Chapter 39 "Decoding the Code" (Edited)
3rd Person's POV
Pagkalabas nila sa elevator ay bigla na lamang napaupo sa sahig si Lyza sa lapag at nag-iiyak, siguro marahil ay hindi niya kinaya ang mga nangyari sa loob ng elevator. Sino nga naman ang mag-aakala na isa si Ervin sa gumagawa ng pagpatay.
"Lyza, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Charly sa kanya, kaibigan niya si Lyza at taon din ang pinagsamahan nila kaya naman nag-aalala siya para dito.
Napahinto ang lahat at napatingin kay Lyza, sinenyasan naman ni Charly ang kasamahan na umalis na sila at siya na ang bahala kay Lyza.
"Ayos? Hindi ako okay! Namatay na halos lahat ng kaibigan at kaklase ko tapos tatanungin mo ko kung ayos lang ako?!" Sigaw ni Lyza, talagang nababalot na ng takot ang kanyang puso kaya naman nagawa niyang sigawan kahit si Charly.
"Everythings that happen on us have a reason and im sure of that" Sabi ni Charly sa kaibigan at inalalayan itong tumayo.
"Anong reason? Tang ina naman anim na lang tayong nabubuhay! H'wag kang tanga! mamamatay tayong lahat!" sigaw ni Lyza.
"Wag kang mag-panic okay? it doesn't help at all. All you need to do is trust me, I will make sure that i will help you to leave this fucking island no matter what happen, okay?" Sabi ni Charly na nakapagpabago ng ekspresyon ni Lyza.
"Stand up there, don't show the weak Lyza, you should be strong. If you feel blue and down, I'm always at your back and I will help you to fade the loneliness in your heart" sabi ni Charly habang itinatayo niya si Lyza.
Napayakap na lamang si Lyza kay Charly.
"Please hayaan mo kong umiyak sa huling pagkakataon, eto na ang huling beses na magiging mahina ako" Sabi nito sa pagitan ng kanyang mga hikbi.
Yinakap naman siya pabalik ni Charly upang iparamdam kay Lyza na hindi siya nag-iisa, hindi niya kailangan solohin ang mga problema. Sama-sama silang napunta sa demonyong lugar na iyon kaya sama-sama din silang lalaban para makaalis dito.
***
[[[ POV Lyza ]]]
Matapos akong komprontahin ni Charly ay nagtungo ako sa kwarto ni Ervin, gusto ko kasing malaman kung bakit niya nagawa ang bagay na iyon? Ano ang malalim na pinanghuhugutan niya sa paggawa ng mga pagpatay?
Hindi naman sa pagbabayani pero gusto kong makatulong sa mga kasamahan ko at hangga't maari gusto kong maintindihan ang bawat isa. Sawa na kong tumakbo, sawa na kong kumapit sa mga kaibigan ko kapag nahihirapan ako. Oras na ngayon para tumayo ako sa sarili kong paa.
Buti na lamang at hindi naka-lock ang kwarto ni Ervin kaya naman agad akong nakapasok. Masasabi kong isa itong tipikal na kwarto ng lalaki dahil sa gulo at wala sa ayos na mga gamit.
May isang notebook agad ang pumukaw ng atensyon ko na nakapatong lamang sa kama.
Binuklat ko ang unang pahina nito at mukhang diary ito ni Ervin, ang panget ng handwriting niya pero kung gusto ko talaga siyang intindihin ay dapat mabasa ko ito.
Dear Diary,
Dumating na naman ang pasukan kung saan makikita ko na naman ang aking mga kaklase. Mahirap para sakin na Makita ang kuya ko na naghihirap sa isang mental hospital at ako naman ay nakikipagsaya sa iba. Na-e-enjoy nga ba ako diary?
Hindi naman ako naiintindihan ng lahat, magkakasama lang naman kaming royal class sa sarap pero sa hirap... Mga nawawala na sila, mga Peke!
Diary, ngayon ko lang nalaman na sobrang sasama talaga ng ugali nila. Kanina kasi ay inutusan ako ni Ivy na bumili ng pagkain para sa gagawin namin group study.
Akala ko ay magiging ayos naman ang lahat ngunit nung pabalik na ako ay narinig ko silang nag-uusap
"Ang uto-uto talaga ni Ervin noh?" Sabi ni Judy at tumawa ang lahat
"Sinabi mo pa! Ang kitid ng utak! Nagtataka nga ako kung bakit nasa Royal Class 'yun eh!" Sabi ni Ivy. Ang makarinig ng masasakit na salita galing sa mga kaibigan ko ay parang karayom na tumutusok sa katawan ko na unti-unting ibinabaon.
Kahit anong gawin kong kabutihan ay meron pa rin silang masasakit na komento. Nagpatay malisya sila noong dumating ako Diary pero hindi nila alam na alam ko ang mga sinabi nila. Para sa kanila isa akong uto-uto at sunud-sunuran.
Nang mabasa ko ang Diary Entry na 'to ay parang may kung anong kumirot sa dibdib ko. Hindi ko inaakala na sa mga simpleng ginagawa naming panloloko at pagsasalita ng masasakit na bagay ay nakakaapekto ng malaki sa ibang tao
Binasa ko pa ang ibang entry sa diary niya at habang binabasa ko ay nararamdaman ko ang lumalalim nag alit sa amin ni Ervin
Dear Diary,
Kanina ay sama-sama kaming nag-research sa Laboratory about sa ginagawa naming experiment. Kasama ko si Jaypee, Rain, Xander at Will. Pakiramdam ko Diary na nakakalimutan ako ng bestfriend ko kapag katabi niya ang malalapit na tao sa kanya.
Habang ginagawa namin ang research ay hindi sinasadya na nabasag ni Jaypee ang ibang gamit. Si Will at Xander naman ay nasira ang ibang apparatus dahil sa kanilang kaharutan.
"Aayusin natin 'to guys ah! Walang laglagan!" Sabi ni Jaypee samin.
Sinubukan namin gawan ng paraan pero nakarating agad ang balita sa mga Science teacher.
"Mga royal students pa naman kayo pero ginawa niyo lang playground ang Lab! Kung ayaw niyong ipatawag ko ang mga parents ninyo at magkaroon kayong records sa school. Sino ang may gawa nito"
"Si... Ervin po" Isang tao ang nagsalita. Sa hindi ko pa inaasahang tao, sinong mag-aakala na bigla niya akong ilalaglag kahit wala akong kasalanan. Wala naman akong nagawa kun'di akuin ang mga kasalanan dahil lahat sila'y sa akin isinisi ang nangyari.
Masamang-masama ang loob ko no'n kay Rain pero wala man lang akong narinig sa kanya na 'Sorry' dahil bigla niya akong inilaglag. Masaya pa nga siya dahil nalusutan niya ang problema na sila naman talaga ang may gawa.
"Good luck Ervin malulusutan mo naman 'yan!" Sabi sakin ni Jaypee. Gano'n na lang iyon?
Napagalitan ako ng parents ko noong gabing iyon.
Ayoko man sabihin ito pero ayoko na talaga sa klase namin. Balang-araw ay makakaganti rin ako sa kanila.
Marami pa akong entry na nabasa at puro galit ang laman nito patungkol sa amin. Ganoon pala kami kasama. Ganito pala ang naging kalakaran sa buong royal class... Sa mata siguro ni Ervin ay deserving kami sa mga nangyayari samin. Sorry. Yan na lang ang tanging bagay na naiisip kong gawin sa kanya... ang mag-sorry sa lahat ng bagay na nagawa namin.
[[[POV Judy ]]]
I should make my move now. Kung hindi pa kami kikilos lahat kaming nandito ay mamamatay.
Habang inaalog ko siya ay bumagsak ang isang bagay na nakalagay sa bulsa ng pants niya.
Letter X yan yung isang keyboard piece na napulot niya nung namatay si Andy. I know na parang isang simpleng bagay lang 'to. Pero para sa sitwasyon, lahat ng bagay na parang kakaiba may konekta, lahat may silbe! Just use your senses and all secrets will be reveal.
Kung meron isang letter, I'm pretty sure may konekta ang keyboard dito. Ang isang tanong lang, paano ito nagawa ni Andy? Iba si Andy at iba ako, kung siya nadalian sa pagkuha sa code. Ako hindi, kailangan ko pang tignan sa lahat ng anggulo ang mga bagay-bagay.
"Judy, hindi mo man lang ba titignan sa huling pagkakataon ang bangkay ni Rain?" Nagulat na lang ako ng biglang nasa harap ko na si Edrick, buti na lang mabilis ang galaw ng aking kamay kaya naman naitago ko ito sa aking bulsa ng hindi napapansin ni Edrick.
"Nah, baka kapag nakita ko lang ulit ang walang buhay ni Rain baka mas panghinaan ako ng loob. Kahit wala na siya, I should move forward" Sabi ko sa kanya, ayoko ng umiyak ulit. I want to stand now on my own and solve this fucking mystery.
"Alam ko naman na ikaw ang pinakamatagal na nakasama ni Rain kaya naman I'm pretty sure that your deeply in pain inside but I'm pretty amaze on you, Lumalaban ka kasi eh! Your a strong woman Judy and you deserve to leave on this place" Sabi niya sakin bago niya ko iniwan, Eh strong woman? Ano bang pinagsasabi nito.
I want to ask him per mabilis ding nawala si Edrick sa aking paningin.
Habang nakatulala ako ay nadaanan ako nila David at Samuel na buhat buhat ang bangkay ni Abby. Bakas sa kanilang mga mukha ang lungkot, sinong hindi malulungkot? Apat na tao ang nalagas samin.
Who would expect na si Ervin ang killer 'diba? He even killed his own bestfriend. What a fucking bastard!
I headed to Operating room ng elevator, eto lang kasi ang room na may computer. Paano ko nalaman? Noong mga panahong naglilibot kami ay kinabisado ko ang bawat facilities ng hotel na ito so alam kong Operating room lang ang tanging may computer sa hotel na ito.
May hinala rin naman ako na dito nangyari ang pagpatay kay Andy at Rose eh pero I'm amaze sa mga killers because they killed someone at walang nakakapansin nito.
Pagkatingin ko sa keyboard, Tama nga dito nga nanggaling ang Keyboard piece na 'to. Kulang ang letter X.
Pero paano? paano ko 'to gagawin?
Tatlong killer pero meron pa ring isa ang hindi namin kilala. Kung babalikan ko lahat ang mga pangyayari.
Meron pa kaming hindi kilala.
"ZKEPCZKEHVHKY OCYIXL"
Siya na lang ang killer na hindi namin kilala! Ang tanga lang namin, siya ang unang killer na nagparamdam samin, siya ang unang nagbigay ng Clues. Pero kahit ngayon ay wala pa rin kaalam alam kung sino siya.
Kung pagbabasihan ang lahat ng nangyari. Mayroong 25% nachance ang bawat kasamahan ko na siya ang killer.
Charly
Samuel
Edrick
David
Tinanggal ko na sa listahan si Lyza dahil I'm sure na hindi siya isa sa mga killer dahil talagang gaga lang siya kaya niya pinatay ang kanyang kapatid.
Apat na lalaki 'diba? Tang ina! Sino sa kanilang apat ang killer? Mahirap magturo, lahat sila ay puro good sides lang ang pinapakita.
Etong code na 'to! pag nadecode ko 'to, malalaman ko din kung sino ka, mai-aalis ko din 'yang Maskara na suot mo na nakarugby sa mukha mo dahil sa hirap alisin.
I just looking at keyboard and looking on it's all angle, but How?
Sana kasing talino ako ni Andy, she had a great skills on solving mysteries kaso nga lang ang boba niya dahil nalaglag siya sa laro.
"Keyboard tae ka! Turuan mo naman ako oh" malakas kong sigaw, nararamdaman ko na kasi na malapit na siya.
Yung killer? Alam kong ang mga mata niyan ay nasa akin at kay Charly lang Because kami nalang dalawa ang natitira na sumo-solve sa misteryo. Syempre kung ako yung killer uunahin ko man yung mga sagabal hindi ba? Mas maganda kung mga bobito at bobita ang matira dahil alam mo na panalo ka na.
By looking at keyboard and monitor, hindi ko pa rin malaman kung ano ang aking gagawin
Pwede bang buhayin na lang si Andy at tulungan niya ko? Eto na ko eh! Isang kembot na lang alam ko na ang identity ng killer eh! Kaso nga lang Maldita lang ako at hindi magaling sa mga ganitong bagay.
Kung mga academics questions pa 'yan I'm pretty sure masasagot ko to eh, pero hindi! Ang kailangan dito utak! It's all about how I am going to solve the logic question.
I just look clearly sa keyboard then napansin ko na parang may mali. Ang missing part ay nasa letter B part ng keyboard. Ang X diba ay dapat katabi ng Z sa may left part? Pero bakit naiba?
Eto na yun eh! I'm pretty sure na there's a logic behind this! Isang mali na to ng killer, dahil sa pagkakamali niya na 'to ay malalaman ko na kung sino siya.
May isang bagay lang akong naisip kung bakit ganito ang ayos ng keyboard At I'm pretty sure na ganito ang ginawa ni Andy.
tinanggal ko isa- isa ang mga letter sa keyboard then in-arrange ko sila ng Alphabetical order.
Q = A
W = B
E = C
R = D
T = E
Y = F
And so on, ganyan ko inayos ang keyboard then inalala kong mabuti ang code na ibinigay ng killer. Maldita ko pero hindi ako tanga para hindi ito maalala, hindi ako kagaya ng iba diyan na shushunga-shunga.
"ZKEPCZKEHVHKY OCYIXL"
Kung saan nakalagay yung code at nakapwesto sa keyboard ay iyon ang pinipindot ko.
Habang tumatagal ay may mga salitang unti-unting lumilinaw. Napangiti ako ng napalabas ko na ang mga salita na magtuturo kung sino ang salarin sa mga nangyaring pagpatay.
Napangiti na lamang ako dahil sa tagal niyang nagtago ay isang simpleng code lang pala ang kanyang ginamit. Siya ang taong nagbigay samin ng unang clue at nagparamdam saming lahat pero siya pa ang huli kong nakilala.
Nakarinig ako ng malakas na pagbukas sa pintuan. Shit! Nakalimutan ko palang ilock ang pinto!
Nakikita ko siya ngayon na nakatayo sa aking harapan. He's smiling at me. Nakikita ko ang mala-anghel niyang mga ngiti. Sa pagkakataon ngayon ay hindi na ko maloloko ng kanyang mga ngiti dahil alam ko na ang totoo.
This time it's a battle of a Maldita queen and the mastermind. Ikaw na ngayon ang aming papatayin dahil tapos na kaming makipaglaro sa dalawa mong puppet.
He's holding his stunning knife not just one but two stunning knife.
Ngayon pa ba ko matatakot kung kelan nakarating na ko sa dulo? Ngayon pa ba ko susuko?
Ang kailangan ko lang naman gawin is makatakbo palabas ng operating room then inform the other survivors kung sino talaga ang killer.
But I think mahihirapan ako this time dahil compare sa katawan ng lalaki. Mahina talaga ang babae, ang kaibahan lang namin ay may matulin ang aming flexes kaya naman I will use that as my advantage.
Binunot ko ang ballpen sa aking bulsa. Hindi ito basta-basta ballpen dahil kapag pinihit mo ito at binuksan ang loob nito ay may kutsilyo ito. In short this is a pocket knife.
Binend ko ng bahagya ang aking dalawang paa and open my arms na para bang handang-handa sa kanyang sunod na gagawin.
Ang tapang-tapangan ko na lang ngayon ang maasahan ko dito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top