingan daw kayo nang statement ng mga Prosecutor.

"But Mom----"

"Charly umayos ka nga!" Sigaw sa kanya ng kanyang mommy, wala naman kaming nagawa lahat kundi sundin ang Principal. Dito ngayon sa pagkuwa samin ng statement, malalaman ang saloobin ng bawat isa para magkaron ng lead kung sino ang maaring killer.

***

"Good morning po" Magalang na bati ni Ivy pagpasok naming sa office.

"Good morning royal rich kids" Bati samin ng Prosecutor nakangisi ito at para bang inaasar kami.

"Tatanungin ko lang kayo ng ilang katanungan, have a seat please" Sabi niya sabay turo sa mahabang couch na nasa tapat niya. Dahil nga dalawampu't apat kami ay hindi kami nagkasya sa couch ay kaming mga lalaki ay tumayo na lamang sa likod ng couch at mga babae ang umupo.

Tinanong niya kaming lahat kung anong oras kaming umuwi.

Sina Ivy, Roger, Geoff, Judy, at Abby ay may perfect alibi daw dahil sabay- sabay silang umuwi ng 3:45 PM. Dahil daw malapot na dugo pa an gaming nadatnan ay imposibleng gumawa ng krimen sa gan'tong oras dahil paniguradong matutuyo na raw ang dugo nun at iba na rin ang kulay ng katawan ni Mary.

Sina Lorraine, Cindy, Lyza, Liza, at Cyril naman ay sabay sabay umuwi ng bandang alas- kwatro. May mga witness din silang mga estudyante dahil eto din ang oras nang labasan ng mga regular students.

Si Ervin, Edrick, Samuel, at Charly naman ay nakauwi ng bandang 4:15. Pumunta daw silang SM para mag-arcade at magpustahan at patunay na dito ang malaking teddy bear na nakuwa ni Samuel galing doon.

"After niyong mag-mall, bumalik pa kayo sa school?" Tanong sa kanila ng Prosecutor.

"Of course hindi na! Wala na din naman kaming gagawin eh, tsaka bandang 5:00 na kami nakauwi at kung bumalik man kami tapos na! patay na nun si Mary!" Sagot naman ni Edrick sa kanya.

Si Trick naman at David ay umuwi na ng bandang 4:20 dahil nakipagkwentuhan pa sila kanila Celine before umuwi.

"So lahat naman pala kayo ay may mga alibi dahil meron kayong mga kasama lahat at nagpapatunay na wala talaga kayong kasalanan"

"Prosecutor malay niyo naman hindi lang isa samin ang gumawa? Malay niyo grupo o pares sila? Pwedeng dalawa, tatlo, apat, o baka lima. Kasi diba kapag marami ang kumilos, mabilis maisasagawa ang pagpatay diba?" Makatwirang sabi ni Ivy.

"So sinasabi mo bang marami ang gumawa ng krimen?" naguguluhang tanong ni David sa kanya.

"Ewan. I use the word 'malay' so ibig sabihin hindi ako sigurado" Sabi ni Ivy at biglang ngumisi.

"So kayo na lang na witness sa krimen ang maaring gumawa ng pagpatay" Sabi nung Prosecutor.

"Are you crazy? We are the WITNESS here at hindi mga suspect" Maarteng sabi ni Maggy at inemphasize niya talaga ang word na witness. Totoo naman kasi eh, lahat nga kami ay hindi makapaniwala nung nakita naming na patay na si Mary.

"I use the word 'Maari' so meaning, I'm not sure" Ginaya pa ng Prosecutor si Ivy nung sinabi niya iyan.

"Okay fine, masasabi ko na isa ako sa mga huling nakasama ni Mary dahil kami ang naghatid sa kanya patungo sa bedroom, pero after naming ihatid si Mary sa bedroom ay iniwan na naming siya at pumunta kami sa Lobby. Kakwentuhan at kakulitan ko pa sina Andy, Xander, Celine, Will at Jaypee nung mga bandang 4:15 hanggang 4:30. Kung hindi nga lang namin narinig na sumigaw si Rose ay hindi naming malalaman ang nangyari. So ako na ang nagsasabi na may alibi din kami nila Jaypee, Andy, Celine, Will, Xander, at ako dahil hindi kami naghiwa-hiwalay." Mahabang sabi ni Maggy upang ipagtanggol ang kanyang sarili. Halata na din sa mukha niya na naiinis na siya sa Prosecutor sa sobrang dami ng tanong.

"So sinasabi mo ba na kayong anim ay magkakasama na simula 4:15?"

"Oo naman!" Sabay-sabay nilang sabi.

"So, ang sinasabi mo ba ay si Rain at Rose lang ang hindi niyo kasama ng mga oras na yun?" Sabi ni Prosecutor at ibinaling niya ang kanyang tingin saming dalawa ni Rose, ganun din ang aming mga kasamahan.

Hindi ko naman hahayaan na maagrabyado ako dito dahil wala naman talaga akong kasalanan.

"Hey I also have an alibi! Nasa Playroom ako between 1:00PM – 4:30PM dahil nakatulog ako, kahit itanong mo pa kanila Edrick 4:15 sila umalis diba?" Tumingin naman ang Prosecutor kanila Edrick at binigyan lamang siya ng tango ni Edrick. Tch! Akala niya naman nagsisinungaling ako.

"Totoo yun! Eto oh yung cellphone ko" Sabi ni Edrick at iniabot ang kanyang cellphone kay Prosecutor "Andyan yung video ni Rain habang natutulog siya at ginagawan naming ng mga pranks, kahit tignan mo pa yung date kung kelan ko yan vinideo" Sabi ni Edrick at napatango na lang ang Prosecutor.

"See? Hindi ako nagsisinungaling! Nadatnan din ako ni Will sa Playroom dahil siya ang gumising sakin" Sabi ko at um-oo din si Will.

"Meaning ikaw na lang Rose ang walang alibi" Binigyan naman siya ng nakakalokong ngiti ni Prosecutor. Mukhang confident naman si Rose dahil hindi man lang ito kinakabahan.

"So ako ang pinagbibintangan mo? Para lang sa kaalaman mo ah, nasa kitchen ako dahil gumagawa ako ng cake na ipanreregalo ko sa nalalapit na birthday ni Roger" tumango naman si Celine bilang suporta sa statement ni Rose.

"Paano ka naman napunta sa loob ng bedroom?" Tanong ng Prosecutor. Gusto ko na sana siyang suntukin sa dami niyang tanong eh, kating- kati na ang kamao ko!

"Of course kaibigan ko si Mary, umakyat ako nung bandang 4:25 para icheck kung okay na ang pakiramdam niyal. Kung ako ang paghihinalaan mo, paano ako gagawa ng krimen sa loob lamang ng limang minuto? Hindi din naman ako ganung Katanga at kadesperada na pumatay ng kaibigan ko para lang takutin ang iba" Naiiritang explain ni Rose.

"Fine, mukhang mahihirapan ako sa kaso niyo ah at mukhang matatagalan bago mabigyan kasagutan at hustisya ang pagkamatay ni Mary. Papapuntahin ko na lang kayo sa office ko kapag meron pa kong mga tanong. Thanks sa mga oras na binigay niyo para dito and condolence na lang sa nangyari kay Mary" Sabi niya samin at nagpaalam kay Principal bago umalis.

"Pigilan niyo ko! Pigilan niyo ko! Sobrang nakakabwisit yung lalaki na yun!" Sabi ni Will

"Go on! Suntukin mo na! Walang pipigil sayo dahil I'm sure lahat ay galit dun" Sagot sa kanya ni Andy.

"Principal may I ask kung san kami magkaklase hangga't hindi pa tapos ang imbistigasyon ng mga pulis?" tanong ni Ivy.

"Dun muna kayo sa Vacant room sa 4th floor ng regular building"

"Mom! Gusto mo pumasok kami sa regular building? Heck NO!" Iritableng sabi ni Charly.

"Nasa inyo naman ang desisyon kapag kung papasok kayo or not. Hindi naman kasi ako ang mawawala sa Royal 25 kundi kayo. Gusto niyo bang bumagsak?" Sabi ng nanay ni Charly, kaya naman natahimik ito.

At the end, we decide na wag na lang pumasok ngayong araw para makapagpalamig sa mga nangyayari na kagaguhan samin ngayong araw.

***

[[[ 3rd Person's POV ]]]

Dahil sa inis nila sa mga nangyari ay pumunta na lang ang buong royal class sa isang bagong bukas na bar malapit sa kanilang skwelahan. Tinatamad na din naman silang magkakaklase at wala na din naman sila sa mood.

"Nakakabadtrip yung Prosecutor na yun, saksakan ng hangin. Ang lakas ng loob na makielam sa sitwasyon natin... Hindi niya ba tayo kilala? Hindi niya ba kilala ang mga magulang natin?" Naririnig kong sinasabi ni Samuel na nasa likod lang namin.

"Kalimutan na nga lang natin yung mga nangyari, wag natin gawing badtrip ang mga sarili natin ngayong araw. Parteh parteh na lang tayo!" Malakas na sigaw ni Will at tumakbo papasok ng Bar. Kumuwa sila ng VIP Room dahil ayaw nilang may makasama silang ibang tao at sa tingin nila ay mas maganda kung sila-sila na lang ang magkakasama.

Pagpasok nila sa VIP Room ay kanya-kanya ng kuwa ng drinks at beverages. Sila din ang naghahalo ng drinks nila para mas lalo itong maging masarap sa kanilang mga panlasa. Hindi nga nila napapansin ang nangyayari sa paligid nila dahil puro lang sila pagsasaya. Basta kuwa lang sila ng kuwa ng drinks

Ganyan ang Royal Class kapag walang taong nakapaligid. They are Living wild yound and free.

Sa gitna ng kasiyahan nila ay nagulat na lamang sila ng biglang bumagsak ang katawan ni Geoff sa sahig.

"Geoff ayos ka lang ba? Ano may tama ka na ba?" Binibiro pa ito ni Will at malakas na tumawa mag-isa.

"H-hindi a-ako ma-makah-hinga" Nauutal na sabi ni Geoff habang hawak nito ang kanyang dibdib at gumugulong-gulong sa sahig at para bang may iniinda na kung anong sakit.

"Itayo niyo si Geoff! Xander luwagan mo yung sinturon niya para makahinga ng maayos, Celine kumuwa ka ng tubig... Yung iba please dumistansya kayo para pumasok ang hangin." Sigaw ni David at lumayo naman kaming lahat. Itinayo naman ni Roger si Geoff at inilagay sa isang seat.

"GEOFF! GEOFF!" Sigaw ni Maggy ng bigla na lamang bumula ang bibig ni Geoff at nawala na rin ang itim sa mga mata nito. Bumagsak ang katawan ni Geoff sa sahig at nangisay ngisay ito.

"G-Geoff?" Natatakot na sabi ni Cindy, hinawakan nito ang pulso ni Geoff at pinakinggan din ang tibok ng puso nito. After nun ay bigla na lamang itong umiyak dahil hindi na gumagalaw ang katawan ni Geoff.Pumunta naman si Ivy sa gawaan ng drinks at chineck ang buong lugar, nagulat siya sa kanyang nakita.

"Ethylene Glycol? Sino ang may dala nito? SINO!?"Sigaw ni Ivy ngunit nakatahimik lang ang kanyang mga kasamahan at parang takot na takot magsalita. Itinaas nito isang bote na may laman na parang tubig lang.

"A-ano yan?" Nagulat at naguguluhan na tanong ni Andy. Marami kasi sa kanila ang hindi alam ang bagay na hawak ni Ivy.

"Ito ba? Lason to! Kapag hinalo mo to sa mga drinks ay nakakamatay ito" Sigaw ni Ivy.

Inexamine naman ni Xander ang walang buhay na katawan ni Geoff. Kagaya nung kay Mary ay meron din siyang sulat na nakuwa sa bulsa nito.

"2 down... 22 to go. I'm one of you guys. If you don't kill me, the killing won't stop. I'm the killer but who Am I? If yesterday was a bloody death scene, today is a bloodless death scene. Be careful guys, I know that you know that I can play all your lives. I'm believing that royal section was bunch of smart people so I'm believing that you can solve who am I"

Pero may isa pang letter ang nakita nito sa bulsa ni Geoff. Ang nakakapagtaka din ay ang code na nakita ni Xander at Rain kahapon nung namatay si Mary ay iyon din ang code ang nakita nila ngayon.

"ZKEPCZKEHVHKY OCYIXL"

"Kung sino ka man... Bakit? Bakit mo to ginagawa?" Sabi ni Ivy at nabitawan ang bote na kanyang hawak, Napaupo siya sa sahig at hindi niya napansin na isa-isa na palang bumabagsak ang kanyang mga luha.

Ano nga ba ang kasalanan nila? Bakit ginagawa ng killer na miserable ang mga buhay nila... The make their lives like a HELL!


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top